Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

☆Chapter 5☆

Casper's POV

Ayoko sa mga babaeng nagkakagusto lang sakin dahil sa physical aspect.

Magaganda nga sila pero grabe naman silang mangmata kay Cassie.

Narinig ko ang lahat ng bad comments nila kay Cassie. Kaya naiinis din ako minsan pinipigilan ko lang, baka kasi kung ano pa ang masabi ko.

Nung malapit na kami ay bigla namang kinuha sakin ni Cassie ang bag niya at nauna nang naglakad papasok ng building.

Nararamdaman kong naiinis narin si Cassie dahil sa kanila kaya tningnan ko yung babaeng kanina pa siya pinaguusapan at pinagsabihan ko sila.

"One more bad comment to Cassie the I'll be really mad to all of you girls. This is my warning."

Nagulat naman sila sa sinabi ko at hinabol ko na si Cassie.

Malapit na siya sa classroom kaya binilisan ko ang takbo.

"I don't care about what they say about us. Sana ganun ka din." Sambit ko kay Cassie.

Nauna nang pumasok sa classroom at sumunod din siya.

Lumipas ang isang subject pero di siya kumikibo. Ano nanaman kayang iniisip niya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan pero wala parin siyang naisusulat sa notebook niya.

Tinawag tuloy siya ni Ms. Charlotte kasi kapansin pansin ang pagiging lutang niya.

Nagsulat naman ako ng sa papel habang nagsasagot siya sa harap at inilagay ko sa table niya. Binasa niya naman iyon pero tumango lang siya.

After four subjects lunch time na pero ganun parin siya. Iniisip niya siguto yung mga bad comments sa kaniya.

"Cassie wag mo na nga intindihin ang mga sinasabi nila sayo. Tara na kumain nalang tayo." Sambit ko sa kaniya pero parang di niya ako narinig.

Inulit ko ulit pero wala parin.

"Cassie!! Di ka nakikinig. Sabi ko mag lunch na tayo..." sigaw ko sa kaniya na ikina gulat niya.

"Ay siomai kong maliit!"

Haha... Ang cute talaga nito magulat kung ano anong salita lumalabas sa bibig niya pag nagugulat.

Hinila ko naman na siya para kumain sa canteen.

Ako na ang nagorder at nang matapos ay ibinigay ko naman na sa kaniya yung macaroni. Favorite niya yun kaya yun ang binili ko.

Nagsimula na kaming kumain. Napansin kong kanina pa niya pinupunas punasan yung salamin niya.

"I think, you already need to have a check up. Di naman lilinaw paningin mo pag pinunasan mo ang salamin mo. Punta tayo mamaya sa EO."

Naubusan na ata siya ng contact lense at naisipang gamitin ulit ang salamin niya.

"Oo na..." yan lang ang sinabi niya at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Ilang sandali lang ay nauna na siyang matapos kumain at iniwan na niya ako.

May 20 minutes pa bago ang next class kaya nagpasiya akong pumunta muna sa locker ko at kunin ang librong binabasa ko.

It's a novel book. Di naman talaga ako mahilig sa novel nahawaan lang ako ni Cassie. Mahilig kasi siya magbasa.

Pagkabukas ko ng locker ay nakita ko ulit yung picture naming dalawa ni Cassie nung bata pa kami pati yung picture naming dalawa nung Birthday namin as a teenager.

That's the first time when we sing for each other. Kasi madalas sila mom ang kumakanta ng birthday song para samin.

That's one of the reasons kung bakit ko idinikit sa pinto ng locker ko ang litratong to. Para din palagi kong maalala yung masayang pangyayare samin ni Cassie.

Kinuha ko naman na yung libro at isinarakp ang locker ko.

May isang sentence sa istoryang ito ang kumuha sa aking atensiyon at yun ay ang 'If you cared for her then it means you love her.'

Napaisip kasi ako kung ano na ba ang nararamdaman ko para kay Cassie.

Do I cared for her because I love her as a friend? Bestfriend? Or More than anything?

I don't know.

Basta ang alam ko mahalaga siya sakin.

Cassie's POV

Last two subjects at uwian na. Plano ko sanang gumala pero magpapacheck up nalang muna ako kasama si Casper.

Speaking of Casper. Asan na kaya yun... 5 minutes nalang next subject na.

Ilang sandali lang ay dumating naman na yung teacher namin at kasunod niyang pumasok si Casper. Buti di siya napansin. Strikto pa naman tong si Miss Feliza.

"San ka galing?" Tanong ko naman sa kaniya at ipinakita niya lang ang novel book na binabasa niyaat umupo narin.

'What is Love?'

Yun ang title nun. Yun yung book na binabasa ko dati na ayaw niyang basahin.

Sinasabi ng author diyan na ang love is not love kung walang trials, hate, sadness and sorrow.

Parang katulad nalang ng katagang 'stars can't shine withouth darkness'.

Bakit san ka ba nakabasa ng isang perfect love story??

Magiging perfect lang yan kung sa lungkot at ligaya, sa hirap at ginhawa ay handa ka paring pakinggan, intindihin at ipaglaban ng partner mo.

"Cassie, Klonder and Casper..." sambit naman ni Ms. Feliza.

Patayo na sana ako pero pinigilan niya ako at napatingin nalang ako kay Casper with the facial expression of 'Ano bang meron?'

"Hindi ka nakikinig... groupings daw para sa project." Sabi ni Casper at napailing pa.

Anong project??

Pasensya na. Inalala ko pa kasi yung novel book na yun. Narelate ako dun eh.

Tinatry kong basahin yung nasa blackboard pero wala nga pala akong salamin. Napansin ko naman si Klonder na lumapit sa amin.

"Hi babe!" Bati naman sakin ni Klonder at umupo nalang sa tabi ko.

"Tss..." parang naiinis pa si Casper at di nalang pinansin si Klonder.

Nako po. Magaaway nanaman sila niyan.

"Klonder sabi ko sayo wag mo ko tawaging babe eh." Bulong ko naman sa kaniya.

"Why not? You're like my baby, hmm, sister to me babe nalang for short." Aniya ng nakangisi.

"Loko! Babe is one of the endearments ng mga couple."

"I know. Nasanay na ako eh. Kahit kay Khleya babe din tawag ko eh." Babe tawag niya kasi gusto na niya si Khleya.

"Si Khleya nalang tawagin mong babe. Wag ako." Sagot ko naman sa kaniya.

"Sige Siomai nalang. Tutal yun naman lagi mkng nasasabi pag nagugulat."
Loko talaga to. Nangaasar talaga.

Kesa naman magsabi ng badwords mas okay nang mga food nalang ang masabi ko.

"Ano nga pala yung project? Di ko kasi mabasa yung nasa blackboard." Tanong ko kay Klonder.

"Di ka din kasi nakikinig... kailangan daw gumawa ng short video na ikinukumpara ang kalikasan noon at ngayon. But with a twist."

Madali lang naman pala. Kaso may with a twist.

"Anong twist??" Tanong kong muli sa kaniya.

"Napansin mo ba yung groupings? 2 boys 1 girl. Or di naman kaya 2 girls 1 boy." Tiningnan ko naman ang groupings at gaya ng sabi niya ganun nga ang naging groupings.

"Anong connect nun??"

"Kailangan natin gumawa ng story that is related sa love at icoconnect iyon sa nangyayare sa kalikasan."

Paano mangyayare yun?? Kasing labo ng mata ko ang project namin eh.

"Pagmeetingan nalang natin yan bukas. Makinig muna kayo sa lecture." Masungit na sabi ni Casper.

"Okay..." sagot ni Klonder at bumalik na siya sa inuupuan niya.

Nagpatuloy lang ang klase namin hanggang sa nagring na ang bell which means uwian na.

Nagayos naman na kami ng gamit at nagpunta sa locker ko dahil madalas kong iniiwan ang mga libro ko. Yung may mga assignment lang ang dinadala ko.

Sumunod lang si Casper sakin at gaya ko ay iniiwan niya lang ang mga subjects namin na wala namang assignments.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro