Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7/10/2017

7:15AM

Loving Juno chapter 65 UD.

Eto na naman ako. Sobrang affected sa sarili kong pagsusulat.

Nasa parte pa lang ako ng pagsusulat mula nung mahulog ang kotse ni Caloy sa bangin, ini-imagine ko pa lang yung takbo ng mga susunod na mangyayari, nag-umpisa na akong umiyak. Kagabi pa yun.

At dahil umiiyak ako habang sinusulat ang UD, natagalan akong tapusin (maliban sa naglalaba ako. Yes, multi-tasking talaga. Ano ba ang silbi ng washing mavhine, dava?).

So ayun nga, para akong tanga na nagsusulat ng UD tapos maglalaba, umiiyak. Ang masaklap nito, kailangan kong palitan yung bantay sa compshop namin ng bandang 2am, para na rin sa closing at magbilang sa sales.

So, nagtataka yung mga gamers kung bakit ako umiiyak. 

Kaninang madaling-araw ko natapos ang UD. Mga bandang amg-aalas kuwatro ng madaling-araw...sa shop.

Maga ang mata ko at sinisipon ang ka-Dyosahan ko. Maryosep!

Parang nung isulat ko ang last two chapters ng kuwento ni Andromeda. Isang linggo akong 'minulto' ng sarili kong istorya. Tipong dinibdib ko at di ako maumpisahan ang Chasing Reality, Loving Juno at Just a Teenage Dirtbag.

Hopefully, hindi ako abutin ng isang linggo para sa after shock ko sa LJ chptr 65. 

Well, yung nga ang purpose ko ng journal na ito. Ang may mapaglabasan ako ng emotional effect ng ginagawa ko sa pagsusulat and keep my sanity intact and keep me attached to reality.... so keeping my fingers crossed dahil naiiyak na naman ako kasi naalala ko na naman ang nangyari kay Juno.Caloy at Rob sa chapter na ito. My Ghaaad! Ang babaw ng luha ko! 

Kaya minsan, pinag-iisipan ko kung ilalagay ko yung mga ganung eksena. Yet, still I put them kahit sobrang sakit sa dibdib ko. Ganun kasi ang takbo ng istorya sa utak ko. Kung hindi ko gagawin, ako rin ang sumira sa sarili kong story ... at purpose ng pagsulat ko sa WP.

ANG MAI-EXPRESS KUNG PAANO UMANDAR ANG MATABA AT KUMPLIKADO KONG UTAK.

Sorry sa mga nabigyan ko ng pakiramdam na malungkot... pareho lang po tayo, mga chichibels at chichiboys (kung may boys akong readers).

Ganun talaga ako. Sabi ko nga, nagsulat ako para sa sarili ko. Kaya, makibasa na lang kayo. Libre naman. LOLZ!

Anyways, ito yung video ng pag-e-emote ko. Di ko napigilang gawin.

Haha!

Bakit? 

Kasi, gusto kong pagdsating ng panahon, may video akong pagtatawanan sa ka-ek-ekan ko. 

Hahaha!

This video was taken today 7/10/2017 around 5:30AM.

https://youtu.be/pOCB4mBUHqA

Caloooooyyy!!!

Wala na si Caloy... masaya  ba tayo? Well... I AM NOT!



--- Ako si Ryonamiko

> Tambay_In_Hoodie

> Dyosa ni PK

Quote of the Day : Kung magsusulat ka, ikaw mismo ang unang dapat makaramdam nang nararamdaman ng characters mo. So....Iyak pa more, Ryonamiko! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #ryonamiko