HUSH 6
HUSH #6
Enjoy reading!
ZYNC
Ramdam ko ang bigat ng nguso ko. Masama ang loob ko dahil pinahiya ako ng babaeng 'yon sa classroom at mismong sa klase pa ni Prof. Moj. That's unacceptable! Eh inaano ko ba siya? Hindi ko naman siya inaano ah! Tapos bigla-bigla na lang manaksak ng ballpen sa desk ko pa! So violent! What a delinquent woman. Tsk.
Isa siyang baliw! Imagine, ako na ang biktima, ako pa ang pinalabas ng classroom?! Unbelievable! Since toddler dito na ako sa Laroa University pina-enroll ng parents ko, I never had any bad record like this. Dumating lang siya, naranasan ko nang masigawan ng guro at mapalabas sa klase. Tapos si Prof. Moj pa!
That woman! Yes, she has the looks that men would die for but for me, she's a woman with a rotten personality.
Pero napapansin ko ang kakaibang titig niya sa akin. It is as if she's examining every tissue of my body. Kung makatingin parang didilaan niya ako. Gross!
Tsk. Nagpapansin lang siya sa akin. Yes, she's one of those girls dying to get my attention. Well, nice try. She had my attention now. Ibang klase rin ang style ng babaeng iyon. Talagang ginaya niya ang girlfriend ko. Psh. Feeling astig!
Bigla akong nasamid sa iniinom kong milktea. Shet. Talagang tumulo pa sa dalawang butas ng ilong ko.
"Eww. Zync! Kadiri ka!" anas ni Al na kung makangiwi akala mo kinaganda niya. Psh. Bakla!
Kasalanan ito ni Katarina! Siya ang maysala sa lahat ng ito! Sigurado akong iniisip ako ng babaeng iyon ngayon. Iniisip niya siguro kung ano ang magiging sunod na hakbang niya para makuha ako.
Hmpf. Let's see kung papansinin ko siya. I will never let her feed her desires!
NEVER!
Napangiwi ako, ang sakit ng ilong ko dahil sa pagkasamid. Inis ko na sanang pahirin ang basang mukha ngunit naunahan ako ng pinakamagandang babae sa paningin ko. Ayiiiiii.
Ganda talaga ni Allaine ko. Hihi.
"Ang kalat mo talagang uminom kahit kumain. Bungi ka ba? What are you thinking? Ba't ka nasamid?"
Nasapo ko ang dalawang pisnge ko dahil nakaramdam ako ng init. Hehe.
"Alalalala! Ohoy!" siniringan ko ng tingin si Henna. Epal.
Binalik ko ang tingin kay Babe.
"Tenchu. Labyu." ngumuso ako para bigyan siya ng matamis na halik pero lumayo siya saka ngumisi. So pretty. Haaaaaaay.
"Uy. Zync, alam mo bang kalat na kalat na sa buong Laroa?" singit ulit ni Henna. Kinunotan ko siya ng noo.
"What?"
"Kalat na kalat na sinigawan ka ni Prof. Moj ng GET OOOOOUT! Hahahahahaha! Grabe epic. First time nangyari 'to!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Pero sige pa rin siya ng tawa.
"Una si Bryle na nakautot sa klase. Hahahahaha tapos ikaw pinalabas. Anyareee sa mga heartthrobs ng Laroa? Hahahaha."
"Eh ano ang nakakatawa?!" singhal ko sa kanya pero mas lalong lumakas ang tawa niya.
Ramdam ko ulit ang pagbigat ng nguso ko. Okay na sana! Nakalimutan ko na pero pinaalala pa ng babaeng 'to!
"What happened?" Bigla ako natigilan at napalingon kay Babe. Seryoso ang mukha niya at bahagyang nakataas ang kilay.
"Tsinitsismis niya si Katarina Ganda kanina!" naunahan ako ni Rexell sa pagsagot. "Nasa harapan lang namin iyong magandang babae pero kung makapanlait ang taong 'to akala mo hindi siya naririnig. Hayun! Nagalit. Sinaksak ng ballpen ang desk niya. Heto namang si Magaling, tumili kaya pinalabas."
"Maganda?! Sa'n banda?! Walang ganda sa babaeng iyon! Tsk. Pa-cool!"
"Maganda naman talaga si Katarina! Siya yata ang pinakamaganda sa buong Laroa!"
Binato ko ng tissue si Rexell.
"Walang maganda sa kanya! Hindi na nga kagandahan, masama pa ang ugali." himutok ko saka napairap.
"Bakit ganyan ka maka-react?! Hindi ka nga niya pinapansin eh! Wala namang ginagawa sa iyo 'yong tao. Ikaw pa nga malakas ang loob na manlait sa kanya."
"Can't you see? Pa-feymus siya! Akala mo kung sino'ng astig. Ginagaya niya nga si Allaine eh. Magsama sila no'ng kaibigan niyang fvck na tinubuan ng mukha."
"Bakit ba parang may pinanghuhugutan ka?!" napatayo na si Rexell saka sinigawan ako.
"Sinisigawan mo ba ako?!"
"Oo!"
Sisigaw na sana ulit ako nang biglang tumayo si Babe. Tinitigan niya ako saka biglang sinamaan ng tingin. Then she walked out.
"B-babe! W-where are you going? S-sama ako!" hahabulin ko na sana siya nang nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Kaya napabalik ako ng upo.
"Kasalanan mo!" singhal ko kay Rexell.
Umupo siya saka ngumisi, "It's your fault. Bakit ba parang may masamang loob ka kay Katarina?"
Napairap ako, "Basta. Ayaw ko sa kanya. Kung makatingin akala mo nakikita niya brief ko."
"Assuming. Hindi ka nga tinitingnan no'n!"
"Ano'ng hindi?! Ilang beses ko kaya siyang nahuhuling tinitingnan ako."
"Hindi 'no! Sino ka ba para tingnan niya? Sa ganda niyang iyon? Nakakahiya sa pores mo."
"Aba't! What do you mean? Panget ako?! Na hindi ako katingin-tingin?!"
"Asyumero ka lang talaga. Bahala ka nga sa buhay mo!" sigaw niya saka nag-walk out.
Nakita kong nakatingin ang iba naming kaibigan sa akin.
"What?! Ano tinitingin-tingin niyo?"
Hindi sila sumagot at umalis na rin.
"Hoy! Problema niyo?!" habol kong sigaw pero hindi na nila ako nilingon.
Napaupo ako nang maayos at naisip si Babe. Saan na kaya siya? Haaays. Siguradong umalis na naman siya. Palagi naman. Lagi na lang umaalis nang hindi ko alam kung saan pumupunta. Ayaw na ayaw niyang pinanghihimasukan ko siya. Feeling ko nga girlfriend ko lang siya rito sa Laroa. Sa labas ng gate, wala na. Halos hindi na kami magkasama. Pero mahal ko siya kahit gano'n iyon. In love, there should always be understanding. Naks.
Hmm. Katarina. Kailangan ko talagang layuan ang babaeng 'yon. She's dangerous. Baka bigla na kang akong hilahin sa talahiban. Katakot!
Napagdesisyunan kong umalis na rin, sa aking paglalakad ay natanaw ko si Katarina na naglalakad sa hallway ng Engineering Department.
Teka, ano ang ginagawa niya ro'n?Huminto siya sa isang classroom kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto nito. Lumabas ang mataray na si Rusty.
Dahil sa layo ay hindi ko naman alam kung nag-uusap ba sila at saka wala naman akong pakialam. Umupo na lang ako sa isang bench at tumanaw sa open field.
Nakita ko si Iseah Frost na naglalakad sa gitna ng field. Mukhang hindi takot ang isang 'to na umitim. Maraming bumabati sa kaniya na sadyang sumasalubong sa kaniya sa ilalim ng araw, kadalasan ay mga lalaki. Pero sinusupladahan lang sila ni Iseah.
"Hoy! Clementin!" biglang sigaw nito na halos lahat ay napapalingon sa kaniya sa sobrang lakas ng boses. Tinanaw ko si Katarina at nakatingin na ito sa gawi ni Iseah gano'n din si Pres. Rusty.
"Stamatiste to flert!" (Stop flirting!) dagdag pa nitong sigaw.
Ano naman kaya 'yon? For sure nagmumura na naman siya.
Muli lang bumaling si Katarina kay Pres. Rusty at hindi pinansin si Iseah. Ay, wow. Grabe lang. Snob.
Naglakad na palayo si Katarina na sinundan naman ng tingin ni Pres. Rusty habang si Iseah naman ay nagpatuloy sa pagmartsa sa gitna ng field.
Why am I stuck in this school filled with weirdos?
Hapon na nang naisipan kong magpakita sa barkada. Naglalakad na ako sa hallway tungo sa lobby ng SAS Bldg. nang matanaw ko sila Allaine at ang grupo na patungo sa direksyon ko. I smiled. Magaan na ang pakiramdam ko.
I was about to close the distance between us when I noticed Pres. Rusty having a heated argument with some students. Mukhang may mangyayaring hindi maganda.
"To begin with Mr. Jameson Castro, this is not supposed to be the building of an IT Student like you. May I remind you that this is School of Arts and Sciences building. So, I am wondering why you are here and you even brought this worms with you. Why?"
Bigla akong na-excite dahil sa cool na sabi ni Pres. Rusty. Nirerespeto ang baklang 'to sa buong University pero hindi si Jameson na talagang sinasadyang banggain ang Supreme Government ng LU.
Ewan ko ba kung ano ang trip ng taong 'to. Papansin din eh.
"Bakit? Hindi na ba puwedeng gumawi rito ang mga taga-ibang department? That's discrimination, Mr. President. Every student here has a fair share to roam around the school premises—"
Rusty hissed. He looked at his wrist watch and retorted, "Not when it's class hours."
"Vacant namin ngayon—"
"You are disturbing other students. It is okay to roam around but you have to observe silence and be considerate 'coz you might disturb on-going classes."
Sumambakol ang mukha ni Jameson.
"Hindi kami nag-iingay."
"If that's the case, I won't be standing in front of you now. So please, I am asking you politely to return to your respective classes."
"Vacant nga namin!"
"Then go to the Student Lobby Area and do your stuffs there! Hindi park ang SAS Bldg."
"Napaka-epal mo talagang bakla ka. Ano ang gusto mo ha?!"
"Wala akong gusto na galing sa 'yo o ninuman. All I want is for you to be somehow considerate to others."
"Siguro type mo ako 'no? Kaya ba palagi mo akong hinaharang? Nagpapapansin ka lang eh." Nagsitawanan sila ni Jameson.
Mga loko-loko.
Ngumiwi si Rusty, "Seriously? Do you think you're likable? Sorry to disappoint you, Mr. Castro. You aren't!" sabay irap. "So habang mabait pa ako, umalis na kayo or else you'll see me at the guidance office."
Sumama ang mukha ni Jameson at kumuyom ang kamao, "Ginagalit mo talaga ako! You are nothing but a—" Pinutol ni Rusty ang sasabihin nito.
"Uh— oh, I think I knew your reason why. You are here because of Allaine Cortez? Am I right? Or Am I really right?"
Ramdam ko ang paglukot ng mukha ko. Am I hearing it right? Naglakad ako papalapit. Nakakuha na rin sila ng atensyon ng iba. Ngumisi nang malaki si Jameson.
"Getting her attention by impressing her is considered as an achievement inside this University, it's either in a good or bad way. That's how people of Laroa look up to her and now you're doing it in not-so-good way. You love pestering me because you could easily get attention and you're doing it when Allaine is around the area." Bahagya itong sumulyap sa gawi ng babe ko na nanonood na rin sa kanila.
"Andami mong sinasabi!" Hiyaw ni Jameson sabay suntok kay Rusty. Napahiyaw ang ilan habang nagkantyawan naman ang mga kaibigan ng hambog.
Agad kong hinanap si Allaine at mabilis lumapit dito. Inunahan ko siya nang tangka siyang lumapit kina Rusty.
"Don't." Tinitigan ko siyang nang mariin.
"I can't tolerate this nonsense." I can't find any emotion on her voice. The normal Allaine way. Hindi ko siya binitawan.
"Huwag kang sumali, Babe. Please lang." Nagmakaawa pa ako. Bumuntong hininga siya.
"Ang tigas mo ring bakla ka, ano?!" sigaw ni Jameson. Walang may umawat sa kanila. Walang may gustong makisali.
Nakatayo lamang si Pres. Rusty habang inaayos ang suot na eye glasses. Nagsilayuan na ang ibang estudyante sa takot na madamay. Bully rin naman kasi si Jameson. Pati nga ang mga kaibigan nito ay dumistansya. Tanging silang dalawa na lang ang malapit sa isa't-isa.
"Tell me, Mr. Castro..." ani Rusty, "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" Bagot pa ang tono nito.
I am wondering why kung bakit naging bakla ang tingin sa kaniya ng lahat, I mean, he's not doing gay things. He does not wear girl stuffs like Al Ryan who loves to wear colourful headbands. Basta tinagurian na lamang siyang bakla sa buong Laroa dahil sa pagiging mataray at kung kumilos ay napaka-feminine. Pero para sa akin, hindi talaga siya bakla. Sadyang ganyan lang siya kumilos.
"Ang gusto ko ay maturuan ka ng leksyon!" sabay suntok ulit.
Napaatras si Rusty pero hindi natumba. Ang tigas niya, kung bakla siya nagtitili na 'to ngayon o umiyak na. Tama si Jameson, matigas nga, hirap naman nitong patumbahin.
Actually, he looks so cool.
I could feel the force from Jameson's fist. Napangiwi ako pero mas lalo kong hinigpitan ang kapit kay Allaine, humakbang na naman ulit kasi ito.
Ngumisi si Rusty, "Are you a teacher?" Hanep talaga nito. He really knows well how to handle this kind of situation.
Tinulak ni Jameson si Rusty sa balikat, "You are just a piece of sh*t in this school!"
"And you are a whole sh*t not just a piece."
Nakarinig ako ng tawanan sa paligid, isa na roon si Henna.
Ilang beses na tinulak ni Jameson si Rusty kaya paatras ito nang paatras hanggang sa malapit na sila sa may likuan ng pasilyo.
"Somebody should stop them." Giit ni Allaine.
Hindi rin nakialam ang mga teachers and staffs na nanonood lang din. Hindi sa wala silang pakialam o natatakot silang mangialam kundi malaki ang tiwala nila kay Pres. Rusty. I also gave my vote to him last USSG election because he can be trusted and he's the most qualified person to be on the top in our school hierarchy.
"Hayaan mo na, alam ni Rusty ang gagawin." Henna said. Tumango naman ako. Umismid lang si Allaine sa amin.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Napapansin ko lang, she looks worried when it's about Rusty. Wala mang emosyon ang mukha niya but I could sense it.
"Don't look at me like that, Zync." She warned. Napatawa ako ng peke.
"Sorry."
Binalik ko na lang ang tingin ko kina Rusty pero hindi ko pa rin binibitawan si Allaine. Mahirap na.
Napakunot ang noo ko nang makita ko ang pagngisi ni Rusty nang bahagya itong napasulyap sa kanan. Sandali lang iyon pero napansin ko.
Tinulak nang malakas ni Jameson si Rusty kasabay no'n ay pumorma ito at umikot. Umigkas ang binti nito upang sipain si Rusty.
Ngunit natumba si Rusty at napaupo. But no... snadya niyang umupo!
Ang sipang para kay Rusty ay sa isang taong sumulpot sa likuan mula sa kanan dumapo. Nagsinghapan ang lahat, kasama na kami roon.
"What the fvcking fvck?!" bulalas ni Iseah sa nangyari, nanlisik ang mga mata nito. "You fvcking dare to lay your fvcking stinky foot on my friend's face, you lowly fvcker?!"
Nakatagilid pa rin ang ulo ni Katarina dahil sa sipa ni Jameson. Nakatabon ang mahabang buhok nito sa mukha. Nahulog pa ang suot nitong bullcap.
Napamaang si Jameson at nanlalaki ang mga matang umatras. Tumawa si Rusty at napailing.
"Stop laughing, gaysh*t!" bulyaw ni Jameson kay Rusty pero nagpatuloy sa pagtawa si Pres at tumayo. Pinagpagan nito ang sarili.
"What now, Miss Clementin? Why aren't you moving?" Bakas ang panghahamon sa boses ni Pres. Rusty habang nakatingin kay Katarina. Mukhang may issue rin ito sa mga transferee. Ano kaya?
"Hey fvcking University's Supreme Student Government President, do you mind telling me why the fvcking hell did that fvcker kicked my friend?! I am fvcking thinking that you are supposed to have that fvcking stunt!"
Grabe naman ang babae 'to kung maka-fvck.
Namuo ang katahimikan nang pumainlang ang isang tawa. Malamig at walang kabuhay-buhay na tawa. Napatingin kaming lahat kay Katarina nang dahan-dahan itong nag-angat ng ulo. Pa-suspense. Pa-cool. Psh. Pwede naman mag-angat agad ng ulo. Padahan-dahan pang nalalaman.
Na-excite ako. Hindi dahil I find Katarina cool kundi dahil gusto kong makita kung ano ang gagawin niya. Baka saksakin niya rin si Jameson ng ballpen?
"That kick was too weak for a football captain." Sabi niya habang hinihilot ang panga.
Wow, feeling niya astig na siya niyan? Wala pa rin makakatalo sa Babe ko. Psh. Pa-cool talaga ang babaeng 'to.
"W-what?! H-how could you—" Bakas ang pagka-insulto sa mukha ni Jameson. Sino nga ba ang hindi?
"It's not how you do it." Aniya pa at pinasadahan ng tingin si Jameson mula ulo hanggang paa. "Too weak."
Lumayo naman si Iseah na nakangisi.
"W-what—" Hindi na nagawang tapusin ni Jameson ang sasabihin nang umikot si Katarina at sinipa nang malakas ang lalaki na tumama sa tagiliran. Tumilapon si Jameson palayo pero sinundan pa rin ni Katarina at bago ito bumagsak ay sinalo niya pa ito ng isa pang sipa sa kabilang tagiliran.
"That's what you call a fvcking double roundhouse kick, fvcking idiot!"
Bakas ang galit sa mukha ni Katarina. Nagkasalubong ang mga kilay nito. But hell, she moves with too much grace.
Napaupo na si Jameson pero nilapitan pa rin ito ni Katarina. Hinila niya ito patayo at tinapik ang pisnge.
"See? That's how you kick, Captain." Aniya saka tinulak nang malakas at muli sanang sisipain si Jameson nang may pumigil sa binti ni Katarina.
Nabigla na lang ako nang nando'n na si Allaine na kani-kanina lang ay hawak ko.
"B-babe!" Napahiyaw ako. Naku naman. Ayaw kong madamay si Allaine.
"Don't you think it's already enough?" Uh-oh. Mukhang galit na rin ang girlfriend ko! I need to stop them baka saktan ni Katarina si Allaine. No, I can't let that happen.
Marahas na hinila ni Katarina ang binti niya. Muntik nang mabuwal si Babe ko! How could she?!
Naglakad ako papalapit sa kanila pero naunahan ako ni Rusty. Pumagitna siya kina Allaine at Katarina na kapwa masamang nakatingin sa isa't-isa. Parang may boltahe ng kuryente na nagsasalpukan sa gitna nilang dalawa.
"A-allaine!" aligaga kong tawag saka nagmadaling lapitan sila. Hinila ko siya palayo kay Katarina at tinago sa aking likod.
Sinalubong ko ang tingin ng babaeng pa-cool at feeling astig pero nagulat ako nang magtama ang mga mata namin. Umiwas ako ng tingin saka hinarap na lang si Rusty. Ang sama kasi ng tingin. Psh.
"You went overboard, Miss Clementin." Nakataas ang kilay na sabi ni Pres. "What you did was out of hand."
"Do you think so?" Sumulyap ako sa kaniya. Tumabingi pa ang ulo niya habang nakatingin kay Rusty.
"The fvck. You and your fvcking words, Mr. Jeturian! Fvck you for saying those fvcking words to my friend!" Humarang sa harapan ni Katarina si Iseah. "You should be fvcking blamed here, not her!"
"Akala niyo ba hindi ko alam kung ano ang ginawa ng kaibigan mong 'yan sa limang estudyante sa may parking lot kahapon? Kay bago-bago niyo pa lang dito sa Laroa pero nakatanggap na ako ng reklamo tungkol sa inyo."
Bumuka-sara ang bibig ni Iseah at nakakunot ang noo. Mukhang hindi naintindihan ang sinabi ni Rusty.
"They started it." Hinawi ni Katarina si Iseah. "Can't you see? I don't lay a finger to anyone unless kung sila mismo ang mauna." Nabigla ako sa pagsalita niya ng matatas na tagalog. Hindi masagwa ang pagkasabi niya pero mas nabigla ako nang nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon.
Siniringan ko siya ng tingin. Naalala ko na naman ang ballpen na sinaksak niya sa desk ko! 'Yon ba ang nais niyang iparating? Hindi ko naman siya inaano ah. Hindi ako nanguna! Bigla-bigla na lang siyang nang-aano.
"Hayop kang babae ka!"
Napangiwi ako nang marahas akong hinawi ni Jameson. Kung hindi lang ako hawak-hawak ni Allaine ay baka natumba na ako.
Sinugod nito si Katarina ngunit hindi pa man ito nakakalapit sa kaniya nang humalik sa nguso ni Jameson ang kamao ni Iseah!
Walang malay na natumba si Jameson sa sahig. Naghiyawan ang lahat.
"Now, Mr. Fvcking President, that's what you fvcking call out of hand. See you at the fvcking guidance office."
-End of HUSH #6-
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro