Chapter 2
Wala pang alas otso ay nakarating na si Cheska sa eskwelahan. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa classroom niya para matapos na niya ang naudlot niyang ginagawa nang distorbohin siya nang magaling niyang kaibigan.
Magaling talaga, napakagaling. Parang lahat na lang ng bina-blind date nito sa kaniya ay hindi okay. Kung hindi mabaho ang hininga, mabaho naman ang kilikili. Kung hindi naman bakla, hambog naman. Ewan ba, parang wala talaga siyang nai-date na matino. Parang lahat na lang na naka-date niya ay may naipipintas siya.
O baka naman, siya talaga itong maarte at may problema. Minsan naiisip din naman niya iyon, na baka siya itong may mali.
Pero hindi talaga, eh. Sila ang may mali, bulong niya sa sarili at binuksan ang bag niya para kunin ang susi.
"Nasa'n na 'yon?" tanong niya nang hindi niya makita ang susi sa bag niya. Napatitig na lang siya sa pinto ng classroom niya.
Kung minamalas ka nga naman talaga, bulong niya sa sarili at napakamot na lang sa ulo. Ang dami pa namang kandado sa room niya na naging shop room na sa daming sewing machine sa loob. "Paano na kami papasok nito?"
Umatras na lang siya at pumunta sa kabilang pinto, nagbabakasaling hindi niya iyon na-lock no'ng Firday. Pero impossible naman.
Kahit na impossible ay nagbakasali pa rin siya. Na ang ending ay naka-lock naman talaga.
Pumunta na lang siya sa guardhouse at nagtanong kung may duplicate key ba ang guard nila sa classroom niya.
"Eh, Ma'am Cheska, ikaw lang naman po ang may susi ng classroom niyo. Wala po akong hawak na duplicate no'n," sagot ng guard sa kaniya.
Bumuntonghininga na lang siya at napakamot sa leeg. "Manong, kapag nakuha ko na ang susi mamaya, i-remind mo ko ha? Bibigyan kita ng duplicate no'n. Para in-case na maiwan ko man ulit, may hawak kayong susi."
Tumango ang guard ng eskwelahan nila. Pero anong gagawin niya ngayon? Kung pati ang wallet niya ay naiwan niya rin pala sa bahay?
Muli na lang siyang naglakad papunta sa faculty room para mag-log in muna. Nasayang pa tuloy ang ilang minuto niya, sana nag-log in na lang siya kanina.
Hindi pa nga siya nakaka-move on sa nangyari no'ng Friday, nadagdagan pa ang inis niya ngayon. Bakit ba naman niya kasi nakalimutan ang mga importanting bagay? Muli na lang siyang bumuntonghininga at nagpasiyang pagkatapos niyang mag-log in ay uuwi siya ng bahay niya.
Wow, parang ang lapit-lapit lang ng bahay mo, 'no? Parang ang lapit-lapit lang talaga, pang-iinis ng utak niya. Ano pa nga bang magagawa niya? Kaysa naman hindi makapasok ang mga estudyante niya mamaya.
Hindi pa siya tuluyang nakapasok sa faculty room nang lapitan siya ni Cecil. Agad itong yumakap sa kaniya na parang may ginawang masama.
Kahit totoo naman talagang may ginawa itong masama. Pero hindi naman nito kasalanan iyon, sanay na nga siya sa totoo lang.
"Nako, Cheska." Bigla na naman itong yumakap sa kaniya. "Pasensiya ka na talaga. Hindi ko naman alam na gano'n pala ang ugali ng pinsan ni Warren. Ang sabi lang kasi ni Warren sa 'kin ay may sinasabi na 'yon sa buhay—"
"May sinasabi nga, truelala naman 'yan," singit ni Hazzel. "Sa sobrang may sinasabi na sa buhay, binabagyo na."
"Sobra ka naman, Hazzel—"
"Anong sobra? Legit 'yon. Legit na binabagyo na siya." Kinuha pa ni Hazzel ang ballpen na hawak ng isa nilang kasamang guro at nagsulat na ito sa logbook. "Ang hangin niya, ah! Kung makapagsalita, akala mo kung sinong matalino at sinong may narating na sa buhay. Ni hindi pa nga nakapag-board exam 'yon, diba? Pero kung makapagsalita parang sure na sure ng mapapasa niya ang board."
Hindi na niya pinansin ang dalawa at pumasok na lang siya sa faculty room. Nilagay na niya ang bag sa sofa at umupo na siya.
"Cheska, sorry na." Tumabi sa kaniya si Cecil at muli na naman siyang niyakap. "Hayaan mo, next time kikilalanin ko na ang mga lalaking ipapakilala ko sa'yo. Sure na 'kong hindi na papalya 'to—"
"Tigilan mo 'ko, Cecil—"
"Walang titigil dito, Cheska. Not until may maipakilala ka na sa 'king boyfriend mo." Tumayo pa ito at tinuro siya. "But don't you dare na magdala ng kung sino-sinong lalaki diyan para may maipakilala ka sa'min. Don't you dare talaga!"
Tumayo rin siya para magpantay sila ni Cecil, ang kaso mas matangkad naman siya ng ilang inches dito. Ang liit ni Cecil pero ang daldal nito. Ang liit ng height nito pero parang ang daming dalang salita. Gano'n siguro talaga kapag maliit.
"Teka nga lang, bakit ba parang issue sa'yo 'yan?" Hindi niya napigilang itanong sa kaibigan. Parang ito pa kasi ang stress dahil wala siyang boyfriend.
"Hoy, teh?" Si Hazzel ang nagsalita at ibinigay sa kaniya ang ballpen. "Mag login ka na. Alam kong kanina ka pa dumating, eh."
Kinuha niya ang ballpen at nag-login. "So, bakit nga? Para kasing ikaw pa ang stress sa situation ko, eh."
"Concern citizen lang naman ako, Sis. Twenty five ka na kaya sa birthday mo pero until now, wala ka pang boyfriend. Hindi ka ba natatakot?"
"Why should I?"
"Why should I mo mukha mo!" Sagot nito sa kaniya at lumabas ng faculty room na siya namang pagpasok ni Hunter.
Sa pagpasok ng kaibigan niya ay nakita niyang may bitbit itong chocolate na alam niyang 'yon ang mga chocolates na nilagay niya sa cart no'ng Friday. Agad siyang napangiti. Talaga palang binili ng kumag ang mga chocolates.
Lumapit sa kaniya si Hunter at ibinigay sa kaniya ang dala nito. Agad naman itong nagtanong kung anong nangyari kay Cecil at magkasalubong daw ang mga kilay ng kaibigan niyang bigla na lang nag-drama.
"Hayaan mo na, may dalaw siguro," aniya at sinamahan pa ng tawa. "Binili mo pala talaga 'to? Nagbibiro lang naman ako."
"I know it's your favorite."
Kung tatanungin siya kung sino ang gusto niyang i-date, si Hunter na talaga ang isasagot niya. Matutuwa pa siguro siya kung si Hunter ang ipapa-date sa kaniya ni Cheska. Kasi si Hunter, alam niyang matino at hindi siya lolokohin nito.
Weh? Agad din namang tanong ng utak niya.
"Well, well, well."
Agad siyang natigil sa pag-iisip nang muli na namang pumasok sa faculty room si Cecil at kasama na nito ang Officer in Charge nila ngayon dahil nasa seminar na naman ang School Head nila. Isa pa naman itong baliw din, kaya kinakabahan na siya sa iniisip ng dalawa.
"Bakit nga ba kasi ako lumalayo?" tanong ni Cecil na may pahawak pa sa dibdib at pailing-iling. "Bakit ako lumalayo kung may malapit naman pala?"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa kaibigan. Anong malayo at malapit ang pinagsasabi nito? Nakakunot ang noo niyang tinitigan ito.
Nagtawanan pa ang dalawa at nagkatitigan. Kung ano ang pinag-iisip ng dalawa, ngayon palang ay hindi na siya natutuwa. Pero nang tingnan niya si Hunter ay malapad ang ngiti nito na para bang naiintindihan nito ang plano ng dalawa.
"Nagtataka din ako, Ma'am Cecil. Bakit ba kasi kung sino-sino ang pinapa-date mo diyan kay Ma'am Cheska? May Hunter na siya, oh." Turo pa ni Ma'am Rema, ang Officer-in-Charge nila kay Hunter. "Si Hunter na teacher, na kapitbahay, na guwapong kaibigan niya rin. I'm sure hindi 'yan hambog." At muli na namang napuno ang faculty room ng tawa.
Siya? Makaka-date si Hunter? Mabilis siyang napailing. Kung kanina ay gusto niyang maka-date ang lalaki, ngayon ay hindi na. Bigla siyang nawalan ng gana nang marinig ang pinagsasabi ni Ma'am Rema. Parang ayaw na niya.
Tiningnan niya si Hunter nang hindi siya makarinig nang pagtutol dito. Nakita niyang ngiting-ngiti pa ito sa pinagsasabi ng mga kasamahan nila. Tila ba parang gustong-gusto pa nito ang ginagawa ni Ma'am Rema at ni Cecil. Abot tainga pa nga ang ngiti ng mokong.
Nilapitan niya si Hunter at ibinigay ang ballpen. Mukhang wala na kasi itong planong mag-login dahil tuwang-tuwa na ito sa mga nangyayari.
Gwapo naman si Hunter pero hindi pumasok sa utak niya na maging boyfriend ito. Okay naman talaga ang binata, wala namang problema kung ito nga ang maging boyfriend niya. Pero ewan ba, hindi niya lang talaga ma-imagine na maging boyfriend niya ito.
"Mag-login ka na. Baka makalimutan mo pa." Walang gana niyang sabi at inabot ang ballpen. "Makalimutan mo na ang lahat, 'wag lang ang —"
"Makalimutan mo na raw ang lahat, Sir Hunter, 'wag lang si Ma'am Cheska."
Agad na kumulo ang dugo niya nang makitang ang nagsabi ng sentence na iyon ay ang estudyante ni Hunter na Grade 12. Ang lakas pa ng tawa ng bata na agad din namang tumakbo nang makitang papalabas siya ng faculty room.
"Magkikita rin tayo mamaya, Nathaniel!" sigaw niya at muling pumasok sa silid.
"Hindi naman talaga kita makakalimutan, Cheska. Kahit magka-amnesia ako, ikaw at ang kagandahan mo ang hinding-hindi ko talaga makakalimutan." Hirit ni Hunter na siyang ikinainis niya talaga.
Inis or kilig?
Nang marinig ng lahat ng hirit ni Hunter sa kaniya ay muling umugong ang tuksuhan sa faculty room na pati ang mga estudyante na dumadaan ay napapatigil at sumisilip sa bintana.
Kahit hindi niya alam kung bakit sumasabay si Hunter sa kabaliwan ng mga kasamahan niya ay hinawakan niya ang kamay nito at hinila ito papalapit sa kaniya. Kaya rin naman niyang makipagsabayan, hindi naman mahirap 'yon. Pero ang dapat niyang isipin muna ngayon ay ang classroom niyang hindi pa nabubuksan dahil naiwan niya sa bahay ang susi.
"Samahan mo na lang ako sa bahay, Hunter. Balikan natin ang susi at wallet ko. Hindi mabubuksan ang classroom ko kung hindi ako uuwi," aniya at hinila papalabas ang binata.
"Baka hindi lang classroom ang mabubuksan niyo. Ingat kayong dalawa!" sigaw ni Ma'am Rema.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro