Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER ONE

CHAPTER 1

"MOMMY," mahinang tawag ng isang limang taong gulang na batang babae, habang pilit na ngumingiti sa luhaang ina.

"B-baby, may masakit ba sa ‘yo? May gusto ka bang kainin?" sunod-sunod na tanong niya sa anak nang makitang gising na ito at nakangiti sa kanyakaniya, sa kabila ng mga aparatong nakakabit sa mahinang katawan nito.

"I'm okay Mommy, gusto ko na po umuwi. Nami-miss ko na po si Potchi. Wala po siyang kalaro, sigurado na malungkot po 'yon," tukoy nito sa alagang rabbit.

Pansamantala siyang natigilan sa narinig at pilit na ngumiti sa anak saka hinaplos ito sa mukha, dahil sa awa ay hindi niya napigilang tumulo ang luha.

"Mommy, bakit po kayo umiiyak? magaling naman na po ako,‘di ba?" masiglang saad ng bata.

Kung hindi mo alam ang totoong kalagayan nito ay aakalain mong wala itong mabigat na dinaramdam.

Isang taon pa lang si Jae Rein Phillip, nang matuklasan niyang may butas ang puso nito ayon sa doktor na tumingin dito matapos itong himatayin sa mismong kaarawan.

Hindi niya inaasahan na sa murang edad nito ay makakaranas ito ng ganoong karamdaman. Sa nakalipas na taon ay maayos naman ito at hindi na muling sinumpong kaya naman hindi mo rin ito kakikitaan ng senyales na may sakit ito sa puso.

Jae is a smart, cute and adorable daughter. Sa edad nitong mahigit limang taon ay malalim na ito mag-isip kaya naman marami ang naaaliw dito sa eskwelahan man o sa kanilang lugar.

Pero nitong nakalipas na buwan ay basta na lang itong natumba habang nakikipaglaro sa mga kaklase kaya naman agad na isinugod sa isang pinakamalapit na hospital at gayon na lang ang pagkadurog ng kanyakaniyang puso ng malamang lumaki na pala ang butas ng puso nito at kung hindi maagapan ay mas mahirap ng isalba.

Indeed, she needed money, para sa operasyon ng anak. Kaya lang kahit na ibenta pa niya ang maliit na lupain na naiwan ng kanyakaniyang ama ay hindi ito magkakasya, at kung sakaling may bumili niyon ay saan naman sila kukuha ng pang-araw-araw ng gastusin at gamot na pantustus nito dahil doon lang siya kumukuha ng kanilang panggastos sa araw-araw.

May sarili silang niyugan na ginagawang copras at tuba. Iyon lang ang tanging nagraraos sa kanilang mag-ina at sa ilan nilang kasambahay na hindi sila iniwan sa kabila ng maliit lamang ang kanyakaniyang pasahod dahil hindi rin naman ganoon kalakas ang kita ng  kaniyang niyugan.

Napahigit siya ng hininga na muling tingnan ang anak na ngayon ay payapa nang natutulog. The doctor gave her another 10 days para makapagdesisyon at maghanap ng perang pang-opera dito kung saka-sakali, dahil ayon na rin sa doctor ng anak, habang tumatagal ay nanghihina na ang puso ng bata dahil sa butas at kung sakaling operahan man ito ay wala pa ring kasiguraduhan sa magiging resulta nito.

"Mare, bakit hindi mo subukang kausapin ang asawa mo? Aba'y anim na taon na ang nakalipas buhat ng ikasal kayo, ni anino niya hindi man lang nagpakita, ni hindi man lang niya naisip kung nabuntis ka bago ka niya iniwan." narinig niyang turan ng kaibigan at kumareng si Sonia.

"Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon," mahina niyang tugon kasabay ng pagpiyok habang nakatitig lang sa anak na halata na ang pagpayat nito.

"O," abot nito sa kanyakaniya ng isang pirasong papel na may nakasulat na address. "Pasensya ka na kung pinakialaman ko ang gamit mo, nang isugod mo si Jae at pinakuha mo sa’kin ang medical records niya ay nakita ko ang marriage contract ninyo ng asawa mong walang kuwenta kaya kinuha ko ang pangalan at hinanap ang address,"  paliwanag nito.

Kinuha niya ang kapirasong papel na inabot nito at pilit na iniwasan ang tingin ng kaibigan. Paano ba niya sasabihin dito ang totoo, hindi ang asawa niya ang ama ng kaniyang anak.

Muli siyang napatungo, paano nga ba siya haharap sa asawa at hihingi ng tulong para sa anak niya gayong hindi naman ito ang ama ni Jae. Baka nga pagtawanan lang siya at ipagtabuyan.

Pero ito lang ang alam niyang makakatulong sa kanyakaniya ngayon. Kaya naman kahit na labag sa kalooban ay nagpasya siyang puntahan ito at hingan ng tulong. Kung sakaling kailangan niya magmakaawa ay gagawin niya para sa anak niya.

"S-salamat mare, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka," sabi niya na hinawakan ito sa kamay na niyakap naman siya.

Magkababata sila ni Sonia, nasa Maynila ito at nagtatrabaho ng ikasal siya, kaya naman nagulat pa ito ng mabalitaang ikinasal siya at ilang araw lang ang lumipas ng bawian naman ng buhay ang daddy niya.

Nagkataon na umuwi ito ng magsarado ang pinagtatrabahuan na factory, at iyon din ang panahong wala siyang makausap dahil kamamatay lang ng kanyakaniyang ama at natuklasan din niyang nagbunga ang panghahalay sa kaniya ng gabing nagkamali siya ng kuwartong napasukan.

Sa totoo lang hindi rin niya maintindihan ang sarili dahil wala siyang makapang galit o pagsisi sa nangyari kahit na hindi niya kinilala ang lalaking iyon. Kung tutuusin ay pwede niya itong kasuhan pero alam niyang wala din iyong silbi gayong siya ang pumasok sa silid nito, baka nga bumaligtad pa ang sitwasyon at kung ano ang sabihin sa kaniya kaya naman mas minabuti na lang niyang mabahimik.

Nang malaman niyang buntis siya, she already wanted to give up, mabuti na lang at kinausap siya ng kaibigan at pinayuhan. Doon din ito pansamantalang tumira sa kanila at tinulungan siyang itaguyod ang maliit niyang niyugan. Halos nasaid kasi ang pera nila dahil sa pagkakasakit at pagpapalibing sa ama.

"Hay naku, pag nakita ko lang yang walang kwenta mong asawa, pakukuluan ko siya sa isang drum ng tuba," pabirong turan nito na ikinatawa na lang niya.  Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil alam niyang may tao pa rin siyang maasahan at dadamay sa kanyakaniya.

Dahil sa sitwasyon nila ngayon ay naalala niya ang namayapang ama. Siguro nga ay dito namana ng kaniyang anak ang sakit sa puso dahil iyon din ang ikinamatay nito napaaga nga lang dahil sa kanyakaniya.

Sa alaalang iyon ay hindi niya maiwasan na muling mapaiyak.

"Mare, lakasan mo ang loob mo, basta wag ka lang makalimot magdasal at humingi ng tulong sa kaniya." sabi ni Sonia habang hinahagod ang kanyakaniyang likod.

"Naalala ko lang si daddy.  P-pareho sila ng sakit ni Jae, and it's my fault kung bakit siya inatake." Pilit niya pinipigil ang mapahagulgol dahil baka magising ang anak.

Sonia knows it, matagal na silang magkaibigan kaya alam niya ang hirap na pinagdaanan ng kaibigan lalo na nang malaman nitong buntis at hindi man lang nagpakita ang asawa para kamustahin ito, at ang masaklap ay maging sa libing ng ama nito hindi man lang nagpakita ang lalaki kaya naman ganoon katindi ang galit niya para dito. Kung hindi lang para sa inaanak na si Jae, ay ayaw na sana niyang magkrus pa ang landas ng kaibigan at ni James Reiden Phillip pero mukhang ito na ang tamang pagkakataon para naman matauhan na ang walang pusong lalaki na iyon.

Natuklasan niyang mayaman pala ang napangasawa ng kaibigan at isa itong piloto. Ang pinagtataka lang niya ay bakit pumayag ito ng ipagkasundo kay Meliz at pagkatapos ay basta na lang ito tinalikuran.

"Mare, ang mabuti pa lumuwas ka ng Maynila bukas din at puntahan mo ang magaling mong asawa. Ako na muna ang bahalang magbantay kay Jae, habang wala ka," ani Sonia na bakas ang pag-aalala

"Salamat ng marami Mare, ang laki na ng utang ko sa'yo."

"Hay, naku! 'wag kang mag-alala saka kita sisingilin pag mayaman ka na," pabirong sagot nito na pilit pinagagaan ang loob ng kaibigan.

"MISS, ano daw po ang pangalan ng pupuntahan ninyo?"

Napukaw siya sa malalim na pag-iisip ng marinig ang tinig ng taxi driver na nagtanong sa kaniya.

"James Reiden Phillip, p-pakisabi Meliz Belonio Phillip ang pangalan ko," tipid niyang tugon na hindi alam kung tama bang gamitin ang apelyido ng asawa.

Ilang minuto ang lumipas bago sila pinapasok. Tumawag pa kasi ang guard sa bahay ng mga Phillip, para sabihing may naghahanap dito. Isa kasi iyon sa patakaran ng subdivision para na rin maiwasan ang mga krimen.

Halos lumuwa ang mga mata ni Meliz ng sabihin ng taxi driver na nasa tapat na sila ng bahay ng asawa

It's more like a mansion, hindi niya akalain na mayaman pala ito. Ngayon siya mas nag-alinlangan kung tama ba ang gagawin o hindi.

Aandap-andap siya kung magdo-doorbell ba o hindi na lang siya tutuloy. Nang akma na siyang tatalikod ay siya namang bukas ng gate. Oo nga pala hinihintay siya doon dahil naitawag na ng guard na papunta siya.

"M-Magandang-araw po." bati niya sa isang may-edad na babaeng nagbukas ng gate.

"Magandang araw din miss, tuloy ka. Hinihintay ka ni Mrs. Phillip, wala kasi si Sir James."

Mrs. Phillip? May asawa siyang iba?

Dahil sa isiping iyon ay bigla na lang siyang natulala at nanikip ang kaniyang dibdib na ikinataranta ng katulong saka mabilis siyang inalalayan papasok.

"WHAT happened?" salubong ni Mrs. Phillip ng makitang inaalalayan ng katulong si Meliz papasok sa sala kung saan ito nakaupo at naghihintay.

"Eh, Ma’am bigla na lang po siya nanghina akala ko nga po hihimatayin."

"Ikuha mo siya ng maligamgam na tubig, bilis!"

"Miss, are you okay?" baling nito sa kanyakaniya nang makaalis na ang katulong.

"S-sorry po, Ma'am. Pa-pagod lang po siguro sa biyahe," nahihiyang tugon niya habang nakayuko.

"Ang mabuti pa magpahinga ka muna, saglit at ipaghahanda kita ng guest room," sabi nito saka tumawag ng katulong pero pinigilan naman niya.

"H-huwag na po, hindi naman po ako magtatagal eh, kailangan ko din po kasi bumalik sa Iloilo mamayang gabi."

Tila hindi naman siya pinansin ng ginang sa halip ay nag-utos pa rin itong ayusin ang isang silid na agad namang sinunod ng katulong matapos na maibigay ang tubig.

"Mabuti pa uminom ka muna para makabawi ka ng lakas, later samahan mo akong magmeryenda," nakangiting turan nito sa kanyakaniya.

Kimi siyang ngumiti dito saka marahang inilibot ang paningin sa loob ng kabahayan. Halata na mamahalin ang lahat ng nakadisplay doon. Kahit saang anggulo tingnan hindi naipagkakamali na ubod ng yaman ang nakatira doon.

"Nasabi ng guard na hinahanap mo daw ang anak ko, magkakilala ba kayo?" pagkuwa’y tanong nito sa kanyakaniya.

Napayuko naman siya, hindi niya alam kung paano magsisimula. Ito kaya ang tinatawag na Mrs. Phillip ng katulong kanina? Siguro kasi wala namang ibang sumalubong sa kaniya.  Kung ganoon walang ibang asawa si James? Pero teka bakit tila wala yatang alam ang pamilya niya? Nanlulumong napatingin siya sa ginang na naghihintay ng kasagutan niya.

"Ma'am, Ako po si Meliz Belonio Phillip, asa-"

"Mommy, may bisita daw tayo?" narinig niyang tanong ng isang lalaki na nasa edad singkwenta mahigit, marahil ay ito ang asawa ng ginang na nag-asikaso sa kanyakaniya, ang magulang ni James?

"Dad, come over here!" sagot ng ginang na sinalubong ang asawa na agad namang umakbay dito halata sa mga ito na kahit may edad na ay mahal pa rin ang isa't-isa.

Tatayo sana siya bilang paggalang pero sinenyasan siya nito na huwag na kaya naman nanatili na lang siyang nakaupo saka bumati dito.

"Ano nga ulit pangalan mo, iha? Ako pala si Jenny at Reid naman ang asawa ko. Call us tito amd tita if you want," nakangiting pakilala nito.

Halatang mabait ang mag-asawa, obvious din na mahal na mahal nito ang isa't-isa dahil sa bawat tinginan ng mga ito ay may kislap ang mga mata at puno ng pagmamahal.

"Meliz po," tipid na sagot niya. Para siyang naurungan ng dila dahil hindi niya alam kung paano magsisimula.

Paniwalaan naman kaya siya sa sasabihin niya o baka pagtabuyan lang siya?

"Iha, you're looking for Jden, right? I mean si James, Magkaibigan ba kayo?"

"Ma'am, Sir! Ang totoo po niyan hindi ko alam kung maniniwala po kayo o hindi, pero may dala po akong katibayan. Wala naman po ako planong guluhin kayo o ang buhay ni James, kailangan ko lang po kasi talaga ng tulong niya. After po nito hindi na ulit ako magpapakita," sabi niya na ikinalito ng mag-asawa dahil hindi nila maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

"Wait, iha, dahan-dahan okay? Puwede mo ba ipaliwanag ng mabuti at bakit ka naman namin ipagtatabuyan?" ani Mr. Phillip.

Sa halip na sumagot ay bumuntonghininga muna siya bago binuksan ang bag na dala at kinuha doon ang isang folder saka inabot sa mag-asawa na atubili namang inabot.

"My God," bulalas ng ginang nang mabasa nito ang nakasaad doon.

"I-is it true?"

"P-patawad po, wala naman po ako planong guluhin ang buhay niyo o ang kay James, k-kailangan ko lang po talaga ng tulong para sa operasyon ng anak namin."

"May a-apo kami?" hindi makapaniwalang tanong ng ginang. "Bakit ngayon ka lang nagpakita sa loob ng anim na taon na ikinasal ka sa anak ko?"

"P-pasensya ho talaga, gaya nga po ng sinabi ko wala ako planong manggulo at saka simula ng iwan kami ng anak niyo, sinumpa kong hindi ako lalapit sa kaniya. P-Pero wala po ako ibang malapitan ngayon, nangangailangan ng operasyon ang anak ko, M-May sakit po kasi siya sa puso," hindi napigilang sabi niya na pinangiliran ng luha.

Napakuyom naman ng kamao ang ginoo habang pinag-aaralan ang marriage contract na pinakita sa kanilang mag-asawa. Hindi siya puwedeng magkamali original copy iyon dahil mayroong dry seal at nakanotaryo ito. Medyo iba na rin ang kulay at halatang nalipasan na ng taon ang papel niyon.

Nagkatinginan ang mag-asawa saka tumango si Reid sa asawang si Jenny, na ibig sabihin ay totoo ang dala niyang dokumento.

"Aalis na po ako, K-kung sakaling dumating si James pakisabi na lang po na kailangan siya ni Jae Rein." sabi niya saka akma ng tatayo pero pinigilan siya ng mag-asawa.

"Iha, hindi ka namin pwedeng paalisin kailangan mong kausapin si Jden."

"Mam, Sir! Pasensya na po pero kailangan kong bumalik ng Iloilo, baka hanapin ako ng anak ko, kaibigan ko lang po na matalik ang nagbabantay sa kaniya ngayon."

"How about your parents or any siblings?" usisa naman ng ginang sa kanyakaniya.

"M-matagal na pong patay ang Mommy ko bata pa lang po ako, si daddy naman po after ng kasal ko sa anak ninyo at nag-iisang anak lang po ako. Doon ko lang din nalaman na kaya pala niya ako pinagkasundo kay James, dahil mahina na rin ang kaniyang puso.  A-akala niya kasi, matutulungan ako ng anak ninyo sakaling mawala na siya," pahayag niya na hindi maiwasang pangiliran ng luha ng maalala ang ama.

"I'm sorry, Iha, hindi ko sinasadyang ipaalala ang nakaraan."

"O-okay lang po Ma’am, pasensya na rin po kayo."

"Saang hospital naka-confine ang apo ko? Tatawagan ko para mailipat dito sa Maynila o di kaya ay pupuntahan na lang namin para personal na maasikaso at makausap ang doktor niya," saad naman Mr. Phillip na ikinatigagal ni Meliz.

"Iha, hindi ka namin puwedeng paalisin at lalong hindi namin pababayaan ang aming apo. Lalo na ngayon na alam naming asawa ka ng unica hijo namin. You didn't know how long we waited for this." Sang-ayon nito sa asawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro