Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

00


PROLOGO

"We are the main characters of our own story."

Iyan ang palasak na paniniwala ng ibang tao— 'yong mga taong madaling nakukuha ang mga bagay na naisin, mga taong mayroon ng mga bagay na pinapangarap ng iba kahit hindi nila hilingin at 'yong mga taong hindi kailangang maghirap o magdusa bago makamit ang saya.

Sila iyong mga taong nabubuhay sa totoong mundo sa paraang katulad ng mga bida sa kwentong nababasa natin sa libro o napapanood natin sa telebisyon.

Masaya. Masarap. Maginhawa.

Ngunit paano naman 'yong mga taong kailanman ay hindi pinapaburan o kinakaawaan man lang ng mundo?

Paano kami?

Paano ako?

Am I really the main character of my own story?

Dahan-dahang tumulo ang luha mula aking mata kasabay ng pagsagot ko sa sarili kong tanong. "No. I have never been."

Buong buhay ko, hindi ko manlang naramdamang maging bida. 'Ni hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses kong naramdamang sumaya.

I'm just always an extra.

Sa bilis ng pagyayari, wala akong nagawa kung hindi pagmasdan ang sasakyang palapit at hintayin itong tumama sa'kin. Nakahiga ako sa gitna ng kalsada pero bago ko pa man maramdaman ang sakit ng mabilis na pagkabangga sa'kin ng sasakyan, tuluyan akong nawalan ng ulirat.

Sa unti-unting pagdilim ng paningin ko, wala manlang takot o kabang gumapang aa dibdib ko.

Tanggap ko na kung dito na 'to magtatapos.

Magpapasalamat pa ako...

Pero nagising ako. Natagpuan ko ang aking sarili sa isang hindi pamilyar na lugar at sa loob ng ibang katawan. Isang hindi ko kilala ngunit pamilyar na tao.

"A-anong pangalan ko?"

"Jeanette. Jeanette Lebony ang pangalan mo. Wala ka bang maalala? Anak, anong nangyayari?"

"Kami ang mga magulang mo. May masakit ba sa 'yo?"

Jeanette Lebony.

Pamilyar 'to sa aking pandinig, hanggang sumagi sa isip ko ang isang karakter sa nobelang nabasa ko. Isang maganda, mabait at matalinong babaeng nagmula sa mayamang pamilya.

Imposible! Nasa libro ako? Papaanong napunta ako rito? B-bakit?!

Kung iisipin, natupad lahat ng pinapangarap ko. Kaya ko nang makuha o mabili lahat ng gusto ko, may mga tagapagsilbi ako, may magagandang damit, masasarap na pagkain, maraming tao ang nagmamahal sa akin at higit sa lahat mayroon akong masaya at kompletong pamilya.

Ito ang mga bagay na hindi ko kailanman naranasan noon bilang si Liane.

Mayroon ako ng lahat ng pwede kong hilingin—— meron na ako ng mga bagay na dati kong hinihiling.

Masaya't perpekto ang lahat sa katawang ito. Pero alam ko ang takbo ng nobela kung nasaan ako.

Hindi si Jeanette ang bida.

Tulad dati, hindi ako ang bida.

I'm just a side character, an extra who was destined to die young. Ang mangyayari sa 'kin bilang si Jeanette ay halos walang pagkakaiba sa nangyari sa akin noon.

Mauulit lamang ang kapalarang naranasan ko noon at bilang ibang tao lamang, ang maging ekstra sa kwento ng iba. Ang mamatay nang hindi nararanasang maging bida ng sariling buhay—

Pero...

Hindi!

Hindi pwede. Ayoko na. Pagod na 'ko.

"I will change my fate."

Sawang-sawa na ako sa pait at sakit ng buhay kaya wala akong balak na maranasan ulit ang parehong bagay.

"Lady Jeanette!"

Mabilis akong tumakbo.

Kailangan kong umalis sa lugar na ito. Dahil dito... dito ako nakatakdang mamatay at ngayon ang araw na iyon.

"Hindi ako pwedeng mamatay!"

Dahil alam ko ang magiging takbo ng kwentong ito, kailangan kong gumawa ng paraan para baguhin ang aking kapalaran. Hindi ako pwedeng mamatay sa pangalawang pagkakataon.

"Marry me!" malakas kong sigaw pagkatapos makapag-ipon ng lakas ng loob.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at mabibigat ang bawat hakbang na ginawa. "Do you even know who I am?"

"D-dapat ba kilala kita? N-nagka-amnesia ako. Tama! Nawala ang ilan kong memorya kaya hindi kita maalala. P-pero kahit na. Marry me!"

Kailangan ko ng dahilan para makalayo sa taong maaaring pumatay sa akin. Kung pagpapakasal sa ibang tao ang tanging daan, kailangan kong gawin ito.

Kailangan ko lang ng sapat na oras.

"Bakit naman gusto mo akong pakasalan?"

"D-dahil... Na-love at first sight ako sa 'yo! Niligtas mo ako kaya nagkagusto ako sa 'yo," sagot ko at saka ngumiti para mas lalo siyang makumbinsi, pero mukhang hindi ito umobra sa kanya.

"I helped you because I have no choice, not because I want to. Besides, you don't know anything about me. Nor my face."

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Walang silbi kung gagawa ako ng kung ano-anong palusot.

Tinitigan ko siya nang diretsyo bago buo ang loob na sumagot, "Dahil ayokong mamatay."

Lahat gagawin ko para masigurado ang kaligtasan ko. Kailangan kong gawin lahat ng makakaya ko.

Kahit saan man ako dalhin nito.

Gagawa ako ng paraan upang masigurado na magkakaroon ako ng mas masaya at maliwanag na kapalaran, kung saan hindi lamang ako isang hamak na ekstra. Hindi na ako ulit papayag na mamumuhay kagaya ng naranasan ko noon.

I will change the flow of my story. I'll do everything. I will make sure that I'll be the main character of my own story.

Because...

"I don't want to be a mere extra!"



Queenel_21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro