HUSH 2
HUSH #2
Enjoy reading!
ZYNC
"Take care of yourself, son."
I turned to look at my dad. He was looking at me with teary eyes. Natawa ako sa nakita ko. Seriously, the great Zacario Orlando?
"Dad, ano 'yan?" turo ko sa gilid ng mata niya.
Umiling naman siya at pasimpleng pinahid ang namamasa niyang mga mata.
"Son, I'm sorry."
Napalis ang ngiti ko dahil sa narinig.
"Sorry for what, Dad?" nagtatakang tanong ko.
"Basta. Patawarin mo ako."
Naguguluhang kinamot ko ang aking ulo.
"Ewan ko sa 'yo, Dad. Kung anu-ano ang pinagsasabi mo."
Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti bago siya lumabas sa kuwarto ko sa bahay niya rito sa Melbourne. Pinagpatuloy ko ang pag-iimpake. Nang matapos ay umupo ako sa kama at inabot ang tablet sa ibabaw ng bedside table. Mabilis kong binuksan ang Skype Account ko at tinawagan si Allaine.
"Babe!" napangiti ako nang malapad nang bumungad ang magandang mukha ng girlfriend ko sa screen. "I miss you!"
Umismid si Allaine, "I miss you, too."
Tumulis ang nguso ko at pinanliitan siya ng mata, "Don't you miss me? Two weeks tayong hindi nagkita ah!"
"I miss you too nga 'di ba?" tanong niya sa tono na para bang ang tanga-tanga ko.
"Grabe ka talaga, ang sweet mo ah. Nakabihis ka ah. Sa'n gala mo, Lovely?" usisa ko nang mapansin ang usual get up niya kapag lumalabas.
Pormahang basagulera pero rakkk. Kaya nga ako nainlab dito eh. Napangisi ako nang maalala ang first meeting namin two years ago. 'Yong araw na nahulog ako sa manhole sa may kanto malapit sa school namin dahil sa kaniya, 'yon din 'yong araw na na-fall ako sa ganda niya.
Nang dahil din sa kaniya naging kabarkada ko ang mga kaaway ko noon, sina Bryle at Rexell.
"D'yan lang." tipid niyang sagot saka biglang nawala ang maganda niyang mukha sa screen nang tumayo siya.
"Uy, nag-uusap pa tayo." Angil ko.
Bumalik siya na may bitbit nang sandwich.
"Sarap ng kagat mo ah." Nakangiting wika ko nang sunod-sunod siyang kumagat. Napatingin ako sa lips niya. Damn those pinkish thin lips.
Tumango-tango lang siya habang nakatitig lang sa screen.
"Mas lalo kang pumutla, babe." Puna niya kaya napahawak ako sa mukha ko. Babe? Syet. Haha. Nakakakiliti.
"Hindi naman ah." Ngumiti lang siya at tumango ulit. Grabe lang, hindi niya ba ako pipilitin na namumutla talaga ako? Gano'n lang 'yong concern niya? Bakit ba hindi na ako masanay-sanay sa pag-uugali niya?
"Nga pala, sabay na lang tayo magpa-enroll ha? Sabihan mo ang barkada." Muli siyang tumango at inubos ang sandwich. "Hindi ka ba magtatanong kung kailan ako uuwi?"
Umiling siya saka may tinuro sa gilid ko, "You're packed up. See you soon."
Napalatak ako nang nasa gilid ko pala ang may kalakihan kong maleta.
"I was supposed to surprise you!" maktol ko.
"Surprise!" bigla niyang hiyaw sabay taas ng dalawang kamay, "I am surprised, babe. Don't worry." Pang-uuto niya.
Ano'ng akala niya sa akin bata na maniniwala? Psh.
"Talaga?" nakanguso kong tanong. Nakangiting tumango-tango naman siya. "Sige na nga. Susunduin mo ba ako sa airport?" mas lalo ko pang pinalambingan ang malambing ko nang boses.
"Malaki ka na at may kailangan pa akong gawin sa mga susunod na araw. Tawagan mo na lang ang secretary mo." Tanggi niya.
Nakasimangot na sinamaan ko siya ng tingin, "Ano ang gagawin mo?"
"Stuffs." Kibit-balikat niyang sagot.
Bumuntong-hininga na lang. Haaay, Allaine... why am I not still used with your cold love?
"Okay. Sige na babe, I'll hang up na. I love you." Paalam ko sa kaniya.
"Love you." Simpleng sagot niya.
'Di ba ako ang nagsabing magha-hang up? Bakit siya ang unang bumaba ng video chat namin? Nakakainis 'yon. Pasalamat siya, mahal ko siya. Ugh.
**
Nagising ako dahil sa marahang pagtapik ng flight attendant sa balikat ko at sinabing magla-land na kami. Napangiti ako nang malaki na alam kong labas na ang gilagid. Sabi ni Daddy mas lalo akong gumaguwapo kapag ngumingiti ako nang ganito na sinuportahan naman ni Allaine.
And I don't have to worry because I have healthy gums naman.
Hindi pa rin mapalis ang ngiti ko habang pababa ng eroplano. Nang makuha ko ang aking baggage ay mabilis akong naglakad palabas ng airport.
"Oo nga pala." Napatampal ako sa noo ko nang makalimutan kong tawagan sa bahay na magpapasundo ako. Ang galing-galing mo, Zync.
Mabilis kong tinawagan ang butler namin at sinabihang magpapasundo ako. Habang naghihintay ay tumayo ako sa gilid ng waiting area. Ayokong umupo, nangangalay pa ako sa mahabang biyahe.
As usual ang daming tao. Puwede ko namang tanggapin ang offer ni Daddy na gamitin ang aming private plane pero mas pinili kong sumakay in public. As much as I can, gusto kong maging normal ang buhay ko habang estudyante pa lamang dahil sa oras na magtatapos ako ay magiging high-profiled na ako. I am my father's only heir for his conglomerates.
"Skatá!" (Shit.)
Napalingon ako dahil sa malakas na boses na iyon. Sobrang lutong ng pagkakasabi ng babae na nakakuha talaga ng atensyon ng marami. 'Yon bang ang lalim ng kaniyang hugot na dinaan sa salitang 'yon. Hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin no'n pero feeling ko mura 'yon.
Tiningnan ko ang babaeng nagmura. Unang tingin pa lang ay masasabi nang foreigner siya. Matangkad kumpara sa height ng mga Pinay, may mala-manikang mukha, dirty blonde na buhok na hanggang balikat at kulay berdeng mga mata. She looks Caucasian.
Bahagya akong napailing, why did I described her anyway?
"Gamoto!" (fvck you.) muli niyang angil habang masamang-masama ang tingin sa isang dalagang pinay.
"Sorry po. Sorry po." Paghihingi ng tawag ng dalagang may bitbit pang Johnson's powder bottle.
Inis na pinahiran no'ng dayuhan ang mukha niya. Mukhang natalsikan siya ng pulbong ginamit ng dalaga. Malakas pa siyang bumahing.
"Fvck! Don't you have a compressed powder? Why the fvck your using a baby powder for your face?! Look what you've done!" muli siyang bumahing nang sunod-sunod, mukhang allergic.
"I'm so sorry po." Halatang natatakot na ang dalaga. Mukhang kakababa lang din nito sa eroplano at naghihintay ng sundo kagaya ko.
"Gamoto!" bulyaw pa ng dayuhan sa dalaga sa mismong mukha.
Napangiwi ako. Mukhang hindi naman yata tama na bulyawan niya nang ganito ang dalaga eh hindi naman sinadya saka humingi na ito ng tawad sa kaniya. Tsk, mga dayuhan nga naman. Ang baba ng tingin sa mga Pinoy.
May nahagip ang paningin kong nagkukuha ng video sa dayuhang mura nang mura. Mukhang may plano pang gawing viral video ito. Napangisi ako dahil siguradong wala nang mukhang ihaharap ang dayuhang ito rito sa Pilipinas kahit sobrang ganda niya kapag pagpipiyestahan ng mga pinoy ang mukha niya sa social media.
Pero nawala ang ngisi ko nang biglang may humablot sa cellphone no'ng babae at malakas itong binagsak sa sahig kaya nawasak ito.
"Ang cell phone ko!" mangiyak-ngiyak na sigaw no'ng babaeng navi-video.
Napatingin ako sa nagwasak ng cell phone. Isa ring babae. Nakatalikod sa gawi ko dahil hinarap nito ang may-ari ng cell phone at mukhang kinausap. Umalis din ito agad sa harap ng pinoy na nakanganga at may hawak-hawak nang maraming panid ng isang libo.
Tsk. Money talks.
"Fvck!" mura pa rin ng mura 'yong dayuhan na mukhang 'fvck' lang ang salitang alam. Tsk. Kada bahing niya ay may kasunod na mura.
"Please forgive me, I didn't mean to—" saad ng pinay.
"That's enough." Singit no'ng babaeng nagwasak ng cell phone.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapanganga nang makita ang mukha niya! Sh*t! Mapapamura ka talaga.
Ang ganda niya. Kung maganda ang dayuhan na kanina pa mura nang mura ay mas maganda ang isang 'to! Isa rin siyang dayuhan pero itim ang kulay ng buhok niya. She also looks a European descent but I could see an Asian feature on her.
Wow. She's beautiful.
"Haven't you seen what she had fvcking done to me, Katarina? She fvcking doused that fvcking baby powder on my face! You knew that I have fvcking allergic rhinitis!" maktol no'ng babaeng bumabahing.
"Go." Maikling saad no'ng magandang babae sa dalaga. Mabilis namang lumayo ang dalaga sa kanilang dalawa.
"Katarina?! You let that fvcking brat slip away? How could you?! She should be fvcking punish! Eisai enochlitikos!" (You're annoying.) galit na saad nito na hinabol ng tingin 'yong dalaga.
Napairap naman ako. Mukhang sobrang OA naman ng isang 'to. Nasabuyan lang ng pulbo sa mukha, paparusahan agad? Eh ilang beses namang humingi ng tawad 'yon eh.
Muling tumuon ang pansin ko sa magandang babae na tinawag ng kasama nito na Katarina.
Mas matangkad si Katarina kaysa sa babaeng dirty blonde ang buhok at 'fvck nang fvck'.
Itim at straight na hanggang balakang ang kaniyang buhok, mapupungay ang mga mata na tila ba iiyak pero dahil sa sobrang itim ng iris nito na alam kung natatabunan lamang ng lente ay masasabing mabagsik ito. Sobrang ganda niya talaga.
Lalo na dahil sa tindig pa lang niya na malalaman agad na dominante siyang tao. Nakaka-intimidate siya sobra. Simple lang ang suot niyang jeans at t-shirt pero hindi balakid iyon para makita ko ang makurba niyang katawan.
Sh*t. Am I checking her out?
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapatingin sa gawi ko 'yong kasama niya na mahilig sa salitang fvck. Nakakatakot kasi ang tingin nito.
Killer eyes. She has those.
"Páme Iseah." (Let's go.)
Muli akong napatingin sa gawi nila nang magsalita iyong si Katarina. Naglalakad na siya tungo sa isang mamahaling kotse. Pero naiwan 'yong Sia na masamang nakatingin sa akin.
"What the fvck are you looking at?!" malakas niyang sita sa akin.
Nagulat naman ako. Minura niya ba ako? Inis na iniwas ko na lang ang tingin sa baliw na babaeng 'yon. Hindi lang naman ako ang nakatingin sa kanila ah pero bakit ako lang ang sinita niya?!
"Gamoto! Kakó skylí!" (Fvck you! Bad dog!) pahabol niyang bulyaw sa akin at mabilis na sumunod do'n sa Katarina.
"What the hell is wrong with her?" bulalas ko at inis na napakamot sa baba ko.
"Napakalagkit kasi ng titig mo sa kasama niya, hijo."
Napaigtad ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.
"What?" takang tanong ko sa matandang lalaki na may maleta ring dala.
"Napansin ka kasi no'ng babaeng palamura na nakatitig sa kasama niya at mukhang hindi niya iyon nagustuhan kaya siguro minura ka niya."
"Ako? Nakatitig sa kasama niya? Hindi naman ah."
Hindi naman talaga 'di ba? Bakit naman ako titig do'n sa babaeng may pangalang Katarina? Eh maganda lang naman siya, seksi... saka. Oo na! Sobrang ganda niya. Nakakatulala.
Napaiwas ako ng tingin sa matanda na may nakakakilabot na ngisi. FC si tatang.
"Mukhang naranasan mo ang pag-ibig sa unang tingin hijo ah." Puna niya.
Pag-ibig sa unang tingin? Love at first sight ba kamo?!
Napalatak ako, "Naku Lolo, huwag kang magsalita nang ganiyan. May nobya na po ako. Na-love at first sight din ako ro'n kaya imposible 'yang sinasabi mo." Magalang ko sabi sa kaniya kahit nainis ako sa sinabi niya.
"Ah gano'n ba." Tumango-tango pa siya, "Maganda ang babaeng iyon pero nakikita ko sa kaniya ang labis na kalungkutan."
Napatitig ako sa kanya, "Paano niyo po nasabi iyon?"
"Matanda na ako at hindi na mabilang ang taong nakakasalamuha ko na may iba't-ibang ugali at pinagdadaanan kaya alam ko." Nakangiting paliwanag niya.
Natahimik ako.
"Sige hijo, mauna na ako sa 'yo." Paalam niya saka pumasok sa kotseng tumigil sa harap namin.
Napaisip ako sa sinabi niya. Teka? Bakit ko naman iniisip 'yon? Eh hindi ko nga kilala sila eh pati na 'yong matanda. Tsk. Ba't ang tagal ng sundo ko?
*****
Maayos kong naipark ang kotse ko sa east parking lot ng Laroa University, ang school na pinapasukan ko at ni Laine. Napangiti ako nang matanaw ko si Laine na nakasandal sa kotse niya habang kausap ang bestfriend niyang si Henna.
"Hey girls." Bati ko. Lumingon sila sa akin.
"Zync! Asan pasalubong ko?!" masayang sabi ni Henna pero nakatuon ang pansin ka kay Allaine na nakangiti sa akin.
"Babe! I missed you!" Mahigpit ko siyang niyakap mas lalo ako natuwa nang niyakap niya rin ako pabalik.
"I missed you too."
"Ayy. Nakaka-OP talagang maging third wheel." Ungot ni Henna sa tabi namin, pareho kaming natawa ni Allaine saka naghiwalay.
Nag-usap kami sandali hanggang sa nagyayaan nang pumunta sa enrolment area. Dumaan kami sa student activity area dahil doon daw naghihintay ang buong barkada. Malayo pa lang nakita na namin sila.
"I've met a Russian boy in Macau and ugh!" maarteng wika ni Al Ryan na nangunguna sa tsismisan.
"Oh tapos? Ano'ng nangyari sa Russian Boy mo bakla?" tanong ni Cynthia.
"Al Ryan, don't tell me you two— eww." Hindi matuloy-tuloy ni Francheska ang nais sabihin dahil sa pandidiri.
Eksaheradong umikot ang mga mata ni Al Ryan, "Duh! 'Yon na nga, may na meet ako kaso 'yon lang, na-meet ko lang siya! Am I not attractive? He didn't notice my overflowing sex appeal!"
"Kasi dude sa guwapo mong 'yan bakit hindi ka na lang bumalik loob?" Bryle asked.
"Yuck. No way! Nasa right path na kaya ako bakit pa ako liliko? After our graduation, I'll go to Thailand and get fixed."
Hindi pa man kami nakakalapit sa kanila ay rinig na namin ang malakas nilang usapan.
"You mean, ipapaputol mo 'yang putotoy mo?!" bulalas ni Rexell.
"Why do you look horrified with that thought?! Gosh, kung alam mo lang ang nararamdaman ko! Gustong-gusto ko nang umupo kapag umiihi. Sumasayad kaya sa sahig kapag sinusubukan ko."
Nagtawanan sila at nakalapit na kami.
"Hey guys."
"Zync! Nakauwi ka na! Pasalubong namin. Bilis!" excited na saad ni Al Ryan. Tumawa lang ako.
"Hi Allaine! Hi Henna!"
"Ang iingay niyo pa rin." Sabi ni Allaine nang makaupo siya sa tabi ni Lara na pangiti-ngiti lang.
"Wow! Mas gumanda ka lalo, Allaine!" ani Al Ryan.
"Hoy, ano 'yong narinig ko Al Ryan ha?" angil ni Henna at kinutusan ito.
"Ouch! You brute!" maarteng reklamo ni Al Ryan.
"Huwag mong ipaputol 'yan, sayang." Nguso ni Henna sa gitnang bahagi ng hita ni Al Ryan. "Bumabakat ang laki niyan tapos ipapaputol mo lang?! Maraming lalaki ang hindi nabiyayaan ng ganiyang size tapos ikaw sasayangin mo lang? Isipin mo na lang ang mararamdaman ng mga lalaking pinagkaitan!" hinanakit ni Henna.
Sumama ang mukha ni Al Ryan kaya malakas kaming nagtawanan. Halos mag-walk out na ito sa tukso namin sa kaniya mabuti na lang ay hindi pikon ang guwapong bakla.
"Tama na 'yan. Tara na magpaenroll na tayo." Aya ni Allaine na naunang tumayo.
Tumayo na rin ako at hinawakan ang palad niya. Halos dalawang oras din kami nagtagal dahil maraming nagpapaenroll lalo na sa mga freshmen.
I am taking BS in Business Administration major in Business Management together with Bryle and Rexell, iba nga lang ang majors nilang dalawa. Pareho na kaming third year college.
While Laine and the others are taking Civil Engineering. They are sophomores and block mates.
Sabay-sabay kaming pumunta sa ID Section bitbit ang mga Certificate of Registration namin para magpa-ID. Walang VIP-VIP dito sa Laroa University. Lahat ng estudyante rito ay mga anak-mayaman pero walang special treatment kaya dapat dumaan ang lahat sa tamang proseso at sariling sikap.
"Ayusin mo nga 'yan!" ang malakas at maarteng boses na iyon ang bumungad sa amin.
Napatingin kami sa gawi ng may-ari ng boses na iyon. Napailing na lang ako.
"Your job is so easy, why couldn't you do it well?! My ghad! You're pissing me off!" singhal ulit ni Rusty sa student assistant na nakaharap sa computer na nagpa-process ng COR at ID.
Umupo na kami sa waiting area at tahimik namin pinanood ang panenermon ni Rusty Jeturian sa kawawang SA. Rusty is the President of the University Supreme Student Government. Mukhang dito naman siya naghahasik ng kasungitan sa ID Section.
"Pres calm down. Nagkamali lang siya dahil dalawang Athena G. Cruz ang registered student dito kaya nagkapalit ang information nila tapos sabay pa silang nagpa-ID." Awat ni Jessy, ang VP ng USSG.
Ilang ulit bumuga ng hangin si Rusty at pinaypayan ang sarili. Pumipilantik ang kaniyang mga daliri.
"Ang arte. Akala mo naman maganda." Rinig kong bulong ni Al Ryan na napapairap kay Rusty. Sino'ng nagsabing 'Birds of the same feather, flocks together.' Hindi puwedeng iapply 'yon kina Al Ryan at Rusty dahil paniguradong sabong ang mangyayari.
Magiging manok-panabong sila pagnagkataon o 'di kaya puwede ring mga matatapang na inahin, hindi puwedeng pagsamahin.
Naging matiwasay ang pagprocess namin ng ID maliban kay Al Ryan na hindi makontento dahil panget daw ang kuha ng angle niya. Panay ang reklamo niya sa photographer. Sinasaway na nga siya ni Francheska.
"Excuse me, this is not a fun photoshoot! So please, get your ass out from that chair! Marami pang estudyanteng naghihintay!" malakas na bulyaw ni Rusty kay Al Ryan.
"I am fully paid for the tuition fee and I have the right to demand! Ang panget ng pagkaka-angle tapos nabigla pa ako sa flash kaya mukha akong duling! Do you think I would allow that to be my photo on the ID card?!"
Umismid lang si Rusty saka sinabihan ang photographer na isang kuha na lang kay Al Ryan at hayaan na kung ano man ang maging mukha ng bakla sa ID. Ang kulit naman kasi.
Na-release din kaagad ang bagong ID namin ngayong taon. Nag-uusap kami habang papalabas. Naka-akbay ako kay Allaine. Pero natigilan ako nang makita ang mukha ng babaeng makakasalubong namin sa may pinto.
"Sh*t. Ang ganda." Bulalas ni Rexell na nasa kabilang gilid ko.
Lahat siguro ng tao sa loob ng ID Section napatingin sa babaeng papasok.
Kilala ko 'to ah! Ito 'yong babaeng mahilig mambulyaw at magmura sa airport no'ng nakaraang linggo. Napahinto kami sa paglalakad. Rinig ko rin ang bulungan sa paligid dahil maganda naman talaga ang babaeng palamura.
Estudyante ba siya rito? O transferee? Ano nga ang pangalan niya? Kung nandito siya...
Tiningnan ko kung may kasama siya pero naglaglag ang balikat ko nang hindi ko nakita 'yong kasama niya sa airport.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Allaine.
What is wrong with me? Bakit parang nadismaya akong hindi nakita 'yong babaeng nagngangalang Katarina?
Napailing na lang ako at ngumiti kay Allaine.
"Let's go." Aya ko sa kanila. Muli kaming naglakad.
Nagkatinginan pa kami no'ng babaeng palamura at bigla ako nakaramdam ng kaba nang ngumisi siya sa akin.
'What the hell?'
-End of Hush#2-
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro