Kabanata 13
Relationship.
Kinukurot ang kanyang sikmura nang makita ang ibang grupo ang nakaupo sa madalas na puwesto ni Midnight. Hindi na nagpaparamdam ang binata simula nang hindi sila magkasundo nito kagabi.
Walang mali sa hindi nito pag-papakita, ang mali ay ang nararamdaman niya. Nasanay na siyang lagi itong nakikita kahit na malinaw pa sa sikat ng araw na f*ck buddy naman talaga siya. Kahit pagandahin pa ni Midnight ang tawag sa kanya ay tulad din siya sa mga babaeng pinag-uusapan ng kanyang mga katrabaho.
"Noelle, ako na doon sa VIP 12, puro lalaki doon." Nag-angat siya ng tingin kay Ace na tinapik siya sa balikat.
Naramdaman niya ang pag-iingat sa kanya ng katrabaho, ganoon din ang iba pa. Hindi niya maintindihan ang inaakusa ni Midnight at mas lalong hindi niya din nagustuhan na gusto pa nitong paniwalain siya na hindi siya maruming babae pero gusto siyang palayuin sa mga katrabaho dahil maari din siyang bumigay at gumawa ng mga bagay na ginagawa nila ni Midnight.
Mababa pa din ang tingin sa kanya.
Ayaw lang nitong may aaligid sa kanya dahil baka mahawaan siya ng kung ano. Mayaman siya at importanteng tao, sanay sa ekslusibo. Kapag pinagsawaan na siya nito, saka lang siya magkakaroon ng laya na mahawakan ng iba. That is what their agreement to begin with.
Mas bumigat ang kanyang pakiramdam nang matapos na ang shift niya sa club, maaga siyang makakauwi dahil maaga din siya pumasok ngayong araw. Minabuti na din niya ang hindi mag-overtime dahil sa sama ng pakiramdam.
"Nakakatuwa naman, Friendship 'no. Nagkakaliwanag na pala ang kaso ni Don Martin."
Napangiti siya kay Donna habang sinasarhan ang kaniyang locker.
"Oo, Donna. Baka sa susunod na buwan, kung papayag na makipagkasundo ang mga minero, hindi na makukulong si Don Martin."
Nagliwanag ang mukha ng kanyang kaibigan dahil sa magandang balita.
"Susunduin ka ba ng boyfriend mo?"
"Boyfriend?"
"Si Attorney!"
"Ah, hindi. Nag-kakataon lang na nag-pupunta siya dito kaya nakakasabay ako pauwi." Pag-sisinungaling niya.
There's a spike of acid on her throat because of the sad truth.
Nag-paalam na sa kanya si Donna nang nasa labas na sila ng club. Malamig ang hangin na umihip sa kanya. Napadako ang mga mata niya sa parking lot at sumikip ang dibdib nang wala nga roon ang pamilyar na sasakyan. Napailing siya. Nagkakaroon na siya ng problema sa isip dahil naguguluhan na siya. Kung pupwede lang siyang umiwas, iiwas na sana siya bago pa lumaki ang kanyang nararamdaman.
Lumakad siya patungo sa sakayan.
"Noelle." Natigilan siya sa boses na iyon. Nang lingunin niya ang likuran ay nakita niya si Midnight na may bitbit na paperbag sa kanyang mga kamay. Tumaas ang kilay niya. Pilit na isini-sikreto ang tuwa na makita ito pagkatapos ng mahabang araw.
"Sorry, I am late. Hinabol ko kasi ang mall bago mag-sara, I parked somewhere, puno na kasi dito."
Naging isang linya ang kanyang mga labi. Natatakot siya na kapag bumukas iyon ay ipahamak lang siya ng sarili dahil sa nararamdaman na kakaiba. Umaasa siya na espesyal siya dahil sa ipinapakita nito kahit alam niyang hindi iyon ganon. Imposibleng mangyari iyon.
"Can I invite you for snacks?"
Hindi, Noelle. Hindi kasama ang snacks, hindi kasama ang pagkain sa labas, o sa loob ng bahay. Hindi dapat kasama ang roadtrip, ang camping o kahit ano pang kakaiba bukod sa kama.
Nakahanda na ang kanyang pagtanggi nang parang maamong tupa ang kaharap na pinagdaop pa ang mga palad.
"Please."
Nagpatianod siya, kagaya noong mga nakaraang araw ay sumampa siya sa sasakyan nito. Iniwasan niyang bumukas ang bibig para tanungin ang naging araw ng binata. Hindi na dapat niya malaman dahil wala naman siya dapat pakialam kung naging maganda ba ito o masama. Sumiksik siya sa bintana at humalukipkip. Hindi niya din ipapahawak ang kanyang kamay. Hindi na niya dadagdagan ang pag-hangang nararamdaman niya ngayon.
She wants to finish the agreement as early as possible, she can't wait to start again. Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang kanyang nararamdaman, natatakot siyang kapag tumagal pa ay magiging masakit. All she wanted was sense of belongingness, she found it in Midnight's arms. Noong mga nakaraang araw ay inuuna nito ang pag-aalala sa kanya at ang mga pangangailangan niya kaya nararamdaman niya ang pagdepende dito. But the sad truth is, aalis din siya kagaya ng kanyang ina at Tiya, si Don Martin ay maaring maiwanan din siya. Ang kaibahan lang ngayon ay meron siyang choice na maunang lumayo dahil alam na niya ang maaring mangyari pero paano niya gagawin yon?
She's here for his convenience. Hindi siya ang dapat ang umayaw kundi ito mismo. Pero paano niya ba gagawin iyon? Should she be unresponsive? Imposible iyon dahil para siyang posporong madaling mag-ngingas sa halik nito.
But she should do something..
Nag-tungo sila sa condominium unit ng binata. Nahihiwagaan pa din siya sa napakaraming paperbag sa kamay nito. Panay ang ngiti sa kanya nang ipatong nito ang pinamili doon sa bar counter.
"I will make you snacks, what do you want?"
"Hindi ako gutom." Flat ang tono niya. Nag-labas pa din ito ng tinapay doon sa paperbag at nag-kibit balikat.
"Dessert? I can make chocolates." Napukaw non ang atensyon niya. Chocolates, iyon ang pinakapaborito niya.
"M-marunong ka?"
Mayabang itong ngumiti, "Of course. It is just chocolates."
Nakita niya ngang naglabas ito ng sangkap doon sa plastic bag. Inalis niya ang suot niyang sapatos at naglakad papalapit dito. Pupwede bang gawin ang chocolates sa kusina? Madami pa siyang tanong nang simulan ni Midnight ang paglalagay sa stainless bowl ng butter at tinunaw iyon sa ibabaw ng kumukulong tubig na nasa kaserola. Isinunod nito ang wala sa hugis na chocolate bars at gatas. It melted on the bowl with continuous mixing.
"Pupwede kong subukan?" Presinta niya. Umatras si Midnight para bigyan siya ng daan sa harapan ng kalan. Gamit ang wire whisk ay hinalo niya ang tsokolate. Naramdaman niya ang pagbaba ng kamay ng binata sa magkabila niyang bewang.
"Ganito?" Inosente niyang tanong sa kabila ng pag-init ng hangin sa kanilang pagitan. Ang malawak na siyudad ang nasa kanilang harapan, tanaw sa bintana ang maliliit na ilaw sa ibaba mula sa mga bahayan sa mas mababang parte ng Kamaynilaan.
Ipinahinga ni Midnight ang baba nito sa kanyang balikat. Bolta-boltaheng kuryente ang gumapang sa kanya dahil sa kanilang pagkakalapit. The shadows from the dark view in front of them and the warm lights from the pantry defined the structures of his face. The softness of his gestures and lovely warmth made her fuzzy inside. Again, she felt peace and comfort.
"Pagkatapos?" Sinubukan niyang bumalik sa realidad. Napakunot ang noo ni Midnight at kinuha sa bulsa ang cellphone. May hinanap ito doon pagkatapos ay binalingan ang mga plastic. Iba't ibang hugis ng molder ang kinuha nito doon at hinugasan isa isa doon sa sink.
Magkatulong nilang isinalin ang inihandang chocolates doon sa molder pagkatapos ay inilagay sa ref. Tumingin sa kanya si Midnight nang matapos ang kanilang ginagawa.
"I should make you snacks." Lumapit muli ito sa plastic at parang may napagtanto. "P-pero baka inaantok ka na."
Umiling siya, ang totoo ay nawala ang antok niya dahil sa chocolates, gusto niyang intayin na mabuo iyon. Ngumiti si Midnight at hinarap ang mga tinapay. Lumapit siya para tumulong dito pero iginiit nito na hindi na siya dapat tumulong. Binalingan niya ang mga plastic bags para sana ilagay sa cupboards at napansin niya ang isang blue box doon na merong hindi maayos na pagkaka-ribbon.
"Ano to?"
Nag-angat ng tingin si Midnight at napansin niya ang eksaheradong pamumula nito.
"T-that is nothing."
Inalog niya ang box habang nag-gagawa si Midnight ng sandwich.
"Oh please, Noelle. Leave that."
"May pagbibigyan ka?" Palagay niya ay importante iyon. Natigilan si Midnight sa ginagawa.
"Fine. I volunteered in making that chocolates a while ago."
Lumiit ang mata niya at binitawan ang box na parang napaso. "May pag-bibigyan ka nga."
"For pete sake, wala, Noelle. I thought of giving it to you but I know you will think that I bought it so I decided to make chocolates in front of you. May sinusundan akong instructions at nakalimutan nating ilagay ang white chocolates but I think---"
Binitawan ni Midnight ang tinapay na hawak saka pumikit, "Pathetic." Bulong nito sa sarili.
Huminga ito ng malalim at pilit na kinalma ang sarili bago muling bumukas ang mga labi.
"Damn it, I want to apologize and you did not forgive me when I said sorry yesterday. So I thought of giving you something extraordinary." Halos magkandabuhol buhol ang mga salita nito. Merong mainit na humaplos sa kanyang puso at gusto niyang magalit doon sa pakiramdam na iyon.
Hindi pupwede. Sa kundisyong ito, siya ang matatalo kapag siya ang kumapit sa ganitong pakiramdam.
"And I really don't get it why you are mad but f*ck it, just sorry. I am sorry, okay? I don't want us like this."
"Bakit ayaw mo?" Malamig niyang tanong.
"Because we have this relationship, kinda weird but—hindi naman tama na magiging magkagalit tayo."
"Siguro tama ka. Malapit na rin namang matapos ang pagtulong mo sa amin, kailangan ko lang mag-tiis kaya hindi na tayo dapat mag-away." Malamig na wika niya.
Natigilan si Midnight at naglakad papalapit sa kanya. Hindi siya nakaramdam ng kahit anong takot kahit may panganib sa mga mata nito at sa paraan ng pag-gawlaw ng panga.
"What did you just say?"
"Pagkatapos ng lahat ng ito, hindi na natin kailangan magkita. Pagkatapos ng lahat ng ito, kakalimutan na natin na---"
Mabigat ang halik na dumapo sa kanyang labi para patigilin siya.
"You will not say when this will be over." Mapanganib na bulong nito sa kanya. Nanikip ang kanyang dibdib dahil sa gaspang ng kanyang boses pero hindi siya magpapatalo.
"Gusto mo ikaw? Fine, hindi na ako magsesepilyo, hindi na ako maliligo. Tingnan natin kung hindi ka mandiri—"
A heavy kiss landed on her lips. Mas mabigat iyon kaysa una at mas matagal. "Try me."
Naiinis siya sa pagiging imposible nito. For once, she wanted him to hate her to his gut and leave her alone. Hindi niya nagustuhan ang pakla ng kanyang sikmura nang hindi ito nag-pakita sa maghapon kahit na alam niyang wala siyang dapat asahan. Hindi niya din gusto ang pag-lambot ng puso niya sa pag-sisilbi nito sa kanya at pag-so-sorry kahit siya din naman ang magkasalanan.
Hindi niya gusto ang pagkapit nito kahit gusto niyang bumitaw.
"Noelle naman.." Masuyo nitong inipit ang buhok sa kanyang tainga habang magkapatong ang kanilang noo. Ang madidilim nitong mga mata ay hindi iniiwan ang kanyang natatakot na mga mata. Her heart hammered like crazy. Pakiramdam niya ay bibigay na talaga ang puso niya sa panginginig.
"I missed you the whole day and you are being hard on me now. I said, I am sorry. Ilang beses ba ang gusto mo?"
"Ayokong mag-sorry ka." Bulong niya. "Ayokong malapit ka. Ayoko ng ganito. Ayoko kasi natatakot ako." Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. "I am just a phase."
Hindi makapaniwalang nag-pakawala ng tawa si Midnight, "You are just a phase? Or Am I? Kakalimutan mo ba ako parang bangungot sayo?"
"Ano bang gusto mo?" Nanginig na ang boses niya. Suko na siya. Hindi niya maunawaan ang gusto nito. Ito ang naglagay ng distansya sa kanilang pagitan pero malaya itong tumatawid doon kung kailan niya gusto. Hindi iyon patas!
"I want this real, Noelle." Sapo ng binata ang magkabila niyang pisngi. "I like you. I really do, okay? Oo, nagagalit akong may lumalapit sayo, not because I don't trust you but because I am jealous. And being jealous has no reason right?"
"Hindi ako naniniwala." Kumurap kurap siya.
"How can I prove it to you?"
Bubukas palang ang bibig niya nang merong mag-doorbell sa unit ni Midnight. Bumitiw sa kanya ang binata at naglakad patungo sa pinto. Nang bumukas iyon ay merong umatake na babae kay Midnight. Patalon nitong ikinawit ang mahahabang binti sa binatang kanina lang ay nag-sasabing gusto siya. Kitang kita niya kung paano mainit na halikan ng pamilyar na mukha na babae ang mga labi ni Midnight.
"I missed you already. Bakit ka umalis agad kanina? I was thinking of checking your bed at your house but you left already, Babe. I love the mudpie your mother baked and I have some to share on your bed perhaps? You can eat it on my pus---"
Hindi niya napigilan ang pagliliyab ng mukha sa kakaibang galit. Para siyang ipinako doon sa kanyang kinatatayuan at hindi makagalaw.
"Daniella, what are you doing here?" Gulat na tanong ni Midnight.
Daniella. Kaya pala pamilyar ang babae. Isa itong artista. Isang teen sensation na kilala sa pagiging mabait at konserbatibo. Isang kinikilalang good example ng mga kabataan. Morena, petite at merong mata na palaging nakangiti, mukha siyang anghel na bumaba sa lupa. Hindi niya akalaing makikita niya ito sa ganitong ayos.
"I will sleep here! I let you sleep in my unit so you should let me sleep here. Come on, Babe. Your mother said I can sleep here because I have no taping tomorrow."
Sumakit ang kanyang puso. Tiningnan niya ang kanyang bag na naroon sa sofa. Sapat na ang kanyang narinig. Nakayuko siyang nag-lakad patungo sa kanyang bag pati ang mga sapatos niya ay naroon sa malapit sa pintuan.
"Ooops, may tao pala. Ate, secret lang to ha." Kumindat sa kanya si Daniella nang mag-angat siya ng tingin. Polite siyang yumuko at kiming ngumiti.
"Yes, Ma'am."
"Oh come on, Noelle. Stay here." Matigas na utos ni Midnight. Nagmadali siyang lumabas pero mas mabilis na nahila ng binata ang kanyang braso at naibalik agad siya sa loob ng unit nito.
"Daniella, leave."
Nanatili siyang nakayuko sa tabi ni Midnight.
"Come on, Midnight, I miss your f*cking. The other day you went to my unit, you touched me and watched me pleasure myself but you excused yourself, nabitin ako!" Pag-papaalala nito. Nadurog muli ang kanyang puso at hindi niya alam kung gaano niya pa katagal iyon matatagalan.
Napahilamos si Midnight ng mukha, samantalang siya ay parang paulit ulit na sinasampal.
"Daniella, stop, people might hear you."
"Oh! We f*ck at the elevator so they probably know."
Napangiwi siya sa naririnig kay Daniella, hindi naman ito lasing pero kumportable itong ihayag ang nangyayari sa kanila ni Midnight.
"Aalis na po talaga ako, Attorney!" Di na napigilan niyang pag-singit.
"No! Diyan ka lang." Mas humigpit ang hawak sa kanya ni Midnight.
"You know what Daniella, fine! Tell the world that we f*cked, I am a bachelor lawyer and I f*ck people whenever I want to. Hindi ko naman career ang masisira, yung iyo naman. So if you don't want me to call the security—"
"Goodness! You are so stiff! Fine, aalis na! I will just text you kapag good mood ka na ulit."
Balewala itong tumalikod at sinarhan ang pinto ng binata. Kumakabog ang dibdib niya at kumuyom ang mga palad niya. Nang harapin siya ni Midnight ay napaatras pa ito. Siguro nakakatakot ang kanyang itsura pero wala na siyang pakialam.
"Aalis na talaga ako!"
"No, stay here. Let me explain first!"
"Ayokong marinig. Bakit ka pa mag-e-explain? Isa lang naman ako doon sa 'people that you f*ck'." Mariin ang kanyang mga salita.
"Daniella was my f*ck buddy."
"Yun naman pala, bakit pati ako? Kasi you f*ck people? F*cker ka pala."
"Hey! Watch your mouth. Was. It is in the past."
"The other day daw."
"For crissakes! Daig mo pa ang imbestigador." Napatingin pa ito sa kisame bago bumagsak ang mabibigat na mata sa kanya. "Look, I know you are upset but want you to see the difference between you and her. I shoo-away my f*ck buddies but I want you to stay. So you are not one of them."
"Salamat po. I am flattered." Sarkastiko niyang sagot.
"Noelle, hindi ka isa sa mga yon. Please."
"At anong ipinagkaiba ko?" Hamon niya.
"You made me want a relationship."
"Hindi ako makikinig." Tinakpan niya ang kanyang tainga dahil mukhang maniniwala na naman siya. Pilit na ibinaba ni Midnight ang kanyang mga kamay at masuyo siyang hinalikan sa noo at ikinulong sa mahigpit na yakap.
"You are the dependent type, I should have stayed away from you because I don't want responsibility. But with you, I sucked it up because I want to be with you. I really do." Seryoso itong nakatingin sa kanya. The strong energy on his eyes danced as he said those words. Pakiramdam niya ay naliligaw siyang muli.
"Umaalis ang lahat na sinasandalan ko."
"I won't. Let's try this." Mas humigpit pa ang yakap nito.
--
Maki Say's: Sino si Daniella?!
So ito na nga. I am rewriting VC, actually there's Midnight's POV in between. The Wattpad version is Noelle's POV only, tho :) para may element of surprise ang book version. I will submit this, pero kung hindi pumasa, self pub na ito! Needless to say, there's still reason to buy the book version (Published or Self Pub) para mas masakit sa puso.
Votes, comments, mag-ingay!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro