☆Chapter 4☆
Pagkatapos kumain ay uminom narin ako ng gamot ko at nakita kong bumaba narin si Casper.
"Ehem..."
Medyo nasamid pa ako nung nakita ko siya. Para kasing may sparks pa dahil sa kaguwapuhan niya.
Bakit ganun. Nakauniporme lang siya pero ang lakas ng dating. Haaissttt..
"K-kumain ka na..." nauutal pa ako.
"Sa kotse nalang ako kakain. Malelate na tayo. Ininom mo na yung gamot mo?" Sambit niya sakin at tumango lang ako sa kaniya.
"Tara na..." kinuha niya naman ang mga gamit ko.
Himala nagiging gentleman ata siya sayo Cassie. Pinagbuksan din niya ako ng pinto ng kotse.
This gestures, that I wish na gingawa niya with feelings pero imposible. Haha. Tawanan mo nalang Cassie.
Saglit lang ang biyahe at nakarating narin kami agad. Siguro 15 minutes drive lang.
Inalalayan pa ako ni Casper pababa ng sasakiyan. Iniwan naman namin sila kuya Lebron.
This is a prestigious school kaya di na namin kailangan ng guard. Maganda ang security system nila pati ang pagtuturo and facility.
Pagkapasok namin sa gate ay palaging ang mga mata ng mga estudyante nakadikit kay Casper pati din sakin.
And as usual kaya sila nakatingin sakin dahil sa tingin nila ay para lang akong nerd na babaeng sunod ng sunod kay Casper at dahil din sa panglalait nila.
'Omg! Andyan na si crush!!' Sambit ni Ate 1
'Ang gwapos talaga niya beshiee! Bagay talaga kayo...' -Ate 2
'Mas bagay talaga kami kesa sa kasama niya.' Sambit ulit ni Ate 1.
Hay nako bagay nga. Bagay siya maging utusan. Tss. Sorry lumalabas pagkamaldita ko. Peace.
'Ang pangit naman ng babaeng yan.' Narinig kong bulong ni Ate 2. Atleast I'm a woman with brain.
'Bakit ba siya sunod ng sunod and look inutusan pa niya si Casper na buhatin ang bag niya. Ang kapal.' Sambit naman ni Ate 3.
Di ko naman siya inutusan eh. Siya lang kaya kusang kumuha ng bag ko at nagdala.
'Guess what... balita ko dun din siya nakatira sa mansyon ni Casper. Siguro katulong siya doon.' Sabat ni ate 4.
Ang dami dami nilang sinasabi tungkol sakin. Nakakapagod narin silang pagaksayahan ng panahon pero minsan napupuno din ako.
Ang famous kasi nitong si Casper tapos guwapo naman kasi talaga at crush siya ng halos lahat ng babae dito sa school. May fansclub pa nga siya. Ayan tuloy pati akong nananahimik nadadamay.
Kahit naman sanay na ako sa panglalait nila, minsan nasasaktan parin ako noh. Tao lang din naman po ako.
Binilisan ko na lang ang paglalakad ko at kinuha na ang shoulder bag ko kay Casper para wala na silang masabi.
Naiinis din naman ako sa sarili ko minsan kasi nagpapaapekto ako. Ang hirap naman din kasi magpanggap nang walang naririnig diba.
"I don't care about what they say about us. Sana ganun ka din." Sabi naman ni Casper at nauna nang pumasok sa Classroom.
Napatigil ako sa sinabi niya... Wala ngang 'US' eh. Wish ko lang na merong 'tayo'.
Pumasok narin naman na ako sa classroom nang parang walang naririnig at nakikita dahil pinagbubulungan nanaman nila ako.
Magkaklase kami at magkaseatmate din. Since birth, lagi na kaming magkasama niyan. Parang magkapatid nga.
But, oneday nagulat nalang ako dahil nahuhulog na ako sa kaniya.
Ikaw ba naman ang pagsilbihan, alagaan at ipaglaban ng isang Casper Callagan. Tingnan ko lang kung di ka kikiligin.
I like everything about him and I think I'm starting to love it too. Di mo naman mapipigilan yun at kapag pinigilan mo lalo ka lang mahuhulog. Hindi mo nga lang alam kung may sasalo sayo.
Dumaan si First subject nang wala akong naiintindihan. Math kasi, pero nakakaya ko naman. Di ko lang alam kung paano ako naging top 1 nung 2nd grading.
"Cassie Shania! How many times do I need to call your name? Please answer this equation."
Napatayo naman ako dahil sa gulat at dumiretso sa whiteboard at kinompute yung pinapasagutan sakin. Ang dali dali lang naman dahil may formula naman.
"Good, but you still need to listen okay?" Sambit ulit ni Ms. Charlotte.
Bumalik naman na ako sa upuan at narinig ko naman ang mga sinabi ng iba pa naming kaklase.
'Tss, ang dali dali lang naman kailangan pa talaga magpasikat' -Ate 5
'Stop talking nonsense. Di mo nga macompute yun kanina eh.' Sabi ni Klonder. Napatingin naman ako sa kaniya at nginitian siya tumango naman siya pabalik sakin.
Isa din kasi si klonder sa mga tagapagtanggol ko sa mga bully dito. Pati rin si Khleya pero kasi nasa japan parin siya next week pa balik niya.
Pagkabalik ko sa inuupuan ko ay may inilagay si Casper na papel sa ibabaw ng desk ko. Binuklat ko naman iyon at binasa.
'Ayos ka lang? Parang kanina pa kasi lumilipad ang isip mo sa kung saan.'
Tumango lang ako sa kaniya at nagtry makinig at magsulat ng lectures sa notebook ko.
Lumipas ang mga oras nang wala parin akong naiintindihan. Lunchtime na pero wala din akong gana ngayon.
Di talaga ako makapagconcentrate. Gusto ko parin namang panindigan pagiging top 1 ko kaso mahirap lang talaga iwasan ang procrastination at katamaran.
Heart heart para sa mga nakakarelate na mahirap talagang makapasok sa top lalo na kung isasabay ang love.
Okay lang namang isabay para gawing inspiration pero kasi ngayon iba na ang meaning nito sa ibang kabataan. Lovelove-pan hindi pagmamahalan. Okay tama na. Baka san pa mapunta ang isipan eh.
"Cassie!! Di ka nakikinig. Sabi ko mag lunch na tayo..."
"Ay siomai kong maliit." Nagulat naman kasi ako sa sigaw ni Casper at natawa naman siya sa reaksyon ko.
Di naman sa kung ano ano ang iniisip ko kundi 'sino'. Alam niyo naman na kung sino ang lagi kong iniisip, di ko na kailangan pang sabihin.
Tumayo naman na ako at hinila na niya ako palabas ng classroom at nagtungo sa canteen.
Pagkarating namin ay iniwanan naman niya ako para makapagorder.
Habang naghihintay ay naisip ko ulit kung sino ang girl na yun sa wallet niya. Wala kasi akong suot na contact lense or salamin that time kaya malabo.
Feeling ko yun na yung girl na sinasabi niyang crush niya.
"Here's your food." Iniabot naman sakin ni Casper ang pagkain.
"Thanks." Sambit ko naman sa kaniya at sumubo na ng pagkain.
Hindi ako makakain ng maayos dahil iniisip ko parin kung sino yung girl at nanlalabo parin ng paningin ko kahit na nakasalamin na ako. Nakakahilo.
Tinanggal ko ang salamin ko para ayusin at punasan ito pero walang pagbabago. Medyo kulang na siguro ang grado nito.
Napansin ko din kasing nahihirapan na akong basahin ang sulat sa blackboard kanina kaya di na ako nagsulat.
"I think, you already need to have a check up. Di naman lilinaw paningin mo pag pinunasan mo ang salamin mo. Punta tayo mamaya sa EO." Aniya.
Minsan di mo alam kung mambabara lang siya or nagkecare talaga siya.
"Oo na..." yan lang ang sinabi ko at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Nang matapos kumain ay nauna na akong bumalik sa classroom.
Nakita ko naman si Klonder at kumaway pa siya sakin.
Ayaw ni Casper sa kaniya. Lagi silang nagsasagutan at nagaaway. Lagi din kasi sila nagaagawan sa pwesto ng top 2 and top 3.
Si Klonder ang naka-top 2 last year at last grading kaya parang mas umiinit ang dugo niya kay Klonder.
"Hi babe! How's life??" Sambit ni Klonder ng may malokong ngiti. Kahit kailan talaga napaka mapambiro nito.
"Stop calling me babe. Sabihin ko kaya kay Khleya na may gusto ka sa kaniya..." Namula siya sa sinabi ko.
"Joke lang eh. T-tsaka wala akong gusto dun sa amazonang yun... Teka hindi mo ata kasama si Casper ngayon?"
Sus. Wala daw pero namula siya kanina at ang lakas ding mag change topic eh.
"Nauna kasi akong natapos kumain."
"Okay... Babe may balita ka ba kay Khleya?"
Ayiee. Alam ko naman na may gusto talaga siya kay Khleya pero gaya ko ay takot lang siyang umamin.
"Ayiee... Bakit? Namimiss mo?" Na may nakakalokong ngiti.
"H-hindi... Yun mamimiss ko? Kawawa kaya ako sa kaniya kapag andito siya. Amazona kasi." Sabagay kawawa nga siya kay Khleya. Under kasi siya ni Khleya pero sumusunod naman siya.
"Oo na bumalik ka na sa upuan mo. Mamaya dumating si Casper at magpangabot nanaman kayong dalawa." Utos ko sa kaniya at sinunod naman niya iyon.
Speaking of Casper. Di parin siya bumabalik hanggang ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro