4/18/2017
9:11PM
I'm writing my first entry kasi pakiramdam ko kailangan ko ito ngayon. Baka sakaling bumalik ang mood ko sa pagsusulat.
Ilang araw na akong hirap gumawa ng UD sa dalawang on-going stories ko (CR and LJ). It took me 5 freaking days to finish Chapter 23 (Tart) ng CR at kanina ko lang nai-post sa WP.
Grabe! Sobrang wala ako sa mood. Feeling empty. Ayokong isisi sa iba, pero I think kasi there was this particular author and her story na matagal ko nang nabasa pero di pa pala ako naka-move on. I was surprised na meron pala syang book 3.
The book was mostly based on her love story. Ayun, na-excite ako. Kasi yung ending ng book 2 nya, malungkot. Wala silang closure ni boylet. Then nabasa ko yung prologue ng book 3, nabuhayan ako ng loob.
Tapos, ini-stalk ko si author sa FB nya, kasi friends kami. I found out, yung book 3 pala, base na lang sa wishful thinking nya, Shit! Na-depress ako. Bumalik ako dun sa pakiramdam ko nung mabasa ko yung ending ng book 2 nya.
Ito ang problema ko kapag gusto ko ang isang story pati ang style ng pagkukwento ng author...dinadamdam ko.
Katulad ng pakiramdam ko kapag ako nagsusulat ng UD ko.
Ayan, naalala ko na naman nung sinusulat ko yung Chapter 22 (Joyride) ng CA. Tragis, para akong baliw nun, iyak ako ng iyak. Natagalan ako mag-type kasi nauna ang pag-iyak ko. Katulad rin nung sa Chapter 37 (Daddy?) at Chapter 54 (Blood) ng HEA, at yung prologue ng CR.
Pero ang pinakamalupit na dinamdam ko was yung Chapter 57 (Kiss) ng HEA. A month before ko pa iyun isinulat, iniyakan ko na ang mangyayaring yun. I mean, I was just thinking of a good ending for Andromeda-Reid love story na di magagalit ang readers ko kay Aris (kasi mahal ko sila pareho. Areids fan ako. LOLZ). Tapos yung ideyang yun pumasok sa isip ko. Would you believe, bigla akong naiyak sa bus on my way home? Buti di punuan dahil madaling-araw yun at aircon bus yun. Pero nakita ako nung katabi kong lalaki. Tinanong pa ako kung ok lang ako.
Oo, nakakahiya! Hahaha!
Anyway, going back, after kong isulat yung Kiss at Rings (last two chapters ng HEA), I informed my readers na rest muna ang braincells ko. Kasi iyak ako ng iyak...ilang araw, literal. Pero after 3-4 days medyo ok na ako. Kaso, may isa akong reader na nag-pm sa akin sa FB nung Valentine's Day commercial ng Jollibee na "Vow" .... nyeta. Iyak ako sa tambayan ko sa 5th floor. Pinagtitinginan ako ng mga empleyado. Ayun, na-depress na naman ako ng dalawang araw. Haha!
(Just a head up. Spoiler alert!!! Dalawang gabi kong iniyakan ang TOTOONG ENDING ng trilogy ng CA,HEA at CR. Though hindi ko ipa-publish iyun sa book 3. I will publish it dito sa journal ko. You will know the reason once I post it.)
Anyway, ganun talaga ako magsulat. Katulad ng mga reply ko sa mga comments ng readers ko, bago nyo naramdaman yung galit, tuwa, saya, tawa,kilig at iyak... nauna ko nang naramdaman yun. Ako ang unang nakaramdam nun. Baka nga mas malala pa.
Syanga pala, inalis ko na yung Author's note #2 ko sa LJ. Sa mga masuwerteng nakabasa at nakakita ng pictures na naroon, e di ayun. Wala na sya. Haha! I prefer not to show my face. Pati sa FB account ng Ryonamiko Stories, inalis ko na rin ang pics ko. Wala lang. Nagmamaganda lang ang ka-dyosahan.
Deh, joke lang. There's really a personal reason behind it.
Going back sa reason ng pagsulat ko ng entry today, ayun. Kaya ayokong magbasa ng kahit anong story online or print, o kaya manood ng tv series or movie kapag may on-going akong story, apektado ako kapag nagustuhan ko.
Either iniisip ko ng matagal or ayoko rin kasing mangopya ng ideas sa iba. May ilan nga sa FB na nagre-request na gumawa ako ng KPOP or FANFIC ang genre. I said no.
I prefer stories na galing talaga sa isip ko.
Ewan ko kung napansin nyo, di ako gumagamit ng mga pictures ng mga sikat na artista lalo na yung KPOP (BTS etc etc) sa mga book covers. Ayoko rin kasing nalilimit ang imagination ko pati ng readers ko. Iba-iba kasi tayo ng napi-picture na itsura nung mga characters sa isip natin. So, I adjust for my readers,too. kaya di kilalang mga models o kaya mga naka-side view or siilhouettes ang mga tao sa covers ko...kahit gusto ko pang ilagay yung mukha dyan nung mga kras na kras kong hunk papabols! LOLZ!
That also includes the names. Lakompake kahit di basahin ng mga KPOP fans ang mga stories ko.
I can't imagine my characters having complicated names! Juice colored! Ayoko nang mag-mention ng mga complicated names at mga gamit na pangalan na lagi na lang sa mga characters sa WP.
Though, I may have used Reid (from Freidrich), but I wasn't thinking about James Reid. Then very common yung pangalan na Phoenix sa WP, yet I used it sa pangalan ng kambal ni Andromeda at Reid because it has something to do with the Reid's eye color which is gray...so abo...so Phoenix, yung ibon na nasusunog sa sarili nyang apoy tapos from ashes it will rise again. Ganun.
And please note maraming factual sa mga included sa stories ko.
I researched about Bohol, Palawan, Antipolo, Sucat, Muntinlupa, Cebu, Japan, Korea, Germany, Baguio etc sa mga nabanggit kong places dyan. Even sa distances and travel time via car or airplane. Pati mga tourist spots. (Though yung iba, nakarating na ako sa mga lugar na yun).
Same thing sa mga college courses na nilagay ko; yung sakit ni Hope; about military and tragic deaths of military men (Papa nina Andie at Juno); documents ng isang empleyado; pagsasampa ng kaso; mga hobbies/skills ng mga characters ko (I know some info on them kasi I experienced some or I really know how to or I have the same skill set or I personally know some people who do those). Yun lang medyo hinaluan ko ng Western rules/influence yung sa drag racing sa story ni Juno para mas maka-relate yung mga fans ng Fast and the Furiuos series. Isa na ako dun. Kasi iniyakan ko si Paul Walker nung mamatay. Haha!
Hindi purong fiction lang ang laman ng stories ko. May pinagbasehan ako.
Which also includes yung mga events sa lahat ng stories ko. Marami dyan, na-experience ko, nang kakilala ko or na-witness ko. Pinaghalu-halo at pinagdugtung-dugtong ko na lang.
Kung mapapansin nyo rin, yung convo flow sa stories ko, natural na usapan yan ng mga taong nakakausap kong mahilig mag-English at katulad kong parang tambay makipag-usap (though flexible naman akong tao. Magaling ako makipagplastikan ng pakikipag-usap pag trip ko. So kung trip mo ng Inglisan, go. Pili ka, American or Aussie /Brit accent, keri ko yan. Gusto mo Japanese pa. LOLZ!). Kahit yung pagda-drama ng mga characters, mas inilapit ko natural na pag-uusap. Also, I tell my stories in detail. Kasi ganun ko yun nakita or ganun ko sya na-iimagine (kung base lang sa mataba kong utak).
Pag pasensyahan nyo na lang kung ganun ang style ko kaya palaging mahaba ang mga chapters ko. At yung usapan ng mga characters ko, di pang -telenovela. Di ako fan ng telenovela.
Isa pa, mas bet ko ang natural na usapan kahit fiction pa ang stories ko. And I also do not do the so exploited plots and love story scenarios like : nadulas si babae + nasalo ni lalaki sa bewang + nagkatitigan (isa pa malayo sa katotohanan na mangyari yung ganyang klase ng saluhan blues); or yung unang nagkakilala nung magkabungguan + nahulog ang gamit ni babae+ dinampot ni lalaki + my i know your name ... and the likes. Alam nyo na,.
Maybe in the near future, I will start writing shorter stories na hanggang 30-40 chapters na lang. But definitely, I cannot do one-shots. Mahirap sa akin mag-express ng storyline na iisang chapter lang. Emotera pa man din ako.
Ayan, medyo nasa mood na ako magsulat.
Gotta go.
Try ko na simulan yung Chapter 24 ng LJ.
Goodnight!
MWAH!
--- Ako si Ryonamiko
> Tambay_In_Hoodie
> Dyosa ni PK
Quote of the day dahil sa isang bwisit na kausap: 'Wag ka maghanap ng virgin bride kung di ka naman pala virgin groom! Peste!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro