HUSH 4
HUSH #4
Enjoy reading!
ZYNC
"Hi baby."
Napaatras ako palayo sa kaklase kong si Norma. Tiningnan ko ito nang naaasiwa. She is smiling from ear to ear with matching fast blinking of eyes. What is she doing? Hilaw akong ngumiti rito.
Lalapit na sanang muli si Norma sa akin habang naka-extend 'yong kamay nito nang biglang dumaan sa gitna namin si Bryle, tinulak niya pa si Norma at muntik na itong natumba kung hindi lang nakahawak sa isa ko pang kaklase.
"Ouch! Bryle!" maarteng sigaw nito, "Why did you do that? It hurts!" mangiyak-ngiyak pa ito.
"Huwag kang pahara-hara sa daan ko!" asik ni Bryle rito.
Napailing na lang ako saka sumunod ng upo sa tabi niya.
"Ang aga-aga. Aburido ka na naman. Hindi ka na kiss kay Lara 'no?" tukso Rexell sa kanya. "Uy, Zync... penge one-eight." Baling nito sa akin.
"Good morning." Sabi ko.
"Good morning, too." Nakangiting bati rin niya. Ni hindi man lang nakuha ang sarcasm sa boses ko. Loko talaga. "Dali na. Penge. One-fourth na nga lang."
"What for?" takang tanong ko.
Sa pagkakaalala ko, hindi naman kami gumagamit ng yellow pad. May sarili kaming test or quiz green book na may logo ng university.
"May hihingan ako ng number eh. Wala akong papel." Aniya habang nakalahad pa rin ang palad sa akin.
"Edi notebook mo."
"Ayoko nga. Bagong bili pa kaya ang mga 'to. Hindi pa puwedeng madungisan." Niyakap pa niya ang bag niya.
"Ano ka elementary? College ka na uy. 'Di na uso ang galawang 'yan. Saka ano ang silbi ng cellphone mo kung hindi mo gagamitin?"
"Nabasag kasi 'yong tempered screen kanina. Ang harot-harot kasi ni Al, nabitawan ko kaya ayon nahulog. Nakakahiya naman kung 'yon pa rin ang gagamitin ko kapag hihingi ako ng number. Ang ganda pa naman niya baka ma-turn off. Hehe." he said dreamily.
"Ewan ko sa 'yo. Do'n ka kay Norma humingi. Maraming papel 'yon."
Ngumiwi siya at biglang nandiri. Hindi ako mahilig manira ng tao pero 'yang si Norma, isang babaeng walang respeto sa sarili kaya madalas hindi rin siya nirerespeto ng iba.
This is our first day of school at hindi gaya ng ibang school na walang klase sa unang araw, hindi rito sa amin.
Tumahimik ang silid nang pumasok na ang aming block adviser, the most terror professor here in Laroa, Professor Mojica Remedy. Nilibot niya ang kaniyang tingin, matalim ang mga mata niya at walang estudyante rito ang may kayang makipagtitigan sa kaniya.
"Good morning." She greeted flatly.
She sat down on her designated seat and arranged her things. Sinusundan namin ang bawat galaw niya. Prof. Moj wanted her students to be attentive.
"Good-" hindi na naituloy ni Norma ang pag-greet back nito sa aming adviser nang masama itong tiningnan ni Prof. Moj.
Tsk. 3 years na kami sa course na 'to pero hindi pa ba aware ang babaeng ito sa kung ano ang ugali ni Prof. Moj?
She hates it when you speak when you're not asked. If she greets on the class, no one should greet back. That's her rule. She doesn't want to hear any noise unless it is necessary.
"I don't like stupid students and if you are one, try not to be stupid in my class. You are all old students here, you knew my rules." Sabi ni Prof. Moj na masama pa ring nakatingin sa nakayukong si Norma.
"Miss Bernardo."
"Prof!" napatayo si Norma.
"Next time, wear clothes appropriately. Laroa is an elite university and being an enrolled student here, you are bringing the school's image and name. Don't be a shame. Understand?" naiiyak na tumango si Norma. "Take your sit and pull your skirt down. I don't want to see your thighs. It's annoying."
Hindi man siya sumisigaw o gumagamit ng masasamang salita ay gano'n pa rin ang epekto nito. Mapapahiya at mapapahiya ka talaga kay Proj. Moj kapag napansin ka niya at kung may ginawa kang hindi niya nagugustuhan.
Pero kahit ganito siya. Bawing-bawi naman ang kalidad ng pagtuturo niya.
"Attendance." Sambit niya sabay patong ng swipe machine sa desk niya.
Kinuha ito ng kaklase namin sa unahan saka pinagpasapasahan sa bawat isa sa amin hanggang sa sinauli ito kay Prof. Moj ng pinakahuling nag-swipe.
Ang swipe machine ay wireless at nakakonekta sa laptop ng mga professor. Ito ang ginagamit sa attendance. We need to swipe our ID cards.
Nagsimulang magdiscuss si Prof. Moj sa introduction ng subject naming Technical Business Communication o MGMT 302. Walang-patawad, discussion agad.
"Our course outline for Technical Business Communication would be; Communication Process, Organizational Communication, Communication Skills, Business Letter, Forms of Business Communication and lastly, Time Permits and Business Terms... these will be the coverage of your whole preliminary examination on the second week of July-"
Naririnig ko ang mahihinang pag-ingus ng iba kong kaklase. Sino bang hindi? Ang dami-dami no'ng sinabi ni Prof. Moj tapos Prelim pa lang 'yon? Amazing!
Para akong naduduling sa PP presentation niya sa harap. Ang bilis ng bawat slides.
Mabuti na lang malakas ang boses ni Proj. Moj kaya hindi niya pansin ang pag-ingus ng halos lahat. Natigil lang sa pagsasalita ang maganda naming titser nang may kumatok.
Matalim niyang tinitigan ang pinto. Tiningnan niya ang kaklase kong nasa malapit do'n saka bahagyang tinanguan. Mabilis namang tumayo 'yong inutusan niya at binuksan ang pinto.
Bumungad sa aming lahat ang magandang mukha ng isang babae na may suot-suot na ID na kaparehas ng sa amin. Salubong ang kilay nito at mukhang handa ng magmura. Sabog din ang buhok nito, mukhang LQ sila ng suklay. Kaklase ko ang dayuhang mahilig sa salitang fvck na 'to?
"What do you need?" tanong ni Proj. Moj na nakataas ang kilay.
"I'm in this class." Wika nito saka pumasok. Mas lalong tumaas ang kilay ng guro namin. She shouldn't have done that! It's a crime!
"Have I already told you to come in?"
Napatigil 'yong babae sa paglalakad papasok dahil sa tanong ni Prof. Moj.
"No, but I am part of this block section so I bet... I have the right to come in even if you have not told me to." She retorted. Halatang pinipigilan niya lang huwag magmura.
Tumayo si Prof. Moj saka hinarap 'yong babae na nakalimutan ko ang pangalan.
"Matalas ang dila mo, hija-" oh good heavens! She cut off Prof. Moj.!
"Don't tagalog me, please. It's fvcking annoying." Napapairap na wika nito.
Napasinghap pa ang ilan sa amin. Tsk. Nagmura na ito.
"She's cool." Bulong ng katabi kong si Bryle, para siyang nananaginip ng gising.
"I don't like you to be in my class. Go to the office and transfer to the next section." Prof. Moj ordered her.
Napasinghal at natawa nang mahina 'yong babae, "We're feeling mutual Ma'am, I don't fvcking like you too. Can you go to the office and change your schedule? I don't want you to be my fvcking teacher."
"You!" tumaas ang boses ni Proj. Moj! Wow, first time 'to. She's always composed but now... "What is your name, young woman?"
"Oh, I'm sorry for being rude. I am Iseah fvcking Frost by the way. Nice to meet you, professor. Where's my seat? My ass wanted to kiss a fvcking chair now."
Biglang namula ang mukha ni Prof. Moj at bumigat ang paghinga niya, "Take your sit." Tinuro niya ang vacant seat sa row namin. Two seats away kay Bryle.
Ngumisi si Prof. Moj, Shet. Bakit ako ang kinakabahan? "It would be better if you'll stay in my class. You'll be in my watch, Miss Iseah Fvcking Frost. I don't know from what school you came from for you to have that kind of behavior and all I can say is that they have a very low quality in educating their students. And for you, I'll make sure I would turn you into a good and courteous girl."
"...yadda yadda yadda. Whatever." Sagot ni Iseah Frost. Ay, oo nga pala. Sia 'yong alam kong pangalan niya na narinig ko sa airport.
Matalim na tiningnan ni Prof. Moj ang mayabang naming bagong kaklase. Napakabastos naman niya. Padabog pa siyang umupo sa seat niya. Nilingon ko siya pero mabilis din akong umiwas nang ang matalim niyang mga mata ang sumalubong sa akin.
Napalunok pa ako. Teka, ba't parang natatakot ako sa kaniya?
"Damn, chix pare." Maharot na bulong ni Bryle sa akin kaya siniko ko siya.
"May nobya ka na uy."
Nginisihan niya lang ako.
"Shet. Shet. Shet..." parang bubuyog naman 'tong isa kong katabi dahil sa paulit-ulit nitong bulong. Nilingon ko si Rexell at parang sinilihan ang pwet nito.
"Hoy."
Lumingon naman siya sa akin pero ang mga mata niya hindi mapirme. Alam ko 'to eh. Alam na alam.
"Natatae ka ba?" nag-aalalang tanong ko.
Pinagpapawisan kasi siya at ganiyan na ganiyan ako kapag natatae pero 'yong feeling na you have the right love at the wrong time and wrong place. Hehe. Nakakatawa ang mukha niya pero hindi ako natatawa dahil paano na lang kapag ako ang nasa puwesto niya?
Oo nga't magagawa natin minsan pigilan ang tae na lumabas pero paano 'yong utot? Hindi 'yon mapagkakatiwalaan! Napakadelikado ng utot!
Itataas ko na sana ang kamay ko para mag-excuse kay Prof. Moj nang maunahan ako ng galit na singhal ng aming guro.
"Orlando! Santos! Monteclaro!" dumagundong ang boses nito.
Napatayo ako sa gulat. First time 'to na naspecial mention ang pangalan ko!
"Who gave you the permission to talk to each other while I'm still in front of you?!"
Nilingon ko ang dalawang itlog pero nakaupo pa rin sila at nakayuko lang. Ba't nga ba ako nakatayo?
"I'm sorry, Prof. Moj." Muli kong nilingon si Rexell, nakita ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kanan nitong paa. I feel you bro, don't worry I'll save you. What are friends for?
Naaawa ako sa friend kong 'to. "Pero po kasi... my friend here, Rexell, needs to go to the comfort room. ASAP." mas pinaamo ko pa ang boses ko.
"Zync!" hiyaw ni Rexell, I still feel you bro. Nakakahiya nga ito pero para rin sa 'yo 'tong ginagawa ko.
"What?" nilingon ko siya. "'Di ba najejebs ka na?"
"Eww! Ikaw pala ang kanina pa utot nang utot?! Potek, ang baho dude!" singit naman ni Bryle.
Sinamaan ko ito ng tingin, "Tumahimik ka nga. Mas lalong pinapahiya mo 'yong friend natin eh."
"What? I was telling the truth! He's been farting non-stop since he came here in school. Eww." Gago talaga 'to.
"Uy! Hindi ah. Ano ba kayo? Pinapahiya niyo ako pareho eh." Asik ni Rexell.
"Gusto mo samahan kita sa CR? Pinaalam na kita kay Prof. Tara na, baka rito ka pa magkalat." Alok ko sa kaniya.
Nagpalatak lang siya, "Zync naman eh. Hindi naman kasi ako najejebs!"
"Sus, nahiya ka pa. Tayo na riyan." In denial pa 'to eh.
"The three of you... GET OUT!" mas malakas na sigaw ni Prof. Moj kaya pati ang dalawa ay napatayo na rin kasabay no'n.
~prut- pruuut- prut- pruuuuuuuut~
Lahat kami ay sabay-sabay na napalingon kay Bryle.
"Fvcking shiiit. Eww!" bulalas ni Sia na siyang bumasag ng katahimikan.
"Hindi ako 'yon ah!" pulang-pula ang mukha ni Bryle.
"Class dismissed." Anunsyo ni Prof. Moj habang nakatakip ang panyo sa ilong niya saka nagmadaling nilisan ang nangangamoy naming classroom kahit hindi pa time.
"Ayos lang 'yan, dude. I feel you." Alo ko sa kaniya saka tinapik ang balikat niya. Nakakadiri. Hindi ko ma-describe 'yong amoy. Fully-air-conditioned pa naman ang room namin.
**
"Dude, labas ka na riyan. Ayos lang 'yan." Sabay katok sa pinto ng banyo kung saan kanina pa nagkukulong si Bryle.
"Zync. Iwan na natin siya. Hayaan mo na siya. Tumgots na ako." Ungot naman ni Rexell sa tabi ko.
"Huwag ka ngang ganiyan, kaibigan natin siya. What are friends for?" asik ko sa kaniya.
"Bryle! Ano ba? Magsalita ka nga riyan!" mas lalo kong kinatok.
"Zync! Wala na. Sirang-sira na ang buhay ko! Ayoko na! I hate my life!" malakas niyang sigaw mula sa loob.
"Hindi 'yan, ano ka ba? Bakit? Ikaw lang ba ang umuutot? Lahat naman ng tao ay umuutot ah."
Tumunog ang cellphone ko. Shit, si babe. Sinagot ko ang tawag niya.
[Where are you?]
"Ah babe, CR pa ako eh."
[We're here at the cafeteria. Come here.] then she ended the call.
Napakamot na lang ako ng ulo.
"Bryle!" sigaw ko at maya-maya pa ay lumabas na siya. Namumula pa ang buong mukha niya.
"Ayos lang 'yan, dude. Makakalimutan din ng iba ang nangyari sa paglipas ng oras." Alo ni Rexell pero natatawa. Pulang-pula ang mukha ni Bryle saka mailap ang mga mata. Haaay. Nakakaawa ang friend ko. Tsk. Sabi na eh. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang utot.
Sabay-sabay na kaming tumungo sa cafeteria. Nahuhuli ako sa dalawa. Napalingon ako sa may dulo ng field nang makita ko si Sia na naglalakad tungo sa likod ng gym.
Huminto siya sa may isang puno at parang may kinausap doon.
"Zync!" tawag ni Bryle kaya mabilis na akong sumunod sa kanila. Sinulyapan ko muli ang gawi ni Sia.
Pero wala na siya roon.
Napangiti ako nang malaki nang agad kong nakita si Allaine na naglalakad papalapit sa mesa nina Al. Maraming estudyante ang bumati sa amin pero ang atensyon ko ay na kay babe lamang.
Malalaki ang hakbang na nilapit ko siya at niyakap mula sa likod.
"Hi babe." Mariin kong sininghot ang mabango niyang buhok.
I heard random yiiii from the crowd.
"Zync."
Hindi malambing ang boses niya, hindi rin ito maamo, lalo't hindi ito mainit sa pandinig. Her voice is flat and that's why I like it, dahil boses niya iyon eh.
Umupo na kami at nagsimulang kumain.
"Oh my gosh!" sobrang lakas na tili mula sa gitnang bahagi ng cafeteria. Nagtumbahan din ang mga upuan doon kaya tumahimik ang cafeteria.
"Pres! Are you okay?" sigaw ni Aica. Nakasalampak sa sahig si Pres. Rusty.
Nilapitan ito ni Aica pero mabilis itong hinila palayo ng nobyong si Jameson.
"Stay away from that gayshit, Aica!" singhal ng nobyo.
"Jameson! Why did you push him?!"
Napailing si Pres. Rusty saka mag-isang tumayo.
"Ikaw'ng bakla ka! Akala mo kung sino ka ah? Porke't nasa top hierarchy ka ng Laroa, umaasta ka ng hari?!" galit na asik ni Jameson, ang football captain.
"Ayan na naman siya. Mahilig talaga gumawa ng eksena." Ani Francheska.
Bumalik kami sa pagkain at hindi na pinagtuonan ng pansin ang eksena nila. Ngunit napansin kong nakatitig pa rin doon si Allaine.
I sighed. I know what she's thinking.
"Babe, don't." pinangunahan ko na siya, but she never listens to me.
Tumayo siya saka naglakad tungo sa kaguluhan.
"Allaine." Tawag ni Henna sa kaniya but she never listens to anybody.
"After your class you are required to go to the guidance office. See you there, Jameson. Doon mo idulog ang problema mo sa pamamalakad ko sa konseho ng student government." Seryosong saad ni Pres. Rusty.
Inundayan ng suntok ni Jameson si Pres kaso sinalo ni Allaine ang kamao nito.
"Stop." Simpleng sambit ng nobya ko. Mabilis na umatras palayo si Jameson.
"C-cortez. Huwag kang mangialam." Utal na wika ni Jameson pero bakas na kinakabahan ito.
"Don't order me what to do, Jameson." Matalim niya itong tinitigan kaya napataas ng kamay ang mayabang na football captain.
"Hindi pa tayo tapos." Dinuro nito si Pres. Rusty saka hinila si Aica palabas ng cafeteria.
Napatayo ako nang imbis magpasalamat ay sinamaan ng tingin ni Pres si Allaine. What the hell?
Siya na ang tinulungan, siya pa ang galit?
"I don't need your heroic act, Miss Cortez. It does not impress me. Next time, mind your own business." Wika nito saka tinalikuran si Allaine.
Mabilis kong narating ang kinaroroonan ni Allaine.
"You don't have to be rude, Pres. She just helped you. You should at least be thankful." Saad ko, muling napalingon si Rusty sa amin.
"You saying somethin'?" maang-maangan nito.
"That's enough. Let's go." Hinila na ako palayo ni Allaine pabalik sa table namin.
"Ang presko talaga ng baklang 'yon." palatak ni Al nang makarating kami.
"Are you okay?" tanong ko kay Allaine. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya ngunit binawi niya ito. Natigilan ako.
"Babe." Bigla akong kinabahan. Nagsimula siyang maging busy sa pagkain niya habang ako ay nakatingin lang sa kaniya.
"Next time, don't try to intervene." Sabi niya nang hindi man lang ako nililingon.
I sighed and remained silent the whole time.
Alright. I'll better be quiet.
-End of Hush #4-
Thank you for reading freaks.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro