Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWO

CHAPTER 2

"ANO?"

Sabay na napalingon ang tatlo ng marinig ang boses ng binata na kararating lang.

J-James?! mahinang usal sa isip ng dalaga na nakaramdam ng pangangatog ng buong kalamnan.

"Iho, why you didn't tell us nag-asawa ka na pala? At paano mo nagawang pabayaan sila?" may himig ng pagtatampo at panunumbat na tanong ng kanyakaniyang ina.

Tila naman itinulos sa pagkakaupo si Meliz, hindi niya magawang tumingin sa direksyon ng binata, dahil alam niyang sa kanyakaniya ito nakatitig.

"And where did you get that crap idea?" tanong niya na hindi tumitingin sa ina sa halip ay nakatitig lang sa kanyakaniya.

Napaangat ng tingin si Meliz dahil sa tanong ng binata kaya naman nagtama ang kanilang paningin.

"Tell me son, six years ago, nasaan ka?" tanong ng ama nito kaya naman naputol ang tagisan nila ng tinginan dahil nilingon nito ang ama saka sumagot.

"You know kasama ko ang tropa sa Iloilo for some training, kaya imposible na nagpakasal ako!" Katwiran ng binata bago binato ng masamang tingin si Meliz.

"Have you, by any chance meet a man named Mario Belonio?" muli nitong tanong na ipinagtaka ng dalaga kung paano nito nalaman ang pangalan ng kanyakaniyang ama, hanggang sa napansin niya na hawak parin pala nito ang mga document niya nandoon din kasi ang birth certificate niya marahil ay doon nito nakuha ang pangalan nito.

Sandaling nag-isip naman ang binata at pilit inaalala. "He's one of best instructor and I admire him of his philosophy. But, how does he fit into the scene?"

"Siya lang naman ang ama ng ASAWA mo at ang nakiusap sa ‘yo para pakasalan ang anak niya dahil ang buong akala nito ay magiging RESPONSABLE kang asawa. Don't tell me may iba pang James Reiden Phillip, na kapangalan mo at pareho mo ng pirma," saad nito saka hinagis sa harap niya ang ilang document  na agad niyang dinampot at binasa.

"Damn, it's forgery!" sabi niya na masama ang tinging ipinukol kay Meliz.

"Really? How about this?" sabi ulit ng ama niya na inabot ang ilang picture ng kasal nila. "So, pati ba ang picture ay forgery din?" maawtoridad na tanong ng kanyakaniyang ama kaya naman para siyang nabuhusan ng nagyeyelong tubig dahil pakiramdam niya nanlalamig ang buo niyang pagkatao at isang masamang tingin ang pinukol niya sa gawi ng nagpakilalang asawa niya. Iyon na lang yata ang magagawa niya sa ngayon ang tingnan ito ng masama.

Damn, how did this happen? Swear to God, he never marry that girl. At mas lalong hindi pa niya ito nakita sa tanang buhay niya.

"S-sir, k-kung ayaw niya aminin ang totoo, o-okay lang po iyon, gaya nga po ng sabi ko wala naman po ako planong manggulo, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Aalis na lang po ako," saad niya na agad tumayo para lang muling mapaupo dahil pinigil siya sa braso ni Jden.

"No, you're not going anywhere! Marami tayong dapat pag-usapan," malamig na turan nito. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa siya pinaglamayan dahil sa klase ng paningin nito na parang matatalim naa palaso.

"Such bravado, bagay ka mag-artista." mahinang dugtong nito na sadyang sa kaya lang pinadinig kaya naman napatagis lang ng bagang si Mel.

Pero hindi naman nagpatalo si Meliz dahil nakipagtitigan din siya dito na bakas ang magkahalong galit at pride.

Where did I met her? bakit di ko maalala? Damn, sa isip niya habang pinag-aaralan ang mukha ng dalaga. Sigurado naman siya na kung sakaling nakita o nakilala niya ito ay hindi niya ito makakalimutan dahil sa kakaibang ganda nito. Hugis-puso na mukha, mahabang pilikmata, katamtamang tangos ng ilong at ang labi niyang manipis na tila kay sarap halikan.

Damn, hindi ito ang oras para magpantasya. Kailangan niya ng tulong ng kaibigang si DM. Shit! nasa Macau nga pala ito para sa motorcross.

"Jden, ikaw na ang maghanda ng chopper, pupunta tayo ngayon din sa Iloilo, para personal na asikasuhin ang paglipat ng hospital ng apo namin," anang ama niya kaya naputol ang paglakbay ng isip niya.

"What? A-apo? So, hindi lang asawa meron ako, pati pala anak," pagak na natawa niyang tanong ng makabawi at maintindihan ang sinabi ng ama.

"We'll talk later. Marami kang dapat na sabihin at kung ako sa ‘yo magpraktis ka na ng mga kasinungalingan mo, siguraduhin mo lang na hindi kita mahuhuli," may pagbabantang sabi niya kay Meliz, bago humalik sa ina saka nagpaalam na ihahanda ang chopper, para makaalis sila.

Isang piloto  si Jden kagaya ng kanyakaniyang ama at may-ari sila ng isang airways shipping company.

Napataas lang ang kilay niya na sinalubong ang tingin ni Jden, kahit na tila nangangatog ang kanyakaniyang tuhod ay hindi niya ipinahalata.

Bakit ganito ang nararadaman niya? Kakaibang takot. Hindi ganito ang naramdaman niya ng una niya itong makita sa hospital at sa mismong araw ng kasal nila.

He changed alot, or iba nga bang James ang napakasalan niya?

No imposible, pero pagkakita niya ng picture bakit galit ang rumehistro sa mata nito? Oh, if only daddy is still alive, hindi mangyayari ito.

"Iha, welcome to the family." nakangiting sabi ni Mrs. Phillip na inilahad ang mga kamay na inabot naman niya saka siya niyakap ng mag-asawa na tila hindi alintana ang tensyong namagitan sa kanila.

"I like you, already iha. Hindi ko alam kung ano ang rason ni Jden kung bakit siya naglihim. Pero sana pagpasensyahan mo na lang muna, hayaan mo at baka ngayon eh magbago na siya lalo pa't may anak pala kayo," nakangiting sabi pa ng ginang sa kanyakaniya na hindi niya magawang sagutin dahil hindi niya alam kung ano na lang ang sasabihin ng mga ito maging ng binata lalo pa't hindi naman ito ang talagang ama ni Jae.

Paano na lang kung ipa-DNA nila ang anak ko? Diyos ko huwag naman po sana, piping dasal niya.

BAGO tuluyang lumabas ng bahay si Jden ay muli niyang sinulyapan si Meliz na kausap ng kanyakaniyang mga magulang.

Honestly, naguguluhan talaga siya. Hindi niya matandaan kung saan ito nakita o nakilala. With her unique beauty, hindi niya ito makakalimutan agad-agad at baka nga ligawan niya pa ito. "What?  Do i hear myself right? Ligawan?" Like hell....

Napapailing siya na para bang gusto niyang batukan ang sarili dahil sa naisip. He has to do something at kailangan niyang tuklasin ang inyensyon ng babaeng nagpakilala na asawa niya.

For God's sake....

ASAWA???? Fucking shit!

"Dm, bro! I need you," bulalas agad niya ng sagutin ni Dm ang tawag niya.

"Tado, di tayo talo! kailan ka pa nagladlad?" natatawang sagot ni Dm sa kabilang linya.

"Fuck, I mean ng tulong mo," natawa ding sabi niya nang maisip ang unang sinabi niya dito.

"Bro, do you remember Mr. Mario Belonio?"

"Hmmm, if I'm not wrong, siya yung instructor natin sa isang training na  sinalihan natin way back in Iloilo six years ago," sagot nito makalipas ang ilang segundo na natahimik. "Why? sa pagkakatanda ko namatay siya sa atake sa puso bago pa man tayo matapos. The mas has a great philosophy and we all admire him," dugtong pa nito.

"Yeah, right! have you by any chance remember her daughter," tanong niya na nagbabakasakaling kilala ito ng kaibigan.

"Daughter? Does he have one? wala ako matandaang pinakilala sa 'tin. Ang akala ko nga ay mag-isa lang siya sa buhay. Wait, will you spill it out! May problema ba?"

Napabuntonghininga siya bago muling nagsalita.

"The chit was here, saying that she's my wife-"

"Wife?" biglang bulalas ni Dm na hindi makapaniwala. "You sly fox, bakit di mo kami inimbita? Siguro natatakot kang agawin namin ano?" pang-aasar ni DM kahit pa ramdam niya na may mali sa sinabi ng kaibigan.

"Damn, DM! You know it's not true. Anyways, according to her ikinasal daw kami six years ago sa Iloilo, which is why I called you. For any perchance do you remember na nagpakasal ako?" nabilaukang sabi niya na para bang isang biro ang lahat ng pangyayari.

"Seriously. Jden, are you kidding me? is this some kind of a prank question?"

"No joke. Kaya nga ako tumawag sa'yo para hingin ang tulong mo. I know may link ka pa sa mga agent mo sa NBI. Gusto ka sana paimbestigahan ang mga nakakakilala kay Meliz at kung ano ang motibo niya. Kung totoong asawa ko siya bakit wala akong maalala at bakit ngayon lang siya nagpakita.

She got all the evidence na hindi ko alam kung paano niya nakalap. Marriage Contract take note an original copy from NSO at ilang picture nang araw mismo ng kasal namin. I'll tell you DM parang gusto kong batukan ang sarili ko. The date of our marriage is just the day after ng birthday ko kaya imposibleng mangyari iyon," sunod-sunod na sabi niya habang panay ang buntong hininga ni DM sa kabilang linya.

"Ok tol, siguraduhin mo na magkaroon ka ng copy ng sinasabi mong marriage contract at yung photo. I'll call Reichelt para puntahan ka dyan. Just tell them what you know and what you want sila na bahalang mag-asikaso. For now, bantayan mong maigi ang ASAWA MO try to act naturally and let her think na nagka-amnesia ka. Ask her about the details kung paano kayo nagkakilala at paano kayo kinasal."

"Thanks, tol! Kamusta pala si Brice?" pagkuwa’y tanong niya ng matapos ang usapan nila patungkol sa problema niya.

"Oh, I think he got the dose of his own medicine," sagot nito kasabay ng nakakalokong tawa.

"Remember Cymon? Well it's really a small world. Kasama niya ang babaeng hinahanap ni Brice and he's Sylen's brother," natatawang kuwento niya.

"Well send him my condolences," biro naman ni Jden bago tuluyang nagpaalam dahil may kailangan pa siyang asikasuhin.

"MOMMY," nakangiting tawag sa kanyakaniya ni Jae habang nakaupo ito sa kama.

"May masakit ba sa baby ko? nagugutom ka ba?" nag-aalalang nilapitan niya ito at pansamantalang itinigil ang pag-aayos ng gamit nito.

Lilipat na kasi sila sa Maynila gaya nang sabi ng mga magulang ni Jden. Sila na rin ang nakipag-usap sa director ng hospital kasama ni Jden. Gusto niya rin sanang sumama sa pakikipag-usap pero pinigilan siya ng asawa at sinabing asikasuhin na lang ang gamit ng kanilang anak.

Nagulat pa siya sa sinabi nito dahil parang tanggap na nito ang anak niya at hindi man lang siya tinanong kung sino ang ama ni Jae.

"Mommy, sabi po ng nurse kanina dumating na daw po si daddy at ililipat na ako sa manila. Is it true, mommy? mahal niya din po ba ako gaya 'nyo ni Tita Sonia?" tanong ni Jae na hindi niya alam kung paano sasagutin.

Samantala kadarating lang ni Jden sa kuwarto ni Jae at narinig niya ang tanong nito. Sinadya niyang huminto saglit at hinihintay ang magiging sagot ni Meliz pero tahimik lang ito kaya naman siya na ang sumagot sa tanong ng anak.

Anak? Yeah, di niya alam pero parang ang gaan ng loob niya sa bata.

"Of course, princess! Daddy loves you." nakangiting sabi niya na hindi sa bata nakatingin kundi kay Meliz na tila natuklaw ng ahas na nakatingin sa kanyakaniya at nang makabawi ay agad tumayo at nagkunwaring inabala ang sarili sa pag-ayos ng gamit ng anak.

"K-kayo po ang D-daddy ko?" tila hindi makapaniwalang tanong ng bata na nanlaki ang mga mata. The strange feelings touch his soul, bigla niya itong niyakap. "Yes, princess, and I'm sorry for taking so long sa paghanap sa inyo ng mommy mo. Promise,di na tayo ulit maghihiwalay." Pagkasabi noon ay muli niyang tiningnan ang asawa na nabitiwan ang hawak na bag sa pagkarinig ng sinabi niya.

"Talaga po, daddy? di na ako tutuksuhin ng ibang bata na ampon. Kasi sabi nila ampon lang daw ako ni mommy kasi nga wala naman akong daddy," bibong sabi sa kanyakaniya na tila nagdulot sa kanyakaniya ng paghigpit ng hininga at tila pagpiga sa puso niya sa isiping ang munti niyang anghel ay nakaranas ng ganoong hirap.

"I'm really sorry baby, we're gonna be a happy family. Di ba, mommy?" baling niya sa asawa na hindi alam kung ano ang gagawin.

"Damn, ano ba nakain ng lalaking ito at parang ang lakas ng loob na bolahin at paasahin ang anak ko?" piping usal niya sa kanyakaniyang isipan.

"Mommy,come here. Hug ninyo ako ni Daddy." Napalunok siya nang marinig ang request ng anak pero wala siyang nagawa kundi ang lumapit at magpakulong sa matipunong katawan ng asawa na naghatid sa kanyakaniya ng kakaibang emosyon at sensasyon.

Lihim din namang napapamura si Jden dahil sa paglapat ng katawan ng asawa ay tila may kung anong nabuhay na parte ng kanyakaniyang pagkatao.

Damn, it'll be like heaven in hell.

Sa ganoong ayos sila nadatnan ng mag-asawang Philips na parehong napangiti at nagkatinginan.

"Well, son, I'm proud of you! Kung ano man ang dahilan mo at tinago mo ang mag-ina mo, I'll wait hanggang sa kaya mo nang magtapat,” turan ng kanyakaniyang ama na siyang nagpahiwalay sa kanilang pagkayakap na tatlo.

Pasimpling lumayo si Meliz para pagtakpan ang pamumula ng mukha.

"Let me see, where's our little princess?" tanong naman ng kanyakaniyang ina, kaya bahagya siyang umurong para makita ng mga ito ang apo.

"My God, Meliz! I'll show you Jden's picture when he's same age at your daughter.  Para siyang babaeng version ni Jden," hindi napigilang bulalas ni Mrs. Philips na siyang nagpakunot ng noo kay Jden at saka bahagyang tinitigan ang anak na nakangiting yumakap sa nagpakilalang mga lolo at lola.

Sumikdo naman ang pintig ng puso ng dalaga nang marinig ang tinuran ng biyenan at wala sa sarili na napatingin sa asawang lumingon din sa kanyakaniya kaya naman ilang segundong nagtama ang kanilang tingin na unang nagbawi ang dalaga sa biglang kakaibang kaba na naramdaman

Who is she? hindi mapigilang tanong ni Jden sa isipan habang matamang na nakatitig pa rin sa asawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro