Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22


Noelle.

Nagmamadali siyang lumabas sa hotel room kung nasaan si Midnight, hindi na niya naibalik sa ayos ang kaniyang buhok. Iniwanan niyan natutulog ang binata. Natatakot siyang may makakita sa kaniya kaya naging mabilis ang kaniyang pagkilos.

Duwag ka, Noelle. Asan ang tapang mo kanina?

Nang makalabas siya sa hallway kung nasaan ang mga silid ay pasimple siyang bumaba, imbes na agad na pumasok sa function room ay nagtungo siya sa restroom. Nakahinga siya nang maluwag nang sarhan niya ang pinto, walang ingay doon. Hinarap niya ang repleksyon sa salamin, her cheeks are swollen, her hair was in distress. Hinagod niya iyon at pinilit ayusin. Natigilan siya nang bumukas ang pinto.

"You cannot hide that you just fcked someone." Pinanlamigan siya ng likod nang marinig ang matalim ngunit pamilyar na boses na iyon. Her ochre night gown complimented her white complexion.

Sa kabila ng edad ay hindi pa din kababakasan ng katandaan ang babae. She's gorgeous at her age and possible more gorgeous during her time. Aristokrata ang hugis ng mukha nito. Deep set eyes, narrow nose, thin lips and high cheekbones. Her Spanish genes does her so well.

"Donya Matilde." Tukoy niya sa asawa ni Don Martin na matagal nang nawala. Binigyan siya nito nang nanunuyang tingin.

"Oh well. It is none of my business." Napapailing din na sabi ng babaeng hindi mababanaag ang tunay na edad sa ayos nito. Still regal at her sixties.

"Kawawa naman si Martin, nag-ampon ng sisira ng kaniyang pangalan." Napailing ito.

"Hindi po totoo ang sinasabi niyo."

"So mali ako ng nakita na pumasok ka sa isang kuwarto kasama ang lalaki? Anong ginawa niyo doon? Nagbato-bato pik? Taguan? Oh Noelle, sinasabi ko na nga ba, it is in your blood. Hindi ba ang nanay mo ay pokpok?" Galit na sigaw nito sa kaniya. Kumuyom ang kamao niya sa akusa nito.

"H-hindi yan totoo."

"Pokpok ang nanay mo! Sinubukan niyang landiin si Martin pero hayun at nabuntis ng kung sinong parokyano. Ganoon ka. Ganoong ganoon ka din!"

Umiling siya, unti unti ang mga salita ay tila asido na gumagapang sa kaniya.

"Ikaw ang magbibigay ng kahihiyan sa apelyido ni Martin!" Humalakhak ng malakas ang babae at dinuro siya.

"You will be the second fall of Martin! Isang ampon! Isang nobody! Disgrasyada ka!"

Pagkasabi non ay tumalikod ito sa kaniya at iniwan siya na parang walang sinabing nakakainsulto.

Humarap muli siya sa salamin, ang lahat ng kulay ay tumakas sa kaniya. Unti unti, bawat segundo ay nakukumbinse siyang tama nga ito. Disgrasyada din siya. Napatakip siya ng bibig nang maisip ang consequences ng kaniyang ginawa noon hanggang sa ngayon, paano kung hindi lang si Donya Matilde ang nakakita sa kaniya?

Tiningnan niya ang suot niyang band na merong pangalan niya na inilagay sa kaniya nang pumasok siya sa hall ng Governor's Ball.

'Noelle Casper Inocencio Gomez'

Simula nang ibigay sa kaniya ang pangalan na iyon ay natuto siyang mag-ingat, natakot siyang magkamali. Maybe that's the reason why she was never happy, inuuna niya ang iisipin ng iba, ang kapakanan ng iba dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob.

Pero kahit anong gawin niya ay hindi iyon magiging sapat. People will demand so much from her and expect too much. Darating ang araw na mabibigo niya ang mga ito.

Tumunog ang kaniyang cellphone. Isang mensahe mula kay Monroe.

'How was the party? You should meet someone and be lucky.'

Napapailing niyang ibinalik ang cellphone niya sa loob ng pouch at lumabas ng restroom. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Midnight. She pressed the code that she remembered at bumukas muli ito, tahimik ang buong kuwarto, nakita niya ang mapayapang bulto na naroon sa kama, nainggit siya sa kapayapaang iyon.

She wants to have it, if it means she has to go against the flow. She will. Because right now, she's tired of pleasing everybody and in the end, she'll fail.

She removed her gown and walked naked beside Midnight, agad na pumulupot ang kamay nito sa kaniya. Ang akala niyang tulog ay nagmulat ng mata. He covered her small body and the next thing she remembered, they were kissing and moaning wildly.

---

A firm arm covered Noelle's belly. Napaunat siya at gumalaw muli ang kamay na bumalot sa kaniya. Napakunot ang noo niya at saka bumalik sa kaniya ang alaala. The heavy pounding, the deep and passionate kisses, the warmth that she could still feel on her stomach and the dirty talks they said as if no rift happened between them.

She ended up craving for more. Ending in bed with her hot college professor is incomparable. More on, freedom. Ganito pala ang pakiramdam kapag ginagawa mo ang tinututulan ng isip mo, ganito pala pagbigyan ang katawan, ganito pala hindi makinig sa mga boses sa paligid mo. Kalayaan.

Simula ngayon ay sasabihin niya na ang gusto niya, gagawin ang gusto niya, itatanggi ang ayaw niya. Sino bang may sabing magpakabait siya? No one.

Marahan siyang bumangon at hinagilap agad ang kanyang cellphone. She was bombarded with calls and text messages from Monroe. Sumakit ang kanyang ulo kahit hindi naman siya lasing. A hand crawled to her naked breast, her tip was still swollen but it responded to its master the way it should.

Tuluyan niyang ibinaba ang kumot na nakabalot sa kaniya. Midnight rested his back at the frame of the huge bed, she straddled him, looking at him intently. Ibinaba niya ang kaniyang hawak na cellphone at inilipat ang kamay sa katawan ng propesor. He was panting before she even reach his thickness, slowly feeling his length. He groaned and hungrily attacked her lips, moaning while kissing.

She can feel the wetness on her bud, gushing at the tip of her tongue. She positioned her body on top of him. Parang gutom pa siya at hindi pa sapat ang kagabi. She took all of him, she'll never get used with the size. Napangiwi pa din siya. When she successfully did, she was succumbed with the desire, like she was born for it.

Before they know it, they were both screaming each other's name and bringing each other to abyss.

Bumagsak ang mukha niya sa leeg ng binata makalipas ang ilang segundo. Parehas silang hinihingal. Midnight look at her with softness, palagay niya ay normal ito sa binata kapag nakukuha ang gusto.

"Wala itong ibig sabihin." Pangunguna niya.

Midnight bit his lower lip and looked at her body. She felt naked by the way he looks siguro ay normal na ito. Kailan ba siya hindi nataranta sa paninitig nito?

"Yeah, a professor fcking his student is normal, right?"

"Hindi ko ito ginagawa para sa grades."

"So what are we doing this for?"

"Para sa pangangailangan? Come on, hindi naman bago sa iyo ito. Isa pa ay may atraso ka pa sa akin, hindi ko pa nakakalimutan ang panloloko mo at ngayon ay alam kong niloloko mo pa din ako." Paglilinaw niya.

"Niloloko? Yan ba ang tingin mo?"

Tumango siya.

"Tuwing kailan?" Matigas na tanong nito sa kaniya, "Tuwing kailan ka magpapaloko?" Tanong nito.

"Tuwing gusto mong manloko at magpapaloko naman ako." She answered, like she's sure of it. Umalis siya sa ibabaw ng kaniig at sinuklay ang daliri sa buhok habang nakaharap sa bintanang natatakpan ng makapal na kurtina.

"You enjoy fcking now, Miss Gomez. Turning to a bad girl, huh? Is this what the school taught you?"

"Huwag ka nang magtanong dahil nagustuhan mo din naman. Ano pang pangangalagaan ko kung kinuha mo na din naman noon. Hindi naman ata tama na ngayon pa ako magmalinis, Attorney Sandejas."

"Anong kapalit?" Tanong nito sa kanya. She shook her head.

"Wala."

"Right." Lumapit sa kaniya si Midnight at kinulong siya sa mga binti nito, she felt his bulging muscle at her lower back and his huge palm reaching her core. Napasinghap siya dahil doon.

"Of course, all is fair and fck and war." He whispered in her ear as he inserted his digits to her folds. She whimpered in response.

---

"Bakit hapon ka na dumating?" Nakapamewang si Monroe na inaabangan siya sa pinto. Nakapagpalit na din siya ng damit, iniutos niya kay Midnight na bilhan siya para hindi magduda ang kaniyang kapatid.

"Nagtext na ako, Monroe." Napapagod na sabi niya. Well, she's really tired. Sinulit nila ni Midnight ang buong araw at parang kulang pa iyon.

"I know, s*x is fun in college but make sure you are protected."

"Monroe!" Mariin na wika niya kasabay ng paglingon sa paligid. "Doon ako nakitulog kila Donna!" Pagsisinungaling niya.

"Alright, I know, I know. I won't judge you. I am just warning you."

Napapailing na lang siyang dumiretso siya sa kaniyang silid nang napapagod, hindi niya muna inabala ang sarili para sagutin ang mga kaibigan niyang hinahanap siya. Dylan looked for her, ganoon din si Donna but she's too tired to explain. She has done something unexplainable already last night. Tinakasan siya ng katinuan at malinaw na nagustuhan niya iyon. She's tired making excuses and convincing herself why she did that. Naalala niya ang sinabi ni Matilde, nasa dugo niya iyon. Siguro hindi niya lang alam na meron palang ganon sa kaniyang sarili.

She looked around her room, technically, she has everything. Ngunit may parte sa kaniya ang hindi masaya. Tila may kulang dito na kailangan niyang punan at kailangang hanapin para sa sarili.

Silly, siguro nga ay ang katotohanang hindi din naman niya pamilya ang kinabibilangan niya ngayon. Nakakapagod tumugon sa standards ng ibang tao para lang matanggap siya ng mga ito.

This rules and that...

Bumaba siyang muli nang makapagshower. She was smiling when she saw her adoptive father sitting at the sofa, pero napawi iyon nang makita niya kung sino ang nasa harapan nito.

"D-donya Matilde.." Namamaos na sabi niya at agad na nanlilisik ang mata nitong napatuon sa kanya.

"Nandito pa din pala ang ampon mo." The wife of her adoptive father spat. Agad na bumangon ang kaba sa kanyang puso, nag-aalala na sinabi nito kay Don Martin ang nakita nito kagabi.

"Matilde.." In a warning tone, Don Martin said.

"Hindi kami babalik ng mga anak mo hangga't nandito pa yang babaeng yan!"

"Mom, can't you chill a little?" Singit ni Monroe na bumababa ng hagdan. "Mabuti pa nga si Noelle, noong nagkanda-leche leche ang pamilyang ito, hindi umalis, eh ikaw?" Hamon nito sa ina.

"Monroe! I didn't raise you to talk to me like that!"

"What? Totoo naman ah!"

"Tigil, magsitigil kayo. Monroe, do not to talk to your mother like that. And you.." Turo ni Don Martin sa asawa, "Noelle is staying here. You are still welcome to stay, Matilde pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo."

Galit na tumayo si Donya Matilde mula sa kinauupuan.

"Siya pa din pala ang pipiliin mo kung ganoon. Goodness. I hate this family! Ipapahiya ka lamang ng babaeng yan!" Pagkasabi non ay tumalikod na si Donya Matilde. Nanatiling nakayuko si Noelle at napako sa kinatatayuan niya habang pinagmamasdang nagmamadaling umalis ang babae.

She wanted to regret knocking at the Gomez' door and asked for a family. Kung sana ay pinagtiisan na lang niya ang buhay sa Siargao nang nag-iisa, hindi sana lumaki ng ganito ang problema niya. Keeping your living small will give you small problems. Sana ay hindi na siya naghangad ng sobra. Hindi na sana iniwan ni Donya Matilde si Don Martin at hindi din siguro siya naipit sa gulo na kinasangkutan ni Don Martin, wala din sigurong Midnight ang makakapanakit sa kaniya na siya din namang kinahumalingan niya pala sa bandang huli.

Sa kanya pa din talaga ang biro ng tadhana.

"Wala kang kasalanan, Noelle." Napalunok siya nang magsalita si Don Martin. Mukhang napansin ang pagkabalisa niya.

""Ang gusto ko lang, maging mabuting anak ka sa akin, kagaya ng dati."

"True! Books before boys, Noelle. You know what I mean.." Dagdag ni Monroe na tinapik siya sa balikat nang malapitan siya.

Tumango siya. Hirap na i-digest kung ano ang nangyayari. She felt too much weight on her shoulders, parang hindi niya kayang panindigan ang pagiging mabuti sa mga ito.

"I agree. Gusto kong mapunta ka sa taong may prinsipyo at sa marunong magsabi ng totoo."

Tumango muli siya nang napapahiya.

Only if she can..

---

"Tingin mo, anong score kay Attorney Sandejas at Miss Camille?" Untag sa kaniya ni Donna nang unang araw ng kanilang linggo sa eskwela. Kumuha siya ng chips mula sa kanyang harapan at pinagtuunan ang kaniyang libro.

Umiling siya at hindi na nagdagdag ng salita sa haka haka ng kaibigan. Hindi naman sa naniniwala siya kay Midnight na wala silang relasyon ng isa pang propesor pero wala siyang pakialam.

"Bigla daw nawala ang dalawang yan nung Governor's ball."

"Bakit, Donna? Nawala din naman ako ah?" Binalingan niya ang kaibigan at seryosong tiningnan. Napasinghap si Donna at napatakip pa ng bibig.

"OMG! Meaning to say?"

Napailing siya, "Ang ibig kong sabihin, hindi dapat natin binibigyan ng kahulugan ang mga pangyayari sa paligid, Donna."

"Weh? Hindi nga dapat, kaso tingnan mo naman yon.." Ngumuso si Donna at itinuro ang papasok sa canteen kung nasaan silang dalawa. Nakapulupot ang braso ni Camille sa baywang ni Midnight. Agad siyang pinanliitan ng mga mata dahil sa tanawin.

At talagang sinuswerte pa ata siya nang umupo ang dalawa sa lamesa sa kanilang harapan.

"I am craving for hotdog sandwich.." Malambing na sabi ni Miss Camille kay Midnight na nakangiti pa sa kausap. Halos mapunit niya ang pahina ng librong hawak niya sa inis. Kahapon lang ay sila ang magkasama, tapos ngayon ay mayroon na agad itong kinakalantaring iba?

"Okay, bibili lang ako."

Nagtama ang mga mata nila ni Midnight pero agad siyang umiwas. Tumayo siya at gumawa ng ingay ang upuan.

"Donna, kailangan ko nang bumalik sa library bago umuwi si Miss Cecille."

Totoo yon, nagmeryenda lang siya pero kanina pa ang duty niya sa library. Pagbalik niya mula sa break ay siya na lang ang magbabantay sa library hanggang sa pinakahuling klase na panggabi dahil uuwi na ang librarian na si Miss Cecille.

"Okay. Ang sipag mo talaga, Noelle!" Nakipaghighfive pa sa kaniya ang kaibigan bago niya pabagsak na kinuha ang bag niya na nakapatong sa lamesa. Tila gulat ang pares na mata ni Midnight na nakatingin sa kaniya, umismid siya at nagmartsa papalayo sa canteen.

Di niya namalayang humahangos na pala siya patungo sa library kundi pa siya dumating doon nang hinihingal.

"Noelle, ikaw na ang bahala sa library." Tiningnan niya si Miss Cecille na bitbit ang bag. MWF ang duty niya sa library. Hindi siya nahihirapan sa trabaho dahil bukod sa limang library ang merong sa University, bibihira na ang estudyanteng dumadalaw dito.

Tumango siya at saka ipinatong ang bag sa lamesa nito, pinalibot niya ang mga mata sa library at gaya ng dati ay walang estudyante doon.

"Bye, Miss Cecille.." Paalam niya sa head librarian habang nagtutungo sa isang section ng library para patayin na din ang ilaw sa pinakadulong bahagi.

Nang bumalik siya sa lamesa at bumukas agad ang pinto ng library, nag-angat siya ng tingin at nakitang si Midnight ang naroon.

"Yes, Attorney Sandejas, may kailangan ka?" Hindi niya sinasadyang mahaluan ng pait ang dinig.

"The one that you saw. Alam ko ang iniisip mo."

"Wala akong iniisip."

"Come on, Noelle. She sprained her ankle. Hindi mo ba nakita ang paa niya? Kaming dalawa na lang sa faculty ng ganitong oras dahil parehas kaming part timers. She said she's hungry, sinabi kong ibibili ko na lang siya--"

Itinaas niya ang kanang kamay sa hangin.

"Save your breath, hindi ako interesado dahil alam kong nanloloko ka lang.."

Napapailing na lumapit sa kaniya si Midnight at hinila ang kamay niya.

"T-teka. Baka may makakita.." Nilamon na ang boses niya nang dalhin siya ni Midnight sa pinakadulong bahagi ng library.

Inilapat ni Midnight ang labi nito sa kanya, gently suckling her lower lip. Ang mga kamay nito ay malayang naglakbay sa ibabaw ng kanyang uniporme na parang gusto pang sirain ito.

"Midnight." Mahinang bulong niya sa pangalan nito. Ibinagsak nito ang noo sa kaniya at tinitigan siya gamit ng mapanuring mata.

"Can I see you after my class?"

"Gusto mo bang mag-sinungaling na naman ako sa amin kung bakit gagabihin ako ng uwi?"

"Then let's leave now."

"May klase ka! At saka babantayan ko ang library!"

"Playing by the rules again, Noelle? I thought you were a bad girl? Hindi mo ba gustong magpaloko ngayon sa akin?"

"Paano ang klase mo?"

"You don't know what I'll leave for you."

Bahagya niyang itinulak si Midnight, "Malinaw pa din sayo kung ano ito, hindi ba?"

Midnight bit his lower lip, "Of course. Just for fun. Manloloko, nagpapaloko, naglolokohan."

Tumango siya, "Puntahan mo ang klase mo, magkita na lang tayo mamaya."

"Ano ang sasabihin mo sa inyo?"

"Ako na ang bahala doon. It is part of the thrill." Makahulugan niyang sabi kasabay ng pagtutuwid ng polo ni Midnight na nalukot niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro