Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

Sa susunod na mga buwan ay aayusin ang bawat kabanata ng kuwento ni Issa.

---

Hindi magkamayaw ang lahat ng tao sa aking paligid para lamang masiguradong magiging maayos ang kasal. Habang ako ay tahimik na nakatitig lamang sa salamin na nasa aking harapan. Napaka garbo ng ayos ko halos balot ako ng ginto na alahas na regalo ng aking magiging byenan. Ang halaga ng aking bridal gown ay kaya nang buhayin ang isang pamilya sa mahabang panahon. Isang sikat na make up artist ang nag-ayos sa akin ngayon.

Ang aking mga abay ay puro galing sa mga mayayaman na pamilya. Kasalo sa negosyo ng pamilya ng aking mapapangasawa ang aming mga bisita. Ang mga ninong at ninang ay puro negosyante o kaya ay pulitiko sa aming probinsya. Hindi mapagkakaila na talagang pinaghandaan ito ng aking biyenan.

Ngunit kahit anong garbo ng magiging kasal ko o kahit noong proposal ay tila may kulang pa rin. Masaya ako na ikasal sa lalakeng matagal kong kasama. Isang lalakeng lubos kong kilala at higit sa lahat ay may malinis na hangarin sa akin.

Ngunit bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi ako masaya at tila sa isang iglap ay tutulo na ang aking luha. Napayuko na lamang ako ng dumating ang ilang bisita at sumilip sa aking kuwarto bago tumuloy sa paggaganapan ng kasal. Sa isang beach resort gaganapin ang seremoniya ito ang aking pangarap na kasal. Ang maikasal sa lalakeng kaya akong mahalin habang buhay at manumpa sa diyos sa tabi ng dagat.

Namumula na ang aking mga mata at nanatili akong nakayuko habang hinihintay ang reply ni Mama. Hindi na siya nagparamdam pa mula ng ibalita ko na ikakasal na ako. Kahit ang malalapit kong mga kaibigan ay hindi rin kinumpirma kung dadalo sa aking kasal.

Hindi ko sila masisisi dahil kasalanan ko rin. Kasalanan ko kung bakit ako mag-isa ngayon sa araw ng aking kasal at malungkot.

Hindi ko na matandaan pa kung bakit ako umabot sa punto ng buhay ko at nakakulong ako sa magarang buhay na ito.

Lahat ng mahirap ang buhay ay nag nanais yumaman o kung hindi man ay kahit kaunting ginhawa sa buhay. Ang magkaroon ng sapat na kita at makaraos sa buong maghapon. Ngayon na narating ko ang rururok ng aking pangarap ay mag-isa akong masaya. Kahit anong dami ng aking pera ay naiwan akong mag-isa at malungkot.

Pangarap ko noon na kung makakaya ko nang suportahan ang mga tao sa paligid ko ay pupunuin ko sila ng regalo at biyaya. Dahil nais ko noon ay lahat kami ang siyang magiging masaya.

Ngunit ngayon, kahit anong rangya ng aking buhay ay hindi ako masaya. Ang mga mamahaling alahas, relo, pabango at bag ay hindi sasapat para paligayahin ko ang aking sarili. Araw-araw man akong bumili ng mga ari-arian ay wala naman akong kasama na titira sa bahay.

Kahit ikakasal na ako ay nasisiguro ko na maiiwan ako mag-isa dahil palaging nasa ibang bansa ang aking mapapangasawa. Ito ang kapalit ng isang asensadong negosyo kung saan kaagaw ko sa atensyon ng aking mapapangasawa.

"Umiiyak ka ba?" agaran kong pinunasan ang aking luha at nilingon ang make up artist na mukhang magreretouch sa akin.

"Ayos lang ako."

Pinilit kong ngumiti at hinanda ang sarili dahil ilang sandali na lamang ay tatawagin na ako. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon hindi tulad noong sumasali pa ako sa Beauty Pageant na kakaiba ang confindence na aking nararamdaman. Napahawak ako sa aking dibdib dahil nahihirapan akong huminga sa bilis ng pagtibok nito ngayon. Sobrang kakaiba dahil may kasamang pangamba.

"Mamahalin talaga iyang engagement ring mo, Ma'am." sabi ng aking make up artist.

Pinakita niya sa akin ang kaniyang cellphone at mukhang hinanap pa niya sa internet ang brand ng aking singsing.

"Diyos ko! Milyon pala ang halaga niyan kaya naman Ma'am ang suwerte mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro