11/19/2017
5:07PM
I feel your sentiments, Mikay.
Ito kasi yan. Kung isa kang matinong reader, at di mo bet yung story sa kung ano mang dahilan, di wag mo na ituloy basahin. Kung may gusto mong may sabihin sa story na maganda i-comment mo sa WP nya to inspire the writer. If you want to say something off sa story and if you want it as help, pm the writer. That was I did before nung reader pa lang ako sa WP.
Now, if you talk about negativities about the story sa mga walls sa FB, confession pages etc...You're actually not helping the writer to improve the RIGHT way. Yes, he/she MAY strive to improve pero nakapanakit ka na ng damdamin. Thing is, hindi lahat ng writers will have the same reaction. Yung iba, nawawalan ng gana magsulat. Praise in public, criticize in private. Maraming imma sa socmed... but you have to start acting mature enough para di ka na makadagdag sa mga pasaway sa WP world.
Do not measure a writer's/author's success sa dami ng reads/fans/published stories nila.
Only the writer/author will identify it kung success ba yun para sa kanya. Kasi sya ang may gawa at may goal sya nung nagsulat sya.
May mga may-akda na kahit gaano karami ang achievements sa pananaw natin, hindi pa rin pala sya masaya.
Meron na sampu lang ang readers nya, pero feeling jackpot lotto 6/55 winner na si writer.
Achievement is subjective.
Again, still happy about my readers. Very mature sila to say na sana okay lang ako sa puna sa stories ko kung may mapapansin sila. And I really appreciate that.
O siguro, kasi alam nilang salbahe ako at nambabara talaga. Wahaha!!!
Sa mga readers sa WP, as I've said, nakikibasa lang kayo nang libre, kaya wag kayong inggrata.
Wag nyo i-sugarcoat na kritisismo ang mga sinasabi nyo sa mga walls, confession pages. Naghahanap lang kayo ng approval galing sa iba na kapareho nyo ang opinyon.Ang nangyayari, meron nga kayong kapareho but at the same time, nakakakuha rin kayo ng sasalungat sa inyo, kayo nagkakaroon ng clash sa WP community. When you post it on walls and pages, it's like stabbing the writer on the back. Pati ang mga fans nya ganun ang magiging pakiramdam.
Nakakatawa pa na sasabihin nilang "Ito po ang isang kritisismo". WEH?!
Kung may CRITICISM kayo about sa story and REALLY WANT TO HELP, sabihin nyo sa writer DIREKTA. Libre naman mag-pm sa WP or sa socmed account nung writer.
--- Ako si Ryonamiko
> Tambay_In_Hoodie
> Dyosa ni PK
Quote for today: Do not sugarcoat your negativity in public as criticism and say only imma will not understand. Know the difference between: criticism to help, and criticism just to get collective approval.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro