Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hushed

When you are with me,

I'm free. I'm careless. I believe.

I've been secluding myself with rock music lately. Halos dumugo na ang tenga ko dahil isang buong araw akong nakikinig sa mga rock music, minsan sasamahan pa ng growls at screamo. Araw-araw yun—walang palya.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit ganito ako... gusto kong mabingi.

I want to hear the silence around me.

Siguro kapag wala na akong naririnig... pwede ko na sya ulit makasama.

She showed me the beauty in silence.

Ilang buwan pa lang ang nakakalipas so the wounds she left me are still fresh. The bitter part of our ending is that neither of us wanted it. Tadhana na mismo ang pumutol sa pagsasama naming dalawa. At wala man lang kaming nagawa para pigilan iyon.

I met her last semester. Kasama sya sa program ng school namin. She was one of a few special people na kinupkop ng paaralan na pinapasukan ko to be taught.

Bingi sya. Pipi at bingi to be exact.

They were brought to our school for a chance to study like normal kids. Sure, sign language ang gamit nila most of the time pero nakikisalamuha sila sa ibang estudyante. Parang normal lang... normally silent.

Iisang section lang sila called the special section. Yung iba ang tawag sa kanila, samahan ng mga bingi. I know it's rude but I admit that I was one of those people. Yung grupo namin ng mga kaklase ko ang number 1 bully nila.

The bullying had gotten worse na ang mga teacher na mismo ang nagreklamo sa amin ng mga kaklase ko. So we were given a month-long detention.

Ibang klaseng detention yung ibinigay sa amin... we have to learn sign language from them. At kailangang pagkatapos ng isang buwan ay magaling na kami.

Yun ang parusa nila sa amin.

Hindi daw kase kami a-advance sa next sem kapag hindi namin nakumpleto iyon.

So we complied... with so much complaint. But what can we do? Dean na mismo namin ang nagpataw ng parusa. Even our parents can't defend us. Mukhang natuwa pa nga sila sa parusa dahil gusto na rin nilang tumino kami ng konti.

So, wala kaming choice. Kahit nga sa pagpili ng teacher na magtuturo sa amin ng sign language, wala pa rin kaming choice. Sila ang namili sa amin.

And there's this one girl na hindi ko napapansin noon... she chose me.

I was immediately irritated by her. Parang lahat na lang kase nginingitian nya. Kahit sa pag-iyak, nakangiti sya. When she paired up with me, saka ko lang sya namukhaan. Sya yung binato ko ng bola ng volleyball dati. I didn't know that she was deaf.

I, being the bully that I am, threw the ball at her without second thought. Sumigaw naman ako noon ng MISS ILAG! Pero hindi sya umilag. Tinamaan ko sya sa ulo at muntik na syang mapasubsob sa semento sa lakas ng pagkakabato ko.

Of course, initial reaction ng lahat ng tao sa paligid ay ang magalit sa 'kin dahil sa ginawa ko. My friends rushed to help her... dun ko nalaman na bingi pala sya kaya hindi nya narinig yung sigaw ko.

I remembered that she was smiling while tears are flowing down her cheeks. Her pathetic sight irritated the hell out of me.

I have totally forgotten her face. Ngayon, seeing her smile like that as she walks towards me—nag-iisip na ako ng mga possible reasons kung bakit ako ang pinili nya. And on the top of my list was revenge.

Siguradong-sigurado ako na gagantihan nya ako. She'd help me fail... that's for sure.

--

"Okay. Ituro mo na ang lahat ng alam mo para matapos na tayo," sabi ko sa kanya. We sat under the shade of a huge mango tree. Nilatag nya yung panyo nya sa damuhan bago sya naupo. Ang arte.

Nag-senyas sya ng kung ano na hindi ko naman maintindihan. Mabilis ang paggalaw at pagkumpas ng kamay nya. Pinalis ko iyon agad.

"Hindi ko maintindihan!" pasigaw kong sabi.

Ni hindi man lang sya napapitlag sa pagsigaw ko. Kalmado lamang sya... marahil ay dahil nga sa bingi sya. She pulled out something from her bag. Isang laruang pambata. Iyon yung sinusulatan tapos ay napapahi yung sulat gamit nung plastic na nasa loob. Ii-slide mo lang yun para mabura yung nakasulat.

'I can't hear.' Sulat nya.

I grunted and grabbed the toy from her hand. 'Alam ko.' Iniharap ko sa kanya para makita nya ang isinulat ko.

Kinuha nya iyon sa akin at saka sya muling nagsulat. 'Tuturuan na kita ng sign language.'

Inagaw ko iyong muli sa kanya at nagsulat ako. 'Bilis! Ituro mo na lahat!'

 

Napangiti sya sa sinulat ko. 'Atat much?' sulat nya. Pagkapakita nya ay binura nya rin iyon agad. 'Magsimula tayo sa alphabet.'

I raised my thumb as a sign that I'm okay with it.

"Ey! Ey!" medyo malakas at hirap nyang pagbigkas habang nakasenyas ng pan-letter A.

"A," sabi ko habang ginagaya ang senyas na ginawa nya.

"Bi!" she said again, quite louder than the last one. Ginaya ko iyong muli.

It took me an hour to memorize all the signed alphabets. Mahirap pala. At alphabet pa lang yun! Punyemas. Pano pa kaya kapag essay na yung isa-sign ko?

--

Isang linggo na ang lumipas pero hindi ko pa rin sya maintindihan. Alien na alien kase ang language na itinuturo nya sa akin. Saka ayoko naman yung matutunan kaya hindi talaga pumapasok sa utak ko. Mabuti na nga lang at meron syang dalang papel o sketch pad. Doon na lamang kami nag-uusap kase dun lang kami nagkakaintindihan. She can't speak and I can't sign-speak.

Meron naman akong words na alam ko ng isenyas. Tulad ng 'kakain', 'Alis na 'ko', 'ayoko na', 'okay' at 'bukas na lang'. If it suits me, I'll try to learn it.

--

Lumipas ang ilan pang linggo and I was able to construct sentences. Simple sentences lang naman. Kasabay ng pagkatuto ko noon ay ang pagkatuto kong magkagusto sa kanya. I guess hindi mahirap magkagusto sa isang taong palagi mong kasama tuwing break time, lunch, uwian, weekends at tuwing free time.

Hindi rin mahirap magkagusto sa isang babae na kahit away-awayin mo na at simangutan ay ngiti lang ang isasagot sa 'yo.

I stopped being a bully towards her. Naging madalas na gumagawa ako ng paraan para makita syang nakangiti. Madalas ko syang gulatin—na madaling gawin dahil hindi nya naririnig ang pagdating ko. Madalas kaming lumabas ng kami lang dalawa.

I find myself gradually falling for her. Hindi ko pinigilan ang sarili kong magkagusto sa kanya. Bakit ko gagawin yun kung doon ako sumasaya? Masaya na akong nakikita syang masaya. Alam kong corny... pero yun ang nararamdaman ko.

I even tried serenading her once kahit alam kong hindi nya naman ako maririnig. Hindi na kase kaya ng hearing aid ang pagkabingi niya kaya wala syang marinig na kahit ano. Idinadaan na lamang nya sa pakiramdam ang lahat... along with her other senses.

Dinala ko sya ng gabing yun sa bahay. Nandun kami sa terrace sa may kwarto ko. Magkaibigan lang kami. Or more accurately, kaibigan lang yata ang tingin nya sa akin. Even though I've been showing her signs... parang hindi nya naman napapansin.

Ipinakilala ko sya sa mama at papa ko pero hindi pa rin nya naisip na hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kanya.

I sang a song for her... yung paborito nya. Heaven Knows by Rick Price. Maganda daw kase ang lyrics kaya yun ang gusto nya. I wanted her to hear it because those lyrics become more beautiful when sung...

Nang kinanta ko iyon... napaiyak sya. I stopped singing abruptly.

'Bakit ka umiyak?' tanong ka sa kanya ng pasenyas.

Nagpahid sya ng luha at ngumiti sa akin. 'Hindi ko kase marinig. Naiinis ako.'

'Okay lang yan.'

Umiling sya. 'Hindi eh. Alam mo yun? Nakakainis. Gusto kong marinig ang boses mo.'

Nag-isip ako ng paraan para makalimutan nya ang lungkot.

'Gusto mong turuan na lang kitang mag-gitara?' tanong ko sa kanya.

Tumango sya. 'Okay lang.'

I gave her my guitar at pumwesto ako sa likuran nya. Hinawakan ko ang kaliwa nyang kamay at inilapat ko ang mga daliri nya sa chords ng gitara. Then I placed her right hand on the chords to strum.

Yung pakiramdam na parang nakayakap na ako sa kanya... ang saya. I felt at peace... satisfied... and in love. So much in love with her.

Gustong-gusto ko na syang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Natatakot akong matakot sya at baka iwasan nya ako.

Tinuruan ko sya ng mga simpleng chords. Mabilis naman syang matuto. I have a feeling that if ever she was given a sense of hearing and means to speak vocally, she could be a great singer or musician. Kaso hindi eh... hindi sya nabiyayaan.

She stopped strumming the C chord to look at me. Magtatanong yata sya.

I was taken aback on how close we are to each other. Ilang milimetro na lang ang kailangang tawirin ng mga labi ko papunta sa kanya. I had a sudden urge to kiss her. Let her know what I feel through that kiss.

Pero napatitig na lang ako sa mga mata nya.

She broke the connection and stood up.

'Uuwi na 'ko,' she signed.

'Maaga pa,' sagot ko.

Umiling sya. 'Sabi ko kay mama hanggang 7pm lang ako.'

'Okay sige. Hatid na kita.'

 

--

 

Wala namang nabago pagkatapos noon. I just find her growing more beautiful every day. Minsan nga, napansin kong parang naka-makeup sya ng kaunti. Her cheeks were blushed and her lips were redder.

'Nakamakeup ka?' tanong ko sa kanya. Immediately, she blushed and looked away. Kumaway ako sa tapat nya. When I had her attention again, I signed, 'Ano'ng aaralin natin ngayon?' I asked with an expectant smile.

'Gusto kong magkwento ka,' sagot niya.

'Ng?'

She shrugged. 'Kahit ano.'

'Okay.'

 

Inaya ko syang maupo sa isang sementong upuan na nasa gilid ng basketball court. Doon kami sa malilong naupo para hindi sya mainitan.

'Kikwentuhan kita ng tungkol sa babaeng mahal ko,' panimula ko.

'Okay?' nag-aalangan nyang sabi.

'Tahimik sya at hindi mahilig magsalita.'

'Tapos?'

'Maganda sya at mabait.'

'Okay. Tapos?'

 

'Mahal kita.'

 

Natigilan sya. Nailang. Nag-iwas ng tingin...

Kumaway ako sa tapat ng mukha nya para makuha ko ulit ang atensiyon nya. 'Wag kang mag-alala. Handa naman akong maghintay sa 'yo.'

'Bakit?' tanong nya.

'Anong bakit?' pabalik kong tanong.

'Bakit ako?'

'Bakit hindi ikaw?'

'Hindi ka ba nabobore sa 'kin? Hindi kita marinig. Ni hindi ako makapagsalita.'

'Pakialam ko? Hindi naman kabawasan sa 'yo eh.'

 

 Unti-unti, sumilay na rin yung maganda nyang ngiti.

'Mahal din kita.'

 

Nakahinga ako ng maluwag. Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ko iyon. She, in return, kissed me on my left cheek.

--

Normal communication between two people is hard enough. Paano pa kaya yung sa pagitan ng isang hindi nagsasalita at sa isang ayaw makinig? It's harder. A lot harder.

We fight sometimes. Mag-iisang buwan pa lang kami pero madalas na kaming hindi magkasundo.  Maraming bagay na gusto nya pero ayaw ko. Eh hindi ko naman kase akalaing may pagka-maarte rin sya.

But in spite all that, mahal ko pa rin sya.

I don't think small things can break us. Mahal na mahal na mahal ko sya..

On our first monthsary, I surprised her with huge cardboards on the way to her classroom. Kung anu-ano lang kalokohan na kasabwat lahat ng kaklase nya, kaklase ko at mga teacher namin. Mangiyak-ngiyak nyang tinanggap yung mga bulaklak at notes na iniaabot nila sa kanya. Hanggang sa makarating sya sa classroom nila and there I was, standing at the door with a huge bear and smile.

Agad syang nagtatakbo at yumakap sa akin.

'Happy first monthsary,' I signed. Sa sobrang tuwa, halik sa pisngi lang ang naisagot nya sa akin.

Unang boyfriend nya ako so she have no experience with these things. Ngayon lang nya nalaman kung gaano kasaya ang may karelasyon. And that made me want to protect our relationship even more.

I invited her to have dinner with later that night and everything was going well until she refused to kiss me... on the lips. Now, I know that it may sound so shallow... pero sana kung ayaw nya umiwas na lang sya at sinabi nya ng maayos na ayaw nya.

Pero hindi eh... nasampal lang ako.

Rerespetuhin ko naman kung sinabi nyang hindi pa sya ready. Tanggap ko naman yun. Pero yung sinampal nya ako saka sya umiyak? Dun ako nasaktan. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya.

Is she still not comfortable with me?

Ewan ko... hindi nya sinabi.

And it's not like I asked her to sleep with me. Hindi ko talaga maintindihan. She even insisted to go home alone. Ayaw kong pumayag pero lalo syang nagalit.

Nahawa na rin ako. I shouted at her kahit alam kong hindi nya ako maririnig. Yun din yung lalong nagpagalit sa 'kin. Nagmumukha akong tanga kakasigaw sa isang taong hindi naman ako marinig.

I tried signing at her pero hindi tumatama yung mga words dahil galit ako.

Naisip ko, hahayaan ko na lang muna sya. Bukas siguro.. mag-uusap kami ng maayos. Pero ngayon, papahupain ko muna ang galit nya at galit ko.

So I let her go home by herself and I went home on mine.

--

A day later, I was surprised when I didn't see her at school. Naisip ko na baka masamang-masama poa rin ang loob nya sa akin. I wanted to say sorry so I skipped class and went to her house.

Pagdating ko, maraming tao. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa kanila. Nakiusyoso ako.

Maraming pulis sa loob. Marami ring mga usisero at usisera. Lumapit ako sa isa at nagtanong. "Ale, ano pong nangyari?"

Lungkot na lungkot ang matandang tinanong ko. "Ay hijo, yun kaseng anak ni Ms. Domingo na dalaga—yung si Bea—na-rape daw kagabi."

Akala ko namamali lang ako ng pakirinig. "A-Ano po?"

"Nirape kako si Bea kagabi. Iniimbestigahan ngayon ng mga pulis kung sino ang may kasalanan. Kawawa namang bata yun. Ang bait-bait pa mandin tapos ganun lang ang mangyayari..."

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng ale na tinanong ko. Nagmadali ako sa paghawi ng mga taong nakaharang sa daan ko. With so much difficulty, nakapasok ako sa bahay nila.

Hinarang ako ng mga pulis. Muntik na akong magwala. Good thing her mom was there. Pinapasok niya ako.

"Nasan po si Bea?" tanong ko sa kanya.

"Nasa kwarto niya hijo."

Agad kong pinuntahan si Bea. Halos manlumo ako sa itsura nya. She was at the very corner of the room, covered in a thick blanket. Nakatulala lamang sya.

She didn't see me. It's like... she was wrapped up in this imaginary bubble, separating me from her. Naupo ako sa tapat nya...

Our eyes met.

"Bea?"

Her eyes looked dead. Pakiramdam ko hindi nya ako nakikita. Pakiramdam ko dinaanan lamang nya ako ng tingin.

"Bea..." I reached out my hand to her. Nakita ko ang takot sa mga mata nya. Agad syang umurong at nagtago sa ilalim ng kumot nya... takot na takot.

Nasaktan ako.

Nasasaktan ako para sa kanya. Bakit hindi ko sya naprotektahan? Sana hindi ko sya hinayaang mag-isa ng gabing yun. Sana inihatid ko sya pauwi kahit magalit sya lalo sa 'kin.

Kung sana kaya ko lang ibalik ang oras... yung kahit kagabi lang...

Niyakap ko sya. I said sorry. I even cried...

Doon na nagwala si Bea. She pushed me away. Pinagbabato nya ako ng gamit. Takot na takot sya. Agad pumasok ang mama niya at ang dalawang pulis na nasa labas kanina. Inilayo nila ako sa kanya.

"Hijo... mabuti pa siguro kung 'wag ka na munang magpapakita..." yun ang huling bagay na narinig ko mula sa mommy nya.

"I'm sorry Bea..." I said to her.

Iyak sya ng iyak habang nakayakap sya sa mommy nya... I took a step back. 'I love you'  I signed to her before walking out of the room.

--

Apat na buwan na mula nung mangyari ang insidente. Araw-araw, walang palya, pumupunta ako sa kanila hoping that one day she will be okay. Pero sa loob ng apat na buwan, walang pagbabago.

Ang mommy nya ang araw-araw ay sumasalubong sa akin para kwentuhan kung anong nangyayari sa kanya. Dinala na daw nito si Bea sa doktor pero wala pa ring progress.

Masakit mang aminin pero parang nawawalan na ako ng pag-asa.

Kinabukasan, 4th monthsary naming dalawa. Nagdala ako ng samu't saring regalo. Dinala ko rin yung gitara ko, hoping that she will remember me through that.

Pinayagan ako ng mommy nya na pumasok sa kwarto nya given na hanggang sa may pinto lamang ako. Agad syang tumakbo sa sulok ng makita ako.

Nagtago sya ulit sa ilallim ng kumot nya.

Huminga ako ng malalim at nag-strum. Her mom was holding the placards I made last night. Nakalagay dun ang lyrics.

Alam ko naman kaseng hindi nya maririnig.

She's always on my mind

From the time I wake up till I close my eyes

She's everywhere I go

She's all I know

 

Akala ko maayos na sya dahil parang natigilan sya noon at naengganyong manuod sa munti kong pakulo. Hindi pala. Nagtago sya sa ilalim ng kama at nagpapadyak sya.

Humingi ng pasensya ang mama nya ng pauwiin ako nito ng maaga. Naintindihan ko naman kaya kahit malungkot... umuwi na lang ako.

--

Almost seven months na... tumigil na rin ako sa pagdalaw. Hindi ko alam. Nawalan na ako ng pag-asa. Naghihintay pa rin ako ng paggaling nya. Hinihintay ko pa rin na maalala nya ako at yung pinagsamahan namin... pero hindi ko na talaga matagalan na makita syang natatakot sa 'kin.

Minsan hinahanap ako ng mommy nya. Bakit daw hindi na ako dumadalaw sa kanya? Hinahanap daw nya ako... na alam ko namang hindi totoo.

Ako? Heto... walang dereksyon ang buhay. Gusto ko pa ring magpakabingi. Gusto ko ring maranasan yung sakit na naranasan nya.

Cut my life into pieces

This is my last resort

Suffocat—

 

Napatigil ako sa pakikinig ng kanta ng may magtanggal ng headset ko. Bago ko pa man malingon kung sino yun ay naramdaman kong may biglang yumakap sa 'kin.

I smelt her familiar perfume.

I felt her familiar warmth.

"B-Bea?"

She loosened her embrace at saka sya ngumiti sa 'kin.

'Mahal kita Kirk,' she signed.

'Mahal din kita...' I replied.

Just then, my phone started ringing. Pero hindi ko iyon pinansin.

'Sagutin mo,' sabi nya.

Ngumiti ako sa kanya. 'Sandali lang ha.'  I fished out my phone.

"Hello?"

Isang hikbi ang sumalubong sa 'kin.

"K-Kirk... wala na sya..."

 

Nagulat ako sa narinig ko. Paano nangyari yun eh nandito lang si Bea?

"Tita 'wag naman kayong magbiro ng ganyan..."

"I-I'm sorry Kirk. Wala na talaga si Bea..."

 

I felt a hand on my hand. Nilingon ko si Bea.

'Mahal kita Kirk' she signed.

And then she was there no more.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro