12/19/2018
8:03AM
November 26, 2018 nang matapos ko ang Yung Hunk sa Mang Donald's. At hanggang ngayon wala pa uli akong UD sa susunod kong story na Sem Break. Ito na ang pinakamatagal na di ako nagsulat mula nang magdesisyon akong maghabi ng mga kuwento sa WattPad.
Ito ay dahil sa tatlong bagay. Una, hindi pa ako maka-move on sa mga natapos kong stories sa series ko. SA mga nakaraang araw, ilang ulit ko na silang binasa. Yung kahit alam ko ang laman nang mga yun (natural, ako ang sumulat! Haha!), ewan ko, pero nae-enjoy ko pa ring namnamin ang bawat pangyayari sa mga natapos kong libro. At ang matawa sa mga typo errors, grammar slips etc na nakikita ko. And as usal, tinatamad akong i-edit. Haha! Mas gusto ko lang magbasa. Ginagawa ko as stress reliever sa nakaka-toxic na workload sa office at tambak na gawaing-bahay. Opo, busy akong nilalang. Ipinaaalala ko lang sa mga nagtyatyagang magbsa ng mga gawa ko.
Pangalawa, di ko magawang mag-internalize ngayon para sa Sem Break. Hindi napapanahon sa ka-Paskuhan at Bagong Taon ang tema ng kwento ng SB. Ayokong masira ang holiday aura ko at mga taong nakapaligid sa akin na maaring maapektuhan ngayong Disyembre. Sa mga di nakakaalam kung paano ako magsulat, masyado akong affected sa mga gawa ko. To the extent na nagsasalita ako mag-isa lalo at iniisip ko ang mangyayari sa isusulat ko, kahit nasa byahe ako, para akong tanga na pabulung-bulong. Madalas, nag-i-space out ako kaya lumalampas ako sa dapat kong babaan. At lume-level up ang mood swings ko. In short, weird ako kapag may on-going story. At dahil sa SPG ( violence, sex, drugs etc) theme ng SB, inaasahan ko na ang lalong paglala nang ka-weirduhan ko. Kaya di ko muna sinisimulan.
Pangatlo, unlik the previous year na yung shop ko lang ang pinagkakaabalahan ko, may full-time job na po ako. At dahil December plus year end, sobrang dami ng workload. Hindi pa kasama dyan ang mga oras na dapat kong igugol sa personal time o, sa pamilya, sa shop, sa mga kaibigan at syempre sa lablayp.
I'm taking my time this December. Chill-chill muna. Sana maunawaan n'yo.
Try ko magdagdag ng chapter this December sa Sem Break. Try ko lang. Not a promise. Depende kasi talaga. Kapag napansin ni PK na may kakaiba sa moods at aura ko, I have to put the UD aside this December.
Anyways, sa mga curious sa mga pinaggagawa ko ngayong December, you may want to check my IG account.
Yun lang po. Need ko na bumalik sa paglalaba at baka di ko na naman matapos. Di pa ako natutulog pagkagaling sa work kaya lang, mala-chocolate hills na ang labada ko. At may pasok pa ako later. Hahahaaaayyssst! LIFE!
--- Ako si Ryonamiko
> Tambay_In_Hoodie
> Dyosa ni PK
Quote of the day: Kalmahan mo lang, Ryonamiko!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro