9/1/2018
10:30AM
Our company's Spoken Poetry Night 8/31/2018 .... when my bully yet very supportive team ganged up against me and signed me up to our company contest, I thought it was just a joke. I only believed them less than 24hrs before last night. I stepped on that platform, 40% prepared but still got 97% score bagging the top prize.
Thank you, team for bullying... este... believing in me ... Kahit nagsabi ako ng 'TEKA MUNA, TAYM PERS!' sa unang linya ng piyesa ko dahil naiiyak na agad ako!
Pucha! Kaya ayoko sa mga ganitong contests eh! Iyakin ako sa seryosong hugutan! Haha!
At thank you pa rin sa mga readers ko na isa sa mga inspirasyon ko para ganahan akong magsulat lalo. Special mention sa mga ka-Chichi-an ko sa GC na palaging ang lakas mambola sa akin (at naniniwala naman ako! Wahaha!) Tapos hihirit ng UD!
Why am I putting this here? Because my piece was from one of my stories which I revised in a poetry form and changed some details.
Our company's Spoken Poetry Night 8/31/2018 ... trying to act cool while delivering the first phrase! My first time to join to this kind of contest. Haha!
I need to pause in the middle of my piece, or else amma gonna burst and cry.
my closing line and ... "Thank you!"
The awarding ... and from crying while delivering my piece... ayan na at WACKY SA PIC! Kahit ako lang ang mukhang tanga sa aming tatlo! Aba, natural, ako may pinakamalaking premyo! Wahahaha!
At sa mga nakakaalam nang totoo kong pangalan, ayan! Ang haba nung takip! Mahaba talaga ang name ko. LOLZ!
Ang bayad sa pagkakalat ko ... Tenteneneeeen!
Siyempre, nilibre ko ang team for some dessert! Kung di sa ginawa nila sa aking pambu-bully with pic and video para may ebidensya raw (mga baliw at ungas talaga!) Pero ganun talaga ang samahan namin. Sincere naman sila sa pang-aasar at the same time sa pagsuporta. Haha!
The piece....
Hindi ko ito nasabi nang kumpleto. Hindi ko kasi kabisado. Kasama sa criteria ang mastery is ayun, di ko binasa. Kumbaga sa estudyante, stock knowledge ang datingan. Saka, mas maikli yung actual na nasabi ko. The limit was 5 mins. The one I made was for 12 mins. However, sa mismong contest, umabot pa rin ako around 7-8 mins. Keme lang, kasi dalawa lang yata ang talagang nakasunod sa limit.
But what made my piece stand out was that everyone's topic was about relationship heartbreak rants/hugots or lihim na pagmamahal.
Mine is the only one that deviated. Though at first, I made them think my topic was the same as theirs. Until in the middle part, they thought it was a love triangle. But about 70% of it, the judges and audience realized that they were wrong. My piece was about something else.
Yes, sa mga talagang sumusubaybay sa mga stories ko, alam n'yo na hangga't makakaya ko, iwas ako sa cliche.
And because the topic of my piece is dear to me, I was able to deliver it with full emotions. Alam yan nang mga ka-Chichi-an sa GC because they saw a portion of the video.
So... here it is.
***
YOU FOUND ME
Pangungulila.
Ito ang nararamdaman ko nang magtama uli ang ating mga mata.
Agad akong nag-iwas ng tingin
Kilala ka na, Coco, sa lugar natin.
At gaya nang dati, itinuloy ko
Ang paglalakad hanggang makauwi sa bahay ko.
Bahay na puno ng lungkot at panlulumo.
Ayaw kitang isipin,
Dahil ikaw ay nagpapaalala sa kanya sa akin.
Ang mga mata n'yo ay magkapareho,
Tila palaging sa pagmamahal ay nagsusumamo.
Pero noon yun. Dahil ang siraulong demonyo, ayun at nagloko.
Ayoko na sanang maulit at lumapit, dahil dagan pa ako ng pait
Nang araw na ako ay kanyang ipagpalit
Ganyang ang kasal namin ay dalawang buwan na lang sana ay sasapit.
Lamang, isang araw, hindi ko napigilan
Ang maawaing puso, na ikaw ay aking ipaglaban.
Sa mga siraulong tambay nang ikaw ay lapitan at sa paborito mong puno ay saktan.
Simula nang araw na iyon, tayo ay nagkaroon nang tahimik na pagkakaibigan.
Kahit pasimple kitang tinataboy dahil palagi mo akong sinusundan.
Madalas pa nga ay nakaantabay ka sa labas ng aking bakuran.
Ayoko na sana. Mas masaya na akong mag-isa. Oo, ako na ang amplaya!
Hindi mo ako masisisi, aking Coco. Mahirap magpagaling ng pusong niloko.
Pero, ang tadhana ang gumawa ng paraan para ang bahay ko sa iyo ay buksan.
Sa pagkakataong hindi ko inaasahan, sa mandarambong ipinagtanggol mo ang aking tahanan.
Marami ang kumontra kasi nga ay pangit ka. Ang iba ay nagtawa.
Bagay raw tayong dalawa. Parehong inabandona.
Pero lahat yun ay aking binalewala.
Naisip ko, kung sa dating pag-ibig man ay nasawi, sa iyo ako babawi.
At hindi ako nagkamali. Hindi lang pagmamahal ang binigay mo kundi, pati walang kapantay na loyalty.
Lumipas ang mga araw... naging buwan... hanggang taon.
Ang pagsasama natin ay pinagtibay ng panahon.
Wala kang palya sa paghatid at pagsundo sa akin sa kanto... Araw-gabi, umulan man o hindi.
At maghihintay sa puno na paborito mong pwesto dati.
Marami sa mga kapitbahay natin ang pumuri.
Sa pag-alalaga natin sa isa't-isa, pareho na tayong bumalik ang ganda at saya.
Isa na dun ang kapitbahay kong si Paulo na pogi sana pero isnabero.
Dati ay inis ako dito, pero sa kanya ay mabait ka, aking Coco.
Ang minsang pagbati n'ya sa atin na nasundan pa.
At naunawaan mo ang tagong kilig ko at pagtawa
Lalo na kapag nakakasabay natin s'ya.
Dalawa na kayong kasabay ko sa pagpasok sa trabaho,
Pero kami lang ni Paulo ang sasakay sa dyip at maiiwan ka sa kanto, aking Coco.
Sa mga pagkakataong yun kami ay nagkalapit,
lalo at nalaman ko na sa hayop s'ya rin ay mahilig.
Si Paulo ang tinawag kong bagong sunshine ng buhay ko.
Taguri na ating malupit na sikreto.
Isang araw ay umuwi kang buntis. Nanggigil ako sa inis.
Hindi na akma sa edad mong tantya ko ay tatlong taon
Para maging nanay sa unang pagkakataon.
Pero, nariyan si Paulo para alalayan ako sa bagong paghamon sa ating dalawa.
Ganun man ang una kong reaksyon nang mabuntis ka, excited akong maging lola.
Lamang, lahat nang isinilang mo ay lumabas na hindi humihinga.
Kasabay mo akong umiyak, sa pagpanaw ang mga mahal mong anak.
Doon nagsimula ang iyong malalim na pagkalumbay. Pati sa pagkain at tubig ikaw ay nanamlay.
Kaya ang sakit, madali sa iyong kumapit.
Pero, aking Coco, kahit ganun, sa pagewang-gewang mong paglalakad,
pinipilit mo pa ring ang mga buto ay ibanat.
Para ako ay mahatid at masundo.
Kahit nga si Paulo ay awang-awa na sa iyo.
Kinakarga ka na n'ya pagkahatid mo sa akin sa kanto.
Nagdesisyon akong lumiban sa trabaho para ikaw ay maalagaan ko.
Walang pagdadalawang-isip na ubusin ang ipon ko
para sa gamot at pampa-vet mo.
Pero... traydor ang sakit mong distemper.
Ang paghihirap mo at sakit sa kalooban ko ay wala s'yang kiber.
Inilaban kita kay Kamatayan, aking Coco.
Wala na nga akong pakialam na di na ako pumasok sa trabaho.
Alam kong kahit hirap ka sa paghinga at di na makatayo,
naiintindihan mo ang pakiusap ko.
Na kaya mo at huwag kang susuko.
Hindi na kasi ako sanay mag-isa. Sanay ako na kasama kita.
Pero si Paulo ang nakapagpaunawa sa isip ko.
Isip na nilalamon na ng depresyon para sa nag-iisang pamilya ko.
Wika n'ya, na baka ayaw mong umalis kasi naririnig mo ang pag-iyak ko
Na pinapahaba ko lang ang paghihirap mo, aking Coco.
Kaya nagdesisyon ako na pakawalan ka na.
Buong pagmamahal at malumanay na kinausap kita.
"Ayos na si Mommy, aking Coco.
Sapat na yung lampas dalawang taon na pinasaya mo ako.
Na hinanap mo ang bahay ko ...
ihatid at sunduin para samahan...
araw-araw... kahit umuulan...
Pahinga ka na, baby ko...Salamat sa oras mo...
Sa masayang tahol at pagsalubong sa 'kin...
Sa pagbabantay sa 'kin saka sa bahay natin...
Sa mat'yagang paghihintay... sa buntot mong pagbati ang wagayway.
Salamat ... sa lahat-lahat."
Umungot ka pa, yung mahaba at magaspang.
Tunog na nagdulot ng kilabot sa buto ko ay gumapang.
Si Paulo ang tila nakaramdam, kaya pati s'ya sa iyo ay nagpaalam.
"Wag ka na mag-alala.Di ko iiwan ang Mommy mo, Coco.
Pahinga ka na. Maglaro ka na sa mga ulap at tumakbo."
Nang gabing yun, hinugot mo ang huli mong hininga.
Paghugot na sinama mo ang kalahati ng aking kaluluwa.
Pero, aking Coco, huwag kang mag-alala.
Si Paulo ay tumupad sa pangako n'ya. Actually, hinigitan pa.
Dun ko napagtanto...
You found me, Coco...
para di na ako mag-isa sa bahay at buhay ko.
You are one great, loving and loyal family.
Ang magbibigay muli sa akin ng ngiti.
Sabi nila sa PAWS, give a rescued dog a forever home.
In my case, it was the other way around.
Yes, you were just a dying and dirty stray dog, Coco.
A dog, which my neighbors call a lucky one when I found you.
What they didn't know, I was the one who was lucky because... you found me!
An abandoned mutt who found me to give me home :
in both your existence and in your absence.
Because a year after your death, Paulo married me.
You made sure to leave me with a home and a happy family.
--- Ako si Ryonamiko
> Tambay_In_Hoodie
> Dyosa ni PK
Quote of the day : Masaya kahit 'nagkalat'. Ang premyo pinambili sa McDonald's!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro