Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8/19/2017

3:58 PM

Alam nyo namang kapag nagsusulat ako ng UD sa WP, nagre-research ako and/or sadyang mahilig akong mag-check ng FB (RA/Ryonamiko accts) at twitter ko. By the way, my twitter account follows only news and current events, and some celebrities na socially aware din.

Sorry, but I just can't help saying something about this issue.  Kasi, ilang beses kong nakita sa mga NF/tweets sa mga nasabing social media platforms.

So ang nangyari, I checked different sites to know about the issue na dalawang araw ko na yatang naririnig.    

At kaya ko ngayon ito sinulat dito sa I AM RYONAMIKO, nawala ang flow of ideas ko para sa pagsulat ng UD ko sa LJ 81. So, in a sense, naapektuhan ang WP side of my life for today.

The Ryonamiko side on social and political awareness was triggered.

Yes, I am politically and socially motivated type of person. Nasabi ko na naman sa isang entry ko dito na ang ang 'ultimate' pocketbook ko is 'GAPO'. 

So here's my point of view.   

Kapag may sensationalized issue/s lalo na ang main stream media--

Past Admin :

Kasalanan ni Cory
Kasalanan ni Ramos
Kasalanan ni Erap
Kasalanan ni PGMA
Kasalanan ni Pnoy

Ngayon :
Kasalanan ni PDuts

Mga What if iba ang nanalong presidente, pupusta ako, makikita rin natin ito :

Kasalanan ni MDS
Kasalanan ni Mar
Kasalanan ni Grace Poe
Kasalanan ni Binay


Ay naku!Dyan tayo magaling!Ang magturo ng sisi!

Yung ngang tatay at nanay na tatlo lang ang anak, may isa pang napapariwara nang hindi nila nalalaman. Kasi yung mga kapatid nung napariwara, wala ring pake. Katwiran eh, buhay nya yan.

E paano pa sa isang bansa?

Kung tayu-tayo eh nag-iingat, sumusuporta sa bawat TAMA at MAGANDAng adhikain nang bawat admin, e di sana mas maayos ang Pilipinas. Aminin na natin, wala rin naman tayong pakialam in the real sense. karamihan, puro daldal lang.

Sasabihin natin, mahirap kasing magturo. Sindikato eh.Kasi tarantado talaga yung pulis na yun eh.Abala lang yan sa tahimik kong buhay kung makikialam pa ako sa salot kong kapit-bahay.Kasi ganito, kasi ganyan.

Natatakot tayo para sa sarili natin at pamilya natin.

Ayaw natin ng gulo.Ayaw natin ng abala. Ayaw nating mapagsabihan na pakialamera.

Kaya kadalasan, pinabahala natin lahat sa gobyerno.Kahit gaano kaganda ang gagawin ng gobyerno, may mga bulok na kamatis pa rin sa mga yan na hihila sa bawat aksyon nila pababa.

Pero, kapag ayan na yung issue na kumakatok sa pinto natin, sisihan mode activated! Ang galing natin.

Ano ba ang naitulong nang paninisi natin? Check and balance? Pwede!

Maliban dun ano pa?

Yung simpleng pananaway natin sa mga bata sa lugar natin na pakalat-kalat sa gabi na magsipag-uwi na, alam nyo bang maliit na bagay, nakakatulong? May mga hotline tips na ngayon na pwede tayong maging anonymous, ginamit ba natin?

Maraming maliliit na bagay ang maiko-contribute natin kesa manisi lang.
Ayos lang maging kritiko tayo sa mga bawat admin. Binoto natin sila o hindi, sila ang nanalo. Ang hinalal nang nakararami.

Ang nakakasuya, kritiko at naninisi, yun lang pala ang kayang gawin!

Tigilan natin yang, akala ko pag sya ang naging presidente magiging ganito, ganyan, blah-blah-blah! Walang perpektong lider, lalo na kung ang mentalidad nang mga nasa ilalim nya, e katulad natin.

Hirap sa atin, ang nakikita lang yung pangit. Sa siyam na nagawang maganda nang gobyerno, yung isang pangit ang nakita! NICE!

Yung iba sa atin, emosyonal sa nangyari kay Kian. Pero in the real sense, bandwagon lang ngayon tayo sa issue nung kawawang bata. 

What's my take on Kian's incident?  

I'm not very emotional about it. I don't know the poor kid and his family. No need for me to over react. Don't get me wrong. Sobrang nakakapanghinayang si Kian, may involvement man sya sa drugs o wala. Lahat nang tao, sayang kung sa ganun lang ang kakauwian, hindi lang si Kian. Kasi, sayang yung potensyal ng bawat tao na maging kapaki-pakinabang na nilalang na mawawala lang dahil sa kamatayan o sa drugs.   

And just to let you know, pabor ako sa malawakang campaign against drugs ng gobyerno at ang pagkakapatay sa mga lehitimong nanlaban sa mga pulis o sundalo. Dahil tao rin ang mga pulis/sundalo. Kailangan din nilang protektahan ang sarili nila. But anything beyond lehitimong nanlaban, a big no no for me.

At nakakagalit, but still keeping a level head. Not to the extent that I'd rant on social media about it and point finger at the government. Our society does not only composed of the government, but the mass.... the people. It is everybody's responsibility to look after another kung talagang concern tayo na maging peaceful ang Pilipinas.  

Mas na-trigger ako sa mga OA na paninisi na nabasa ko sa social media. Why? 

Marami nang ganyang nangyari noon. Hindi lang ngayon. At hindi ganun ginawang sensational nang main stream media. Basa-basa din sa mga maliliit na police news sa mga dyaryo. Hindi nila high-lighted ang mga ganyan. Ngayon lang! Cherry picking sa ibabalita. Kung saan mas kikita. Kung talagang concern ang bawat media outlet, di lang ang istorya ni Kian ang ise-sentionalize nila. Yung iba nga, di umabot sa balita. Hanggang police blotter na lang. Marami yan, itaga nyo sa bato.

So, ano ba'ng magagawa natin para maiwasan ang isa pang Kian Loyd delos Santos kapag may oplan kontra-droga?

Yun ang dapat paglaanan natin ng pansin, kasi nakakalungkot man, what's done is done. Kahit anong paninisi natin sa gobyerno, hindi na mabubuhay yung bata. Hindi nun maibabalik ang sama ng loob ng mga magulang nya ang nangyari sa anak nila.

Pointing fingers is not a solution. It would only hinder us to move forward faster.

Just give me a few hours to gather my thoughts/ideas again then itutuloy ko na ang UD ko sa LJ 81.

--- Ako si Ryonamiko

> Tambay_In_Hoodie

> Dyosa ni PK

 Quote of the day : Di lang WP ang pwedeng basahin sa mundong ibabaw! Be socially and politically aware. You live in a country with lots of people... under a government.   

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #ryonamiko