Five years later..
Rebel.
"Mr. Villafuerte, have you seen the photos? May gusto ka pa bang ipabago?" Inisa-isa ko ang mga litrato na tinutukoy ng Marketing head ko. Fcking Viviene, she really knows how to seduce. Napalunok ako habang hinahaplos ang isang larawan na nakasuot lang siya ng skin tone bikini, her breasts were covered with both of her hands, massaging it. Full breast, small waist and round ass. I was almost able to taste it five years ago. Parang kailan lang iyon.
"These are all good. Make sure that the calendar will be of high quality. I want our clients to see this as a collection, hindi yung basta bastang isasabit lang sa labas ng tindahan. Only lucky 100 buyers will have this."
"Of course. Wala naman tayong ibinebentang alak sa sari-sari store." Natatawang sabi pa nito. "In fairness, swerte si Viviene Joson, marami namang sikat diyan at mas pinagpapantasyahan ngayon. Ang lagay, parang tayo pa ang bumubuhay sa career niya."
"Moira, let's just say that I am compensating her."
"For?" Tumaas ang kilay ng kaharap ko.
"Things. Just things."
"But you haven't met Miss Joson in the past, right? Just her Dad? Naku, sumalangit nawa." Moira looked up as if she's praying.
"We saw each other a few times."
"Before you bought out their business."
"I did not buy their business, Moira."
"Ow-kay, you just what, Mr. Villafuerte? You just killed the market for the poor old man then rebranded it." Moira was my classmate in Harvard. She agreed to work for me as my department head. She gave me the utmost respect but she can be blunt because I usually allow her.
"I offered him partnership but he refused. That's it. I did not intend to stomp on his business."
"Pero ganon ang dating. Wait, don't tell me that you are doing Viviene a favor because of what happened on their family business?"
"I don't do favors, Moira. I compensate."
Tumunog ang telepono ko dahil sa isang tawag. I cleared my throat when I saw my mother calling. Sinenyasan ko si Moira pagkatapos ay tumalikod na siya para iwanan ako.
"Rebel! I told you that you have a dinner date with Madison last night! Bakit hindi mo sinipot? You are not getting any younger, Hijo. Kami din ng Daddy mo. Kailan mo ba kami bibigyan ng apo? I am introducing you to a lot of good girls that you are not grateful of!"
I massaged the bridge of my nose, "Mom, I called her and cancelled. Hindi naman sa hindi sinipot. Isa pa, what are you talking about? Marriage? Hindi pa ako sawa sa buhay binata. I still want to explore. I will get married anyway, hahayaan mo bang hindi?"
"But you are thirty-one, Hijo! Ayusin niyo na ni Madison ang kasal niyo. Lagi mo na lang ako ipinapahiya!"
Pagkatapos non ay malakas na pagbagsak sa kabilang linya ang narinig ko kasunod ng dial tone. My mother, I always think I spoil her too much.
Madison was the woman I am set to marry according to my mother's imagination. My mother's imagination is what I blame that it became a public knowledge to the elite that Maddie and I will get married. We go out when it is convenient. Charity parties, gala nights and whatever event that both our parents will be happy to see us together. Kaibigan ang turing namin sa isa't isa. She knows about my side chicks and she never raised it as an issue so I believe that we are cool. Madalas lang talagang makialam ang parents namin at ini-a-arrange pa kami ng romantic dates every now and then.
Mahina akong natawa at binalikan ang mga litrato ni Viviene.
"I am sorry, Mom. But I still want to play." I traced my fingers to the beautiful face of Viviene, "Not until I got the taste of this piece of meat then I'll give you grandchildren."
Viviene.
"Viviene, dito ang tingin.." Ipinilig ko ang aking ulo at sinundan si Bobby, ang aking manager. Madalas niyang itinuturo kung saan lilingon--kaliwa o kanan, kung alin ang dapat ngiti--labas ang ngipin o hindi, ang mata ba ay dapat malungkot o nakangiti.
I extended my neck and spread my legs in a manner that men would drool because, why not? Wala na din namang saysay ang katawang ito kundi ang maging laman na lang ng men's magazine na farewell issue na ang susunod na buwan dahil wala na din namang bumibili ngayon ng babasahin sa newstand.
I remember an article about my million dollar smile, ngayon ay mababalita na lang ako kapag nakipagsabunutan ako sa paligsahan ng gagamba. Tabloids, oh I wish they would just disappear and I won't feel sorry because they always make me look so cheap.
"Ayusin mo, Viviene.." Banta sa akin ni Bobby. I acted like I am making love with the camera. Ibinaba ko ba ng bahagya ang strap ng suot kong bikini at inipit ang aking dibdib para magmukhang malaki. Not that I have a small package. It is actually 36-C. At hindi ko ipinagawa.
"Okay. Last 10 shots.." Thirdee, our photographer told me. Kanina pa siya paulit ulit sa huling sampung snaps pero hindi naman siya tumitigil. Gayunpaman, hindi ko ipinahalata ang iritasyon. Inilagay ko ang mahabang buhok ko sa isang banda ng aking balikat at pinalamlam ang mga mata. Everyone loved my amethyst eyes. Kakaiba daw iyon sa lahat.
I wet my lips and posed divine. My natural pink lips were often described as a sherbet when I smile, sweet, tempting even. Men? They would die for this if they'd see me, sadly, I have lesser exposures now.
"That's it!" Maligayang anunsiyo ni Thirdee sa panghuling shot saka siya lumapit kay Bobby para ipakita ang mga kuha.
"Maganda. Ayusin mo ang pagpo-photoshop niyan ha! Hindi pupwedeng may kulubot sa katawan ang alaga ko!" Pagtataray ni Bobby kay Thirdee. Tatawa tawang naglakad papalayo ang photographer.
This day is exhausting, halos papagabi na nang matapos ang kanina pang umaga nagsimula na shoot. Halos manginig na ang tuhod ko sa pagtayo. Nararamdaman ko na din ang panunuyo ng lalamunan dahil sa lamig sa studio.
Sinalubong ako ng isang staff para abutan ako ng robe kasama na ang aking phone. Sunod sunod ang naging pag-tunog non nang buksan ko habang binabasa isa-isa ang mensahe.
'Viviene, dumaan ka muna sa Meralco, baka maputulan tayo ng kuryente.'
'Viviene, ang stocks natin paubos na.'
'Viviene, nabili mo na ba ang sinasabi ko sa'yong humidifier? Kailangan natin yon dahil iinit na naman ang panahon, baka hikain na naman tayong dalawa.'
Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa ng mensahe mula kay Mama. Lahat naman yon ay puro request na akala mo ay isa akong alkansaya na tumatabo ng limpak limpak na salapi araw araw. It was never the case.
Five years ago, our life was really different.
Gobernador ang Lolo ko sa isang malaking probinsya sa South, my father owned the largest Supply Chain Management Solutions here in Asia, my mother was an actress and a former beauty queen while I was the biggest teen star then.
Pero nagbabago ang panahon, natalo ang Lolo ko sa pagka-Senador kung saan inilagay ang malaking bahagi ng aming yaman, nalugi ang aming kompanya at nawalan ng kaibigan ang Mama ko dahil doon, she was kicked out of the elite circle. Ang ka-loveteam kong si Inigo ay nasangkot sa droga, naiwan akong mag-isa and then I realized that our used to be fans were right, si Inigo ang nagdadala sa akin paakyat at sa kasikatan.
Kaya eto, nung bumagsak siya, lagapak din ang beauty ko. The only offers I get now would be as a mother of the newest child star in an afternoon soap and sexy magazine shoots na hindi na ako ang cover.
Noong unang beses akong nag-cover sa isang men's magazine, I was hailed as the sexiest Filipina, pero nagsasawa din ang mga tao, dahil sa hindi mapigilang katarayan ko, I was bashed on social media and was never voted since then at any contest that needs support. Minsan na ring pinintasan ang mga binti ko at tinawag na pata. Bashers. They have so much time.
I can't really stay quiet and humble lalo na kung sasabihin nilang wala akong talent. Noong nawalan ako ng ka-loveteam ay pinatos ko na lang ang men's magazine dahil hindi daw ako magsusurvive sa karera kahit maganda ang boses ko. Those bashers even called me desperada! Sino kaya ang mas desperada sa amin noong mga walang magawa kundi punahin ang kapwa nila sa likod ng keyboard?
Uminom ako ng tubig para mahimasmasan. I still have one more gig before I can go home.
"Nabasa mo na bang darating si Rebel Antonio Villafuerte doon sa launching ng bagong rum na ini-endorso mo?" Tumabi sa akin si Bobby sa loob ng van, pati sariling sasakyan ay di ko na afford at pinanghihinayangan ko ang gasolina non kaya sa service na lang ng talent agency ako sumasakay. Malaki kasi ang nagastos namin sa heart transplant ng Lolo ko noong nakaraang taon but he just died. Halos kasabay lang ng pagkamatay ni Papa sa isang car accident dahil nagmaneho siyang lasing.
Sometimes, I want to sit down and ask God what is happening to my family, but all I can whisper are my wishes that we can get through this.
Char!
Ipinagkikibit balikat ko na lamang iyan. Naiintindihan ko naman na ang buhay ay parang gulong, minsan flat.
"Bakit mo sinasabi sa akin yan?" Mataray na tanong ko kay Bobby.
I hate that name. I hate Rebel Antonio Villafuerte to be exact.
"Eh hindi ka ba curious kung sino ang pumatay sa kompanya niyo na pumatay din sa Lolo mo na pumatay din sa career niyo ng Nanay mo na pumatay din sa Papa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Bobby.
Tumingin ako sa may bintana. Lagi kong sinasabi kay Duday at Mikmik, ang aming loyal na mga kasambahay, na kapag nakita ko ang Rebel Antonio Villafuerte na yan, babawiin ko ang sa amin! Kaya lang, tatlong taon na, hindi ko pa din siya kilala ng personal.
Laging representative niya lang ang nakakaharap ng aming pamilya pati na ng madla. Naging katextmate ko pa nga ang representative niyang 'yon dahil akala ko ay nagdidisguise lang si Rebel bilang representative pero nagalit sa akin ang asawa nito at binash din ako sa social media, tinawag akong mang-aagaw. Mga tatlong linggo din umikot ang issue na iyon. Mas lalo akong nawalan ng fans. People know me as Vivien April Joson but I don't have fans like I used to have anymore. No one's defending me. Pinagpipiyestahan lamang ako, bubugbugin ng chismis at pipintasan.
"Anong pinaplano mo? Ichu-Chun Li mo? Ihahagis mo sa pader?" Usisa sa akin ni Bobby habang panay ang tingin niya sa kanyang schedule notebook.
"Malay ko. Anong bang dapat kong gawin?"
"Akitin mo?"
"Eh di kinurot mo ako sa singit!"
"Ay talaga. Umayos ka, Viviene ha. Isinalba kita dahil gusto mo pang maging artista. You told me that this is your passion. Hindi nga ba't kahit mother roles ay tinatanggap natin dahil pag-arte ang gusto mo. Hindi tayo papayag sa madaliang kita." My manager looked like a gay grandson of Adolf Hitler. Mataas na ang hairline nito at makapal ang salamin. His spirit animal is Lito Atienza, he always wear floral polo and khaki slacks, only that he's tall and thin.
"I know. Kaya nga kahit may sakit ako, sumusugod tayong dalawa sa road shows."
Malapit nang bumigay ang katawang lupa ko sa pagpapadala sa akin sa probinsya para umattend at pumarada sa Fiesta dahil mga kalabaw na lang ata ang nasasabik sa aking presensiya.
We reached the expensive seven star hotel venue in 20 minutes where my next gig is. Naging mabilisan ang pagmakeup sa akin dahil isang oras na lang ay magsisimula na ang grandiosong event. It was an intimate party set up for the clients and suppliers of the company. Hindi ko na inusisa kung ano iyon pero bagong labas pa lang na alak.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin nang iwan ako ng make up artist. I am wearing a ruby red gown, lantad ang aking dibdib, tyan, pati na ang binti. The gown hugs my body a little bit tight that it forced my back to arch, butt and breast tucked out. Ang mahaba kong buhok ay kinulot ng malalaki at inilagay sa isang gilid. Inayos ko ang pulang lipstick sa aking mga labi. My amethyst eyes went a tone darker, natural iyon kapag gumagabi.
I was briefed by the staff what to do. I still have thirty minutes before the event starts kaya nagpaalam muna ako kay Bobby na maglalakad lakad muna.
The hotel was patterned to Venetian Macao. It reminds me of a classic James Bond movie. The high ceilings were painted with clouds and dusted with gold, the background music was Asian instrumental classics.
'Siguro sosyal din ang banyo.' I thought to myself and giggly went to the restroom even I will not do anything but to scan myself in front of the warm-litted vanity mirror.
Amoy lavender, pang-mayaman talaga. Kinapa ko ang nipple tape na inilagay ko kanina at mukhang nadislocate iyon kaya bumalik akong muli sa isa sa mga cubicle para palitan ng bago. Nang masarhan ko na ang pinto ng cubicle, nakarinig ako ng mga yabag sa loob ng ladies' room.
"Oh."
Napakunot ang noo ko sa malakas na paghampas ng kung ano sa sahig, parang mayroong nabasag. I was about to ignore it when I heard a man's voice groaning like a hungry monster. The sound was fierce and barbaric, nakaramdam ako ng pagpintig ng puso dahil doon, that man could be lost. Siguro ay akala niya, panlalakeng CR ito at natatae na siya.
"You like this?" The man's voice said. Curious, binuksan ko na ang pinto ng cubicle para lang magulat sa nasaksihan. Napatakip ako ng bibig sa nakitang kamunduhan na nagaganap doon sa may sink.
I breathe in and breathe out, mentally instructing myself what to do. Siguro ay mag-iintay na lang ako? Pero paano kung mag-sisimula na ang event? Kung lalabas naman ako, that would be a shameful exit to make. Teka, bakit ako ang mahihiya? Public ladies room ito!
Tumingin ako sa Philip Stein watch ko at meron pa akong labinglimang minuto na pupwedeng aksayahin, maybe I will let them finish before I come out. Bored, kinuha ko ang cellphone ko at marahang binuksan ang cubicle. Kinuhanan ko ng video ang fckboi at ang kinakalantari nito. Bobby might give a good laugh for the video.
Hindi na sa akin bago ang erotic scenes, I already made a love scene in the indie film where I was casted two years ago. I am pretty sure I don't look like the girl I am seeing now. Ang reaksyon lang ng babae ngayon ang nakikita ko dahil ang lalake ang nakapatalikod sa akin, and the poor girl is doing nothing but to close her eyes! Ganoon ba kasarap ang ginagawa sa kanya? It was just kiss and hand movements! Halos wala na ngang damit ang babae na nakasuot ng maigsing dress at nakababa na ang tube nito samantalang ang kaharap ay nakasuot pa din ang amerikana at walang gusot.
"Oh, Rebel.. You are so good!" Wika noong babae, napakunot ang noo ko.
Rebel, as in Rebel Antonio Villafuerte?
Tumagilid ang lalaki, I heard the unzipping of his pants, walang ingat na hinila niya ang babae papalapit sa kanyang beywang, just before the woman's parted legs reached his waist, I had a glimpse of his shaft at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Sht! Is that a pole?" Nabigla kong sabi mula sa pinagtataguan ko. Napatigil ang dalawa sa ginagawa. The man stood up and he faced my direction, with his huge-- muscle? Or pole? Or log? hanging out from his pants! Parang itinuturo pa ako non. I slowly revealed myself while looking down, walking towards the door. I need an escape plan. Baka maisipan nilang dalawa na ilublob ako sa toilet, mahirap na.
"Who are you and why the hell are you filming us?"
Mas lalong napaawang ang labi ko nang magsalita ang lalaki. His shaft sprung and moved like a jelly. Tumitibok pa iyon.
"Miss?" The man demanded and placed his one hand on his muscle and made me follow his hands para mapagtuunan ko ang kanyang mukha. He doesn't even look humiliated that his birdie was exposed! But when he saw me, napaawang ang labi niya at siya naman ang walang kahiya-hiyang pinagmasdan ako.
Then, I didn't know which one is more distracting. The guy has a bad boy aura. He has almost obvious s*xy whiskers on his chin that contours his hard chiseled jaw, his full lips twitched and my knees weaken. Ang kanyang noo ay may sariling kunot na nagsasalubong sa kanyang makakapal na kilay at tumuloy iyon sa kanyang ilong. A straight chiseled nose is worth drooling for. And oh man, his eyes, it mimicks honey but a little bit more intense than that. I never had fascination with bad boys but this man is an eye candy. My breath hitched when I felt a clenching on my jewel as he stared at me straight to my eyes. There's no humiliation in him, I mean, who would, right?
"Are you a spy?" Iritableng tanong sa akin ng lalaki. Napatingin ako sa kamay ko at kitang kita kong nakataas nga ng husto ang cellphone ko at nakatapat pa sa mukha nung lalaki! I was eyeing him from my phone.
"A-ah.. Spy? N-no! I-- I.. Naghahanap ako ng signal! Hehe! Eto. Ang lakas dito.." Itinapat ko ang cellphone ko doon sa birdie monster niya. "Ayun.. dito ang lakas ng signal.. Antenna yata ito.. Lakas! Parang cellsite tower." I grinned but the man's handsome face turned into a deeper frown. He's not buying it, stupid.
Pinatay ko na ang cellphone ko at tumayo ng tuwid kahit nanginginig sa kaba. The man is really scary despite of his handsome face. He's tall and lean that could crush anyone in his arms. His stares were stormy and dark, the only softness that I could see would be his naturally curled thick lashes and all of his features are devilish like.
He look like an old movie star, but young. His look is classic, masarap titigan at panggigilan.
Or porn star, I guess. Muling bumaba ang tingin ko sa birdie monster niya. Ang laki talaga.
Mariing pumikit ang lalaki at bago pa man ako mabugahan ng apoy, patakbo kong inabot ang doorknob at lumabas na roon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro