CHAPTER4
"JAMES?" nagdadalawang-isip na tanong ni Sonia sa lalaking itinuro ng katulong at hinahanap daw si Meliz.
Napalingon din ang lalaking tinawag na James at ngumiti dahil ang akala niya ay ang asawang si Meliz iyon. Nang makitang hindi iyon ang kanyakaniyang asawa ay napakunot-noo siya. "Yeah? I'm looking for my wife Meliz," malumanay na sabi nito na ipinagtaka naman ni Sonia.
Bigla namang nakaramdam ng kakaiba si Sonia, hindi! hindi ito ang lalaking nakilala niya sa ospital at pinakilala ng kaibigan niyang si Meliz, p-pero bakit magkamukha sila?
Sa unang tingin ay hindi mo mapapansin ang pagkakaiba nila pero kung titingnan mong mabuti ay magkaiba ang kulay ng mga mata nila. Jden has a cobalt blue eyes na namana nito sa ama. Samantalang ang lalaking kaharap niya ngayon ay kulay brown ang shade ng mata nito. Mas matangkad din ito ng konti lay Jden, kung sa malayo ay talagang mapagkamalan mo na iisa nga lang sila.
"I-ikaw ang asawa ni Meliz?" hindi niya napigilang tanong. "Oh,I forgot! ako nga pala si Sonia, bestfriend niya,” pagpapakilala pa niya.
"Nandyan ba ang asawa ko? Alam ko galit siya sa akin dahil pagkatapos ng kasal ay umalis ako at mas inuna ko ang business trip kesa ang honeymoon dapat namin. But, I've had an accident at nagkaroon ng amnesia. Only recently I gained my memories. I hope na maintindihan niya ako," malungkot ang tinig nito kaya mas lalong naguluhan si Sonia.
Kung after ng kasal umalis ito agad sino ang ama ni Jae? At sino naman ang lalaking nilapitan ni Meliz.?
It's all my fault. Ako ang nagresearch patungkol kay Jden. Ang alam niya sigurado na siya dahil iyon lang ang nag-iisang nakaregister sa pangalang James Reiden Phillip. Kung ganoon sino ang totoo sa kanila?
Kailangan niyang makausap ang kaibigan, pero anong gagawin niya sa lalaking nasa harapan ngayon?
"Ahm, Mr. James, pasensya ka na ha wala kasi dito ang kaibigan ko. Nasa Maynila sila ni Jae, malapit na kasing operahan ang anak ninyo," saad niya na sinadya niyang bigkasin ang salitang anak para malaman kung ano ang magiging reaction nito.
"Anak? Wala akong natatandang anak dahil walang namagitan sa amin ng kaibigan mo, ni hindi ko nga nahawakan maski dulo ng buhok niya! So, pinatalikod lang ako ng kaibigan mong malandi saka naghanap ng makakaromansa, that bitch!" malakas ang tinig na sabi nito na ikinaurong ni Sonia.
"O, baka naman buntis na siya kaya pinilit ako ng kanyakaniyang ama na pakasalan siya? That old man tricked me," galit pa ring turan nito na hindi hinantay na makasagot pa si Sonia
Pagkuwa’y walang salita na umakyat sa hagdan at tinungo ang silid na maaaring inukupa ng asawa.
Naiwan namang tigagal si Sonia sa narinig. Di yata't maraming dapat na ipaliwanag sa kanyakaniya ang kaibigan. Pero si Jden at Jae hindi maipagkakamaling mag-ama dahil magkamukha ang mga ito.
Sino ba talaga ang lalaking basta na lang dumating at sinasabing siya ang asawa. Isa pa bakit parang may inililihim ito?
Sino ba talaga ang totoong James Reiden Phillip?!
Naguguluhang lumabas ng bahay si Sonia para makalanghap ng hangin dahil pakiramdam niya ay nanikip ang kanyakaniyang dibdib sa samo't-saring problema.
Kailangan niya gumawa ng paraan dahil siya ang may kasalanan kung bakit napunta sa Maynila ang mag-ina. Pero ano nga ba ang magagawa niya?
"Miss," napalingon siya nang may marinig na tila tumatawag sa kanyakaniya. Hindi niya kilala ang lalaki pero parang mabait ito kaya kinausap na rin niya.
"May, kailangan po kayo?" magalang niyang tanong na siya namang ngiti ng binata.
"Ako nga pala si Reichelt, bago lang ako dito. Nagtatrabaho ako dyan kina Mang Kanor," pakilala nito.
Ang tinutukoy nitong Mang Kanor ay ang kumukuha ng mga copra buhat sa niyogan nila Meliz, at dahil wala ang kaibigan, sa kanyakaniya iyon ipinagkatiwala.
"Iyon po bang lalaki na kapapasok lang ang may-ari nitong niyugan? Kasi gusto ko sanang kausapin may pinapasabi si Mang Kanor," muling pahayag ni Rei.
"Ha, eh, hindi!" mabilis namang sagot niya na ikinakunot ng noo ng binata.
"Nasa Maynila ang may-ari nito kasama ang asawa't anak niya at sa akin ito ipinagkatiwala. Sa totoo lang ngayon ko lang nakita ang lalaking iyon,” mahina niyang dugtong na hindi naman nakaligtas sa matalas na pandinig ng binata.
"Ah, ganoon ba? pinapasabi kasi ni Mang Kanor, sa makalawa niyo na lang daw ipadeliver ang mga copras dahil may lalakarin pa siya," nakangiti pa ring sabi ng binata. " Puwede ko bang malaman pangalan mo? I mean para masabi ko kay Mang Kanor kung sino ang nakausap ko," bahagya pa itong natawa sa huling tinuran.
"Sonia, kaibigan ko si Meliz ang may ari nito at gaya nga ng sabi ko nasa Maynila siya dahil malapit ng operahan ang anak niya."
Napatango naman ang binata at ilang segundo pa ay nagpaalam na rin ito at nangakong babalik sa makalawa. Pero sa halip na tuluyan umalis ay pasimpleng umikot si Reichelt para alamin kung tama ba ang hinala niya.
Samantala abala naman sa paghalungkat sa loob ng kuwarto si James na para bang may hinahanap na hindi alam kung ano yun kaya naman nagmukhang may ukay-ukay sa loob niyon.
NAALIMPUNGATAN si Jden sa paulit-ulit na tunog ng cellphone. Kinapa niya ang cellphone na nasa ibabaw ng side table sa tabi ng kama niya pero hindi iyon ang tumutunog kaya napilitan siyang bumangon at hagilapin iyon na nakita niyang nakapatong sa lamesa sa mini library na kanugnog ng kanyakaniyang silid.
It was Meliz’s phone, marahil ay naiwan nito ng papunta na sa ospital.
Wala sana siyang planong pakialaman kung sino ang tumatawag doon. Nakulitan lang siya kaya papatayin na niya sana nang makita ang pangalan ng kaibigan nitong si Sonia ang tumatawag.
Nakilala niya si Sonia sa ospital dahil ito ang nagbantay sa anak niya ng lumuwas si Meliz para puntahan siya.
Nagpasya siyang sagutin ang tawag nito para sabihin sanang naiwan ni Meliz ang phone. Pero hindi pa man siya nagsasalita ay nauna na ito na para bang may humahabol na pitong demonyo.
"Mare, s-sorry hindi ko alam na hindi pala si Jden ang asawa mo. Kasi naman noong ni-research ko ang pangalan na nakita ko sa marriage contract mo eh, iisa lang ang may ganoong pangalan kaya naman ang buong akala ko talaga iyon na siya, pati nga picture ay magkamukha sila. Mare, anong gagawin ko nandito yong tunay mong asawa? Tapos nagalit siya nang malaman na may anak ka. Paano daw kayo magkaka-anak gayong wala naman nangyari sa inyo. Mare, hoy magsalita ka naman."
Jden cleared his throat, "Sonia, nasa ospital si Mel, naiwan niya-"
Nawala na sa linya si Sonia dahil nang marinig niya ang boses ng binata ay tila siya sinilihan. "Patay!"
Nakatingin sa kanyakaniyang phone si Sonia at iniisip kung paano pa niya kakausapin si Jden matapos ang katabilan niya.
"We need to talk, marami akong gustong itanong sa'yo, pero gusto kong ilihim mo ito kay Meliz." nabasa niyang message ni Jden nang ilang ulit niyang kinansel ang tawag nito.
Muntik pa niyang mabitiwan ang sariling aparato nang muli iyong tumunog. but this time, sinagot na niya kahit pa nanginginig ang buong kalamnan. Indeed, they need to talk lalo na kung tungkol ito sa kaibigan niya.
Hindi naman mapalagay si Meliz sa loob ng ospital ng malaman na naiwan niya ang cellphone sa kuwarto nilang mag-asawa.
"M-mom, pwede ko po ba kayo iwan saglit, may nakalimutan lang po ako sa bahay," magalang na paalam niya sa biyenan.
"No need, dinala ko na ang celphone mo," ani Jden na malapad ang pagkakangiti na inabot sa kanyakaniya ang aparatu na agad naman niyang kinuha matapos siyang halikan sa gilid ng labi.
Nagulat naman siya sa ginawa ng binata dahil ni minsan sa ilang linggong magkasama sila ay hindi nito nagawang halikan siya sa pisngi o anu pa man.
Hindi naman halatang disappointed siya ano? dahil parang hindi talaga nito pansin ang beauty niya.
"Hi Daddy," nakangiting bati ni Jae na nakahiga pa. Ilang araw pa lang ang nakalipas ng maoperahan ito kaya hindi pa nila inuwi mas gusto kasi nilang doon muna ito para mas madaling mamonitor kung sakaling may lapses sa naging operasyon nito.
"How’s my princess?" nakangiti niya itong nilapitan at hinalikan sa magkabilang pisngi.
"Mom," baling nito sa ina na nasa kabilang gilid ng anak, na nginitian naman siya.
"Wala ka bang schedule, iho?" tanong ng kanyakaniyang ina.
I'm on leave Mom, hindi ba't iyon ang matagal mo ng ipinagdarasal," pilyong sagot niya na kinindatan ang asawang katabi.
Namula naman ang pisngi niya na parang nagdadalaga at nasilayan ang crush.
Hindi naman nakalampas sa binata iyon na mas ikinangiti niyang lalo.
"Mom, may lakad po pala kami ni Mel mamaya, engagement party ni Brice-"
Automatic na napalingon siya sa asawa na nilingon din siya.
"It's about time na ipakilala ko ang asawa ko. What do you think, mom?" tanong niya sa ina na hindi inaalis ang tingin sa kanyakaniya. Pagkuwa’y kinuha pa nito ang kanyakaniyang kamay at hinawakan. That's when she feel the sudden volt and the tingling of unnamed feelings na madalas lang niya maramdaman sa tuwing malalapit sa asawa.
Nagulat siya nang tanggalin nito ang wedding ring na suot niya at pinalitan ng panibagong wedding ring na may nakapalibot na diamond. Napatitig siya dito kaya itinaas nito ang sariling kamay at pinakita ang daliri na may suot na singsing at kapareho ng sa kanyakaniya ang kaibahan lang ay simple lng ito at walang diamond na nakapalibot doon.
Hindi niya magawang magprotesta lalo na't kaharap ang ina nito na parang maluluha sa galak at ang anak nilang malapad ang pagkakangiti na para bang kinikilig.
And she doesn't want to spoil it, right?
"It took you so long, iho. But, I'm really happy for both of you," saad ng ginang na niyakap sila pareho. The happiness on her face was overwhelming, and she feel guilty about it. Hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang maihaharap sa mga ito sakaling mapatunayan na isa siyang sinungaling.
"LOOK, who's here?" tila nanunudyo at hindi makapaniwalang saad ni Ryder.
Napalingon naman ang mga kausap nito at malapad ang mga ngiti na sinalubong si Jden at ang asawa nitong si Meliz.
"Perfect couple."
"Stunning!"
"Who is she, bakit ngayon ko lang yata siya nakita?"
"Yan ba ang bagong girlfriend ni Jden?"
"How about Priscilla, hindi ba't nandito din siya ngayon?"
Mga samu't-saring maririnig na bulungan sa bulwagan kung saan idinaraos ang engagement party nila Caryl Ena at ang nag-iisang tagapagmana ng Martinez Empire na si Brice Adrien Martinez.
Halos hindi naman alam ni Meliz kung ngingiti o hindi kaya mas pinili na lang niya ang mayuko habang hawak naman ni Jden ang kanyakaniyang kamay na para bang takot itong takasan niya.
Hmp, so, Priscilla pala ang pangalan ng kabit niya, kaya pala nakalimutan niyang may naiwan siyang asawa sa Iloilo!naghihimutok na daing niya sa sarili. Damn, Now she sounds like a jealous wife! Wait, bakit ba? Asawa naman talaga niya ako, ah.
"Honey!" Isang napakalamyos na tinig ang pumutol sa nagdedeliryo niyang kaisipan, at nang lingunin niya ito ay nakita niya ang babaeng matangkad at napakahubog na katawan na mas lalo pang pinaganda sa suot nitong pulang tube dress na hanggang tuhod ang haba at pinarisan ng pulang parisian sandals. Hindi niya maiwasan ang mapatingin sa mukha nito nang bigla na lang siyang tabigin at ito ang umabrisyete sa kanyakaniyang asawa.
What the heck?
Kung hindi lang siya nakapagpigil ay baka hinila na niya ang buhok nito at nginudngod ang pagmumukha. Well, alam ninyo ba kung bakit may mga babaeng tinatawag na hipon? You guessed it right! Kung gaano kaganda ang katawan nito ay kaibahan sa mukha na parang nilublob sa isang sakong harina at nagmukha pa yatang clown sa kapal ng make-up.
Oh, no! Hindi naman sa sinisiraan ko ang hipon na ito. pero teka bakit ba mukhang hindi man lang umiwas ang magaling kong asawa, at nagustuhan pa ang pagkiskis ng suso ng hipon na ito sa kanyakaniyang braso?
Maybe it's about time to know where her real place is.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro