
28
With high honor: Ariella M. Yang
A proud smile drew on my lips when I saw what was written on the board. Agad na napawi ang pagod ko nang makarating ako sa classroom nila Ariella. Tinakbo ko pa ang distansya mula sa High School hanggang dito dahil fifteen minutes late na ako. Kanina pa silang alas-tres ng hapon nagsimula. Buti na lang at maagang natapos ang practice namin dahil card giving at meeting din namin doon. Nakisuyo pa ako kay Tita Wendy na kunin niya ang card ko dahil ayaw ng adviser namin na kami mismo ang kumuha ng card namin.
Naupo ako sa bakanteng armchair sa likuran bago ko pinunasan ang pawis sa noo at batok ko gamit ang panyong dala ko.
Halos lahat ata ng parents ng mga kaklase ni Ella ay narito dahil ang ilan ay nakatayo sa likuran at tahimik na nakikinig sa gurong nagsasalita sa harap.
Iginala ko ang paningin ko para hanapin ang kapatid ko habang patuloy na nagsasalita ang adviser nila sa harap tungkol sa recognition nilang gaganapin sa Thursday na, natigil ang paghahanap ko nang makita ko ang kapatid kong nakikipaghabulan sa mga kaklase niya sa labas.
Naliligo na ito sa sarili niyang pawis at bahagya akong natawa nang makitang nakasuot na lamang siya ngayon ng sando at shorts. Mukhang hinubad niya ang kan'yang blouse at skirt para hindi marumihan dahil alam niyang pagagalitan ko siya. Minsan ko na kasi siyang napagalitan noon dahil ang puti niyang blouse ay naging kulay brown na. Mahirap maglaba lalo pa't hand wash ang ginagawa ko sa mga uniform namin para hindi agad kumupas at masira.
Natawa ako nang maalala ang ayos niya tuwing linggo. Bihis na bihis at mistulang nagmumukhang dalaga dahil naroon ang crush niya, pero ngayong weekdays ay lumalabas pa rin talaga ang pagiging bata niya. Lalo na't kasama niya ang mga kaedad niya.
Hinayaan ko na siyang maglaro muna at tinuon na lang ang pansin sa harap. Ilang detalye pa ang sinabi ng kanilang adviser gaya ng kung ano ang susuotin nila sa recognition, oras, at pagkuha ng program paper sa Wednesday. Sinabi rin niyang may half day practice ang mga honor rolls bukas at sa Wednesday. She also reminded the parents who still didn't pay for their child's miscellaneous fee, wala naman na akong problema roon dahil matagal nang fully paid ang kapatid ko. Marami pa siyang binilin at sinabi hanggang sa kuhaan na ng card.
Alphabetical kaya nasa hulihan ako. Lumabas muna ako para hanapin si Ella. Agad ko naman siyang nakitang nakaupo sa may hagdanan, hinihingal at mukhang kauupo lang mula sa katatakbo kanina pa. Agad na nagliwanag ang kan'yang mukha nang makita ako. Umabot hanggang langit ang kan'yang ngiti nang walang pagdadalawang isip siyang tumayo at kumaripas ng takbo papalapit sa akin.
Agad ko naman siyang sinalubong dahil baka madapa pa siya.
"Dumating ka, Ate!" masayang aniya. Agad kong sinabulong ang kan'yang mukha ng panyo.
"Syempre naman." Abala pa rin ako sa pagpunas sa kan'yang mukha papunta sa kan'yang batok at leeg bago ang kan'yang dibdib at likod. Dahil basa na ng pawis ang panyo ko hindi ko na iyon nilagay sa kan'yang likuran.
"Nakita mo na ang results, Ate?" curious niyang tanong habang pinupulbuhan ko ang likod at leeg niya. Tumango ako nang humarap siya sa akin at pinulbuhan ko rin ang mukha niya.
"What's the result, Ate? May honor ba ako?"
"Hindi mo nakita?"
Humagikhik siya. "Hindi, e."
Pinilit kong magseryoso habang inaayos ko ang pagkakatali ng kan'yang buhok dahil mukha siyang nakipagsabunutan sa mga ale sa palengke.
"Wala, e."
Nawala ang ngiti sa kan'yang labi at napalitan iyon ng takot at pagkadismaya. "Weh?" pagkukumpirma niya, hindi pa rin naniniwala. Malungkot akong tumango.
"Oo. 'Di bale ayos lang naman 'yan. Bawi ka na lang sa susuno—" Hindi ko na natapos dahil agad siyang tumakbo papasok sa kanilang classroom.
Agad akong sumunod at natawa nang makita ang panlalaki ng singkit niyang mga mata at pag-awang ng kan'yang maliit na labi habang nakatingin sa blackboard nila. Malamang ay gulat siyang nasa unahan ang pangalan niya.
Well, matalino naman talaga si Ariella at hindi na ako magtataka kung siya ang manguna sa buong grade 3.
"Congrats!" tumatawang saad ko nang magtama muli ang mga mata namin ni Ariella.
"Deserve ko ng ice cream, Ate!" agad na panghihingi ng bata sa akin.
"May pera ka ba?"
"May pera ka!"
Natawa ako. "Wala."
"Meron! Nakita ko kanina sa bag mo!" giit niya.
Nakipagbiruan pa ako sa kan'ya bago ako tuluyang tinawag ng kanilang adviser para pumirma sa card niya. She also congratulated my sister and told her to keep it up. Magalang namang nagpasalamat ang kapatid ko.
Dahil deserve naman niya, pumunta nga kami sa malapit na convenience store at bumili ng ice cream. Nagpasya rin akong dito na lang namin hihintayin sina Eulcrist at Tita Wendy. Sabi naman sa akin ni Eul ay patapos na rin sila.
"Will Mama come kaya, Ate?" umaasang tanong sa akin ni Ella habang abala sa pag-scoop ng ice cream sa cup.
Napakibit-balikat ako. "Hindi ko alam, e."
"Tawagan kaya natin siya ngayon, Ate?" Pinunasan ko ang gilid ng labi niya maging ang baba niya nang tumulo ang ice cream doon.
"Mamayang gabi na, Ella. Busy pa si Mama. Nag-chat ako kanina hindi pa rin siya nag-re-reply."
Tumango ito bago ngumiti at muling kumain ng ice cream. "Thank you ulit, Ate. You're the best!"
Natawa ako. "Sus, nambola pa nga. Kumain ka na lang diyan."
She giggles. "Ayaw mo talaga, Ate?" tanong niya sabay taas ng wooden spoon na may chocolate ice cream sa tapat ng bibig ko.
Umiling pa rin ako kahit na gusto ko. "Saka na lang after graduation, Ella. Baka masira ang boses ko, kakanta kasi kami."
"Ano'ng kakantahin niyo, Ate?"
Nagtanong pa siya tungkol sa kakantahin namin at nagtanong pa kung ano ang buhay bilang High School. Matiyaga ko iyong sinagot habang pinapanood siyang masayang kumakain ng ice cream hanggang sa dumating na sina Eulcrist at Tita Wendy.
"Congrats, 'nak!" proud na saad ni Tita Wendy nang iniabot niya sa akin ang card ko.
"Thank you po, Tita!"
Napangiti ako nang makitang matataas ang mga grado ko at sakto lang para mapabilang sa mga with honors. Nakangiti akong tumingin kay Tita na ngayon ay katabi na ang kapatid ko at nasa tabi ko naman si Eul at abala sa pangungulit kay Ella.
Dahil alam ni Tita Wendy na bawal kami ni Eulcrist na kumain ng ice cream. Bumili na lang siya ng cup noodles at iyon ang kinain namin ni Eul. Samantalang si Tita naman ay bumili lang ng tinapay at saka pineapple juice.
Habang kumakain ay sinabi ni Tita ang napag-meetingan nila at kung kailan ba talaga ang moving up namin. Ramdam ko ang kaba at excitement nang malamang sa Wednesday na pala ito ng umaga. Isang araw na lang ang natitirang practice namin.
Shucks! Konting kembot na lang tapos na kami ng Junior High!
"Inom ka muna, Shi." Iniabot sa akin ni Eul ang bukas nang water bottle nang matapos akong kumain. Napatigil ako sa pag-abot nito nang biglang tumili ang kapatid ko na agad na nasundan ng mahinang pagtawa ni Tita Wendy.
Napakunot ang noo ko nang makitang kilig na kilig ang kapatid ko at tila para itong uod na binudburan ng asin sa katawan sa kakatalon niya sa kan'yang upuan.
"Ariella," pagsita ko pero mas lalo itong tumili kaya lihim akong natawa at inabot na lang ang bottle mula kay Eulcrist at uminom na ng tubig.
Tumatawa pa rin si Tita at aliw na aliw kaming pinapanood, lalo na ang kapatid kong pulang-pula na habang nakangiti.
"Bagay kami, 'no?" biglaang tanong ni Eulcrist at muntikan ko pang maibuga ang iniinom ko. Tumango naman ang loko kong kapatid kaya mas lalo pang natawa si Tita. Wala man lang siyang komento, halatang tuwa-tuwa lang siyang nanonood. Nakipag-apir pa si Eul kay Ella dahil nasisiyahan naman ito sa sagot ng aking kapatid.
Tila pinag-isahan nila ako kaya wala na akong nagawa kun'di ang mapangiti na lamang.
Bago pa kami tuluyang umuwi ay bumili muna ako ng ice cream nina Tate at Julian. Strawberry kay Julian dahil iyon ang paborito niya at Chocolate naman kay Tate.
Simula ngayon hanggang sa susunod na Lunes ay wala muna akong trabaho dahil pansamantalang nagsara ang Mami Cleo. May business trip kasi si Auntie Cleo at may kasal din silang dadaluhan sa Sabado. Iyon 'yong kasal ng kaibigan nila na pinag-uusapan nila noong nakaraan. Mabuti na rin na wala dahil busy rin ako at mukhang hindi ko iyon maisisingit sa ngayon.
Nang makauwi kami ay tuwang-tuwa ang dalawang bata sa pasalubong ko. Nakaupo sila sa sofa at abalang nanonood ng cartoons sa tv habang kumakain ng ice cream. Napapangiti ako tuwing pinupunasan ni Julian si Tate tuwing may ice cream ito sa pisngi o baba.
Nasa kusina kasi ako at abala sa pagluluto ng hapunan kaya minsan ay pinapanood ko sila sa salas.
Nasa banyo naman si Ariella, naliligo, dahil ang asim na niya.
Nakauwi na si Lola Pearly nang dumating kami ni Ella. Si Kuya Nehem naman ay agad pumanhik sa kan'yang silid sa ikalawang palapag nang makitang naka-uwi na kami.
Nang matapos akong magluto ay agad ko silang tinawag para kumain. Pinatawag ko rin si Kuya kay Ariella pero mukhang nakatulog na raw ito dahil walang sumasagot.
Nang matapos kami ay pinakain ko na rin si Merida na tahimik na naghihintay sa akin sa kusina. Pansin ko ang mabilis na paglaki nito. Habang kumakain ay marahan kong hinaplos ang ulo niya bago ako tumayo at naghugas na ng pinagkainan namin. Naligo na rin ako at nagbihis sa kuwarto.
Tiningnan ko ang cellphone kong naka-charge sa ibabaw ng ref at nakitang alas-nueve na pala ng gabi. Wala pa ring chat si Mama at hindi pa rin niya nakikita ang mga chats ko. Hindi pa rin niya alam na with high honor si Ella at with honor ako. Tatawagan ko sana siya pero offline siya. Siguro ay sobrang busy siya ngayon.
Pinatay ko na ang tv nang makitang nakatulog na sina Julian at Tate. Binuhat ko si Tate at nilipat na sa kuwarto namin bago ko ginising si Julian para lumipat na rin sa kuwarto. Sinilip ko ang kuwarto ni Ariella at mahinang natawa nang makitang mahimbing na itong natutulog at parang starfish na naman ang puwesto niya habang nakadapa sa kama.
Mahimbing na ring natutulog si Merida sa basahan na nasa kusina nang patayin ko ang ilaw doon. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw ngayon sa loob ng bahay. Nahiga muna ako sa sofa para magpaantok.
Nang buksan ko ang cellphone ko ay nakita kong online si Eulcrist at kaagad itong may chat sa akin.
Eul:
Ba't gising ka pa?
Me:
Nagpapaantok lang. ikaw? Bakit gising ka pa?
Eul:
gusto kitang kausapin
Me:
may problema ba?
Eul:
wala naman. just wanted to hear your voice. pwede ba akong tumawag?
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at imbes na sumagot ng 'oo' ay pinindot ko na lang ang call button na agad naman niyang tinugon.
"Hi. I missed you."
Agad akong natawa sa kan'yang bungad.
"'To naman akala mo nangibang bansa ako, e, 'no?"
My heart fluttered when I heard his deep chuckles. I was silently thanking the heavens that this was an audio call dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko, malamang ay pula na ito.
"Why? Don't you miss me, too?" parang batang aniya.
Natawa ako. "Hindi. Magkikita rin naman tayo bukas, e."
Ilang ka-cornyhan pa ang sinabi niya na lagi kong binabara kaya halos mapalakas na ang halakhak ko sa salas kung hindi ko lang naalala na tulog na silang lahat dito sa bahay.
"You sleepy?" tanong niya nang tumahimik ako.
"Hmm. Pero hindi pa rin ako makatulog, e."
Napakunot ang noo ko nang walang sumagot sa kabilang linya. Nakatulog na ba siya?
"Eul?"
Walang sumagot.
"Nakatulog ka na ba?"
Wala pa ring sumagot. Hanggang sa narinig kong tila nilapag niya ang kan'yang phone sa lamesa at mukhang may inaayos? Base sa naririnig kong mga kaluskos.
"Oh, sorry. Kinuha ko 'yung gitara ko."
"Okay. Mag-p-practice ka?"
"Nope. Kakantahan kita para makatulog ka."
Babarahin ko ulit sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko at hinayaan ang sariling damahin ang tunay kong nararamdaman—ang kilig.
Hindi na ako umimik pa at hinintay na lang siyang magsimula. Ini-loud speaker ko ang tawag at nilapag sa tabi ko ang cellphone nang magsimula siyang mag-plucking.
Pinikit ko ang mga mata ko at tahimik na pinakinggan ang swabeng pagtugtog niya sa kan'yang gitara. Hindi ito masakit sa tainga gaya ng iba. Habang nakikinig ay tila para akong inihiga sa malambot na kama at nang magsimula siyang kumanta gamit ang malalim at malamig niyang boses ay tila kinumutan ako at inihehele.
"I want her everywhere. . .
And if she's beside me, I know I need never care. . .
But to love her is to need her everywhere. . ."
Napangiti ako habang nakapikit nang kinanta niya ang chorus. Pero kahit na kinikilig ako ay malakas ang hatak sa akin ng antok. Hindi pa man natatapos ang kanta ay dinala na ako ng malamig na boses ni Eulcrist sa mahimbing na pagtulog.
"Wow! Ang gagaling naman ng mga apo ko!" namamanghang saad ni Lola Pearly habang hawak ang mga card namin ni Ariella. Napangiti ako bago humigop sa aking mainit na tasa ng kape. Hindi pa rin nawawala ang paningin doon ni Lola.
"Siguradong matutuwa ang Mama niyo kapag nakita niya ito!" aniya bago niya maingat na nilapag sa gilid ng lamesa ang mga card namin para hindi matapunan ng kape.
"Hindi pa nga po siya nag-re-reply sa akin, e." Inabot ko kay Lola ang pandesal na pinalamanan ko ng peanut butter. "Salamat, Shi." Kumagat siya roon bago niya ako sinagot. "Baka busy pa ang Mama niyo."
"Siguro nga po," saad ko kahit na nakapagtataka dahil ngayon lang siya ganito katagal na-busy. Noon kasi ay kahit man lang seen ay meron, pero hanggang ngayon kasi ay sent pa rin ang mga messages ko sa kan'ya.
May kaunting kaba akong nararamdaman pero agad ko siyang ipinadagdarasal at hinihiling sa Diyos na nasa maayos siyang kalagayan.
"Pasensya na pala at hindi ako nakapunta sa meeting ninyo, ha? Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko," muling paghingi ng paumanhin ni Lola kahit hindi naman na kailangan.
"Ayos lang po, 'La, promise. Eh, ngayon po, 'La? Sigurado na po ba kayong ayos na kayo?"
Tumango si Lola habang humihigop ng kape sa kan'yang tasa. Alas-singko pa lang ng umaga kaya may oras pa akong makipagkuwentuhan kay Lola bago kami pumunta ni Ariella sa school para sa kan'ya-kan'ya naming practice.
"Bukas na ang moving up niyo, 'di ba?"
"Opo, 'La. Pumunta ka, ha? Ikaw ang mag-pa-parade sa akin," paglalambing ko.
Napakunot ang noo ni Lola. "Akala ko ba ay ang Ate mo?"
"Eh, mukhang hindi naman po siya makakauwi."
Nanlaki ang mga mata ni Lola at napatakip sa kan'yang bibig. Tumaas ang isang kilay ko.
"Surpresa ba sana 'yan ni Ate, 'La?"
Natatawang napailing sa sarili si Lola dahil mukhang nadulas siya. Napangiti ako. "'Di bale, 'La. Magpapanggap na lang akong nagulat kapag umuwi na si Ate."
Nag-usap pa kami ni Lola at nagtanong na rin siya akin kung ano ang isusuot niya bago ako tuluyang nagluto ng ulam dahil kanina pa naman ako nakapagsaing ng kanin. Nang matapos ay ginising ko na si Ariella bago ako naligo at nagbihis. Eksaktong natapos ako ay siya naman ang pumalit sa akin sa banyo at ako naman ang kumain bago kami sabay na pumunta sa school.
Mama:
Wow, ang galing naman ni Ella!😍
Mama:
Congratulations to the both of you! Sana with high ka rin, Shi, isang puntos na lang oh, sayang.
Katatapos lang ng practice namin kaya ngayon ko lang nahawakan ang cellphone ko. Noong makita ko ang pangalan ni Mama sa notification ay agad akong natuwa ngunit agad ding napawi nang mabasa ang huling message niya.
Hindi ba puwedeng maging masaya na lang siya para sa akin? Ginawa ko rin naman ang best ko, ah. Pero bakit parang palagi akong kulang sa paningin niya?
Dala ng pagkadismaya dahil ngayon na nga lang ako muling nagsabi sa kan'ya ng achievement ko tapos ganito pa ang naging tugon niya, pinili kong huwag na lang siyang reply-an at nag-heart react lang ako sa unang message niya.
Natulala ako sa kawalan habang iniisip ang general average ko. Nang makita kong 94 ito kahapon ay wala akong naramdamang panghihinayang, masaya at kontento na akong nakakuha ako ng ganoon kataas na grado. Pero ngayong nakukulangan si Mama, parang lahat ng paghihirap at effort ko ay nabalewala dahil lang sa isang puntos na iyan.
"Ayos ka lang?"
Napabalik ako sa realidad nang marinig ang nag-aalalang boses ni Eulcrist.
Agad akong umayos ng tayo at hinarap siyang nakangiti. "Oo naman. Napagod lang."
"You sure?"
Tumango ako. Tinaas niya ang dalawang kilay niya habang sinusuri ang mukha ko bago siya napanguso at kinuha mula sa akin ang dumpling bag ko at mabilis akong inakbayan.
"Tara, kain muna tayo. Ano'ng gusto mo?" aniya nang magsimula na siyang maglakad kaya nagpatianod ako.
"Teka! Paano sila Kendra?"
"May lakad daw sila. Hayaan mo na, tayo rin naman may lakad."
Napatingala ako at nakita siyang nakangisi. Mahina kong hinampas ang tiyan niya.
"Ah! Stop touching my abs!"
Humalakhak ako. "Ilusyunada."
"Gusto mo, ipakita ko?"
"Ang al—" Babarahin ko na sana siya nang takpan niya ang bibig ko. Agad akong natawa.
"Ang pagmamahal ko?" banat niya.
Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. "Corny mo!" tumatawang saad ko bago humiwalay sa kan'ya dahil may nakita akong teacher na sumusunod sa amin.
"Shi, wait!" aniya habang hinahabol ako. Agad naman siyang nakasunod dahil ang lalaki ng mga hakbang niya. Nang magkatapat na kami ay bahagyang binagalan niya ang paglalakad para makasabay sa aking maliliit na hakbang. Lihim akong napangiti at na-realize na dati pa naman niya itong ginagawa pero ngayon ko lang binigyan ng meaning dahil siguro malinaw na sa aking gusto namin ang isa't isa. Pero madalas parang tropa pa rin talaga ang tratuhan namin.
Kumain kami sa malapit na fast food chain dahil gutom na raw ang Eulcrist. Habang kumakain ay nag-usap lang kami ng kung ano-ano at madalas ay nagbabarahan.
"Hays, ang dami ko pang ulam pero wala na akong kanin," nakanguso niyang saad habang nakatingin sa pinggan kong marami pang kanin bago siya nag-angat ng tingin para salubungin ang mga mata ko.
Para siyang batang nanghihingi. Pigil naman ako sa pagngiti at tinaasan siya ng kilay. "Ano?" saad ko kahit na alam ko naman na ang gusto niya.
Napanguso pa siya lalo at pabirong umirap sa akin. "Hmmp! Bitin! Damot-damot kasi ng isa diyan." Tumingin-tingin pa siya sa akin habang nakataas ang kilay niya.
Humalakhak ako at agad na nilapit sa kan'ya ang pinggan ko. "Oh, kumuha ka na, baby," pang-aasar ko pero agad akong natigilan sa sarili kong biro nang matanto kung ano ang tinawag ko sa kan'ya.
That was supposed to be a joke!
Ang intensyon ko ay para ipakitang mukha siyang bata pero mukhang iba ang kinalabasan nito dahil abot langit nang nakangiti si Eulcrist habang nakaiwas ang tingin niya sa akin at pulang-pula ang tainga niya.
Teka. Kinikilig ba siya?
Natawa na lang ako sa sariling kagagahan.
"Mamaya ka na kiligin, bilisan mong kumuha ng kanin dahil gusto ko nang kumain," saad ko para takpan ang hiyang nararamdaman.
Napakagat siya sa kan'yang pang-ibabang labi. "Sige po, baby," aniya nang hindi tumitingin sa akin habang kumukuha ng kanin sinigurado pa rin niyang marami pa rin ang natira para sa akin.
Ako naman ngayon ang hindi na makapagsalita dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Ramdam ko rin ang pangangawit ng panga ko dahil kanina pa ako nakangiti na parang ewan.
Aksidenteng nagtama ang mga mata namin nang magsimula muli kaming kumain at bigla na lamang kaming napahalakhak. Wala nang pakealam sa ibang taong kumakain.
Wala naman na kaming practice mamayang hapon kaya nagtagal kami ng halos dalawang oras sa fast-food chain bago kami nagpasyang umuwi na.
Inihatid ako ni Eulcrist sa bahay at aayain ko sana siyang tumuloy muna sa loob nang biglang tumawag si Tito Dion sa kan'ya at mukhang may iniutos ito kay Eul dahil nagmamadali siyang nagpaalam sa akin.
"Sunduin kita bukas. Bye, Shi," mabilis niyang saad, kasing bilis din ng paghalik niya sa noo ko bago siya kumaripas ng takbo papauwi sa kanila.
Napahawak ako sa tapat ng puso ko nang hindi ko ito makalma sa pagwawala. Hinintay ko pang kumalma ako bago ako pumasok sa bahay.
Naabutan kong nanonood ng tv sina Kuya Nehem at Julian sa salas at mukhang nasa banyo naman si Lola at pinapaliguan si Tate dahil dinig ko ang pagtili at tawa ni Tate habang si Lola naman ay pinapakalma ito habang binubuhusan ng tubig. Muntik ko pang hindi makita si Ariella. Nasa carpet ito sa gilid lang nila Kuya at mahimbing na natutulog mukhang kauuwi lang niya dahil suot pa rin niya ang kan'yang uniform. Hindi ko na siya ginising dahil hindi naman siya lalamigin doon at malinis naman ang carpet dahil kalalagay ko lang iyon no'ng isang araw at mukhang naglinis naman ng bahay si Lola kanina.
"Ate Shi!" pagbati ni Julian nang makita niya ako. Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti. Mabilis lang namang lumingon si Kuya bago niya binalik ang paningin sa tv.
"Kumain na kayo?" tanong ko habang binibigyan ko ng tubig si Merida na ngayon ay masayang pinapagalaw ang kan'yang buntot.
"Opo, Ate. Kain ka na rin, Ate!"
Tumango ako. "Tapos na."
Pumasok na ako sa aming silid para makapagbihis dahil ang init. Sinuot ko ang lumang navy blue P.E uniform t-shirt ko noong grade 8 bago ang puting short pants ko.
Balak ko sanang matulog ngunit nang makita ko kung gaano karumi at gulo ng kuwarto namin ay nagpasya akong maglinis na lang. Sa sobrang busy ko sa school noong nakaraang linggo ay hindi ko na naasikasong ayusin 'to.
Napahinga ako nang maluwag pagkatapos kong linisin ang kuwarto namin. Nagpalit na rin ako ng bedsheet at punda ng unan maging ang kumot na gamit namin. Ang natitira na lang na aayusin ko ay ang mga damit sa kabinet namin na tila binagyo na.
Patapos na ako sa pagtutupi ng mga damit ko sa huling drawer nang makita ko ang nakataob na picture sa gilid. Kumunot ang noo ko dahil wala akong maalalang nilagay ko roon. Kinuha ko iyon at hindi nagdalawang isip na iharap na agad kong pinagsisisihan. Napatigil ako sa paghinga nang tumambad sa akin ang picture naming tatlo nina Mama at Papa. It was my 3rd birthday, based on the date that was printed on the left side of the picture.
Mama was on my left side, while Papa was on my right. They were genuinely smiling while looking at me as they gently held me in place while I was blowing out the candle on my rectangular chocolate cake.
I remember that it was my favorite photo of us. Simply because the picture shows how my parents loved me at that time. And until now, it has been my favorite.
Noon, tanging saya lang ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko ito, pero ngayon may halo nang kirot sa puso at matinding pangungulila.
Kung puwede lang bumalik sa panahong iyon, pipiliin kong doon na lang manatili kaso hindi, e.
Bumigat at sumikip ang dibdib ko. Nanlabo ang mga mata ko at mabilis na pumatak ang mabibigat kong luha sa picture na hawak ko. Bago pa man ako tuluyang manghina ay ini-lock ko muna ang pinto para walang makapasok.
Muli akong napaupo sa sahig at napasandal sa pintuan habang tahimik na umiiyak at nakatingin pa rin sa picture na hawak ko.
Nakakausap ko man si Mama pero patuloy ko pa ring hinahanap ang pagmamahal ng isang ina. Parang simula noong iniwan kami ni Papa ay iniwan na rin ako ni Mama.
Hindi ko man maamin dala ng galit at sakit na kinikimkim ko pero miss ko na sila. Miss na miss ko na ang mga magulang ko.
Nang mahimasmasan ako ay napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko. Namumula ang mga mata at ilong ko. Magulo rin ang buhok ko kaya tinanggal ko ang pagkakatali nito. Habang pinagmamasdan ko ang mahaba kong buhok bigla na lang pumasok sa isip ko na gupitin ito.
Binalewala ko ang ideyang iyon at tuluyan nang tumayo para tapusin na ang naudlot na trabaho kanina. Pero habang abala ako sa pag-aayos ng mga damit ko ay abala rin sa paglalakbay ang isipan ko. Hindi ito nakatutulong dahil puro negatibo ang naiisip ko.
Muling nanumbalik sa aking isipan ang pag-iwan sa amin ni Papa at ang muling pagkikita namin noong huling Biyernes. Sinabayan pa noong maalala ko ang chat sa akin ni Mama kanina. Sa lahat ng aspeto, hindi ako kailanman naging sapat para sa kan'ya.
Ang daming nagbago, na sana hindi na lang nangyari.
Sila ang naging tahanan ko noon, at sobrang hirap pala talagang mabuhay kung hindi ka na makakauwi pa sa iyong minsang naging tahanan.
Hindi kagaya kanina na nanghihina ako sa mga naiisip ko dahil ngayon, ang tanging nararamdaman ko lang ay ang sakit at determinasyong tapusin na ang nararamdamang ito.
I stood up and grabbed the scissors on the table. I stared at my reflection in the mirror first, feeling the rage that was embracing my heart, before cutting my hair short—cutting all the negativity that was running through my mind.
-vidacarryon-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro