Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HUSH 14

HUSH#14
Enjoy reading!

ZYNC

Maganda ang gising ko.  I was able to close a multi-million deal with an European investor last saturday. Hanggang ngayon, good vibes lang ako, Dad was so proud of me. Hindi raw siya nagkakamaling ipahawak sa akin ang management ng conglomerates.

Sana walang may sumira sa magandang araw ko. Excited na akong ibalita kay Allaine ang latest achievement ko. Dalawang araw ko na rin kasi siyang hindi ma-contact.

Hindi pa man ako nakababa ng kotse ay naagaw ang pansin ko sa kotseng marahas na pumarada sa 'di kalayuan sa akin.

Lumabas mula sa passenger seat si Iseah. Marahas at mukha pa ring pinagkaitan ng kasiyahan ng mundo. Sa lahat nang nakilala ko, siya na ang may pinakabusangot na mukha. Kung sakaling buntis ang future wife ko, hinding-hindi ko hahayaang masilayan ng asawa ko ang mukhang 'yan. Cringy.

"Oh? Si Al Ryan."

Nagtaka ako kung bakit magkasama sila. Bakit magkasama sila sa iisang sasakyan?

"What the?"

Papalayo na si Iseah pero hinabol siya ng kaibigan kong bakla? Marahas na bumaling si Iseah kay Al Ryan saka tinulak ito sa hood ng kotse. Rinig ko ang sigawan nila pero 'di ko maintindihan kaya ibinaba ko nang kaunti ang bintana para marinig sila nang maayos.

"You fvcking gayshit. I fvcking told you to stop! Are you stupid?! Shut the fvck your mouth up or I'll kill you!"

"Then kill me! It won't change the fact that 'that' happened between us. We need to talk about it."

"There's no need for us to talk! I don't fvcking care! It's just a fvcking mistake! I can't fvcking believe that I did that thing with you. Just shut the hell up and don't talk to me again." Akmang aalis na sana si Iseah nang pigilan na naman siya ni Al.

"Iseah Frost, I am your first and I feel responsible about it---"

"Fvck you!"

Napakurap ako nang bumulagta si Al Ryan dahil sa suntok ni Iseah sa mukha nito. What was that?

Parang hindi ko kilala ang Al Ryan na nakikita ko ngayon. Lalaking-lalaki ang dating nito, nasaan na ang kembot at pilantik?

Napasinghap ako nang may ma-realize. Napahawak pa ako sa bibig.

"Iseah and Al Ryan did 'it'?"

It's a news flash! Oh gracious! Hindi ako makapaniwala.

Mabilis akong bumaba ng kotse para lapitan si Al na nakaupo pa rin sa lapag.

"Al Ryan. What happened to you?" maang-maangan ko sa nangyari.

Nilingon niya ako at bigla akong napaatras nang makita ang ngisi niya. Napailing siya saka tumayo at hindi ako pinansin.

Sinundan ko siya ng tingin nang pumunta siya sa pinto ng kotse niya.

"Zync?" napaigtad ako nang bigla siyang magsalita.

"Ha?"

Ngumisi siya, "Be careful." aniya saka pumasok na. Bumusina pa siya kaya gumilid ako, umalis siya ng Laroa.

"What was that?"

Parang hindi ko kilala ang taong 'yon. I need to talk to Allaine. Al Ryan is her friend. Baka may alam siya sa nangyayari.

Pero shit. He did Iseah, nakaka-intriga.

Dumiretso ako sa building nila Allaine at tumungo sa classroom nila. Maraming bumabati sa akin na binabati ko rin naman.

Sumilip ako sa silid. Nakita ko sina Lara, Cynthia at Francheska na agad lumingon sa gawi ko dahil sa bulungan ng mga kaklase nila.

"Zync, ano'ng atin?" Francheska asked.

"Si Allaine?"

"She's not here yet. Hindi mo ba tinawagan?"

I just smiled at them and bid my goodbye. Maya na nga lang. Pumunta na ako sa klase ko. Nagkasabay kami sa elevator nina Bryle at Rexell.

"Zync. I miss you!" akmang yayakap sa akin si Rex pero agad akong lumayo.

"I heard from Dad that you closed that European deal. Congrats bro." ani Bryle. Napangiti naman ako nang malaki.

"Thanks bro."

"Ang hirap daw paamuhin 'yong investor na 'yon pero nagawa mo, bro! Bilib na talaga ako sa charms mo. Saang bansa nga nakabase 'yong investor?" nilingon ko si Rex.

"It's Slovenia. I just talked and negotiated with their executive representative in our company. Hindi ko na-meet ang mismong investor. Pero sabi niya, his boss was listening to our convo through his phone. His boss was impressed so the investment was doubled."

"Whoa. Bilib na talaga ako sa 'yo, bro. 'Di ba ilang beses na 'yong nililigawan ng OrCo (Orlando Conglomerates)? Ikaw lang pala ang katapat, umoo agad tapos doble pa. Ano'ng ginagawa mo?"

"Baka type ka ng boss, bro! Huwag mong sabihing binenta mo katawan mo! My ghaaad, Zync. Ang puri mo!" dagdag pa ni Rex sa sinabi ni Bryle. Binatukan ko siya.

Narating namin ang classroom na 'yon ang aming pinag-uusapan. Pinili naming tumambay muna sa may bintana habang nag-uusap. Matagal pa naman ang oras ng klase.

"Hans! Oh my god. What happened to you?!" napalingon kami sa pinto dahil sa sigaw ni Vianca.

Nakita namin si Hans na puno ng bandages sa mga braso, leeg pati mukha. Dumiretso lang ng upo si Hans na kinukulit nina Vianca at Agnes.

"We brought the things that we needed for the show just as planned."

Malapit lang sila sa amin. Nagkaroon ako ng interes sa pinag-uusapan nila. Gano'n din ang dalawa kong kaibigan.

"Agnes and Jade told me what you did to that girl last week. Sayang lang wala ako. Tsk. It could be a nice entertainment! So, how was it? Natakot niyo ba? Ano? Mapapatalsik na ba siya sa Laroa?"

"Shut up, will you?!"

Nagulat ang buong klase sa sigaw ni Hans. He was known as a calm and kind person at hindi kailan man naninigaw.

"Err. Why are you shouting ba?! What's wrong with you?! I was just asking lang naman because I missed the fun. Ano ba ang nangyari sa 'yo, ba't ka may mga bandages?!"

"Huwag niyo nang ituloy ang plano niyo."

"No way! Bakit naman hindi?! I've been preparing for this last week pa and I am excited to see that girl get humiliated sa lahat!"

"Bahala ka. I warned you. She's not someone you think she is."

"Whatever. Wala akong pakialam kung sino man siya. I am Vianca Ngoho, the youngest daughter of Senator Ngoho. I can't be faltered."

"If you say so."

Nagkatinginan kaming tatlo nina Rex. Mukhang may bubullyhin na naman ang mga ito. Tsk.

Bumukas ang pinto at pumasok si Jade. Tumakbo siya kina Vianca.

"She's coming."

"Oh, perfect. Let the show begin." may kinuha silang dalawang paper bag.

"Vianca, I am warning you. Huwag mo nang ituloy---"

"Shut up, Hans. You look afraid of her. Sino ba siya para katakutan mo?! Classmates, attention everyone! I'll give you a show, so watch closely. Enjoy! Hahaha!"

Lumingon pa siya sa akin at kumindat. Sinamaan ko siya ng tingin.

Bumukas muli ang pinto. Bumungad sa amin si Katarina. Nakayuko siya nang pumasok. Nang mag-angat ng tingin ay parang nag-slowmo ang paligid niya sa paningin ko. Hinawi niya ang mahabang buhok. Nakasuot siya ng sun glasses.

Bigla akong napalunok. Ayan na naman ang kakaibang nararamdaman ko.

Marahan lang ang paghakbang ni Katarina. Psh, feeling model. Pero ang ganda niyang tingnan.

Napailing ako. Why am I checking her out?!

"Shit." bulalas ko nang binato siya ni Vianca ng kung ano. Kumilos ang isang kamay ni Katarina at napanganga ako nang walang hirap niyang sinalo ang mga iyon.

"Flying eggs?" Takang tanong niya habang nakatingin sa hawak.

Dahil sa nangyari ay napagtanto kong si Katarina ang target nila ngayon! Naikuyom ko ang kamao, I was about to interrupt them but Bryle stopped me.

"Watch." aniya.

"Weird." sambit ni Katarina saka sumulyap sa akin. Napalunok ako. Kahit may suot na sunglasses ay alam kong ako ang tiningnan niya.

"She looked at me!" bulalas ni Rexell sa tabi ko, sinamaan ko siya ng tingin. Sa akin kaya tumingin si Katarina. Tsk.

Nagtatakang nakatingin na si Katarina kina Vianca.

"Now!" sigaw ni Vianca.

"What the?! Stop!" naisigaw ko nang sunod-sunod nilang binato ng itlog si Katarina. I was about to run to her when Hans stopped me.

Umiiling siya, "Just watch, Zync."

Sisinghalan ko na sana sila dahil pareho lang sila ni Bryle nang matigilan ako. Tuluyan akong napanganga sa mga nasaksihan.

Katarina gracefully turned her body around and with a swift move she had already took off her cardigan. She held the corners of it and waved it into the air. That piece of cloth was able to catch all the flying eggs.

She was like dancing with the wind. Her moves were so graceful and precised.

"Whoa! Amazing!" bulalas ni Rex.

"Sexy." ani naman ni Bryle. Nagpantig ang tainga ko sa sinaad niya.

Ayaw ko mang aminin pero mas lalong lumakas ang natural na ganda at alindog ni Katarina habang ginagawa iyon. She looked like performing on the stage. The spotlight is on her.

Pero nakakainis ang suot niyang crop top. Her flat belly was exposed. Makes me want to grab her and clothed her. Her creamy skin was on everyone's eyes and I hate it!

What the hell are you thinking, Zync? Napakamot ako ng ulo.

"Shit. Ang puti ng kili-kili. Sarap siguro amuyin." sinamaan ko ng tingin ang kaklase kong si Junjun na nagsalita.

Muli kong binalik ang tingin kay Katarina na patuloy sa pagsalo sa mga itlog.

Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang mga itim na guhit sa kanyang tagiliran na parang konektado sa likod. I bet may malaking tattoo siya sa likod.

Tsk! I don't hate people with tattoo but for me having a tattoo is a no no. I don't want to stain my skin.

But, looking at her. Hindi ko man makita ang buo... it's stunning.

Sobrang asar habang hinihingal ang tatlong babae nang maubos ang itlog. Natawa ako. Sila ang pa ang mukhang na-stress kaysa sa target nila.

Gusto kong humagalpak ng tawa. Ano kayo? Pahiya kayo 'no? Hahaha!

Nakatayo na nang tuwid si Katarina na hawak pa rin ang jacket na puno ng itlog. Nakatingin na siya kay Hans. Is he fidgeting? Bakit parang takot na takot siya kay Katarina? What did she do to him?

And why is she looking at him?! She can't look at any random guy like that it's--- it's what Zync?! Are you out of your mind?!

"Weren't those enough?" Katarina asked Hans.

"What are you talking bitch?!" singhal ni Vianca.

"Weren't those enough?" Pag-uulit niya, not minding Vianca. Umiling-iling lang si Hans.

"Bitch, I'm talking to you!" dinuro pa ni Vianca si Katarina.

Pero nabigla kaming lahat nang tumakbo at lumuhod si Hans sa harap ni Katarina.

"L-lady Katarina, I tried to stop them but they won't listen to me. I-I'm sorry! I'm sorry. Please, forgive me! Wala po akong kinalaman!"

What the?

"Ano 'yang ginagawa mo, Hans?! Why are you kneeling and pleading for forgiveness  to that bitch?!"

Oo nga. Bakit siya lumuluhod at nagmamakaawa? Para siyang bibitayin.

"This is intense." tumango ako sa sinaad ni Bryle. Tama siya.

"Shut up, Vianca. You don't know what you're doing!" sigaw ni Hans.

"Hoy, in case you don't remember, you're the one who planned this shit. At ngayon, hugas kamay ka?!"

"I told you not to do it!"

"Stop." singit ni Katarina.

"You bitch. Akala mo kung sino ka! Bago ka pa lang dito pero bida-bida ka na! I hate your guts! I want you out of this school! I am Senator Ngoho's only daughter, I can get rid of you easily. I'll have you banned here in Laroa!"

Whoa. Lalim ng pinaghuhugutan nitong si Vianca. But, I really hate it when they're using their influential parents' name just to threatened others. It's absurd.

"Are you threatening me, Miss Vianca Ngoho? As far as I can remember, I did nothing to you."

"I just hate you!" sabay bato pa ng dalawang itlog kay Katarina. Akala ko wala na siyang itlog.

Hindi ko alam pero tinitigan ko nang maigi si Katarina.

She tilted her head then I gasped when Katarina threw upward the cardigan with the eggs. Mabuti na lang mataas ang kisame kaya mahaba ang time range ng pagbasak pabalik nito sa kanya.

Umikot siya then she kicked the first egg that bumped into the second egg. Napanganga ako at 'di napigilan pumalakpak nang mabagal.

"Bravoooo!" I cheered.

Bumalik kay Vianca ang dalawang magkasunod na itlog kasabay nang pagsalo ni Katarina sa initsang cardigan na may mga itlog.

"Damn it! Bakit nilaga 'to?! Leche! Ang sakit!" napaupo pa si Vianca.

Hindi ko maalis ang tingin kay Katarina. Ang galing niya! How did she do it?

"She's really something." anas ni Bryle.

"Whoa. Idol! Grabe, ang galing mo, Katarina. Pakiss nga!" agad kong binatukan si Rex.

"Nice try." ani Katarina na nakangisi kay Vianca.

I looked at her again, grabe, 'di man lang nagalaw ang sun glasses niya.

"How dare you do this to me?!"

Wow. Minsan talaga hindi ko mahanap ang logic ng mga bullies. Kapag nagagantihan sila, galit na galit. Eh sila nga 'yong laging nangunguna. Mga bobo talaga 'to.

Hindi umimik si Katarina sa halip naglakad siya papalapit kina Vianca na agad umatras palayo.

Takot din naman pala.

"I appreciate your efforts of trying to entertain our classmates but next time, choose your victim wisely."

Nanahimik si Vianca. Pero kita ko ang pagpipigil niya. Nanginginig din siya. Habang si Hans naman ay nakatayo na pero nagbabantang tinititigan sina Vianca.

Marahan at maayos na inilagay ni Katarina ang mga itlog sa paper bag. She put it on Vianca's desk.

Ibang klase. Bakit parang ang kalmado niya. Naglakad na siya tungo sa seat niya pero lumingon siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

Ayan na naman ang pagrarambulan sa sikmura ko. Para akong nasusuka na ewan na parang magaan na may nanununtok sa loob ng tiyan ko pero masarap sa pakiramdam?

Shit. I think, I'm loosing my sanity.

Mas lalo akong kinabahan nang ngumiti siya sa akin. Isang matamis at inosenting ngiti. Tinanggal niya ang suot na sunglasses. Those dark orbs na ni minsan ay hindi ko nakitaan ng emosyon.

Malapit din siya sa bintana. Dahil sa ilang ay tumungo na ako sa seat ko. Sumunod din sila ni Bryle sa akin.

Pero biglang nagtilian at nagsigawan ang mga kaklase ko kaya napalingon ako sa gawi ni Katarina. Tumba na ang ibang upuan at nakatayo na ang iba kong kaklase pagkatapos niyang pinagsisipa ang mga iyon.

She jumped on our classmate's desk then leap to the other one. She leaned over using her left hand on our another classmate's head to do a high jump with a roll towards my direction!

Napanganga ako at nanigas. I don't know what to do!

She used her cardigan to pull our girl classmate away to avoid her from her impact of falling.

"Whoa!" sigaw ko nang  bumagsak siya sa mismong harap ko.

Nawalan ako ng balanse kaya napayakap ako sa kanya, pero napunta sa akin pati ang bigat niya kaya natumba kami.

Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa mukha niya. Hindi ko alam pero wala akong sakit na naramdaman sa impact ng pagkatumba namin. Nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko.

Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko kanina na kasabay nang pagbagsak namin ay pagkabasag ng kung ano at muling tilian ng aking mga kaklase.

"It almost got you." mahinang bulong niya na may tipid na ngiti sa labi. Natigalgal ako.

"K-katarina." Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa pautal na sambit ko sa pangalan niya.

Shit. Naiilang ako sa posisyon namin. Milyon-milyong boltahe ang nararamdaman ko habang magkadikit ang katawan namin.

"Hush." bulong niya saka muling ngumiti nang tipid.

Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga labi namin. Napalunok ako.

I was about to say something when she stood up and turned her back from me.

But, fear filled me with what I saw. Dali-dali akong tumayo.

"Katarina! M-may---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsigawan muli ang aming mga kaklase nang makita ang palasong nakabaon sa balikat ni Katarina.

I rushed to her but we heard another thud that cause the breaking of another window.

Nagulat ako, for sure pati ang iba nang biglang sumulpot si Iseah sa may bandang bintana at may hawak-hawak na palaso.

Nagtinginan ang dalawa at nagtanguan, nawala na naman sa paningin namin si Iseah.

What the hell is happening?! Ang bilis niya naman ata?

"Katarina, you're bleeding!" Lumapit sila Bryle at Rex sa kanya.

"Lady Katarina!" aligagang lumapit din si Hans.

Pero lumingon sa akin si Katarina. Hindi ko alam pero nanlalambot ang pakiramdam ko. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko lalo sa nakikita kong duguan niyang anyo.

Inabot niya ang palaso sa kaliwang balikat saka binali ang katawan nito habang nakatitig pa rin sa akin. Patuloy pa rin sa pagtulo ang dugo niya mula sa sugat na may nakabaon pang ulo ng palaso.

"Katarina!" sigaw ko nang hinawi niya ang mga lumapit sa kanya at tumungo siya sa basag na bintana.

Muli siyang lumingon sa akin saka bahagyang tumango. Umiling ako sa hindi malamang dahilan. She smirked and put a finger on her lips.

"Hush, ouranós mou."

And in one swift move, she gracefully jumped out from the broken window.

"Nooooo! Katarinaaaaaaa!" malakas kong sigaw na nagpatahimik sa lahat. Nilingon nila ako na may mukhang nagtataka.

Napakamot ako ng ulo at napatikhim.

"Katarina jumped off the window!" sigaw ko para mawala ang paninitig nila sa akin.

"Call for a help! Notify the admins!" rinig kong sigaw ni Bryle.

Nagmadali akong tumungo sa bintana. Pero bigla akong natigilan.

"It almost got you."

Muling bumalik sa akin ang mga kataga ni Katarina.

It almost got me? Ibig sabihin sa akin dapat tatama ang palasong iyon?! I was the target?!

"Oo, Zync. Ikaw. Wala nang ibang target, ikaw lang. He he he he."

Marahas akong napalingon sa tabi ko at nakita ko ang kaklase kong hindi ko alam na nag-eexist pala talaga kasi palagi siyang may sariling mundo. Ang weirdong si Calendula, my 4D classmate.

"Hindi ako weird, Zync. Hindi lang talaga magka-level ang wave length ng mga utak natin. Ha ha ha! Look oh si Katarina!" kunot-noong sinundan ko ang tinuro ni Calendula.

Agad bumundol ang kaba sa aking dibdib nang makita ang ayos niya.

"KATARINA!"

-End of Hushed#14-

Thank you for reading, freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro