Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Huling Paalam


Ako si Ruth ,isang babaeng nasaktan ng dahil sa pag ibig.Sobrang sakit kung kaya ay pinili nalang magpakalayo layo para makapag isip isip.

Dapit hapon na sa  mga oras na ito ,nandito ako ngayon sa dalampasigan.Nakaupo sa buhangin at hinayaang mabasa ang aking mga paa sa dagat.

Dalawang taon na ang nagdaan ,mula noong akoy lumisan sa poder ng aking mga magulang at magbakasyon muna dito sa aking lolo at lola.

Ngunit sariwang sariwa parin sa aking alaala ang sakit na nadarama dahil sa pangloloko sa akin ng aking nobyo na si Jimmy.Sinayang nito ang halos tatlong taon naming relasyon.

Sa huling pagkikita namin ay humingi ito ng tawad sa akin at nangangakong hindi na iyon mauulit.Ngunit,dahil sa takot ako ay hindi ko siya pinagbigyan.

Pero sadyang hindi totoo ang mga binitawan niyang mga  salita ,dahil dalawang linggong pag abot ko rito at pag iyak ko sa kwarto,nalaman ko na sila na talaga ng  babaeng pinalit niya sa akin.

Ang babaeng dahilan kung bakit nasira ang aming pagsasama.Isang pekeng ngiti ang lumabas sa aking mga labi.Ang babae nga ba?O silang dalawa?
Ginawa nila akong tanga.

Bago ako pumarito ay nag iwan muna ako sa kapatid niya na si Marie ng liham ng aking huling pamamaalam

Halos kabisado ko parin lahat ng litra ng aking isinulat doon.

Jimmy,

Akala ko ay mabilis lang kitang makakalimutan,pero mali pala ako.Akala koy magiging masaya akong makita kang masaya pero sa huli sakit parin ang aking nadarama.

Noong tinapos ko ang tayo.Mahal parin kita.Ikaw ang first love ko.Sabi nila nakakabaliw daw ang unang pag ibig.Sila rin yung magbibigay ng peklat sa ating mga puso.Siguro nga ay totoo yun dahil ikaw parin laman neto.

Paano kita makakalimutan?
Kung ikaw lahat sa akin.
Sa nakalipas na mga buwan na puro lang pagmamahal,ngayon para akong biglang nawalan ng halaga.

Hindi ako sanay na sa paggising ko sa umaga walang message na galing sa iyo mahal ko.Sa mga lakad na mag isa kong pupuntahan walang paalala galing sayo na mag ingat ako sabay sabing tawagan ka pag nakauwi na ako.

Sa pagtulog ko walang ikaw na nagsasabi ng "goodnight at sweetdreams".Wag mo kalimutang magdasal mahal ko at tandaan mong bukas pag gising ko may isang ikaw na naghihintay hawakan ang kamay ko.

Sa mga oras na parang napanghihinaan ako ng loob dahil sa sunod na sunod na problema sa pamilya ay nandyan ka para damayan ako at pinapaalala sa akin na nandyan ka lang parati,di mawawala at patuloy na naka agapay at nakasupurta.

Sa mga panahong naiirita ako sa di malamamg kadahilanan ay walang ikaw na nagpapatawa sa akin sabay bigkas ng mga corning mga linya dahilan para akoy matawa at nawawala ang inis na nadarama.

Mga oras na natatakot akong mag isa na walang Jimmy na humahalik sa noo ko para maibsan ang takot ko.

Namimiss ko na ang halik mo,tawa mo,ngiti mo at pag sigaw mo.Namiss ko lahat sayo.Lahat lahat mahal.Habang sinusulat ko to ang mga luha ko ay di na mapigilan pang kumawala.

Noong panahong tawa ka ng tawa makita akong umiiyak dahil para sayo mukha akong batang inagawan ng laruan.Noong panahon kong paano mo sabihin sa akin kung gaano mo ako kamahal.Noon palang alam ko na sa sarili kong ikaw ang nais kong maging kasama sa pagtanda.

Naalala mo pa ba ang panahon kung kailan sabay tayong nagplano sa future nating dalawa?Kahit bata pa tayo noon ?Nagplano tayo sa ating kasal,magiging bahay,sa pamilya at mga supling.

Masayang masaya ako sa mga panahon na iyon.Sobrang pasasalamat ko ka panginoon at binigay ka niya sa akin.

Noong mga panahon na wala tayong magawa ay bigla bigla mo nalang akong hinihila at niyayang sumayaw kahit wala namang musika.Para tayong tangang dalawa,pero ang saya natin noon.

Para tayong hindi lang mag kasintahan kong ituring ang bawat isa.Para sa akin ikaw ang Kapatid,bestfriend,partners in crime ko ika nga.

Naalala mo ba noong nagsimba tayo at tinanong mo ako kung gusto ko na bang magpakasal?
Sinagot kita ng oo in Gods perfect time mahal.
Tanong mo ulit kung sino.
Taospuso kong sinabing sa iyo.

Maswerte ako sayo dahil maka dyos ka .Makadyos kayong pamilya.Naalala mo ba noong mga oras na kahit simpleng bagay ay pinag aawayan natin pero kahit na ako ang may rason ay gumagawa ka parin ng paraan para maayos bago mag dapit hapon.Ayaw na ayaw mong may samaan tayo ng loob bago matulog.

Naalala mo pa noong panahon na kinakantahan mo ako kahit wala sa tono ang iyong kanta.Hinahayaan mo lang akong tawanan ka.

Nung oras na ikaw ang nagsusuklay sa buhok ko at nagtatali nito.

Nung oras na nag tampo ako ,ay tinawag mo ko mula sa labas sa pangalan ko at nasorry ka sabay pakita sa dala mong pizza at bulaklak.

Sobrang na touch ako dun dahil di ko lubos inakala na mag eeffort kang pasayahin ako.Di ko maiwasang magtanong sa dyos kung bakit ako binigyan ng isang katulad mo na perpekto.Ano bang nagawa kung kabutihan at binigyan ako ng sobra sobrang regalo at yun ay ikaw.

Naalala mo ba kung paano mo samaan ng tingin ang katrabaho ko sa opisina dahil lang nakipag usap ako sa kanya.Tawang tawa lang ako nung sabihin mong may mga mata ka sa loob ng pinagtratrabahuan ko.

Tandang tanda ko pa ang mga ngiti mo sa tuwing sinasabi kong nagseselos ako sa alaga mong aso.Ang sabi mo pa ay mas cute ako kung nakanguso kaya halos isang oras akong nakanguso .Tawang tawa ka naman.

Tanda mo pa ba nung paano tayo nagkakilala?Kasi ako tandang tanda ko pa.Nagkatabi tayo sa jeep noon.

Dahil di natin kilala ang isat isat kahit mga siko ay nagkabanggaan na.
Pasimple kang sumusulyap sa akin at ako namay nakahahalata na rin.
Akala ko pa nung una isa kang snatcher na naghihintay akong e biktima.

Pero mali pala ako dahil pagbaba ko ay nandun ka sa aking likod tinawag mo ako sabay sabing ang panyo ko ay nahulog.Pagtingin ko sayong mata ang mundo koy tila biglang timigil kasabay sa mabilis pagtambol ng puso ko.

Tinanong mo pangalan ko na may ngiti sa mga labi .
Sinagot naman kita na may konting pilit sa tono.
Hiningi mo ang aking numero at dun na nga tayo nag umpisa.

Nanligaw ka at sinagot kita
.Buong tapang mong hinarap ang aking pamilya kung kayat pati sila ay nagustuhan ka.Sa mga espesyal na okasyon ay nandun ka.pati ang anniversary natin ay naghanda ka.

Sobrang saya kong kapiling ka mahal ko.Sa halos tatlong taong relasyon natin ay puro pagmamahal ang natanggap ko.

Hanggang isang araw,nagbago ka mahal.Talagang nagbago.
Iba na ang mga message mo,pakikipag usap mo sa akin .Lahat nag bago
Lagi kang galit at mainit ang yung ulo.Binubulyawan mo narin ako sabay sabing ang pabebw ko

Hanggang sa nalaman kong ka close mu na pala ang kapwa mo guro sa skwelahan kung saan ka nagtuturo.

Oo kilala ko rin si Julia,mabait siya,masiyahin kaya di ko lubos maisip noon na may namamagitan sa inyo higit pa sa magkaibigan,higit pa sa mag ka trabaho.

Isang araw noong pumunta ako sa bookstore para bumili ng gusto gusto kong libro ay nandoon siya.Sabay pa nga naming nahawakan ang librong sanang bibilhin ko.Binigay ko nalang sa kanya at kumuha ng bago.Nag usap kami nag tawanan at nagkayaya ang sabay kumain.

Habang nasa kalagitnaan kami sa pagkain ay nagtaka ako kung bakit bigla na lang siyang nagtanong kung bakit dw tayo naghiwalay.

Bigla akong napahinto at napaisip kong bakit alam niya.Sa pagkaka alam ko ay wala pa akong sinsabihan sa iba dahil para sa akin ay simpleng away lang yun.

Tinanong ko sya kung paano niya nalaman.Sabi nya dahil sayo,noon palang parang kumirot na ang puso ko.
Di ako nakatulog ng gabing iyon naghihintay sa text,tawag o chat mo pero wala.

Alas onse na ng gabi perong walang ikaw na nagparamdam.Tinignan ko ang facebook account ko at ini stalk ko si Julia hanggang sa makita ng pares na mga mata kong may isa pang account na gamit mo at tag ka pa talaga niya.

Halos nanginginig ako sa di malamang maiiyak ba ako o matatawa.Kaya ba de ka na halos online sa facebook mo ay may facebook ka ng iba?.

Pinilit kong e hack ang account mo ,iniisip ko lahat ng posebleng numero o email na pwede gamitin.Alam mo ba ang mas masakit tanggapin.Na open ko nga ito gamit ang pangalan niya bilang password mo at bumungad sa akin ang convo nyung dalawa at mga litrato.

Iyak ako ng iyak habang binabasa ang palitan nyu ng mensaheng dalawa.

Sa tuwing nag aaway tayo sa kanya ka nag cha chat at humihingi ng payo.May mga mensahe pa nga kung gano kayo kasaya magkasama at gumala nung panahong sabi ko pumunta ka ng bahay sa sabado ,sabi moy may lakad kang importante.Siya pala ang tinutukuy mo.

Masyado ba akong nagtiwala na ako lang ang babae sa buhay mo?Masyado ba akong nagtiwala sa mga salita mo kung kayat ginanito mo ako?

Bakit? yan yung tanong na paulit ulit sa aking isip.
Di paba ako sapat?
Kulang pa ba lahat ng ginawa ko?

Kahit alam ko na ang kagaguhang ginawa mo.Pinilit ko paring magkunwari na walang alam.Binibigyan kita ng chance na ayusin to baka ako lang pala ang gumagawa ng ibang kahulugan nito.

Alam mo ba ang sakit na dinulot mo sa akin?
Yung gabi gabi kang umiiyak at nag iisip kung bakit pero wala kanh sagot na mahanap.

Kaya pala kahit wala akong kasalanan ay pinagbibintangan mo ako na may iba.Pero yung totoo sa ating dalawa ikaw pala.

Alam mo ba kong gaano ko pinilit maging maganda sa paningin mo.Nagpapaganda ako binabagay ang sarili gaya sa iba para hindi mo ako ipagpalit at maging proud ka sa akin.

Pero bakit mo ako niloko?

Hindi mo ako masisisi kung bakit nawalan ako ng tiwala sayo.Nung pinamukha ko sayo ang kagaguhan mo.

Ang sabi mo ay ginawa mu lang yun para pampalipas oras.
Bakit nung nag away ba tayo nakipag landi ba ako sa iba?hindi naman diba .
Dahil mahal kita,dahil ayaw kitang saktan.

Buong gabi akong umiyak nun.Ikaw naman halos buong gabi nagpapadala ng mensahe na patawad .

Pero di na mababalik ng sorry mo ang puso kong nasaktan Jimmy.

Nagtiwala ako sayo.Pero bakit sa lahat ng tao ako pa pinili mong gaguhin.?
Bakit?Akala ko iba ka kayat sobrang proud ako sayo.Yun pala pareho ka lang din sa mga lalaking niloko ang nobya nila.

Sinsabi ko sa sarili ko ,kung dapat pa bang pagkatiwalaan kita.?
Pero hindi ,hindi ko kaya.natatakot ako.

Kayat ngayon sasabihin kong pasensya na kung yung mga pangako natin sa isat isa ay hindi na matutupad.
Sorry kung hindi ako ang babaeng para sa iyo.

Sorry kung ayaw kitang bigyan ng chance.Tanngap ko na na di ikaw para sa akin.Siguro dapat na kitang bitiwan pa at hahanapin ko ulit ang aking sariling nawala dahil sa sobrang pagmamahal sayo.Mahal na mahal kita mahal.

Salamat sa mga panahong nandyan ka at pinapasaya ako
Salamat sa pagparamdam sa akin na isang akong prinsesa na dapat ituring

Masakit man sa loob kung iwan ka ,ngunit alam ko na nang hindi na ako ang laman ng puso mo.

Pipilitin kong mag move on.

Wag kang mag alala sa akin kaya ko ang sarili ko .
Sana ay makita mo ang kasiyahang hindi mo nakita sa piling ko

Siguro pag nabasa mo itong napataas kong liham sa iyo ay wala na ako rito sa bahay.Magpapakalayo layo na muna ako at hanapin ang sarili ko.Mgkikita pa naman siguro tayo hindi pa lang sa ngayon ang dyos na ang bahala.

P.S-Hangad ko ang kaligayahan mo.

Nagmamahal
Ruth.

Pinunasan ko ang mga luhang nag uunahan sa paglabas sa aking mata.Akala ko ay manhid na ako sa sakit na itong nadarama yun pala ay ramdam ko pa.Pinipilit ko lang ang sarili kong okey na ako pero ang totoo wasak nawasak itong puso ko.

Nagpasya na akong umuwi sa bahay nila Lolo at loa dahil pagabi na.Habang nasa daan ako ay de ko .apigilan ang mapalingon ng may panay ng sit sit sa akinTingin sa kanan ay wala.

pssst.psssst."

nandun parin.kinakabahan na ako sa aking isip.

Ms.Beautiful!-di ako lumingun dahil di nan ako maganda

Ayy Bingi pala'- napasulyap na ako sa may ari ng boses na yun sa aking likuran.
Sa aking harapan ang gwapong nilalang na biniyayaan ata ng kagwapuhan nung maliit pa sya.

Bakit?-kunoot noong tanong ko rito

Ay ang sungit"'sabi nito sa akin na nakangisi kung kayat kitang kitq ko ang pantay pantay na ngipin nito.

Panyo mo naiwan mo aa buhangin"-abot sa akin ng panyo ko.

Salamat",sabi ko rito at tumalikod na at maglakad na sana pauwi ng magsalita ito.

Anong pangalan mo Ms.beautiful?-tanong neto sa akin na nagpa ngiti sa akin..

Ruth- sagot ko rito at nagmamadaling umuwi na.Narinig ko pa ang sigaw nito sa akin..

Ang ganda mo ruthhhh

"wakas"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro