☆Chapter 7☆
"Kanino naman yung color blue na teddy?" Tanong ko naman sa kaniya at napaisip pa siya kung kanino niya iyon ibibigay.
"Kay Baby Cas nalang." Ayiee. Matutuwa yung baby dogiee ko.
"Wait. Paano yung pusa mo? Kuhaan ko nalang. Ubusin ko na tong tokens."
May limang tokens pa naman para sa claw machine na to. Sana lang makakuha ulit ako.
First attempt, di ko nakuha. Malapit na eh. Kaso nalaglag pa. Yan talaga yung nakakainis na part sa larong to. Yung papaasahin ka na makukuha mo na siya pero sa huli hini parin pala.
Second attempt, hindi ko ulit nakuha. Umasa nanaman akong makukuha ko siya. Pero ayos lang may token pa naman.
Third attempt, wala parin. Dalawang tokens nalang. Kapag hindi ko parin nakuha this time susuko na ako.
Sana makuha ko na this time. Teka parang nahugot na ako. Be serious na Cassie.
"Ang seryoso mo naman. Hahaha" tsk. Wag ka muna mangulit Casper.
Fourth attempt, malapit na! Nakuha ko na pero nalaglag ulit, kasi naman may nangungulit. Suko na ako. Ayoko na.
"Ano ba yan eh. Inaatake ka nanaman ng kakulitan. Makukuha ko na eh. Ikaw naman ang maglaro. Last token na."
Kasi naman kundi mangingiliti sa tagiliran, manghihipan sa tenga. Ang lakas pa naman ng kiliti ko dun.
"Sige ako na ang magtatry. Pag nakuha ko sasama ka sa photoshoot pag hindi ililibre kita ng blueberry cheesecake."
Ayoko sumama sa photoshoot na yan. Naiirita ako sa manager niya pati dun sa babaeng model na yun. Grabe kasi makalingkis kay Casper eh. One more thing ispaniguradong may mga fans na man-aaway sakin.
"Sana di mo makuha. Ayoko na maulit yung last time na sumama ako sayo." Sambit ko.
Sana nga hindi niya makuha para di ko na maranasan na masampal, at makarinig ng masasaki na salita. Di naman sa ayaw ko siyang suportahan sa pangarap niya pero ayoko talaga sa mga nakakatrabaho niya.
"Don't worry. It will never happen again." Aniya at nagconcentrate na sa paglalaro ng claw machine.
"1,2,3." Sigaw pa niya at pinindot yung button.
"Yes! Haha. Nakuha ko. Sasama ka sa photoshoot bukas." Tuwang tuwa pa niyang sabi.
Ang duga talaga. Sumabit yung tali kaya nakuha niya. Ayoko sumama pero no choice...
"May iba pa ba akong option?" Bulong ko naman at mabilis na naglakad palabas ng timezone.
"Star!! Wag ka na sumimangot diyan. Ililibre nalang kita ng cheesecake..." sambit niya habang sumusunod sakin.
Star tawag niya sakin pag naasar ako sa kaniya, kapag ayoko talaga sa dare niya at kapag may nagawa siyang kasalanan.
Deretso lang akong naglakad habang nakayuko at iniisip yung nangyare dati. Ilang sandali lang ay bumangga ako sa kung sino at napaupo sa sahig.
Nalaglag pa yung salamin ko kaya kakapa-kapa pa ako ngayon sa sobrang labo ng mata ko. Nasan na ba yung salamin.
"Cassie!" Sigaw naman ni Casper at naaninag kong patakbo siyang pumunta sa pwesto ko.
Bigla namang may nagsuot sakin ng salamin at tinulungan akong tumayo.
"I'm sorry..." sambit naman nung lalaking nakabangga sakin. Siya din yung nagsuot ng salamin ko.
"Ayos ka lang??" Nag-aalalang tanong ni Casper.
"Ayos lang ako. It's my fault. I'm sorry." sambit ko naman sa kanilang dalawa ni Casper at yung guy.
Sa kaengotan ko kaya ako napahamak. Lesson learned, tumingin sa nilalakaran..
"It's also my fault. I'm sorry. I'm glad your fine." Sambit ulit nung lalaki.
"Ayos lang yun." Sagot ko naman sa lalaki habang nagpapagpag ng uniform.
Buti nalang medyo mahaba ang palda ko kung hindi nakiaan na ako ng underwear. Hindi tulad ng bratz students sa school na kinulang sa tela yung suot.
"Ang clumsy mo talaga kahit kailan. May masakit ba sayo?" Tanong ni Casper at tiningnan pa ako simula ulo hanggang paa.
Pinakiramdaman ko naman sarili ko at naramdaman kong masakit talaga yung pwet, siko at kamay ko.
Hindi naman sa pagiging late reaction pero mas inalala ko talaga yung salamin ko kesa sa sakit na naramdaman ko kanina dahil si Casper pumili nito para sakin at minsan lang mangyare yun.
"Ayos lang ako. Wag ka na nga magalala." Sagot ko.
Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanilang masakit pwet ko diba tsaka mawawala din yan.
"By the way, I'm Mark." Inilahad niya naman yung kamay niya for hand shake.
"I'm Cassie. Nice meeting you. I'm sorry for being clumsy." Nakipag shakehands naman ako sa kaniya.
"Tara na. Nagugutom na ako. " bulong ni Casper sakin at nagsalitang muli...
"I'm Casper... If you don't mind we're going now. Bye." sabat niya. Umaatake nanaman pakasuplao niya ngayon.
Tumango lang si Mark at nginitian ako at na wave pa siya dahil hindi na ako nakapagsalita sa panghihila ni Casper sakin.
Napatingin nalang ako sa kamay namin na magkahawak habang naglalakad patungo sa kung saan.
Pumasok naman kami sa Starbucks. Umupo lang ako at hinayaan nalang siyang magorder. Lumulutang nanaman kasi utak ko.
This is not the first time na nag HHWW kami as in holding hands while walking pero ang lakas parin ng impact nun sakin. Well in my point of view holding hands yun pero sa kaniya wala lang yun.
"Here's your blueberry cheesecake and strawberry shake." Iniabot niya naman yun sakin. Himalang nilibre niya ako ngayon.
Pagkahawak ko naman sa tinidor ay biglang humapdi yung palad at daliri ko. Kaya nabitawan ko yun at napatingin ako sa kamay kong puro gasgas.
"Sh**. What happen to your hands?!" tanong ni Casper.
Hindi na ako makasagot nanginginig ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Naiiyak na ako.
"M-may d-dugo"
Casper's POV
Tss. Ang clumsy talaga. Kung alam ko lang na sinaya lang yun nung Mark na yun para masilipan si Cassie sa pagkakaumba niya.
Hinila ko na si Cassie at nagpasiyang magpunta sa starbucks para sa favorite niyang blueberry cheesecake.
Pagkapasok namin sa loob ay nag-order na ako agad ng favorite ni Cassie. Mahilig kasi siya sa fruits and sour foods.
"Here's your blueberry cheesecake and strawberry shake." Iniabot naman yun sa kaniya. Medyo excited at nagulat pa siya. Minsan ko lang kasi siyang ilibre.
Nagsimula naman na ako sa pagkain ko ng ham and chees croissant. Ganun din naman siya. Pero bigla niya nalang nabiawan yung tinidor na hawak niya.
Napatingin naman siya sa kamay niya at nagpanic naman siya. Kaya tiningnan ko yung kamay niya.
"Shit! What happen to your hands?!"
Medyo nagpapanic narin ako ngayon dahil nadugo na yung kamay niya. Kahit kasi kaunting dugo lang alam kong aatakihin siya ng phobia niya.
"M-may d-dugo" Nanginginig na sabi niya at bigla nalang siyang nawalan ng malay. Buti nalang nasalo ko siya.
Binuhat ko naman na siya at dumiretso na kaming parking lot. .
Inihiga ko naman na siya sa loob ng kotse. Tinanggal ko naman yung pangibabaw na uniporme ko para itakip sa mga hita niya. Ang ikli ikli kasi ng palda ng school uniform sa school a pinapasukan namin.
Lumipat naman na ako sa bandang ulo niya at ipinatong ito sa ulo ko a inayos ang mga buhok niya.
"Let me be your strength when you're weak." bulong ko naman habang nakatingin ako sa kaniya.
She's the type of person na itinatago lahat ng weakness at problema. Pero pagdating sa phobia niya talagang kitang kita mo kahinaan niya.
Hindi biro ang may phobia. Hindi porket takot ka sa isang bagay phobia na agad. Yes it is fear of something but in an exagerated way and an illogical, unexplainable fear on something.
Grabe din sila magreact and magpanic. It's either flight or fight.
Sa pagkakaalam ko yung hemophobia or phobia niya sa dugo ay nagsimula nung namatay ang daddy niya at sa tuwing nakakakita siya ng dugo, fake man o hindi, sobrang takot na takot siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro