Kabanata 2
Fired.
"NOELLE, bakit hindi mo pinalantsa ang damit ko? Damn it!" Padabog na ibinato kay Noelle ang damit ni Monroe, ang kanyang kinikilalang kapatid. Her long hair is jet black, balingkinitan ang katawan nito at di hamak na mas matangkad sa kanya.
"Madaling araw na kasi ako nakauwi, Monroe."
"I don't care! Ako na nga lang ang kumikita ng maayos sa pamamahay na ito, hindi mo pa inaayos ang pagsisilbi sa akin! Dapat isinaoli ka na lang ni Daddy sa Siargao! Hindi naman kita kapatid!" Galit na wika nito habang paroo't parito sa living room ng mansyon.
"Monroe, stop." Bumaba sa grand staircase hagdan si Don Martin Alonzo Gomez.
Sa mansyon pa din sila nakatira pero wala na ang dating rangya nito. No maids to do chores, tanging si Noelle na lang ang gumagawa ng gawaing bahay. They were forced to sell their antique furniture simula nang malugi ang minahan ng mga Gomez dahil sa isang aksidente.
Si Noelle at Monroe ay natigil sa pag-aaral. The wife of Don Martin escaped out of the country with their two sons, Montage at Mouri. Tanging si Noelle na lang ang naiwan at ang panganay ni Don Martin na si Monroe.
"Dad, please! Totoo naman ang sinabi ko. There no Gomez blood in that b*tch!" Gigil siyang dinuro ni Monroe.
"But I want her to be part of this family." Kalmadong wika ng matanda.
"Simula nang ampunin mo yang babaeng yan, wala ng magandang nangyari sa pamamahay na 'to. She's a jinx, Dad! Bakit ba hindi niyo makita yon?" Nadidismayang inagaw ni Monroe ang damit niya mula kay Noelle at umakyat sa kanyang kuwarto.
Nagkatinginan si Noelle at si Don Martin nang bumagsak ang pinto sa kuwarto ni Monroe.
"Huwag mong papansinin ang kapatid mo."
Tahimik na tumango si Noelle. She want to regret going to Don Martin when her Aunt in Surigao died five years ago. Pinilit siya nitong tunguhin si Don Martin sa paniniwalang ito ang kanyang ama.
She underwent excruciating process in defending her legitimacy pero sa bandang huli ay hindi pala siya totoong anak nito. Totoong nagkaroon ng lihim na relasyon ang kanyang ina at si Don Martin pero hindi ito ang kanyang ama.
"You know that I treat you as my daughter, Noelle."
Tumango siya. She was adopted.
Naging mabuti si Don Martin nang kupkupin siya nito dahil wala ng natitira pa sa kanya. Galit na galit ang pamilya nito lalo na ang asawang si Donya Matilde at si Monroe. Naging dahilan siya ng araw araw na pag-tatalo pero hindi sumuko si Don Martin hanggang sa mapalitan ang kanyang apelyido bilang isang Gomez. Kapalit nito ay nag-silbi siya sa pamilya ng mga Gomez at hindi naman nalugi ang mga ito sa kanyang serbisyo. Matilde and Monroe treated her harshly, lalo na kapag wala sa paligid si Don Martin.
"Ayos lang po, Don Martin.." Ngumiti siya. The man also has Spanish Features, maybe that is why the people in their town suspected him as her father. Ito ang pinakamakapangyarihan sa kanilang lugar, kilala ang minahan nito sa buong probinsya. Hindi din naging lihim ang malalim na pagkakaibigan ng kanyang namayapang ina sa Don.
"Once everything is settled, I will send you to school." Pangako pa nito sa kanya.
Hindi naman niya kailangan ang pera nito para makapag-aral, she send herself to school pero ang pagkakaalam ni Don Martin ay scholar siya. Ang hindi alam ng Don ay lihim siyang nagtatrabaho para may ipantustos siya sa kanyang pag-aaral. Hindi niya nabawasan ang kanyang allowance dahil hindi niya ito kinukuha. She uses her own money eversince, mula sa pag-aasiste sa canteen ng eskwelahan pati sa library. Sa loob ng limang taon ay lumaki na ang naitabing allowance niya at ito ang kanilang ipinapantustos sa ngayon kasama ang kinikita ni Monroe at ang kita niya sa club sa pagwe-waitress.
Na-freeze ang bank account ng kawawang matanda nang sumabog ang minahan nito sa Surigao. Maraming pamilya ang nawalan ng buhay at pinagbabayaran na nito ito ngayon kasama pa ang patong patong na kaso mula sa environmentalist at sa pamilya ng mga namatayan.
"Noelle! Noelle!" Maingay ang naging sigaw ng kanyang kaibigan na si Donna mula sa main door ng mansyon. Naka-uniporme na ito ng pang-waitress katulad ng sa kanya. Naiinggit siya dito dahil nakakapasok pa din ito sa eskwelahan hindi kagaya niya na napilitang tumigil para mag-fulltime.
"Donna, wag ka ngang sumigaw." Suway niya pero pilya lang na ngumiti ang kanyang kaibigan. Pinapasok pa nito ang sarili nito sa loob ng living room na walang mga gamit.
"Hello Don Martin! Nasaan po ang bruha?" Siniko ni Noelle ang kaibigan. "Ay este ang anak niyo pala."
"Naroon sa taas, papasok na din sa trabaho."
"Ano pong trabaho? Yung modelling?" Malapad itong ngumiti at bumaling sa kanya, "May pera ba sa ganun?" Bulong nito sa kanya na tinugon lang muli nito ng pag-siko.
"Papasok na po kami Don Martin." Magalang na paalam niya sa Don.
"Mag-iingat kayo." Kumaway si Don Martin habang kinakaladkad niya si Donna papalayo.
"Aray, Friendship naman eh! Dahan dahan lang." Tumigil sila sa gitna ng hardin ng mansyon.
"Ikaw talaga, bakit mo naman sinabi yon?"
"Eh bruha naman talaga yang half sister mo!" Umirap si Donna, "Ipinamumukha pa sa inyo na malaki ang kinikita niya eh yung allowance mo ang ipinamumuhay niyo sa ngayon. Sana nga maubos na, tingnan natin ang yabang niyang bruhang yan."
"Wag naman ganon, Donna." Suway niya. "Hindi pupwedeng maubos ang pingakukuhanan namin ng pera ngayon. Hindi sapat ang kinikita ko sa club. Kawawa naman si Don Martin. Tatlong buwan na nakafreeze ang account niya. Wala na nga siyang pambayad sa abogado."
"Naku naman, Friendship. Nadamay ka pa tuloy sa kamalasan ng pamilyang yan."
She looked at Donna with a warning, nakuha naman ito agad ng kaibigan.
"Fine! Sige na, hindi na ako magiging basher. Umalis na nga tayo."
---
TATLONG jeep ang pinaglipat lipatan ni Noelle at Donna para makarating sa sikat na club sa BGC kung saan sila namamasukan, siya ay fulltime samantalang si Donna naman ay part time dito. Nahuhuli siyang umuwi kumpara sa kaibigan.
Maaga na nagsisimula ang duty na kasama na ang paglilinis ng club at nagpupunas ng mga utensils. Ito din ang pagkakataon nila para makapagkwentuhan.
"Alam mo, iniisip ko, paano kaya kung mag-boyfriend ka na lang ng abogado?" Suhestyon sa kanya ng kaibigan. Pinagmasdan niya ang puting plato na pinupunasan.
"Kung sana ay ganoon kadali iyon, Donna." Kinuskos niyang muli ang plato at halos makita na niya ang repleksyon niya doon. She can easily attract men, she's beautiful. Her hair is light brown and her eyes almost resembles the same as her hair.
"Mestiza ka, kung ganyan nga lang ako kaganda. Wika ni Donna. She curled her lips at her friend. Hindi naman lahat ng bagay ay naidadaan sa ganda. "Mas maganda ka pa nga sa kapatid mo na ang tapang ng pagka-mestiza, mukha na tuloy bruha."
Ngumuso siya, "Para namang napupulot ang abogado kung saan lang."
"Humanap ka na lang ng customer sa club na ito na kakaririn."
"Hoy hoy hoy!" Singit agad ng bading na si Kiefer, siya ang floor manager ng lugar. "Club nga ito pero hindi ito cheapipay na club! Walang bubugaw sa inyo dito ha! Bawal ang makipaglandian sa mga 'clients' excuse me, take note of this, hindi 'customer'!" Mariin at maarteng pahayag nito. "At kapag makita ko kayong dalawang nakikipag-flirt sa ating mga kliyente, pagkukurutin ko kayong dalawa sa singit!" Nag-mando pa ito ng maliit na mga kurot sa hangin.
Alam naman ni Noelle ang mga ganoong bagay kaya nga kahit ilang beses na siyang subukin ng mga lasing na customer ay patuloy siyang umiiwas. Kagaya na lang ng customer kagabi, halatang lasing na ito dahil sa pamumula ng pisngi, guwapo nga ito pero halatang masungit. Mukhang lasing lang talaga kaya naisipan na hingin ang kanyang pangalan.
"Yes, Sir!" Sumaludo pa si Donna na parang sundalo.
"Ma'am!" Pag-tatama muli ni Kiefer bago sila tuluyang iwan.
MABILIS lumipas ang oras at nagsimula na namang umingay ang kanyang pinagtatrabahuhan. Maliban sa musika ay naging parte na ng kanyang magdamag ang tawanan ng mga clients nila sa Hide-out.
"Noelle, VIP 15." Tawag sa kanya ni Wilmar, ang bartender at saka iniabot sa kanya ang isang tray na merong bote ng whisky, isang ice bucket at baso. Nakangiti niyang tinanggap iyon. Nakipagsiksikan siya sa mga customer ngayong gabi. Maaga pa lang ay puno na ang club dahil siguro ay araw ng Biyernes.
Patuloy siya sa pag-ngiti sa bawat nasasalubong, mahigpit na habilin iyon sa kaniyang trabaho.
"Hi Beautiful!" Bati sa kanya ng isang customer na nakasalubong doon sa dance floor. Makahulugan niyang tinitigan ito.
"Good evening, Sir!" She responded with a smile pero hindi siya huminto sa paglalakad. She has set her eyes on her task.
Natigilan siya nang makita ang pamilyar na bulto doon sa VIP couch 15, yun ang lalaking nakita niya kagabi at tinanong ang pangalan niya. Suplado itong tumingin sa kanya na walang kangiti-ngiti. Although she finds it awkward that he seemed to remember her, ngumiti siya na parang walang naalala.
"Hi, Sir! Staying alone?" Magiliw niyang tanong.
"Not unless you will accompany me." Tumaas ang kilay nito kasabay sa pag-basa ng pang-ibabang labi gamit ang dila. Nanliit ang mga mata niya sa binata. She knows the style. He's flirting with her. Napangiwi siya nang naimagine niya ang mukha ni Kiefer na hinahabol nga siya ng kurot sa singit.
"Sorry, Sir. It is a company policy not to sit with our guests."
"Sayang naman." The man crossed his arms to his chest, patuloy siyang pinagmamasdan.
"May kailangan pa po kayo?"
"Ikaw." Diretsong sagot nito. Nagsalubong ang kilay niya sa pagka-presko nito, "May kailangan ka pa?" Dugtong nito sa sinabi, "Like my membership card? Hindi ba ibibigay mo ito sa counter?" Iwinagayway nito sa hangin ang gold card na merong pangalan ng Hide-out. Namula ng husto ang pinsgi niya sa pagkapahiya.
Sinusubok ng binata ang kanyang pasensya. Ganupaman ay hindi nawala ang respeto niya dito.
"Sir, type niyo po ba ako?" Tanong niya bago kunin ang card sa kamay nito.
Napaawang ang labi ng binata dahil sa tanong niya. Naniniwala si Noelle na mas mabilis makukuha ang sagot sa mga agam-agam kung mag-tatanong ng diretso. Ang batang matanong, matalino. Ask, and you will receive, yon at ang marami pang kasabihan. Napakamot siya sa ulo dahil sa mga quotable quotes na naiisip.
"You are so blunt."
"Para po sabihin ko sa inyo, pigilin niyo po ang nararamdaman niyo dahil bawal po yan sa trabaho ko."
"What?" Natawa ang lalaki na para bang isang biro ang kanyang sinasabi.
"Masasaktan lang po kayo." Nag-babaga ang pisngi niya sa kanyang sinasabi pero natutunan niya sa kanyang Tiyang Yolly doon sa Surigao na kailangan niyang maging matapat sa sasabihin. Mabuti nang malinaw kaysa hindi.
Mabilis niyang kinuha sa kanyang kamay ang gold card na iniaabot ito at binasa ang nakasulat doon.
Atty. Midnight Xavier Xandejas
Napakunot ang noo niya at binalikan ng tingin ang binata.
"Abogado po kayo?"
Nagkibit balikat ito. Napalunok siya at naalala ang sinabi ni Donna. Kailangan niyang makasungkit ng abogado. Sinabi niyang hindi iyon madali pero ngayon ay nakalatag na ito sa kanyang harapan. Kapag minahal kaya siya ng abogadong ito ay matutulungan siya nito sa kaso ni Don Martin?
Tumalikod siya na nag-iisip mabuti. Wala pa siyang karanasan sa relasyon pero base sa kanyang nakikita sa paligid niya ay merong emotional attachment ang mga ito sa isa't isa.
Pero sabi ni Donna, hindi daw kagaya iyon nang nasa pelikula. Bihira daw ang ganog klaseng relasyon.
"Noelle, para sa akin ba yan?" Tanong sa kanya ni Shey, ang kahera ng club. Tumango siya at wala sa sariling inabot ang card.
"Ay! Narito pala si Attorney Sandejas!" Tila kinikilig na wika nito na humalik pa doon sa gold card.
"Shey?" Untag niya,
"Hm?"
"Di ba meron ka nang boyfriend?"
"Ako? Oo, si Nestor. Okay lang naman kung kinikilig ako sa gwapo, normal lang ang ganito." Nagpatuloy ito sa pag-proseso ng card ng Abogado.
"Ano ang mga ibinibigay sayo ni Nestor?"
Natigilan ang katrabaho niya sa ginagawa at nagpamewang na hinarap siya.
"Marami. Chocolates at flowers kapag may espesyal na okasyon. Ang oras niya. Hinahatid at sinusundo niya ako sa trabaho. Tapos.." Ngumisi si Shey, "Censored na ang iba!" Humagikgik ito.
"Kapag may hiniling ka ba, ibinibigay niya?"
"Siyempre naman, basta kaya niya."
"Ganun ba?"
"Pak!" Kumislap pa ang mga mata ni Shey nang isaoli sa kanya ang card.
Desidido siya sa kanyang naiisip. Kailangan niyang makuha ang loob ng abogadong iyon kaya kailangan niyang maging mabait. Di na bale kung anong iisipin nito basta kailangan niyang makuha ang gusto niya.
Nakita niyang mag-isa pa din na umiinom ang abogado doon sa kanyang upuan nang kanyang balikan, inihanda niya ang kanyang matamis na ngiti at saka lumapit dito.
"Here's your card, Sir."
"Thank you."
Hindi pa siya agad na umalis sa harapan nito at nakipagtitigan siya sa binata. Napalunok siya sa kabuohan nito. His manly features were on point, matangkad, moreno at maganda ang hugis ng ilong at mga labi. His hands looks rough and rugged. Sa kabila ng suot nitong pormal na midnight blue suit ay hindi ito kababakasan ng kahit anong hinahon. He even look like an antagonist in Hollywood films, only that he's a lawyer.
"May kailangan ka pa?"
Pakiramdam niya ay nalipat ang kanyang puso sa bumbunan. Marahas ang naging pagtibok ng puso at ugat niya sa ulo.
"G-gusto ko lang sana isangguni ang kaso ng Tatay ko."
Kalmanteng sumandal ang aroganteng abogado sa couch at pinanlitan siya ng mga mata.
"So you want to avail my service?"
Hindi ata nito nakukuha ang ibig niyang sabihin. Wala siyang pambayad. Kailangan niyang gamitin ang kanyang ganda kung kinakailangan dahil yun lang din naman ang kaya niyang ialok dito pero kailangan niyang maging matalino, hindi nito dapat mahuli ang balak niya. Hindi nito dapat mahalata na narito lamang siya para makuha ang loob nito at hilingin na tumayong abogado sa kaso ni Don Martin Alonzo Gomez.
"W-wala akong pambayad."
Tumaas ang kilay ng binata. Mukhang seryoso ito sa pag-tuturing na negosyo ang kanyang pakay.
"Gusto ko lang magtanong ng ilang mga bagay p-pero hindi dito."
"What's your game?"
"G-game?"
"You want us to f*ck so I will agree to represent the case of your father?"
Namula ang kanyang pisngi. Hindi niya akalaing manggagaling iyon sa bibig ng binata.
"Ang bastos po ng bibig niyo!" Di niya naiwasang mapalakas iyon. Mahinang natawa ang binata sa kanyang reaksyon.
"If you are blunt, then I am twice more." Tumayo ito at pinaliit ang kanilang distansya. Nanginig ang kanyang tuhod nang maamoy niya ang mamahaling pabango nito. Inilapit nito ang labi sa kanyang tainga at naramdaman pa niya ang init at lambot non.
"Kanina ay ayaw mo akong pansinin pero nang malaman mong abogado ako, you were smiling like an idiot. I hate opportunist, little miss."
Pinanlakihan siya ng mga mata dahil sa nasabi nito at hindi niya napigilan ang pag-igkas ng kanyang mga kamay.
"Noelle!"
Nagulat siya nang biglang sumulpot si Kiefer sa kanilang pagitan, namamanhid pa ang kanyang palad dahil sa lakas ng kanyang sampal. Nataranta siya, alam niyang hindi tama ang kanyang ginawa at pinagsisihan niya iyon agad.
"S-sir K-kiefer." Nautal siya at tila nalunok na niya ang kanyang dila.
"I am sorry, Attorney Sandejas." Maagap na hinging paumanhin ng kaniyang boss.
"Sir Kiefer, siya po ang nauna, binastos niya po ako." Maliit na maliit na boses niya. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at agad na pumatak ang masaganang luha.
Attorney Sandejas' eyes widened when he saw her tears.
"S-sorry po, Attorney. Nabigla lang po ako." Sininok pa siya sa sariling mga salita. Mabilis niyang pinalis ang mga luha pero hindi naman iyon nakatulong. Bumagsak pa din ang mga luha ng sunod sunod.
"You are fired!" Gigil na tili ni Kiefer sa kanya.
"Sir Kiefer naman.."
"Hubarin mo iyang uniporme mo sa likod at umalis ka na! Naku! Ini-stress mo ako!"
"That is not necessary." Singit ng binata sa galit ng kanilang floor manager pero wala na siyang pakialam don. Hindi siya maaaring mawalan ng trabaho dahil kailangang kailangan niya talaga.
"Sir Kiefer.."
"Out! Now! Kapag bumalik ako sa likuran na naroon ka pa, ipapakuha na kita sa bouncer!"
"Please, Mister. Don't fire her." Maagap na pakiusap ng abogado.
"No, Attorney. Marami na din naman siyang kasalanan sa akin and we don't want this incident set a bad example to her co-employees. Hindi tama ang ginawa niya."
Hindi na nakinig pa si Noelle. Lumuluhang tinungo niya ang exit patungo sa locker ng mga empleyado. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya nang makalayo sa ingay ng club, tama nga siya. Hindi naman madaling makasungkit ng abogado dahil matatalino ang mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro