HUSH 12
HUSH#12
Enjoy reading!
ZYNC
"Babe, gusto mo bang sumama sa akin sa bahay?" malambing na niyakap ko ang braso niya.
Nagtaka ako nang hindi siya sumagot. I looked at her face. She was just staring straight with creased eyebrows.
"Babe? What are you thinking?" Umayos ako ng upo. I tried touching her face pero umiwas siya.
Napakunot ang noo ko.
"Is there anything wrong, Allaine?" may kalakasang saad ko.
Bigla siyang kumurap-kurap saka lumingon sa akin na tila ngayon niya lang ako napansin.
"You're here." walang emosyong aniya. Ngumiti siya nang pilit saka mabilis akong hinalikan sa labi.
Tinitigan ko lang siya. Kanina pa ako dumating at umupo sa tabi niya rito sa student lounge lobby. Salita ako nang salita. Niyakap ko na siya't lahat, hindi niya ako napansin?
"How's your day?" tila napipilitang tanong niya sa akin at mabilis na namang umiwas ng tingin.
I sighed. Ginulo ko ang aking buhok saka umayos ng upo.
"It went well." mahinang sagot ko sa kanya. She just hummed.
Pinatong ko ang dalawang siko sa aking mga hita saka binaling ang tingin sa kanya. Tinitigan ko siya ng ilang sandali. Allaine is very beautiful. She's a woman any man could die for.
"May problema ba tayo, Allaine?" napalunok ako dahil sa sariling tanong.
I have known Allaine as a cold and distant woman and I learned to love her with that. Pero habang tumatagal ay hindi ko na alam. She's so cold. Ang pader na nasa pagitan namin simula pa noon ay parang mas lalong kumapal. Oo nga kami pero bakit parang hindi kami?
Nakakasawa ang ganito. Hanggang kailan ko ba kakayanin na parang ako 'yong laging naghahabol sa kanya? Iyong ako ang laging expressive, ang clingy, ang umaadjust.
Kaunti lang din ang alam ko tungkol sa kanya. Mabilang lang sa daliri. Is this an ideal relationship? Para akong nakikipagrelasyon sa isang blankong papel.
"Wala naman." kunot-noong sagot niya. "You're just over thinking, Zync. You should go home and take a rest." ginulo niya ang aking buhok.
Nag-oover think nga lang ba ako?
I don't know but my heart ached for an unknown reason.
Tumayo siya saka ngumiti sa akin na hindi umaabot sa kanyang mga mata.
"Mauna na ako. May pupuntahan pa ako. Mag-ingat ka sa pagdrive pauwi. Huwag mong takasan ang bodyguards mo, Babe." aniya saka mabilis akong hinalikan muli sa labi.
"Can I come with you?" nagbabasakaling tanong ko siya.
She just looked at me.
"Babe, please? I wanna be with you." halos magtunog pamamakaawa na ako. Dito na nga lang kami sa school nagsasama pero ganito pa set up namin.
Daig pa namin ang mga highschool sweethearts na tinatago ang relasyon. Parang paglabas namin ng gate ng University, we are turning into strangers. Dito sa school lang kami magnobyo. Which is very absurd. We're both adults but it seemed our relationship is restricted.
"Zync, go home. Pagod ka na." she patted my head.
I'm not. Napailing na lang ako at hindi nakaimik.
Walang lingong umalis siya.
Allaine has been like that ever since. I don't know her whereabouts. I don't know what she's up to. I was already used to it but why am I feeling weird lately?
I don't know, I can't figure what I am feeling right now. Before, I'll try to understand her and just smile with her coldness but now, it feels like I am getting tired of it.
Pinapangunahan niya lagi ang nararamdaman ko para sa kanya. Why is she like that?
Napasandal ako sa couch na kinauupuan ko at napapikit. I try thinking of the happy memories we had together. I love her. I love Allaine. I love her. Remember that Zync. Just have patience. Magiging open din siya sa 'yo. Just understand her and be considerate.
But, it has already been almost 2 years. Can I still hold any longer? I don't even know if she really loves me! I never heard her say those words.
Napangiti ako nang mapakla.
"Why are you still here?" isang boses ang pumukaw sa aking atensyon.
Napamulat ako at bumungad sa akin ang mukha ng babaeng pilit gumugulo rin sa aking isipan. Gaya ni Allaine, wala ring emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin. But, there is something about her that bothers me that I can't pin point.
"Katarina?" naisambit ko.
She moved her lips side by side. Hindi iyon ngiti parang inunat niya lang ang labi niya na kahit papaano ay may response siya sa akin. Tsk. Pambihira.
"You look bothered." aniya na nakatitig sa akin. Hindi ko natagalan ang tingin niya kaya iniwas ko ang mga mata ko.
Ayan na naman. Para na namang nilalamukos ang sikmura ko sa kanya. Kakaiba ang reaksyon ng katawan ko sa kanya. I gulped.
"I-it's none of your concern." mahinang sagot ko.
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Nakatitig pa rin siya sa akin at parang hindi kumukurap.
Nakatulog ba siya nang nakadilat?
I was about to say something when she smiled at me. I don't know but my heart skip a beat when I saw that.
It's almost a grin, a childish one. Parang batang nakahanap ng kalaro.
Bumilis ang tibok ng puso ko. What are you doing to me, Katarina?
Mabilis akong tumayo para umalis ngunit hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya kaya nasagi ko siya pagdaan ko. Halos mapapikit ako nang bahagyang dumikit ang katawan ko sa kanya. It felt like I was electrified!
Tila nahahapong lumayo ako sa kanya. She looked at me bewilderedly.
"I-I have to go." saad ko saka napatakbo nang mabilis. Halos matisod ako sa bilis ng takbo ko.
Hindi ko na siya nilingon pa.
Shit.
Ngayon ko lang ang naramdaman ang ganitong bagay. Ano ito?
Papasakay na ako sa kotse ko nang mapalingon ako sa isang gawi. I saw Allaine standing there. Naninigarilyo at nakatitig sa akin. Pagbuga niya ng usok ay napansin kong may kasama siya roon pero hindi ko maaninag kung sino. Madilim kasi ang gawing iyon.
I was about to call her, ngunit miwas siya ng tingin sa akin at naglakad palayo.
Why are you doing this to me, Allaine?
Laglag ang balikat na sumakay ako sa kotse. Papalabas ng parking lot ay nakita ko si Katarina sa isang gawi kung saan walang bubong. Nakatingala sa kalangitan.
Beautiful.
*****
The next morning, I was awakened by a call from Allaine.
"Babe, good morning. I called to wake you up, sleepy head. See you later, babe."
Ibinaba niya agad ang tawag. Ni hindi man lang ako nakapagsalita. I groaned as I buried my face on my pillow. Napangiti ako dahil ngayon lang ulit siya tumawag at nakakatuwa dahil sobrang lambing ng tono niya.
Nakakapanibago. Pero kinikilig ako. Nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa nahulog. Tumawa ako nang malakas.
Ugh.
Naging masigla ang bungad ng araw ko. Nagkita kami ni Allaine sa parking lot. Gano'n pa rin naman siya pero nagagawa ko na muling ngumiti kahit sobrang cold niya, hindi kagaya kahapon na gulong-gulo ako. Siguro nga pagod lang ako.
Not until I entered our classroom. Agad nawala ang ngiti ko nang magtama ang mga mata namin ni Katarina. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Naiinis ako kung bakit ang lapit ng upuan niya sa akin. Because even with our distance my body is reacting weirdly.
Iniiwasan kong magawi ang tingin sa kanya pero napatingin ako nang bigla siyang tumayo. Sinundan ko siya ng tingin nang lumabas siya.
Nagsimula ang klase na walang Katarina na bumalik habang si Iseah naman ay tahimik lang sa isang gilid kahit na ilang beses siyang iniinsulto ni Prof. Moj. Himalang hindi siya sumagot-sagot. Ngiting tagumpay si Prof. Moj. Dahil sa good mood si Prof ay nagtest siya ng hundred items. Great.
Kunot lang ang noo ng cursing machine na babae na mukhang malalim ang iniisip. Baka siguro nagse-self evaluation? Balita ko nakaharap nila si Mr. Nolan.
Lumipas ang oras at tanghalian na.
"Dude, kanina ka pa tahimik. May problema ba?" tanong ni Bryle sa akin.
"Oo nga. Ano ba 'yan, Zync?" segunda ni Rexell.
"Wala naman."
"Mayroon." sabay pang saad ng dalawa.
"I was just thinking about the conglomerates." palusot ko sa kanila.
Tumango-tango naman sila at hindi na ako inusisa pa. Pero totoo namang iniisip ko ang OC. Kahit nag-aaral pa ay katuwang na ako ni Daddy sa pagpapatakbo ng mga negosyo namin. Sa katunayan ay isa na ako sa mga Board of Directors. Pero minsan lang ako pumupuntang opisina dahil kadalasan sa bahay ako nagtatrabaho.
Sa labas kami kumain ng lunch kasama sina Allaine. Hindi rin kami nagtagal ay bumalik kami sa Laroa.
Mag-isang naglalakad ako sa hallway ng ground floor tungo sa registrar's office nang makasalubong ko si Katarina.
What is she doing here?
Para siyang robot na naglalakad. Huminto ako at pinanood siya.
She was crossing her arms above her chest. Kunot ang noo. Pero napansin ko ang pamumula ng ilong niya na para bang may tumama na kung ano'ng matigas doon.
Namumula rin ang maliit na bahagi sa leeg niya. Napailing ako. Bakit ang dami ng napapansin ko sa kanya?
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Ayan na naman ang reaksyon ng katawan ko sa kanya. Pero hindi ko maiwasang mapatingin sa namumula niyang ilong at leeg. Nagiging maroon ito. I hissed under my breath.
"What happened to you?" Before I could stop myself, naitanong ko na sa kanya iyon.
Gusto kong batukan ang sarili ko. As far as I can remember ay naiinis ako sa babaeng pa-cool na ito. I was supposed to be hating this woman not worrying about her. Eh ano naman ngayon na parang sinapak ang ilong niya? Ano naman sa akin kung parang binato ng matigas na bagay ang leeg niya? Ano naman ngayon kung may mga pasa siya?
I barely know her for Pete's sake! Bakit ako mag-aalala sa kanya? Hindi ko naman siya kapamilya! Hindi ko siya kaibigan. Ni hindi kami malapit sa isa't-isa. Masama siyang tao. Isang mamamatay tao. Naalala ko na naman ang sinabi ni Bryle tungkol sa dalawang thugs.
Pero, ano ba ang ipinaglalaban ko?
"Ikaw, ano ang nangyayari sa 'yo? Para kang siraulo." untag niya kaya natigilan ako sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Napakatatas niyang managalog. Halatang sanay sa lenggwahe. Pero kung nagsasalita siya ng ingles ay napaka-European ng dating. Hindi ko lang matukoy kung ano ang specific na language nila.
Lalong-lalo na si Iseah. Base sa mga naririnig ko rito, Greek ang ginagamit nilang salita minsan. Siguro pang-griyego ang accent na 'yon.
Ngumisi bigla si Katarina kaya napaatras ako. Hindi na siya nagsalita pa.
"Prinkípissa Katarína, pou ísoun? Skatá! Se épsachna pantoú!"
(Princess Katarina, where have you been? Fvck you! I looked for you everywhere! )
Bumungad si Iseah sa dulo ng hallway. Napakunot ang noo ko. Ayan na naman, nagiging alien na naman sila.
"Éprepe na antimetopíso merikoús enochlitikoús arouraíous kai na katharíso to cháos tous."
(I had to deal with some annoying rats and clean up their mess.)
"Tóte, tous afísate na chtypísoun ti mýti sas? gamó! Poú eínai?! Epitrépste mou na ta cheiristó! Tha kópso to laimó tous!"
(Then, you let them beat up your nose? fuck! Where are they?! Let me handle them! I'm gonna slit their necks!)
Napahawak ako sa aking sentido. Gusto kong maka-relate sa pinag-uusapan nila. Ano kaya ang topic? Mukha kasing handa ng manggilit ng leeg si Iseah!
"Hush."
Bahagyang lumingon sa akin si Katarina. Nakapatong pa sa labi niya ang hintuturo. Nang magtama ang paningin namin ay sumungaw ang ngisi sa kanyang labi.
Napaatras ako at biglang nilukob ng kakaibang kaba. Parang ako 'yong pinapatahimik niya at hindi si Iseah!
Lumingon din sa akin si Iseah. As expected, she raised her two middle fingers and mouthed, 'Fvck you!'
Abnormal!
Nakaalis na sila pero parang natuod yata ako sa kinatatayuan. Naglalaro pa rin sa isipan ko ang mukha niyang bahagyang nakalingon sa akin. Nakapatong ang daliri sa mga labi na may kakaibang ngising nakapaskil doon.
Nag-iinit ang mga tainga ko! Shit.
"Zync? Nakausap mo na ba si Mrs. Estomago?" bumungad si Lara sa harap ko na nakakunot ang noo. I blinked many times saka mabilis kumatok sa pintuan ng registrar at pumasok sa loob.
After ng meeting namin ni Mrs. Estomago ay mabilis akong nagpaalam. Paglabas ko ay bumungad sa akin si Allaine. Wala pa ring emosyon ang mukha niya.
Tipid siyang ngumiti.
She held my hand and lead our way going to our building. Napangiti ako habang nakatitig sa magkahugpong naming kamay.
"Wala ka pa bang klase?" I asked her. She nodded her head.
"Professor Randy isn't around."
May naisip ako. Kaya nakangiting binalingan ko siya, "Would you like to sit in in our class?"
Lumingon siya sa akin na magdugtong ang kilay. Natatawang hinilot ko ang mga iyon hanggang nag-relax.
"You can sit in. Mabait naman si Professor Carla, hindi gaya ni Prof. Mojica."
Hinalikan ko siya sa pisnge nang tumango siya. Tuloy ay ginanahan akong pumasok sa klase. Miminsan lang ito.
Habang nasa hallway kami tungo sa kabilang building ay natanaw ko si Iseah na naglalakad sa gitna ng field. Tirik na tirik ang araw. Ano ang trip ng babaeng 'yan?
Gumala ang mga mata ko sa paligid. Nakaramdam ako ng dismaya nang hindi ko makita ang hinahanap ko.
"Psh. Attention-seeker." Allaine hissed. Nakalingon na rin pala siya kay Iseah.
Napalunok ako at lihim na kinastigo ang sarili. Bakit ko naman hinahanap ang babaeng 'yon? Eh kasama ko ang girlfriend ko!
Tsk. I felt like I was betraying Allaine sa part na 'yon. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Allaine kaya napalingon siya sa akin. Wala naman siyang reaksyon. Kaya napakamot ako ng ulo.
Pagkarating namin sa room ay agad akong kinantyawan ng mga kaibigan ko. Aligagang binati rin ng mga kaklase ko si Allaine. She's really famous and every student here in Laroa looked up to her. That's why I'm proud of her especially with all the good deeds she had done. She's may be cold but she has helping hands and a kind heart.
Pinaalis ko si Rexell sa upuan niya para roon umupo si Allaine.
"Where's Lara?" Bryler asked her.
"She's in the USSG room. Pinatawag sila ni Rusty."
Sumingit si Rexell, "How about the others?"
"Roaming around."
Nagpatuloy kami sa pag-uusap nang marahas na bumukas ang pinto. Pumasok roon si Iseah na may namumulang mukha. Dahil siguro sa pagbibilad sa ilalim ng tirik na araw. As usual, nakabusangot ang mukha. Habulin talaga ng jokes ang babaeng ito.
Nagulat kami nang biglang pumasok ang humahangos na si Al Ryan, tatawagin na sana namin siya nang patakbong nilapitan niya si Iseah na kakaupo pa lang.
"What was that, Iseah Frost?!" angil niya rito. Walang lambot ang boses niya. Pati tindig niya ay walang pitik. Lalaking-lalaki ang dating lalo na ang suot niyang damit. Anyare dude?
"What?" singhal ni Iseah na nandidilat ang mga mata. Nanlalaki rin ang butas ng ilong at nakausli ang labi na mukhang handa nang magpalaganap ng iba't-ibang profanities sa buong mundo.
Napasilip kami sa mukha ni Al Ryan, namumula ito at nakabuka ang bibig. Maya-maya pa ay nagmukha na siyang tilapia dahil ilang beses bumuka ang bibig niya, wala namang boses niya.
"Fvck! Get out of my fvcking sight! Naalibabad ako! Bahklah!" ubod nang lakas na sigaw ni Iseah.
Pero ano raw? Naalibabad ako?
Bigla niyang sinipa si Al Ryan sa tiyan kaya napaatras ito. Ginulo ng kaibigan namin ang buhok niya saka walang salitang lumabas ng classroom. Halatang sobrang badtrip. Katahimikan. Napalingon kami kay Iseah.
"Paano?! What the fvck are you looking at?! Lingon-lingon niyo ah?!" singhal niya.
Nakakasindak na sana kung maayos lang ang pananagalog niya. Nakagat ko ang labi ko para pigilang matawa.
"Fvck! Wag niyo lingon ako!"
"Psh."
Agad kumalabog ang dibdib ko nang marinig iyon. Nakatayo na pala si Katarina sa tabi ng upuan niya at nakatingin kay Iseah.
"Giatí fílises, Al Ráian?"
(Why did you kissed, Al Ryan?)
Biglang namula ang mukha ni Iseah dahil sa sinabi ni Katarina. Ugh. Nakakaintriga naman! Ano kaya ang ibig sabihin no'n? Al Ryan lang naiintindihan ko!
Pero napansin ko ang biglang paglingon ni Allaine kay Katarina sunod ay kay Iseah.
"Eínai gamiméno diaskedastikó."
(He is fvcking entertaining.) nakangising sagot ni Iseah.
"Áfise to ftochó agóri móno. Stamáta na paízeis, Iseah."
(Leave the poor boy alone. Stop playing around, Iseah.)
Nabigla pa ako nang lumingon saglit si Iseah sa akin. Bago tiningnan na parang nanghahamon kay Katarina.
"O nai? Tha to káno aftó an stamatísete na paízete me ton Zync."
(Oh yeah? I'll fucking do that if you'll stop playing around with Zync.)
Did I just heard my name? Ramdam ko ang paninigas ni Allaine sa tabi ko. Nagtataka ko siyang nilingon. Pero masama siyang nakatingin kay Katarina.
"Den to káno."
(I don't wanna.)
Napalunok ako nang marinig ang tono ni Katarina. Parang batang nagpapa-cute. Nakakagigil pakinggan. Parang sarap niyang kagatin.
Muntik ko nang batukan ang sarili ko dahil sa naisip pero sobra akong nagulat nang biglang tumayo si Allaine.
"Stamáta na chtypás mazí maa, gynaíka. Dokimáste na ton angíxete, tha se skotóso!"
(Stop messing with us, woman. Try touching him, I'll kill you. He is mine!)
Nakangangang napatitig ako kay Allaine pagkatapos niyang magsalita ng gano'n. She sounded so fluent and familiar with that language!
What the?
Galit na galit ang hitsura niya at nanlilisik ang mga mata.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Katarina. Isang tawa na para bang walang buhay. Napalingon ako rito. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi na parang nang-uuyam kay Allaine.
"Se katalavaíno."
(Got you.)
She smiled triumphantly.
"A-allaine?" I held her hand pero nagulat ako nang bigla niya akong padarag na hinila palabas ng classroom. Wala sa sariling napalingon ako kay Katarina.
"Min anisycheís, o ouranós mou. Tha se sóso." I heard her said while looking intently at me.
(Don't worry, my sky. I'll save you.)
I breathed. "Katarina."
"Hush, se parakolouthó pánta, ton ouranó mou."
(I'm always watching you, my sky.)
-End of Hush12-
Thank you for reading, freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro