Kabanata 20
Bumalik ako sa kusina. Wala sa sariling nag-labas ako ng mga harina, I made cake. I made cake for him. Kahit alam kong maaring hindi niya kainin. Stupid, of course he won't eat it but I baked it anyway.
Naghahati na ang dilim at liwanag nang lumabas ako sa unit niya. Wala akong binitbit na kahit ano kundi ang tsinelas ko. I started walking. Dumadampi ang mamasa-masang tubig sa aking balat at nanunuot ang lamig ng pang-umagang hamog.
Dinala ako ng paa ko sa tapat ng mansyon namin. Naabutan ko pa si Mikmik at Duday na nagtatalo sa dinidiligan nilang halaman.
"Ma'am!" Napatili si Duday sa gulat. "Bakit ganyan ang itsura mo, Ma'am."
Umiling ako at nanghihinang pumasok sa bahay. Naabutan ko si Mama nakabababa lang ng hagdang, napaawang ang kanyang labi.
"Viviene! What happened to you?" Bulalas niya.
I sniffed. Pinunusan ko ang luha ko gamit ang braso.
"Did he hurt you?" Agad na lumapit si Mama sa akin at ikinulong ako sa yakap. "Sinasabi ko na nga bang tama ako! Sinasabi ko na nga bang hindi nararapat ang lalaking iyan para sa'yo!"
"N-no, Mama. I hurt him." Muling pumatak ang luha sa mga mata ko. "I hurt him for his own good."
"Oh Viviene.." Humigpit ang yakap sa akin ni Mama at hinaplos ang likod ko. "Sssh, calm down. It is fine."
"No, Mama. It is not fine." Humihikbing sabi ko. "It is not right to hurt people that you care about."
"Then why did you do it?"
"It is for his own good."
"Then it is right.. That only means your love is bigger than your own comfort. We will come across that kind of love once in our lifetime, yet, it is the most painful. Magpahinga ka. Kung gusto mo pa ding pag-usapan pagkagising mo, then we will do that. Kung hindi naman, then, just stay here with us. Welcome home, Viviene."
Napakapit ako ng mahigpit kay Mama. I missed her scent. I missed everything about her. And I am glad to know that she will welcome me with open arms, regardless.
Umakyat ako sa kuwarto ko at ipinagpatuloy lang ang pagluluksa. Ilang ulit kong pinatay si Madison sa isip ko. Nag-iisip ako ng comeback, I should have a comeback. If she will not continue their plan of sabotaging Rebel's business today, then I'll have more time to gather the 'evidence' that she's bragging about.
Pinanusan ko ang luha ko at siniksik ang mukha ko sa unan.
'Matitikman niya ang batas ng mga api!' Muli akong nagpalahaw ng iyak at halos mangayayat ang unan sa kakapilipit ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nang magising ako ay madilim na sa labas ng bahay. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, mabigat ang ulo ko sa kakaiyak at nagulat pa ako nang matanawan ko ang sariling repleksyon sa salamin. I look horrible.
"Ma'am! Ma'am! Yung boypren niyo po, nasa TV!"
Biglaan akong patayo nang marinig ang boses ni Duday. Nagmadali akong buksan ang pinto at halos liparin ko ang hagdan pababa patungo sa living room.
'Ikinabigla ng lahat ang pagkakadakip kay Madison Tiu na PR for Sales ng Blue Cavit dahil sa direktang ugnayan nito sa competitor na Zephyr.'
Napakapit ako sa dibdib ko nang makita ang umiiyak na si Madison at panay ang pagpitik ng camera sa kanyang harapan.
'Ayon sa witness ay inutusan silang lagyan ng lason ang ilang batch ng Blue Cavit Wine na nai-manufacture noong nakaraang buwan at idinistribute ito sa pinakasikat na club sa buong Pilipinas. Isinasaayos na ngayon ng BFAD ang pagpupull out ng batch na ito sa merkado at tinitiyak nilang wala ng dapat ipag-alala ang mga consumers.'
'We've been investigating Madison since the last quarter of last year. We already filed a management case due to internal audit findings. She forcefully resigned this week because she refused to cooperate on the case.'
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Rebel. All along ay bi-bingo na din pala si Madison sa kanya! Niloko ako ni Madison! Sure, the plot is real but she did not mention that she's already under investigation.
"Ano bang kaguluhan iyon, Viviene? May kinalaman ba yan sa pag-alis mo kay Rebel?"
"Ma!" I screamed. Napaatras si Mama, Duday at Mikmik. "Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!"
"What are you talking about, Viviene?"
Ikinuwento ko ang buong detalye kay Mama, pati na ang naging hakbangin ko. Wala siyang ibang ginawa kundi ang bumuntong hininga at tingnan ako nang naaawa.
"I thought I sacrificed my life for him! Yun pala ay wala akong ginawa at pinasakitan ko lamang siya!"
"Yan ang nagagawa ng miscommunication, Viviene. However, I cannot blame you kung natakot ka. Wala kang alam sa pangyayari sa negosyo ni Rebel. I can't blame that guy for not telling you."
"Because I am stupid and I don't know anything about business." Himutok ko. Sumiksik ako kay Mama habang nag-uusap kami sa couch.
"You are not stupid. Iba ang hindi nakapag-aral sa estupida. Siyempre, hindi mo iyon inaral kaya hindi mo alam but I am sure you will ace on it once you study."
"You think so? O baka sinasabi mo lang kasi anak mo ako?"
"You know what I really think? You should talk to Rebel and confess everything."
"Paano kung hindi niya ako pakinggan?"
"Then he doesn't deserve you."
"But you don't like him."
"I still don't like him for some reason but I want you to be happy. Go get your happiness."
"Pinapalayas mo ako?"
"You can come home anytime."
I was reassured when I left home. Sumakay lang ako sa Uber at nagpahatid muli sa condo unit ni Rebel. I left my phone at his unit kaya ang una kong plano ay kontakin siya. I will cook for his favorite meal and I will apologize.
"Viviene!" Narinig kong tinawag ako ni Sarah nang dumaan ako sa reception area. Ngumiti ako at kumaway, isinenyas ang elevator para ipaunawa ang urgency. She smiled back and waved at me.
Nang sumakay ako sa elevator ay napansin ko ang pamilyar na bulto at amoy na naroon. Awtomatiko akong napangiti pero taliwas ang reaksyon ng kasakay ko sa elevator sa akin. Umiwas ito ng tingin.
"Pam.. Galit ka ba?"
Hindi siya umimik. "Pam, alam ko na parang may topak si Rebel pero nabigla lang yon."
Hindi pa din siya umimik.
"Ayaw mo na akong maging kaibigan?"
"Viviene, lalaki din ako. I respect your boyfriend. I am just doing you a favor. Ayoko nang pag-awayan niyo pa ako"
"Pam naman.." Eksaktong bumukas ang elevator at lumabas na si Pam pero mabilis na sumara ang pinto at umakyat muli ito. Nakaramdam ako ng lungkot at pangungonsensya pero sandali lang iyon. Nabuhay ang pag-asa ko nang makarating na sa penthouse ang elevator. Kinalma ko ang aking sarili at saka naghanda ng ngiti nang buksan ko ang pinto ng unit ni Rebel.
Napalitan iyon ng lungkot nang makitang kung paano ko iyon iniwan ay ganon pa din ang ayos. Huminga ako ng malalim at pinilit na buhayin ang pag-asa. Babalik siya. Sumama lang ang loob niya.
I replaced the sheets and curtains, nagwalis, nag-mop at nag-vacuum. Dinaig ko pa ang serbisyo ni Princess Sarah kay Miss Minchin. Pumwesto ako sa sofa nang matapos na ang lahat ng gawain. Sinubukan kong tawagan si Rebel pero nakapatay ang kanyang phone.
I missed him. Binuksan ko na lang ang TV para mapanood siya doon. Nangangalumata siya. Hindi ko man lang siya hinayaang makapagpahinga kagabi. Buti pa si Kitty napagbigyan siya, pero ang utak ko hindi.
'Sorry Kitty, I will make it right this time. 'Wag kang mag-alala, mag-eenroll ako sa mataas na paaralan para hindi na ako tanga.'
A tear escaped my eye once again.
'I know right. Ang tanga nun. Pero di bale, nakakulong naman ang bruhang yon. Galingan mo mamaya pag-uwi ng crush mo..'
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako at umaga na nang magising ako. Wala pa ding bakas ni Rebel ang dumating.
Naging national issue na nga ang pagkakadakip kay Madison at sa kanyang pamilya. Pabalik balik ang balitang iyon sa TV. I tried dialling Rebel's number again pero nakapatay pa din ito. Titiyakin kong dadalawin ko si Madison sa kulungan at sasabunutan siya!
I sighed. Hindi naman si Madison ang may kasalanan ng lahat. Kasalanan ko din naman talaga. It is just that, it is difficult to point your fingers at yourself.
"Nakausap mo na ba?" Mom asked through the phone.
Tanghali na at wala pa din si Rebel sa unit niya. Still cannot be reached ang phone.
"Hindi pa po, Mama."
"Umuwi ka na muna kaya? Gusto mong ipasundo kita kay Mikmik?"
"Uuwi yon, Mama. Nagtatampo lang."
"Are you sure?"
Tumango ako at pilit na ngumiti kahit hindi naman nakikita ni Mama. "I am sure."
But that was three days ago. Hindi pa din ako nakakauwi kay Mama. Para akong nacomatose sa unit ni Rebel. Nakakadulas na ang sahig sa sobrang kintab. Panay ang tambak ko sa ref nang panibagong ulam na niluto ko pero kahit anino niya, hindi ko nakita.
Nabuhayan lang ako ang may kumatok sa pinto. Patakbo kong tinungo iyon pero iba ang nadatnan ko.
"P-pam.."
Alanganin siyang ngumiti at sinilip ang nasa likuran ko.
"W-we noticed na hindi ka lumalabas. I just want to check if you are okay."
"A-ah.. Yeah. Okay lang ako." Ngumiti ako.
"Ganun ba, sige." Akmang tatalikod na si Pam nang tawagin ko muli.
"Pam, pupwede mo ba akong samahan?"
"Sure, saan?"
Paulit ulit kong kinukuskos ang palad ko habang nakasakay sa sasakyan ni Pam. I seriously have no idea what I am doing!
"Mukhang mabigat ang problema niyo, kung ano man yan, I really do hope na maayos niyo."
"I hope so, too." I smiled sadly.
Sinamahan ako ni Pam hanggang sa marating namin ang lobby ng Blue Cavit, may mga miyembro ng press ang nag-aabang. Nang makita ako ng mga ito ay agad akong pinagkaguuhan. Pam shielded his body para hindi ako malapitan ng mga iyon.
"Miss Viviene! Ano po ang masasabi niyo sa kontrobersyang pinagdadaanan ng boyfriend niyo?"
"N-no comment."
"Miss Viviene! Napag-usapan niyo na ba ito? Ano ang magiging hakbangin ng Blue Cavit pagkatapos nito?"
"I am sorry, I am not part of Blue Cavit." Panay ang iwas ko sa media at panay naman ang pag-click ng kanilang kamera.
Agad na nagtama ang mga mata namin nang receptionist na si Noemi na merong kausap sa telepono.
"Noemi, pupwede ko bang makausap si Rebel?"
"N-naku, I am sorry po, Miss Viviene pero wala dito si Sir."
Napabuga ako ng hangin ngunit pinipilit ko pa din magpakahinahon, "Please lang, Noemi. Kailangang kailangan ko siyang makausap. Hindi ako aalis hangga't hindi ko siya nakakausap."
"Miss Viviene.. Marami pong issue ngayon ang kumpanya. Mr. Villafuerte will appreciate if you will wait for him to talk to you."
"Nandyan si Rebel?"
Tumango si Noemi, "Pero hindi daw po siya makikipagusap sa inyo. Papaalis din po siya ngayon patungong France para kausapin ang ilang investors niya."
Hindi ko napigilan ang ibagsak ang palad ko sa reception's area. "Noemi, kung hindi ko makakausap si Rebel, magpapa-press conference ako para bumaba siya sa lungga niya." Banta ko na medyo napalakas ang boses.
"Press conference! Ay gusto namin yan!"
"Miss Viviene, please naman po.." Natatarantang wika ni Noemi nang dumugin ako ng media. Pati si Pam ay wala nang nagawa.
"Naka-live ba tayo?" Paniniyak ko. Panay ang tango ng mga reporter. Kinuha ko ang isa sa mga mikropono at direktang tiningnan ang camera.
"Rebel, mag-usap tayo. Alam kong galit ka.." Nangingig muli ang boses ko pero pinigil kong mapaiyak.
"Ay galit, may LQ pala sila."
"Pero sobra ka naman. Nag-aalala din ako, alam mo ba. Hindi na ako makatulog. I miss—"
The PA system of the company's office muffled. Natigilan ako sa pagsasalita, pati na din ang mga media na parang bubuyog kung mag-tanong. Lahat kami ay natuon ang tingin sa napakalaking speaker na naroon sa may lobby.
"Noemi, please tell Viviene that our engagement is off. Her duty as my fake girlfriend has now ended. I'll transfer money on her account."
Malinaw na boses ni Rebel ang nagmumula doon sa PA system. Parang gumuho ang mundo ko. Now I know how it feels like. Tumulo ng kusa ang luha ko habang parang naging malakas na ugong ang ingay ng press sa paligid.
Pam embraced me tight, itinakip niya ang katawan niya mula sa lente ng kamera at mapanghusgang mata. Nanginig ang balikat ko sa sobrang pag-iyak.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Mabait ako pero mahilig talaga ako manakit! :D Anong meryenda niyo?
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro