HUSH 8
HUSH #8
Enjoy Reading!
ZYNC
Ang hapdi. Ang sakit.
Napamulat ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa aking mukha. Lalo na sa sentido at panga. Bakit parang na hit and run ako?
"Gising ka na pala. Bumangon ka na, hijo. Ipinagluto kita ng sopas. Kumain ka na para makainom ng gamot." Ani Yaya Dolores na tinaas ang blinds ng bintana. Napapikit ako at napadaing.
"Ouch."
Yaya heaved a deep sigh and walked towards me, "Namamaga ang sentido at panga mo. Nang makita ni guard ang kotse mo kagabi, dadalhin ka na sana namin sa hospital para mapatingnan ka pero naisip ko na baka ayaw mong pumuntang hospital kasi kahit nadisgrasya ka ay pinili mo pa ring umuwi kaya pinapunta ko na lang si Doc Gomez dito sa bahay para gamutin ka."
Napanganga ako. What? Ako nadisgrasya? Pumikit ako at hinalungkat ang memory box ko kung ano ang nangyari kagabi. But I can't remember a thing! Puro black ang nakikita ko! I can only recall when I was driving on my way home.
"Wala akong maalala, Yaya."
Hinaplos niya ang noo ko, "Huwag mong pilitin baka mabinat ka. Ang importante ay walang mas malalang nangyari sa 'yo sa daan. Pina-check ko na rin kay Tonyo ang kotse mo. Puwede pa naman daw ayusin 'yon anak pero mas mabuti sigurong huwag mo nang gamitin. Gamitin mo na lang ang ibang kotse mo."
Mas lalo akong naguluhan.
"Ano'ng oras na ba, 'Ya?"
"Alas singko na ng hapon."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Yaya, gusto ko munang matulog uli."
Bumuntong hininga siya, "Sige pero kumain ka muna. Iaakyat ko na lang tray dito."
Kinabukasan sa madaling araw na nang muli akong gumising. Mas lalong naging masakit ang ulo ko dahil sa sobrang tulog kaya nagwork out na lang ako at agad naghanda para pumasok sa eskwela. Pero ang utak ko ay nasa nangyari pa rin sa akin no'ng nakaraang gabi.
Umupo muna ako sa sofa sa sala habang hinihintay mag-alas siyete. 5:30 pa lang naman.
"Ang aga mo yatang nagising." Nilapitan ako ni Yaya at sinipat ang noo ko. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Okay na po ako." Tumango naman siya at lumayo sa akin nang kaunti.
"Tumawag nga pala ang Daddy mo kanina. Kinakamusta ka. Hindi ko na sinabi ang nangyari sa 'yo baka mag-alala pa 'yon at mapa-uwi nang wala sa oras. Ano ba talaga ang nangyari sa 'yong bata ka? Mukhang hindi ka naman nakainom no'ng gabing 'yon. Tinanong ko na rin ang guard ng subdivision, sabi niya hindi ka naman daw niya nakita no'ng mangyari 'yon na napakaimposible naman kung tutuusin kasi paano ka makakapasok ng subdivision kung hindi ka dumaan sa kaniya? Kaya pina-check ko ang CCTV pero hindi nga pumasok ang kotse mo sa subdivision simula no'ng umalis ka hanggang hating gabi. Ang pinagtataka naming lahat dahil bandang alas otso ng gabi nasa harap na pala ng bahay ang sasakyan mo ayon sa CCTV sa may gate." Sumingkit ang mga mata niya.
Umiling ako, "Hindi ko rin po maalala ang nangyari, Yaya. All I can remember was nagda-drive na ako pauwi ng bahay galing school."
Bumuntong hininga si Yaya, "Gusto ko sanang tanungin mga kaibigan mo pero mukhang wala rin silang alam. Pumunta rito si Bryle at Rexell kahapon ng hapon tinatanong kung bakit absent ka. Hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari. Sinabi ko lang na may lakad kang importante para sa kompanya. Gusto ko ring paimbestigahan ang nangyari kasi nakakabahala pero baka magdulot ito ng kaguluhan."
"Salamat Yaya."
She tapped my head like she always do, "Mag-ingat ka, anak. Palagi mong tandaan na ikaw ang tanging tagapagmana ng angkan niyo. Marami ang gustong agawin ang posisyon ng Daddy mo sa kompanya at pagnakawan kayo. Maraming naghahangad ng masama sa 'yo. Lalo na sa lahat, maraming mapagpanggap na mga tao sa paligid mo para gamitin ka para sa pansarili nilang hangarin."
I know. I know, Yaya. Nakaramdam ako ng lungkot.
Hinawakan ni Yaya ang baba ko at itinaas ang mukha ko.
"Zync, alam kong hindi ito madali para sa iyo. Kilalang-kilala kita. Ako na ang halos nagpalaki sa iyo. Hindi lingid sa akin na mas gusto mo ng simpleng buhay. Pero anak, ito ang reyalidad mo. Hangga't maaari, tanggapin mo ito nang lubusan para na rin matulungan mo ang sarili mo laban sa mga taong mapagpanggap na nasa paligid mo."
Nginitian ko si Yaya.
**
Habang naglalakad ako papasok sa school grounds nang may nakita akong pamilyar na bulto. Natigilan ako sa paglalakad at sinipat nang mabuti kung tama ba ang nakikita ko. Nakatalikod siya sa akin pero bakit parang kilala ko ang taong 'to?
Nakatayo siya sa eskinita na nasa likuran ng school activity center. Hindi ko kita kung ano ang ginagawa niya. Pero ang napakapamilyar talaga niya. Ang sobrang itim niyang mahabang buhok na napapatungan ng white visor cap. Ang kaniyang firm na pagkakatayo.
Sana humarap siya sa akin. Nabigla ako nang humarap ang babaeng nakatalikod. Sumabay pa sa kaniyang pagpihit ang kaniyang buhok na nagshine nang tamaan ng sinag ng araw.
Narinig ko ang sariling pagsinghap nang magtama ang mga mata namin. Ang mga mata niya ay parang pusong hindi na tumitibok. Walang buhay. Tila isang pares ng mga mata ng manika.
Si Katarina.
Napalunok ako nang maalala ang pagsaksak niya sa aking desk. Hanggang sa bumigat ang aking nguso at nangalay ang noo ko dahil sa pagkakakunot. Tinalikuran ko siya at hindi namalayan ang mabilis kong pagkarating sa classroom.
Teka. Bakit parang may nakalimutan ako? Napakamot ako sa aking ulo at tuluyang pumasok sa classroom. Hindi pa man ako nakakaabot sa aking upuan ay sinalubong na ako nina Bryle.
"Dude! Where have you gone to? 'Di ka man lang nagsabi ah! Akala namin napa'no ka na! Nag-insist ka pa naman na ayaw mong magpasama umuwi no'ng isang araw." Nakipag-apir sa 'kin si Rexell.
"Why are you pouting? And also, you looked like you have seen something perverse." Sinipat ni Bryle ang mukha ko. "Hindi ka na naman pinansin ng Babe mo 'no?" May pahabol pa siyang tawa.
Ugh! Kaya pala parang may nakalimutan ako! Nakalimutan kong daanan si Allaine sa student lobby area! Lagot na. Sinabi ko pa naman sa kaniyang hintayin niya ako ro'n dahil nasa school na ako.
Hinawi ko ang dalawa saka padabog na umupo sa armchair ko. Napahilamos ako sa mukha at napatingin sa kaliwa para lang makita ang masama at nanunuot na tingin ni Iseah. Her eyes rolled heavenwards and sneered at me.
Anyare? Have I done something wrong sa kaniya?
Nangalumbaba na lang ako kaysa pansinin ang mga weirdong tao sa paligid ko. Hindi maawat ang pag-uusap nina Bryle tungkol sa nilalaro nilang mobile game. Hindi ako maka-relate kasi naghahalo sa utak ko ang mga bagay-bagay.
Tulad ng kung ano ba talaga ang nangyari sa akin no'ng isang gabi? Bakit parang may mali? Bakit wala akong maalala? Bakit ang sama ng tingin ni Iseah sa akin? Pupuntahan ko ba si Allaine? Bakit parang tinatamad akong tumayo? Ano ba ang mayroon kay Katarina? Bakit parang...
"Aish!" marahas akong napakamot sa ulo.
"Hala. Baliw." Untag ni Rexell. Hindi ko sila pinansin nang magtanong sila sa akin kung ano problema.
"Classmates, she's coming!" tili no'ng bakla naming kaklase.
Agad akong napaupo nang maayos. Mahirap na baka masabon na naman ako ni Prof. Moj. Absent pa naman ako kahapon.
Pero ang inaasahan kong teroristang guro ang pumasok ay isa pa lang napakagandang anghel... what the heck? Anghel? Yuck. Bigla akong nakarinig ng panandaliang malakas na tunog ng trumpeta tapos tumahimik ang buong paligid.
Bakit may trumpeta? Napakamot na lang ako ng tainga.
Bakit naka-slow motion ang paglalakad ng babaeng 'to? Pati galaw ng buhok niya parang sobrang bagal. Tsk. Akala niya siguro ikinaganda niya. Ilang taon niya siguro ni-rehearse ang galaw na 'yan? Para lang magpa-impress, hindi naman nakaka-impress.
She's not interesting anyway. Psh.
Napailing ako at nilinis ang magkabilang tainga gamit ang daliri kasi para akong nabibingi. Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Hindi ko pa rin maiwasang madismaya sa kung gaano siya ka mapanakit sa kapwa.
"Ang ganda niya talaga. Sobrang bango pa! Ano kaya shampoo niya? Ang toothpaste niya? Ang bath soap niya? Ang lotion niya? Sobrang fresh sa paningin. Ano kaya ang liptint na gamit niya?"
Napangiwi ako sa sinaad ni Rexell na nakapatong ang baba sa palad habang nawiwindang na nakatingin kay Katarina. Pero dahil rin sa boses ng kaibigan ko bumalik ang ingay sa aking paligid. Napatingin ako sa babaeng matakaw sa atensyon, nakaupo na pala siya. Sa harapan ko pa rin.
Tsk. Napaka-KSP talaga. Bakit kaya 'to nagpapansin sa akin? Hmp. Walang may makakapantay sa ganda ng babe ko. Split ends lang siya ni Allaine.
"Grabe. Ang smooth ng buhok niya kahit tingnan lang. Gusto kong mahawakan. Ano kaya ang conditioner niya?" Dagdag pa ni Rexell.
Kadiri naman ng lalaking 'to. Bakit ba gandang-ganda siya sa babaeng 'yan? Sa inis tinabig ko ang siko niyang nakapatong sa desk niya.
"Gising!"
"Ay balakubak ni Katarina!" hiyaw ni Rexell.
Tumawa ako nang malakas nang halos matumba siya paharap kasama ang upuan niya. Epic 'yong mukha niya. Nakakatawa. Nag-apir kami ni Bryle. Napansin ko ang pagtahimik ng mga kaklase namin. Kaya nagkatinginan kami ni Bryle tapos sabay napatingin kay Rexell.
"Ano ba, Zync?! Nakakainis ka ah. Hindi ka naman inaano ah!"
"Gago dude. Totoo bang may balukubak si Katarina?" may kalakasang bulong ni Bryle kay Rexell. Nanlaki ang mga mata ni Rexell na mukhang ngayon lang napagtanto ang sinabi saka masamang tumingin sa akin.
"Ano tinitingin-tingin mo ah?" Ani ko.
"Bwisit ka, Zync!" Sabay bato sa akin ng makapal niyang binder.
Pinigilan ko ito gamit ang kamay, "Hayaaaa! Karate chop!"
Napalunok ako. Wrong move! Wrong move! Emergency! Emergency! Evacuate the area! Alert! Bomb detected!
Gano'n pa rin ang posisyon ng ulo niya, hindi gumalaw kahit na natamaan. Pero... nagulo ang buhok niya!
Halos sabay kaming tatlo na napahugot nqng malalim na hininga at napanganga. Sinundan namin ng tingin ang kamay niyang mabagal na umangat at dumapo sa batok niyang natamaan ng binder! Napalunok ako nang napakabilis niyang nakatayo kasabay ng pagtayo namin dahil sa natumbang upuan niya.
Humarap siya sa aming tatlo. Rinig ko ang pagmumura ng dalawa kong kaibigan pero shit... bigla akong nabingi dahil sa malakas na tunog ng trumpeta nang magtama ang mga mata namin!
Ano ba 'to? Bakit may tunog ng trumpeta? Wala akong trumpetang nakikita sa paligid!
"K-katarina ganda... huhu! So-so-sorry! Hindi ako 'yon! Hindi rin totoong may balakubak ka, promise! Idol ko pa nga hair mo eh kasi ang shiny! Si Zync! Siya ang may kasalanan. Binato niya sa 'yo ang binder kasi para raw makita niya ang balukubak mo kapag nagulo buhok mo!" Nawala ang tunog ng trumpeta sa aking pandinig dahil sa sobrang bilis na saad ni Rexell.
"A-ako?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaibigan kong itlog, sarap basagin. "The hell! Hindi ako 'yon! Ikaw 'yon! Ang kapal naman ng balat mo ah. Tibay mo rin eh 'no?!"
"Ikaw naman talaga ang may kasalanan! Nangunguna ka eh!"
"Binder ko ba 'yon?! Sa iyo 'yon."
"Hoy. Tumigil kayo! Tumingin kayo sa kaniya!" mahinang sita ni Bryle sa amin. Natigilan kami at napatingin kay Katarina.
Napangiwi ako at wala sa sariling napahawak sa mukha. Shit. Ramdam ko ang masakit na sipa ni Katarina sa mukha ni Jameson. Napaatras ako dahil 'yang mukhang 'yan. Ganiyan na ganiyan noong nagkagulo sila sa hallway ni Jameson!
Napapikit ako nang malakas niyang sinipa ang upuan niyang natumba. Rinig ko rin ang igikan ng mga kaklase ko sa paligid.
"Dude... mulat na. Kanina pa umalis si Katarina. OA na 'yang pikit mo, 15 minutes na."
Agad akong napamulat dahil sa sinabi ni Bryle. Napakamot ako na para akong tanga na nakatayong nakapikit.
Nakarinig ako ng sarkastikong tawa mula kay Iseah. Umiiling pa ito saka nakangisi.
"Kasalanan mo 'to!" sabay naming sigaw ni Rexell sa isa't-isa.
Maaga natapos ang afternoon classes namin habang gabi naman ang dismissal nila ni Babe. Nagyaya si Bryle na tumambay muna sa clubhouse nila tapos babalikan na lang namin sila Allaine mamaya. Naglalakad kami ngayon sa likod ng University. May shortcut kasi rito papunta ro'n sa clubhouse.
"Hayaaaa! Karate chop! Bwahahaha! Nakakadalawa ka na kay Katarina ganda ko, Zync!" Sabay mahinang batok ni Rexell sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin, "At 'yon ay kasalanan mo lahat! Mabuti na lang hindi tayo tinadyakan kanina. May lahing kabayo pa naman 'yon!" Napailing ako. Naalala ko na naman 'yong ginawa ng babaeng 'yon kay Jameson.
Napahawak ako sa pisnge. Good heavens! Kawawa mukha ko 'pag nagkataon.
"Nangangati na siguro 'yong paa niyang sipain mukha niyong dalawa kanina. Ang lilikot niyo naman kasi." Napatingin ako kay Bryle na umiiling.
"Si Zync naman kasi ang may kasalanan. Kung hindi niya ako pinapakialaman. Edi sana walang gulo. Napaka-pakialamero kasi. Daming side comments tungkol kay Katarina. Palagi pang kino-compare kay Allaine, "Umirap si Rexell. Bakla! "Buti na lang din hindi tayo sinaksak ng ballpen!" Nahintatakutan ang mukha naming tatlo.
"Eh sa totoo naman kasing walang-wala siya kay Allaine ko! Tapos kung makapag-describe ka sa kaniya para siyang diyosa!"
"Wala ka nang pakialam do'n! Eh sa gandang-ganda ako sa kaniya eh. It's also natural for you to see Allaine as the most beautiful woman kasi naman in-love ka sa kaniya! Kaya hayaan mo akong gandang-ganda kay Katarina! Mata ko 'to. Hindi sa iyo!" sigaw ni Rexell.
Natahimik ako at napangiti. Nga naman, ano? Bakit 'di ko naisip 'yon? Sige na nga hahayaan ko na lang siya sa preference niya sa maganda.
"Hala siya. Kailangan talagang mag-blush?" Inismiran ako ni Rexell pero nginitian ko pa rin siya, "'Yan tuloy hindi na pumasok sa lahat ng klase natin si Katarina. Tapos kung makatingin si Iseah sa atin parang lalapain tayo. Katakot pa namang babae 'yon."
Aba't! Umalma ako. "Hindi ko na kasalanan kung hindi na siya pumasok. Sa 'yon lang? Walk out agad."
Bumubulong-bulong si Rexell, sisitahin ko na sana siya nang napatigil kaming dalawa sa paglalakad dahil muntik na naming mabunggo si Bryle na nauuna sa amin na tumigil sa paglalakad.
Napatingin kami sa unahan nang may malakas na tumawa, "Kung sinusuwerte ka nga naman. Hindi na natin kailangang pasukin ang Laroa! Kusa nang lumapit ang palay sa manok."
May pitong lalaki ang humarang sa aming daanan. Kalbo 'yong nagsalita na napapagitnaan ng mga kasama.
Sino naman ang mga ito?
"Puwede niyo ba kaming padaanin?" tanong ni Bryle sa kanila pero umatras siya kaya napaatras din kami ni Rexell.
Nagsitawanan ang mga lalaki. Napalunok ako nang makita ang mga brass knuckles na suot nila. Mukha silang hindi gagawa nang maganda.
"Bakit naman namin gagawin 'yon? Eh na sa inyo ang pinakamimithi naming makuha? Hindi kami siraulo para pakawalan pa ang diyamante!" sagot ng kalbo.
"We don't know what you are talking about." Ani Rexell.
"At hindi rin namin kayo kilala." Dagdag ni Bryle.
Nag-isip ako. Kailangan ko ring magsalita. Hindi puwede sila lang mag-dialog. Ayaw kong ma-out of place. Nagawi ang isip ko kay Allaine. Napatingin ako ulit sa mga lalaki.
Nanlaki ang mga mata, "Tigilan niyo kami ng Babe ko!" sigaw ko.
"Ano ba dude! 'Wag ka ngang bigla-biglang sumigaw riyan! Nakakanerbyus ka eh!" sita ni Rexell.
Nakakunot ang noo ni Bryle na lumingon sa akin, "Ano naman kinalaman ng nobya mo?"
"Eh dude. Baka mga kaaway 'yan ni Allaine babe ko at ako ang babalikan dahil mahal na mahal ako ni babe at balak ng mga lalaking 'yan na ako ang gantihan dahil ako ang weakness ni babe. Gets niyo? Hihihihi. Mahal na mahal talaga ako ni babe ko 'no. Maiinggit kayo 'tol. Hehehe. Alam niyo naman 'yong mahal ko, medyo war freak with breed and class."
Nagsitawanan 'yong mga lalaki at nagsipalakpakan pa. Siraulo.
"Naaamoy niyo na ba mga brad?" tanong ng isa sa kanila.
"Nangangamoy kayamanan at kapangyarihan!" sigaw nilang lahat at nagsitawanan ulit. Mga asong ulol.
Napakuyom ang kamao ko at biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi ako tanga para hindi makuha agad ang intensyon nila. Ako. Ako ang pakay nila. Pera ng angkan ko ang tinutukoy nila.
Tumahimik sila at sumeryoso ang mga mukha, "Puwede ba naming mahiram ang prinsepe niyo? Yayain lang naming mamasyal." Nakangiting ani ng kalbo. Ulol. 'Di tayo friends.
Pasimple akong tinulak ni Bryle paatras. Pumantay naman si Rexell kay Bryle para takpan at tila protektahan ako.
"D-dude." Napakagat ako ng labi. Kinakabahan ako. Naiwan ko pa naman sa kotse ko ang aking cellphone, hindi ko matatawagan si Yaya para humingi ng tulong.
"Diyan ka lang, Zync. Ikaw ang pakay nila. Ikaw lang naman ang ala prinsepe sa ating tatlo." Ani Bryle.
"Sa ngayon kami ang knights in shining armor mo." Kumindat pa si Rexell. Sarap batukan.
"Tumakbo na lang kaya tayo?" Suhestyon ko.
Sabay na umiling ang dalawa, "Bawas gandang lalaki points 'yon, dude. Ano ka ba? Hindi ko hahayaang mangyari 'yon?"
"Shit. Bryle! Ano ka rin ba? Hindi mo ba nakikita ang mga bitbit nila? May brass knuckles sila oh, laglag ngipin natin niyan!"
"Huwag kang mabahala, dude! Kami ang bahala sa iyo." Pagpakalma ni Rexell na nagawa pang ngumiti.
Nagtanguan ang mga lalaki at biglang tumakbo ang dalawa sa kanila papunta sa amin. Napaatras ako. Nagawang iwasan ng mga kaibigan ko ang atake nila pero tumakbo na rin papunta sa amin ang iba.
"Dude! Tumakas ka na! Pipigilan namin sila." Sigaw ni Rexell habang pilit iniiwasan ang atake ng mga lalaki.
Napaatras ako ulit pero hindi ko sila kayang iwan. Napailing ako.
May isang may hawak na tubo na naagaw ni Bryle kaya nagawa niyang paluin ang ibang lalaki na agad natumba. Tatlo agad napatumba niya. Kaya agad niyang nilapitan si Rexell.
Pero bigla siyang natumba, hawak-hawak ang sikmura. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa kalbo na nakatayo pa rin sa unahan kasama ang isa pa. May hawak-hawak itong baril na may silencer.
"Bryle!" sigaw ko kaya napatingin si Rexell. Hindi niya naiwasan ang suntok ng isa sa sikmura. Napaupo siya.
Zync! Tulungan mo sila! Huwag kang duwag! Sigaw ko sa isipan pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Natuod ako.
Nagtawanan 'yong dalawang nakalaban ni Rexell. Naglakad ito papalapit kay Bryle na sinusubukang tumayo. Nagpalinga-linga ako. Kailangan may gawin ako. Kailangan ko silang matulungan.
Pinulot ko ang batong kasing laki ng kamao na malapit sa akin at malakas na binato sa isa sa mga lalaki. Tumama ito sa sentido ng lalaki. Napalingon ito sa akin at masamang tumingin pero biglang natumba.
Nahawakan naman ni Rexell ang paa ng isa kaya nadapa ito at nauntog ang ulo.
"Dude! Huwag kang pumikit! Loko 'to. Tumayo ka!" sigaw ni Rexell na nilapitan si Bryle.
"May ikakabuga rin pala ang mga 'to. Akala ko palampa-lampang richkids lang ang mga 'ito." Ani ng kalbo na tinutok ang baril kay Rexell.
"Huwag mo nang subukang tumayo, bata."
"Rexell!" Tatakbo na sana ako papunta sa kaniya nang may humagunos na bagay na dumaan sa pisnge ko kaya natigilan ako.
Napatingin ako sa kalbo. Nanlalaki ang mga mata nito at nakanganga. Bumagsak na may nakatarak na maliit na patalim sa noo.
Biglang tumakbo ang natitirang lalaki palayo, "Hindi pa tayo tapos, Orlando! Babalikan ka namin!" sigaw nito bago nawala sa paningin ko.
Agad akong tumakbo papunta sa mga kaibigan ko.
Akmang yuyuko ako para buhatin sana si Bryle nang maramdaman ko ang isang matulis na bagay na bumaon sa aking tagiliran.
Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ang isa sa mga nakahigang goons ang nakangisi sa akin, hawak-hawak pa ang kutsilyo at mas lalong ibinaon sa tagiliran ko.
"Zync!" hiyaw ni Rexell nang makita ang sitwasyon ko.
Sinubukang suntukin ni Rexell ang lalaki pero kagaya kanina sa kalbo, may dumaang humahagunos na bagay sa pagitan namin at dumiretso sa leeg ng lalaki.
Isang ginintuang maliit na kutsilyo.
-End of Hush#8-
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro