9/25/2017
12:07 AM
BOTH THE TWINS ARE OUT!
Loving Juno -Finale
About six hours ago, I uploaded the final chapter of Loving Juno here in WP.
To be honest, mixed emotions ako while typing the ending of this story, and after I posted it.
While typing:
Mixed emotions kasi kadalasan sa mga chapters ng LJ, maraming nagaganap.
At itong finale, naiiyak ako nung una, then natatawa tapos kinikilig.
Nahuli nga ako ni PK na naiiyak then nangingiti habang nagta-type ng UD.
Para daw akong may sayad. LOLZ!
I even remember some comments sa previous UDs ko, reading each chapter of LJ is like a roller coaster ride of feelings.
Sa haba ba naman ng mga chapters eh.
After posting:
Una sa lahat, masaya ako. Because for the second time around, I got to finish another long story.To be honest, mas mahaba ang story ni Juno compared to Andromeda's. Pinagkasya ko lang sa iisang book kaya ang hahaba ng mga chapters.
Word count wise, nasa 2-3 parts/books dapat ang Loving Juno.
CA (143, 618 words) + HEA (185, 551 words) = 329, 159 words
versus
432, 310 words (LJ)
That's Juno's story with 103, 151 more words than Andromeda's!
Second, I feel I made another accomplishment. I got to write a story na pinagsamang humor, romance, drama, family and action. Sa story ni Andromeda (CA and HEA), mas na-concentrate sa romance, family and drama.
LJ made me experience mixed emotions every chapter. I couldn't imagine I could write such na sa isang chapter, matatawa ako, tapos maiinis, then kikiligin. O kaya, naman mate-tense, magagalit, matutuwa at kikiligin. Or yung halos tumambling ako kakatawa, tapos kikiligin, maiirita, maiiyak. Yung mga ganun sa iisang chapter. Kung sabagay.... ang isang chapter ko is equivalent sa 2-3 chapters sa ibang stories. Ganun kahaba, lalo na sa last half ng book.
Sa mga hindi sanay sa mahahabang chapters, pagpasensyahan nyo na. Nakakatamad mag-conceptualize ng book cover. Tapos di ko naman ma-achieve yung mga nai-imagine kong BC dahil wala akong matinong tagagawa. LOLZ.
Third, I'm amazed that (based sa feedback in the comments section of each chapter and mga chikahan namin ng mga readers ko sa FB GC) my readers were able to feel what I feel in this story. Nung una kasi, medyo doubtful ako kung magagawa ko ba yung katulad sa story ni Andromeda, my few readers na sumubaybay nun were really empathetic.
But since kakaiba ang ugali ni Juno, medyo napapaisip ako because she's not your typical WattPad female protagonist. Maldita kasi talaga in the real sense ang ka-Dyosahan nya. Unlike her sister Andromeda na very feminine. Yung story kasi ng CA at HEA, mas madaling i-execute ang drama (sa palagay ko ha) kasi nga sa personalities nina Andie, Aris at Reid.
E si Juno, hello naman! Grabeng aura ng Dyosa nyo, pintasera, palamura at amasona pa! LOLZ!
Then there was Caloy na sa simula eh aakalain natin na ang poreber ni Juno.
And of course, si Rob! SI ROB!
Si Hunk Papabol Halimaw! LOLZ!
Yup, truth is, in chapter 78 Monster, I deleted a lot of details there. I was afraid that my readers might get annoyed or shocked if they'll know how monster Rob can be. Baka hindi na sya mahalin ng mga readers ng LJ.
Yes, he tortured Atoy, Danny and Louie... I just didn't go into details.
I thought, I'd rather reserve the grotesque story details sa Sembreak. Dun mas bagay ang mga ginawa ni Rob.
Fourth, I'm sad. Yes, you read it right. Katulad ng pagkalungkot ko rin sa CA at HEA.
But unlike HalfMine/DrewReid, maybe, I will miss the JunRob/DyoMaw more.
Because, writing Juno's POV was easier for me. I was just like talking as myself. I didn't need much mind setting to be in character.
Sa mga readers na kasama sa GC ko, alam nyo kung bakit.
The only characters I need internalization was when I was writing POVs of Rob and Caloy.
DELA CRUZ SISTERS' STORY - COMPLETED
Well, looking back when I decided to write in WP, technically, ngayon ko lang natapos ang FIRST story ko. The story of two sisters' hardships and struggles in life after they lost both parents. And yet, they kept their bond as siblings intact despite everything.
As you can see, sa parehong magkapatid, napaka-importante sa kanila ang tiwala.
Yes, that's one of my 'hugots' in life. Ay opo, mga chichi! I have issues about trusting people.
Feeling ko, sa wakas, tapos na akong manganak sa panganay ko... the stories of Andromeda and Juno are my twins.
Katulad ng sagot ko sa isang tanong in my interview with Glimpse Society, both the dela Cruz' sisters' stories ang favorite ko, because for me, they are just one simultaneous story.
Kailangan ko lang talagang paghiwalayin ang story nila to avoid confusion.
Andromeda's story is like the panganay among the 'twins'. (I previously call CA, the mother of the series. Kaya may nagsabi na parang may mga unncessary parts na di naman kailangan daw. At marami raw akong characters na nilaro. Kaya ganun, CA and HEA ang mga nanganak para sa mga susunod na stories sa series. Ang that is also happening is LJ.)
Juno's story, is quite special. Kasi, mostly, base ang personality/attitude ni Juno sa akin mismo.
So there, hinga, Ryonamiko.
Naiire mo na ang kambal mo! Haha!
Next story/book in the series, ang pang-apat, is Chasing Reality.
So, please bear with me. It may take me more days to do the UD for CR28.
First, babasahin ko muna uli ang CR from the beginning. I need to review the details, which includes the 'feels' nang story flow at characters.
I may have challenges because I've been used to the personalities of the characters of LJ nung i-hold ko ang mga UD ng CR early April of this year.
Medyo mahihirapan ako sa transitioning ng 'feels'.
I've been in my comfort zone sa personality ni Juno for 5 months... tapos yung paglipat sa mabait na personalidad ni Madel.... OH MY GEEEERD!
Mga chichi, hindi ako mabait!
Baka matakot si PK kapag nasa 'feels' ako ng character ni Madel.
Iisipin nun na baka may sapi ako. Either ipadampot ako sa barangay o ipa-pray over ako sa pari. LOLZ!
Sa mga nagre-request ng book 2 or mga special chapters... uhm... I can't promise anything now.
When I was a student and studying parts of the story, special chapters would be anti-climactic.
Tapos na po ang conflict and was already resolved.
But ... maybe I will ... kapag nag-publish ako ng books ko.
Joke lang.
I'd be busy with my life and making updates for :
1. Chasing Reality
2. SemBreak (Mystery/Thriller)
3. Hunk sa Mang Donald's
4. Too Late at the Right Time (Non-fic)
5. Si PK ni Cielo (Non-fic)
Ayan po ang order ng mga susunod kong story in the near future.
Sila kasi yung inilabas ko na ang mga titles and prologue (except for Si PK ni Cielo).
Kapag natapos ko na ang mga yan. saka ko itutuloy ang ibang stories na nasa series ko. Ang mga kaibigan nina Andromeda at Juno.... at mga anak nila.
Stories in the series:
1. Ralph
2. Jeff
3. Paul
4. Troy
5. Jack (pinag-iisipan ko pa)
Second Generation:
1. Schulz kids (3)
2. Kho's kid/kids (not sure if there's gonna be additional to Emma)
3. Agoncillo kids (3)
4. Eric Villamar (anak ni Sarah at Erol)
5. Heather Bouchard (anak ni Laarni and Canadian husband -- this was mentioned in LJ that Laarni invited Rob and Juno to her wedding)
6. Juno's Sentinels' kids
I have a paranormal story in draft, pero nag-iipon pa ako ng lakas ng loob para isulat yun. Pramis!
As of now.... pahinga muna ang ka-Dyosa-han ko.
Will be re-reading some LJ chapters para namnamin ang story bago ako mag-ober da bakod sa Chasing Reality.
Again, maraming salamat sa support sa stories ng dela Cruz sisters.
--- Ako si Ryonamiko
> Tambay_In_Hoodie
> Dyosa ni PK
Quote : I will miss the female protagonist in LJ who is closest to my attitude and personality... but that doesn't mean I will stop writing.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro