Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 "I was the Villain"

Kung isasalaysay ko ang istorya ng aking buhay, sisimulan ko ito sa pagsasabing:  "Ako ang kontrabida na inulanan ng pagsisisi sa huli."

Dahil sa pera at ambisyon, marami akong nagawang maling desisyon sa buhay. I seduced a handsome rich man, gave my body and spent his money. Nawalan na ako ng konsensya noon. Naisip ko na kung maling landas ang sinimulan, edi ipagpatuloy ko na hangang sa huli. I was so blinded. Pero may dalawang pangyayari na nagpabalik ng aking katinuan. First, when my sister died. Second, when my first love returned. Dahil sa dalawang pangyayari na ito, nakita ko kung gaano ko sinira ang buhay.

What if I didn't make those decisions?

What if I continued being a good girl?

What if I feel contented and happy even without money?

Alam kong walang maitutulong ang mga What if sa isipan. Dahil ang oras ay regalo na kapag ginamit, hindi mo na p'wedeng ibalik. Walang refund. Kahit pa may resibo ka ng nakaraan. Subalit maiiwasan ko bang hindi mangarap? Hindi. Araw-araw at gabi-gabi akong pinahihirapan ng labis na pagsisisi.

Tinanggap ko na ang masamang wakas. Kumbaga sa libro, nasa huling pahina na ang mambabasa kung saan nakikita nila ang mapait na sinapit ng kontrabidang katulad ko. May pumapalakpak sa tuwa, tumatawa o naaawa. They might say: "Dapat lang sayo 'yan!"

Hindi ako makikipagkatwiranan pa.

Oo.

I bear what I seed.

Ngunit sadyang mapaglaro ang pagkakataon. Isang gabi, nagising ako sa house party na sa pagkakatanda ko ay nangyari limang buwan na ang nakalilipas. Akala ko nananaginip lamang ako na bumalik sa nakaraan. Pero paggising kinabukasan, napagtanto kong talaga ngang umatras ang oras.

I went back to my past, exactly at the time before I made my first wrong decision. Isip-isipin kung gaano ako kasaya nang malaman ito! Gusto kong tumalon, sumigaw at ibalita sa buong mundo na: "Ako 'to! Si Cartier! May pag-asa na akong itama ang mali!"

Siyempre pa, hindi ko parin kakalimutan ang mga masasamang ginawa noon. Pero dapat lang na mag-celebrate ako! Malay ko ba kung mahabang ilusyon lamang ito na umabot ng halos isang linggo. Kung magigising lang din ako isang araw, then I'll use my time very well.

"Nagawa ko na ang first step. Naiwasan ko ang pagkikita namin ni Breit kaya ibig sabihin, magbabago na ang future," pakikipag-usap ko sa sarili habang naglalakad papunta sa una kong estudyante.

One week ago, when I first came back in the past, I succeeded on avoiding Breit. Ang orihinal na mangyayari dapat sa party na iyon ay magkikita kami dahil ipapakilala siya ng kaibigan ko. Though my friend and I already planned that. Aakitin ko si Breit Montblanc, ang gwapo, mayaman at tagapagmana ng Blancpein Company. We flirted at the party then ended up in the hotel. Iyon ang unang pagkakataon na ibinigay ko ang katawan.

Pero ngayon, magbabago na ang lahat dahil hindi kami nagkita.

"Tama. Ang kailangan ko nalang gawin ay maghintay ng limang buwan. Hahanap ako ng paraan para kumita ng pera sa malinis na paraan. Tapos, hihintayin ko na dumating si Ulysse," I said to myself.

Tumayo ako sa harap ng gate. Ilang beses akong huminga ng malalim bago itinaas ang kamay upang pindutin ang doorbell. Subalit nakatanggap ako ng tawag kaya't ang nakataas na kamay ay muling bumaba para kuhanin ang cellphone mula sa bulsa. When I looked at the screen, I saw my friend's name.

'Friend? Dapat ko pa ba siyang ituring na kaibigan?'

One week ago, I left the party. Dumagsa ang text mula kay Audemars na nagrereklamo sa ginawa kong pag-alis. Hindi ko ni-reply-an ang isa man lang sa text. Siguro't hindi na siya makatiis kaya naisipang tumawag na. I received her call and put my phone on my ear. Si Audemars ang unang bumati...sa pasigaw na tono nga lang.

[Cartier! What's the wrong with you?! Bigla bigla kang umalis sa party tapos hindi ka man lang nag reply sa mga text ko! Nag-alala ako!]

'Nag-alala?'

Natawa ako sa sinabi niya. Nang mag-break kami noon ni Breit, nawalan na si Audemars ng gana na makipag-usap sa akin. Sa lamay ng kapatid ko, ni isa sa mga itinuring kong kaibigan, hindi nagpunta. Ni simpleng condolence lang, wala rin. Kaya anong pag-aalala ang tinutukoy ni Audermars? She's really plastic.

"Sorry. Naboring na kasi ako sa party kaya umuwi nalang ako," I answered in apathetic voice.

[Ano?!] Saad niya na may halong sarkastikong tawa. [Nagkasundo tayo na ipapakilala kita kay Breit. Nakakahiya sa boyfriend ko! Hindi niya alam ang sasabihin noong hinahanap ka na ni Breit sa amin!]

'So ito ang pinag-aalala niya.'

Now that I'm putting my brain into work about this, I'm wondering why Audemars was so eager to introduce me to Breit. Alam kong ako ang nakiusap sa kaniya na hanapan ng boyfriend na mayaman. At wala siyang ibang binigay na suggestion bukod kay Breit.

[Bakit ka ba kasi biglang umalis?]

Inilipat ko sa kabilang tainga ang cellphone bago pinindot ang doorbell. "Hindi na ako interesado na makipag-date sa mayaman. So don't waste your time anymore, Audemars."

[W-What?]

"Kung wala ka ng ibang sasabihin, I'll end this call. Hindi na kasi healthy makipag-usap sa taong plastic."

[C-Cartier. W-What are you...]

Pinatayan ko siya ng tawag bago pa maituloy ang sasabihin. Saktong lumabas naman ang nanay ng tinututor ko para pagbuksan ako ng gate. "Ma'am Cartier! Pasok po!" bati ni sa akin. Sinuklian ko naman siya ng ngiti.

Iwasan si Breit, check. Iwanan ang mga pekeng kaibigan, check. For now, kakayod na naman tayo.

"Hi RD!" masaya kong bati sa walong taong gulang na lalaki. Si RD ay nasa ikalawang baitang na sa elementarya. Chubby ito, may maliit na peklat sa noo at may bungi ng ngipin. Sa lahat ng tinututor ko, si RD ang pinaka challenging.

"Hinanda ko na ang mga gagamitin, ma'am," ang sabi ng mama niya.

Umupo ako sa tabi ng bata, habang si RD naman ay kinakagat-kagat ang hawak na Mongol pencil.

"RD! 'Wag mong isubo 'yan!" Nanggagalaiting pagbabawal ng ina.

Ibinaba ni RD ang lapis bago nakangusong lumingon sa akin. Kahit pa makulit, aaminin kong namiss ko siya. Para kasi sa akin, halos limang buwan na ang nakaraan mula nang huli kaming magkita.

Before I met Breit, I was working as private tutors for kids. Apat sila kaya nasa 12k rin ang sahod kada isang buwan. Maliit ito para matugunan ang lahat ng pangangailangan sa bahay, ang pag-aaral ni Vacheron, pati na ang maintenance ng kaniyang gamot. Kaya nga ba't naging desidido ako na humanap ng paraan noon para makaahon. Nang mag-simula kaming mag-date ni Breit, he gave me a good work with the help of his friend. Tapos may allowance din ko kada isang linggo.

'Teka lang. I shouldn't think of this anymore! Hindi ko na dapat alalahanin ang mga nakuha sa kaniya! Snap out of it, Cartier. Bumalik ka sa past para magbago, remember?'

"So RD, pag-aaralan natin ngayon ang mga sounds ng letters," ang sabi ko kay RD na nakatingin sa kisame. Siguro lumilipad na naman ang utak nito. "Dito na tayo sa may letter S. Ang tunog ng S ay..."

"Ate Cartier." RD looked at me.

"Yes?"

"May tanong ako."

Ayan na naman siya. Matalino namang bata si RD. Pero sadyang wala siyang interes sa pag-aaral. Kaya nga ba't umabot sa edad na walo nang hindi man lang kabisado ang alphabet.

"Anong gagawin mo kapag ang swimming pool ay punong-puno ng buwaya?"

I miss him. Pero I can't take any more of his questions every time we study. Isang linggo palang ito pero nakapapagod na.

"RD," I called him while faking a smile. "Mamaya na natin pag-usapan 'yan ha? Pag tapos na tayo mag-aral. Kasi sa ngayon, dapat sulitin natin ang oras. Sa tingin mo matutuwa si mama kapag hindi ka natutong magbasa?"

Umiling siya bilang sagot.

"Ayan. Masa-sad si mama. Kaya pokus tayo sa pagbabasa. Kapag hindi ka natuto, paano mo maaabot ang pangarap mo na maging..."

'Teka. Ano nga bang pangarap niya na maging pag-laki? Limang buwan na ang nakalilipas kaya hindi ko na matandaan.'

"Na maging chef." Mabuti nalang pinagpatuloy ni RD ang sasabihin ko.

"Tama. Need mo magbasa para maging chef," I added.

"May itatanong ako, ate. Last na 'to."

I sighed as I leaned my elbow on the desk and placed my chin on the back of my hand. "Ano 'yon? Last na 'yan a."

"Anong pangarap mo? Diba ako gusto ko ng chef. Ikaw ate? Anong pangarap mo?"

Pangarap.

Pangarap ko.

Matagal na panahon na ang lumipas mula nang maisip ko ang tungkol dito. What was my dream again?

Natapos ang tutor ko kay RD nang hindi nasasagot ang tanong niya. As I go out of the gate, I'm still thinking about it. Maaga akong nagtrabaho dahil maaga rin kaming naulila ni Vacheron. Habang nag-aaral sa kolehiyo, nagtrabaho ako para amin. Kaya bandang huli, hindi ako nakatapos ng pag-aaral.

Tumingin ako sa langit, pinagmasdan ang mga ulap na naglalakbay sa malawak na bughaw. Habang nagmamasid, naalala ko ang simpleng pangarap noon: "Maging mabuting asawa at ina." Iyan lamang ang nais ko.

Ngayong bumalik ako sa nakaraan, naisip ko kung binagyan din ako ng tsansa na tuparin ang minimithi. Magiging posible ito sa oras na bumalik si Ulysse.

'Tama.

All I need to do is to wait for him. At habang naghihintay sa kaniya...'

"Gagawin ko ang makakaya para iwasan na makita si Breit Montblanc," I said loudly.

"Avoid who?" boses ng lalaki na nagpapaba ng aking paningin mula sa pagsilay sa langit.

I don't believe in hell. Subalit nang makita ang pagmumukha ng lalaking kumausap sa akin, nagbago ang pananaw ko. Tall, dark and handsome, a guy is looking at me as he lean on his black car.

Lahat ng detalye pamilyar sa akin: Ang kotse na sinakyan ko noon, ang boses na madalas na tumawag sa akin at ang mukha na kinababaliwan ng mga babae.

"I think I heard my name just now," Breit chuckled huskily. Umayos siya ng pagkakatayo. Bago maglakad papalapit, hindi niya nakalimutang tanggalin ang mapanghalinang ngiti sa kaniyang mga labi.

Gusto kong paniwalaan na ilusyon lamang ang nakikita sa harapan. But his sharp eagle like eyes, his pointed nose, heart-shaped lips and sharp jaws, they were so clear.

'Bakit siya nandito?! Wala namang ganitong pangyayari noon a!' I shouted inwardly.

"Tinawag mo ang pangalan ko kanina, diba miss?" Tanong ni Breit nang makarating malapit sa aking gawi.

Waring may nakabarang bato sa lalamunan, tinitigan ko siya nang walang imik.

'Let's calm down. Baka naman nagkataon lang na nandito siya. Looking back, after ng party, hindi ako nag-tutor kay Rd kinabukasan. Baka coincidence lang na nagkita kami rito dahil iniba ko ang dapat na mangyari.'

"S-Sorry. Nagkamali ka ng narinig," I managed to say as soon as I put my eyes down. I was holding my breath when I turned around. Pagkatapos ay humakbang na ako palayo.

"Cartier."

I stopped when he called my name.

"Hanggang kailan mo ako ipapahiya? Pinakita sa akin nila Audemars ang litrato mo. They promised to introduce us at the party. Pero umalis ka nang hindi ako hinihintay."

"..."

"Cartier. Bakit ka umalis?"

Dahan-dahan akong lumingon nang kumakabog ang dibdib. Ikinuyom ko ang mga nanlalamig na kamay habang pinagmamasdan siyang seryosong nakatitig sa akin. "Nagbago ang isip ko," I answered, then gulped. "I just think that Breit Montblanc is too good for me." Sinubukan ko siyang ngisian para itago ang takot.

"You think you're good for me, huh," pag-uulit. "Lie. Umalis ka nang gabi na iyon dahil kilala mo ko."

Naglaho ang pekeng ngiti at umurong ang aking dila.

"Hoy Cartier, umamin ka nga. Bumalik ka rin sa nakaraan no?" In his question, I found out that Breit and I both came back in the past.

What the hell!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro