"BAKIT AKO?"
TITLE:
BAKIT AKO?
WRITTEN BY:
cezlldying
DEDICATED TO:
Mga pinaasa pero hindi pinanindigan
CREDITED TO:
cezlldying
[1/2]
Mahal, maaari ba akong magtanong bago ka matulog?
Ibig ko lamang malaman ang dahilan mo sa pambubulabog
Mabigat na kasi sa puso, mga nakadagang katanungan
Mga daing sa damdamin na pilit hinahanapan ng kasagutan
Mahal, bakit ako? Bakit ako ang napili mo?
Ang taong walang ibang hinangad kundi ang kabutihan mo
Bakit ako mahal ang napili mong pagsanayan,
Na handugan ng salitang "mahal kita" at "maghihintay ako" na sa iba mo naman talaga dapat ilalaan?
Mahal, bakit ako? Bakit ako ang napili mo?
Na bigyan ng motibo kung gayong 'di pa naman handa ang sarili mo?
Bakit ako mahal ang napili mo na sa'yong yakap ay ikulong,
Habang ang puso mo'y - ibang pangalan ang binubulong?
Mahal, maaari ba akong magtanong bago ka bumangon?
Hindi ko na kasi alam kung paano pa aahon
Lunod na lunod habang pinapanood kitang masaya sa piling n'ya,
Doon ko naitanong sa aking sarili na sa panaginip na'to,"ako'y gigising na ba?"
Kasalanan ba ang magmahal o sadyang mali lang talaga na ikaw ang minahal?
Mula dito ay pinagmamasdan kita habang tinatanaw mo siya nang sakdal
Tinititigan mo na animo'y nasa kaniya ang 'yong kinabukasan
Na para bang hindi nagkaroon ng "ako" sa buhay mo, kailanman
Sandali mahal, huwag ka na munang magpaliwanag
Baka kasi muling lumambot ang puso kong marupok at naduduwag
Pakiusap mahal, huwag ka na munang lilingon habang binagbagtas ng panulat ko ang mensahe sa'yo
Sinasanay ko na kasi ang damdamin ko na sa sa'yo'y lumayo.
Litong-lito, hindi tiyak kung ano ang kahihinatnan
Sa dami ba naman kasi ng hinain mo sa hapag-kainan
Sa huli ay iiwan mo rin naman palang luhaan
Hinahalungkat ang mga terminong tuturo sa aking pagkukulang
Mga sagot sa tandang pananong na bakit ako ang napili mong paglaruan?
Lilinawin ko lang sa'yo, Mahal - hindi naman ako nagsisising ikaw ay nakilala
Dahil minsan ka rin namang nag-iwan ng masasayang ala-ala
Mahal, hindi naman sa nagagalit ako sa'yo, sana'y pakatandaan mo ito
Nasasaktan lamang ako at iyon ang totoo
Mahal, maaari ba akong magtanong bago ka lumisan?
Ibig ko lang na ipatangay sa maleta mo ang pait na aking pasan
Bahala ka na kung anong balak mong gawin doon,
Dahil pangako mahal, sa pagwawakas ng tulang ito, pag-ibig sa'yo - sa nakaraa'y ibabaon
Mahal, bakit ako? Bakit ako ang napili mo?
Bakit mo pa ako binuo kung sa dulo rin pala'y wawasakin mo?
Nagsikap ako mahal na itayo ang pader para protektahan ang sarili ko
Ngunit hinayaan kong gibain mo 'yon dahil nagtiwala ako sa paraiso mong pangako
Mahal, bakit ako? Bakit ako ang napili mo?
Na iyong isinama sa kuwento na ginuguhit mo?
Bakit mo pa ako ginulo at hinila sa kawalan?
Kung sa gitna pala ng ating paglalakbay, ikaw pala'y may babalikan
Mahal, nais ko lang malinawan kaya sagutin mo ako ng totoo
Minahal mo ba talaga ako?
O sinubukan mo lang ako upang maging panakip-butas sa awiting ito?
Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa hinulma mong akda?
'Yun ang malaman na extra lang pala ako sa nobelang akala ko ay ako ang bida
'Wag kang mag-alala, mahal dahil ito na ang huling tanong na sa iyo'y ipapabaon
Nawa'y dinggin mo upang tuluyan na akong makabangon
Kaya mo bang sagutin - itong aking mga "bakit"?
Kapalit ng mga luhang bunga ng 'yong pananakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro