Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18



Noelle!" Sinalubong siya ni Monroe nang makita siyang pumasok sa pinto ng mansyon. Halatang lasing na ito. Sobra sobra ang pamumula ng pisngi. "Bakit ngayon ka lang?" Humilig ito sa kanyang braso at naglambitin doon. Sa kabilang kamay ay may hawak na papercup na may lamang alak.

"Everyone! Meet my gorgeous sister, Noelle!"

Naghiyawan ang mga kalalakihang bisita habang inuulit ang kanyang pangalan. Tipid siyang ngumiti sa mga ito.

"But boys! Be good to her! Masyado na 'tong maraming pinagdaanan. I will smash your face if you do something bad to her. Treat her right, she's my youngest sister!" Mabibigat na ang talukap ng kanyang kapatid.

"Okay ka pa ba, Monroe?" Nangingiwing tanong niya sa kapatid. She giggled. Parang nasa kanya na ang kalahati ng lakas nito. Umupo sila sa sofa at sumandal sa kanya ito.

"Monroe, are you okay?" Napaangat siya ng tingin sa baritonong boses na lumapit sa kanila. Mukhang naligaw ito. He's wearing a longsleeves, at this hour ay tuwid na tuwid pa ang damit nito.

"Abram!" Maligayang pagbati ni Monroe dito. Napailing ito at binuhat ang kapatid niya.

"Sandali, saan mo siya dadalhin?"

"Sa kuwarto ng kapatid ko. She's a friend of Akisha. Pupwede kang sumama."

Sumunod naman siya sa lalaki.

"Abram. Put me down. Just a few drinks and I'll go. I can still drive." Giit ni Monroe.

"No."

"No? I now get a no?" Lumabi si Monroe nang napapailing. "Noelle, Abram never said no."

Napailing na lang siya sa asta ng kapatid. Nagtungo sila sa gilid na bahagi ng bahay kung nasaan ang hagdanan. Mas malaki ang kanilang mansyon kaysa sa bahay nila Abram pero mukhang hindi ito family home dahil iilan lang din ang silid na nadaanan nila. Isinenyas ni Abram ang isang pinto at nagmadali siyang buksan iyon.

Isang pink na kuwarto ang bumungat sa kanila. The wallpapers were patterned strips of pastel pink and white. The fluffy pillows were white and the comforter were pink.

"This is my sisters house, I will just tell her Monroe's here. She's safe, don't worry. She cannot drive at this state and I won't allow her."

Natumba ang kanyang kausap sa ibabaw ni Monroe. "Abram, kiss me."

"Monroe. You're drunk and God knows you'll slap me when you wake up."

Natawa si Noelle. Monroe darted dagger stares at her. "Anong ginagawa mo dito, Noelle. Iwan mo muna kami ni Abram, go and meet people!"

"I'll just get a hot towel." Napapailing na wika ni Abram.

Noelle didn't party. Pinagtulungan nila si Monroe na gumaan ang pakiramdam. Pinalitan niya ito ng kumportableng damit pagkatapos nilang punasan.

"I never knew Monroe had a sister." Abram muttered. Parehas silang nakasandal sa pink na kama at napapagitnaan si Monroe.

She smiled, "Kailan lang ako nakita ni Don Martin. Hindi din kami magkasundo ni Monroe."

"That make sense. This brat never gets along with anyone."

"I heard you, Abram." Mahinang bulong nito at nagtakip ng unan. Parehas silang natawa.

"But you know, I know how to love people. I just cannot show it. The more I love you, the more I'll hate you." Wika ni Monroe sa ilalim ng unan.

"So you must really love me." Pagpatol ni Abram kay Monroe.

"Maybe."

Ngumisi si Noelle at tiningnan ang dalawa. They both look good. She's happy for Monroe if she'll find the love of her life. Lucky are the people that will find an honest love. Abram look so gentle and full of principles. Hindi ito mapagsamantala. It is never hard to like. Bad boys are hard to love, you don't know what's running on their mind. It is easy to wish that you'll be able to change them but bad boys never change. They don't have realizations. Once bad, will always be bad.

Nang mahimbing na si Monroe ay nagpaalam na si Noelle. Kukuha na lang siya ng taxi at uuwi na. Nakausap niya din ang kapatid ni Abram na si Akisha at tiniyak na hindi mapapano si Monroe sa kanilang bahay.

"I'll drop you home." Alok ni Abram sa kanya. Umiling siya.

"Hindi na, Abram. Pwede naman akong magtaxi."

Abram mshook his head harder. "Monroe will kill me if she'll know that in the morning. I'll just get my keys."

Inintay niya si Abram at sabay silang lumabas ng bahay ni Akisha. Nagtatawanan sila habang kinukwento ni Abram ang kapilyahan ni Monroe. They were schoolmates since highschool.

"She stole the testpapers from the faculty and gave one to me because she wanted me to be bad."

"Oh? Anong ginawa mo?" Napapailing na tanong ni Noelle.

"Well, I was able to see it. Nakakatukso kapag nandon ka na."

Sabay silang tumawa.

"Noelle." Ang matigas na boses na iyon ang nagpatuwid ng tayo kay Noelle. Sa kabilang kalsada ay naroon si Midnight. Nakatayo sa harap ng kanyang sasakyan.

"Anong ginagawa mo dito?" Mabagsik na tanong niya. Nagsalubong ang kilay niya at bumangon agad ang inis.

"I waited for you. Ihahatid na kita." Humakbang si Midnight pero umatras siya at napakapit kay Abram.

"Ihahatid ako ni Abram."

Abram sensed something's wrong. Iniharang nito ang katawan kay Noelle at sinalubong ang titig ni Midnight.

"Sorry, Pare. I'll drop her home."

"No." Kinuha ni Midnight ang kanyang kamay.

"Midnight, tumigil ka na." Asik niya.

"Noelle, what's wrong?"

"Bukas na tayo mag-usap." She dismissed.

Inakbayan siya ni Abram para protektahan sa palagay nito ay panganib ngunit naging mabilis ang pangyayari, umigkas ang kamao ni Midnight at sumentro ito sa panga ni Abram na bumagsak agad sa lupa.

"Midnight!"

"Noelle, come with me."

Imbes na makinig ay lumuhod siya para tulungan si Abram na tumayo. Nakakuyom ang kamao nito, mabilis itong tumayo at sinuntok din si Midnight sa parehas na lakas. Natumba din si Midnight sa lupa. Umiwas siya ng tingin nang makitang may dugong umalpas sa ilong nito.

"Don't wait til I call the police, Attorney Sandejas."

Kinuha ni Abram ang kamay niya at nagmamadali silang sumakay ng sasakyan. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang bumugsong pag-aalala para kay Midnight pero pinanatili niya ang pagiging matigas.

Nilagpasan nila si Midnight na naroon sa lupa at hindi pa nakakabawi.

"I am sorry." Nasa kalagitnaan na sila ng pagmamaneho nang naisantinig iyon ni Noelle. Tiningnan siya ni Abram at napailing.

"Not your fault. I've been punching a lot of guys for messing with my sister and Monroe but they didn't know that. It feels good to have an audience." Napangiti ito.

"Nasuntok ka din."

"Wala ito. How are you?"

"I am okay." Namamaos na sabi niya.

Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. Siguro ay makakasanayan niya din ang pakiramdam na iyon. It was an ugly feeling to be betrayed but what is more unpleasant is to still care for those people that betrayed you. Ganoon naman talaga siya. People hate her growing up but she still care.

Wala kasing nagturo sa kanya kung anong dapat, she only love because it is the right thing to do. Ngayon ay may nagturo sa kanya kung paano mag-ingat sa susunod.

Tumunog ang kanyang cellphone sa hindi niya inaasahang mensahe.

'Nakauwi ka ba? Just got home. I am sorry.'

Pumikit siya. Inalala niya ang lessons ni Monroe kung paano ituturing si Midnight. Hindi siya sumagot doon. Umaga na at hindi man lang siya nakapikit. That was the longest day for her. She took a shower to completely wake up. Nang bumaba siya ay nakarinig siya nang pag-uusap sa kanilang salas.

"You don't have to, Don Martin." Narinig niyang tanggi ni Midnight. Nakita niyang may inaabot na tseke ang kanyang ama sa binata.

"No, that is our payment to you. Matagal ko nang pinag-isipan. I want to start a clean slate with you and a good professional partnership."

"Huwag!" Naisantinig niya. Nakakunot ang noong binalingan siya ng dalawang nag-uusap. Napalunok siya.

"I-I mean.."

"Noelle, kanina ka pa iniintay ni Midnight, nag-away ba kayo?" Kunot noo na tanong ni Don Martin. Inilagay nito ang lakas sa kanyang tungkod at saka tumayo. Nakita niya ang pulumpon ng Ecuadorian Red Roses na nakapatong sa lamesa, kinuha iyon ni Midnight at inintay siyang bumaba.

Kaswal lang ang suot nitong polo at jeans. Kagaya niya ay mukhang wala din itong tulog. Namamaga ang kalahati ng mukha nito at merong band aid sa mukha.

"Noelle, I am sorry."

Pinanliitan niya ito ng mata. "Anong ginagawa mo dito?"

"Noelle, I am sorry. I promise to apologize to Abram Jacinto. I am sorry if I made you upset."

Kinuha niya ang bulaklak at tiningnan ang tseke na nakalahad sa lamesa.

"Tatanggapin mo ang tseke na yan."

"Noelle, your father doesn't have to pay, I did that for you."

"Oo nga naman, naging parausan mo nga naman—"

"Noelle!" Suway nito sa kanya pero mapait niya itong tiningnan.

"Bakit? Mali ba ako? Di ba totoo naman iyon?"

"Ano bang nangyayari sayo, Noelle? May problema ba tayo?"

"Tayo? Wala namang tayo." Huminga siya ng malalim. "Kung gusto mong ipagpatuloy ito, Midnight. Ayokong may maramdaman ka dahil babalewalain ko lang iyan. Pumasok ka na sa opisina." Utos niya. Napapailing na sumunod si Midnight.

---

"Noelle.." Nakangiti sa kanya si Vince nang iabot sa kanya ang Baked Scallops, "VIP 17."

Ngumiti siya at tumango. "Noelle," Bago pa siya makalayo ay tinawag siyang muli nito. "Pupwede ka bang mag-stay mamaya kahit dalawang oras lang? Birthday ko kasi." Nahihiyang wika ni Vince sa kanya.

"Oo naman." Alam niyang iniintay si Midnight pero wala siyang pakialam. Nakita niya itong kasama ang ilang kaibigang lalaki doon sa VIP 12. Hindi siya tumitingin dito.

Nang matapos na ang kanilang shift ay may nakalatag nang pagkain sa locker room at inumin.

"Happy Birthday, Vince!" Sabay sabay nilang sigaw nang hipan ni Vince ang kanyang cake.

Sampu lang silang natira doon. Inabutan agad siya ng papercup ni Ace at malugod niyang tinanggap iyon. Gumuhit sa kanyang sikmura ang alak pero hindi niya iyon ininda. Nagsalin pa siya ng isa at nasiyahan siya sa pamamanhid na dulot non.

"Noelle, namumula ka na." Suway sa kanya ni Kiefer na ganoon din naman.

She giggled,alam niya na ngayon kung bakit umiinom si Monroe. She liked the numbing feeling and the happiness the alcohol gives.

"Grabe, lasing na aketchiwa. Paano ako uuwi?" Humilig si Kiefer kay Vince at nagtawanan silang lahat.

Mabilis ang oras. Nang matapos ang kanilang celebration. Paekis ekis siyang naglakad patungo sa exit. Nakaramdam siya ng paghawak sa kanyang kamay. Napalingon siya at nakita niyang naroon si Vince. Pagak siyang natawa nang makalabas sila.

"Parang umiikot."

"Ihatid na kita." Bulong ni Vince sa kanyang tainga. Nag-angat siya ng tingin kay Vince at ngumisi.

"Gusto mo ba ako?" She playfully played on his shirt.

"Alam mo naman iyon, hindi ba?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Parang paalala sa kanya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat na nasa kasalukuyan pa siya. Tila nakalutang kasi ang pakiramdam niya.

Humilig siya sa dibdib ni Vince dahil sa panlalambot, pumikit siya hanggang sa umangat ang paa niya sa lupa.

Marahas na bumagsak ang kanyang pang-upo sa malambot na upuan ng sasakyan. Nang imulat niya ang mga mata niya ay nakita niyang nakahandusay si Vince sa lupa.

"V-vince." She called. Paos ang kanyang boses, alam niyang hindi siya naririnig ng katrabaho. Nakita niya pang tumatakbo papalabas ang mga kasamahan niya sa trabaho para daluhan ito. Tumingin siya sa kanyang tabi at nakita niya ang madidilim na pares ng mata na nagtitiim ang bagang habang nag-mamaneho.

"M-midnight.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro