Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20

Trigger Warning: Self-harm. Strong Language. Please read at your own risk. Discontinue reading if needed. Thank you.

"Ano bang pumasok sa isip mong bata ka at uminom ka?! Huwag mong subukang magsinungaling pa dahil sinumbong ka ng Lola mo sa 'kin. Oh, tignan mo ngayon nilalagnat ka at nandiyan sa ospital. Panibagong utang na naman sa Lola Pearly mo. Eh, hindi pa nga ako bayad sa kan'ya doon sa huling inutang ko." Bungad ni Mama sa 'kin. Puno ng galit at pagod ang boses niya.

Ilang minuto lang ang nakakalipas nang magkamalay ako. Hindi ko pa nga napoproseso ang mga nangyayari at kung nasaan ako ay tumawag na agad siya. Parang alam na alam niya kung anong oras ako magigising.

Napalunok ako pero kahit na sa paglunok lang ay masakit na sa lalamunan. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay ko.

Ngayong maayos na ang pag-iisip ko. Nakokonsensya ako sa ginawa ko, kahit na sabihin ko na pera ko naman ang ginamit kong pambili ng alak. Mas malaking pera naman ngayon ang gagastusin ni Mama dahil sa kagagawan ko.

Tama rin si Kuya Nehem. Dapat sana ay nasa paaralan ako ngayon at nag-aaral.

Huminga ako nang malalim. "I-I'm sorry, Ma . . ." tanging nasabi ko.

"Ano ba kasing problema mo at uminom ka?"

Para akong nabuhayan ng loob sa tanong na iyan ni Mama. Nanubig ang mga mata ko habang inaalala ko ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Binuka ko ang labi ko at sasabihin na sana sa kan'ya ang problema ko. Handa na sana akong magsumbong na parang bata ngunit kaagad na napaurong ang dila ko at nalunok ko ang lahat ng mga salitang handa na sanang lumabas dahil sa sumunod niyang mga sinabi.

"Nabibigay ko naman lahat ng pangangailangan niyo. May maayos na bahay kayong tinutuluyan. Pagkain. Damit na kada-taon bago. Nakapag-aaral sa magandang paaralan. Nabibigay ko rin ang mga gamit na gusto niyo. Nandiyan naman ang lola Pearly niyo na nagbabantay sa inyo. Kaya ano pang hahanapin mo? Ano pang magiging problema mo, Ciela? Kung 'yang tatay mo ang iniisip mo kalimutan mo na 'yan dahil matagal niya na tayong kinalimutan!"

Inilayo ko ang hawak kong cellphone sa lakas ng sigaw ni Mama. Agad ko rin itong binalik sa tainga ko at sinubukang magsalita pero hindi ko na siya kaya pang kausapin.

Nanlabo ang mga mata ko. Pilitin kong mang huwag umiyak ay wala akong laban sa mga mabibigat na patak ng luha kong kusang kumakawala sa mata ko. Sobrang sikip ng dibdib ko at masakit ang puso ko sa sobrang pagpipigil kong huminga. Tinakpan ko ang bibig ko nang hindi ko na kaya at tuluyan nang napahikbi.

Akala ko pa naman handang makinig si Mama sa 'kin. Akala ko kakampi ko siya. Akala ko tutulungan niya ako, pero hindi. She just invalidated my feelings. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong karapatang masaktan. Pakiramdam ko nagloloko lang ang sarili ko sa mga nararamdaman ko.

Binitawan ko na ang cellphone ko. Ayoko na siyang kausapin. Ibababa ko na sana ang tawag nang makita kong ibinaba na pala niya ito.

Nilapag ko ang cellphone ko sa side table bago ako muling humiga at nagtago sa kumot. Muling kumawala ang mga luha sa mata ko. Umiyak lang ako hanggang sa sumakit ang ulo ko at nakatulog na ako.

"Kain ka na, Shi," mahinang sabi ni Ate Tali sa 'kin at akmang susubuan ako nang nahihiyang kinuha ko mula sa kan'ya ang kutsara.

"Ako na, Ate," paos kong sabi.

Tumango naman siya at hinayaan niya na akong kumain pero hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. Kaya ko pa naman kumain mag-isa at saka weird din na susubuan ako ni Ate, hindi naman na ako bata.

Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang hindi inalis ni Ate ang paningin niya sa akin. Nang hindi ako nakatiis ay sinalubong ko ang mga mata niya. Tinaas ko ang dalawang kilay ko bilang pagtatanong.

Huminga nang malalim si Ate. "Ano'ng problema, Shi, at uminom ka?" she softly asked.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Pinanatili ko ang mga mata ko sa hawak kong mangkok na may lugaw. Hinintay kong sabihin niya rin ang mga sinabi sa akin ni Mama kanina pero katahimikan na ang sumunod nang hindi ako sumagot.

Bahagya akong nagulat nang marahang hawakan ni Ate ang kanang kamay ko.

"Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handang magsabi sa akin," panimula niya.

"Alam kong . . . malaki ang pagkukulang ko sa inyo, sa 'yo mismo bilang ate. Hindi ko nga alam kung dapat mo pa ba akong tawaging ate o ako na ang tatawag sa 'yong ate . . . Nakakahiya dahil napunta na lahat sa 'yo ang mga responsibilidad sana namin. T-To be honest, hiyang-hiya na ako sa 'yo, Shi. Kaya hindi na rin ako umuuwi dahil gusto ko talagang maghanap ng trabaho para makatulong sa inyo."

Napatigil ako sa paghinga, hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Impossible ring nagbibiro si Ate dahil ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.

"Nasabi sa akin ni Lola na nagtatrabaho ka raw?" tanong niya nang hindi ako nagsalita.

Tumango ako pero nanatili pa rin akong nakayuko. Sa mga narinig ko mula kay Ate. I realized that I really sacrificed a lot for them. But I don't regret anything because I love them. Kahit na minsan ko lang itong maramdaman sa kanila . . .

"I'm sorry, Shi, kung hindi ako nagpaka-ate . . ." nanginginig ang boses na sabi ni Ate Tali. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko.

"I-I am so sorry, Ciela . . . Sorry kung ngayon lang ako natauhan," saad niya habang pinipigilan niya ang paghikbi. "P-Pangako, babawi ako. Mula ngayon, hindi ka na mag-iisa dahil kasama mo na ako. Pangako, magpapaka-ate na ako."

Tumulo ang luhang pinipigilan ko sa mga salitang binitawan ni Ate, tila niyakap nito ang sugatan kong puso.

"Kaya kung handa ka nang magsabi sa 'kin . . . sabihin mo lang, Shi. Kahit anong oras pa 'yan. Handa akong makinig sa 'yo," saad ni Ate bago niya marahang pinisil ang kamay ko.

Tumango ako bago ko pinunasan ang luha sa pisngi ko. Nagtaka ako nang kinuha ni Ate ang mangkok sa hita ko at nilagay niya ito sa lamesa.

"Halika ka nga rito," aniya at bigla nalang niya akong niyakap.

Akala ko hindi na ako iiyak pero mas lalo pa akong naiyak nang niyakap ko siya pabalik. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Saya, dahil sa wakas may ate na ako. Lungkot, dahil alam kong hindi ko kayang sabihin sa kan'ya ang problema ko. Hindi ko rin alam pero hindi ko talaga kaya. Sana balang araw, kaya kong sabihin sa kan'ya nang walang pag-aalinlangan.

"Ate . . ." pagtawag ko sa kan'ya habang magkayakap pa rin kami.

"Hmm?"

"S-Salamat. Salamat kasi nandito ka na."

Nanginig ang balikat ni Ate. Alam kong umiiyak siya. Marahan kong tinapik ang likod niya.

"Sorry . . ."

Tumango lang ako at sana naramdaman niya iyon. Huli kong naramdaman na may ate ako noong pinagtanggol niya ako kay Kuya Nehem at ngayon, muli ko na namang naramdaman at sana pang habang buhay na 'to.

Nang umalis si Ate para bumili ng pagkain niya ay bigla kong naalala si Auntie Cleo. Agad kong kinuha ang cellphone ko at magtitipa na sana ng sasabihin ko sa kan'ya nang bigla siyang nag-text.

From Auntie Cleo:

Good eve, hija! Kumusta? Bakit hindi ka pumasok sa trabaho? Ayos ka lang ba?

I smiled as I felt the warmth that is embracing my heavy heart. Akala ko pa naman magagalit siya dahil hindi ako nagpaalam pero heto siya at tinatanong kung ayos lang ba ako.

To Auntie Cleo:

Good evening too, Auntie. Sorry hindi po ako pumasok ngayon sa trabaho. Nilalagnat po kasi ako. Bukas po promise, magtatrabaho ako.

Wala pang isang minuto ay agad na siyang nagreply.

From Auntie Cleo:

Naku! Kahit huwag ka nang magtrabaho bukas. Magpagaling ka muna. Unahin mo muna ang sarili mo bago ang lahat. Sige na, magpahinga ka na. Get well soon, hija.

Napatagal ang titig ko sa cellphone ko.

Unahin mo muna ang sarili mo bago ang lahat.

Paulit-ulit ko 'yang binasa at pagak akong natawa nang wala akong maalala na inuna ko ang sarili ko. Hindi ako sanay. At sa tuwing susubukan ko . . . nakokonsensya ako. Pero hindi ko rin maiwasang itanong sa sarili, ano kaya ang pakiramdam na sarili ko ang inuuna ko?

Pero malabong unahin ko pa ang sarili ko dahil ngayon ay nagmamakaawa ako kay Lola na umuwi na lang kami dahil kaya ko pa naman.

Kaya ko pa namang magpanggap na ayos lang ako.

"'La, sige na. Umuwi na lang tayo. Kaya ko naman na. Gagaling din naman ako sa bahay," pamimilit ko habang umiiling si Lola.

"Walang uuwi, dito lang tayo hanggang sa gumaling ka," matigas na sabi ni Lola.

Si Lola ang bantay ko ngayong gabi dahil umuwi si Ate para bantayan ang mga bata pati na rin si Kuya na may sugat sa paas. Sa sobrang kalasingan daw niya ay naapakan niya ang mga malalaking bubog ng bote ng alak. Mabuti na lang at may nagdala sa kan'ya rito sa ospital.

"Please, Lola. Ayoko rito. Umuwi na tayo," pamimilit ko na parang bata.

"Bakit ba gustong-gusto mong umuwi?"

Natigilan ako. Gusto kong umuwi dahil alam kong kapag nagtagal pa kami rito mas malaki ang babayaran ni Lola. Pero hindi ko iyon sasabihin dahil alam kong magagalit sa 'kin si Lola at mas lalong hindi kami makaka-uwi ngayon.

Huminga ako nang malalim nang makaisip ako ng rason na alam kong papayag si Lola na umuwi kami ngayon.

"Ayoko rito, 'La. Naaalala ko kasi no'ng huli akong sinugod sa ospital. Nung bata pa ako . . . at nasaksihan ko kung paano–" Hindi ko intensyon na mababasag ang boses ko pero masakit pa rin palang alalahanin iyon.

Napatingin ako kay Lola nang tumango siya. Bakas ang simpatya at sakit sa mga mata niya. "Gusto ko man na gumaling ka rito, naiintindihan kita, apo. Hintayin mo 'ko rito at tatanungin ko ang doktor mo kung puwede kang umuwi ngayon."

Agad akong tumango. Gusto ko mang ngumiti dahil nanalo ako, hindi ko magawa dahil biglang bumigat ang puso ko. Kasalanan ko naman dahil naalala ko pa. Ang sakit pa rin pala. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang kahapon lang na naghiwalay sina Mama at Papa dahil hanggang ngayon malinaw pa rin sa akin ang lahat nang nangyari. Malinaw pa rin sa 'kin kung gaano kawasak si Mama no'ng tinanong niya si Papa kung mahal pa ba siya nito. Malinaw din sa akin kung paano umiling si Papa.

Umiling ako para mawala ito sa isip ko. Binasa ko ang tuyo kong labi at agad kong nalasahan ang maalat kong luha. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at pilit kong kinalma ang sarili.

Nang maka-uwi kami ni Lola ay wala na akong lakas pang kausapin ang tatlong bata. Nginitian ko lang sila bago ako nagtungo sa kwarto ko at nahiga na sa kama. Agad din akong nakatulog.

Nagising akong nilalamig at nanginginig. Niyakap ko ang isang unan para maibsan ang lamig. Nagtago rin ako sa mga makakapal kong kumot. Nang makaramdam ako ng init ay muli akong nakatulog.

Nagising akong pawisan ngunit magaan na ang pakiramdam. Umupo ako sa kama at inabot ang thermometer. Nilagay ko ito sa kili-kili ko at nang tumunog na ay kinuha ko ito at agad akong nakahinga nang maluwag nang wala na akong lagnat.

Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko nang makitang alas-siyete na pala ng umaga. Dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Wala nang tao sa bahay dahil tahimik na ito.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Natawa ako nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin habang nagsusuklay ako. Bahagya palang nagasgas ang gilid ng noo ko sa bandang kanan.

"Gaga," saad ko sa sarili bago natatawang napailing.

Nang matapos ako ay kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa kwarto. Hindi na ako kumain pa at diretso na lang na lumabas ng bahay at ni-lock ang pinto. Iniwan ko ang susi sa ilalim ng flower pot na nasa gilid ng pinto.

"Kumusta?" tanong agad ni Eulcrist pagkapasok ko sa room. Agad siyang lumapit sa 'kin hindi pa man ako nakakarating sa upuan ko. Malaya akong nakapasok sa room dahil wala kaming subject teacher ngayon. Buti na lang talaga at wala dahil ayokong kumuha ng admission slip sa guidance.

Tipid akong ngumiti sa kan'ya habang nakatingin sa mga mata niyang punong-puno ng pag-aalala. "Ayos na ako, Eul. Thank you sa paghatid sa akin pauwi. Thank you talaga."

Napangiti si Eulcrist bago niya pinatong ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko at mabilis niyang ginulo ang buhok ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Eul!" singhal ko.

"Huwag mo na ulit gagawin 'yon," matigas niyang sabi. Seryoso na siya.

Tumango lang ako na parang bata.

Napailing siya at muling ginulo ang buhok ko. "You have no idea how worried I am to you, Ciela Serene. Please, never drink liquor again."

Tumango ako. Hindi ko alam pero natutuwa ako habang nakatingin sa kan'ya. Hindi ko rin mapigilan ang hagikhik ko. Tuluyan akong natawa nang may naalala ako.

"Akala ko ba mag-d-date tayo?" pang-aasar ko sa kan'ya.

He chuckled. "Nakatulog ka kahapon, eh. Mamaya na lang sa bahay."

Nanlaki ang mga mata ko. "Huy! Nagbibiro ako!"

Nagkibit siya ng balikat. "Nagkataon din na nagyaya si Nanay na kumain daw tayo ng hapunan sa bahay. Miss ka na raw niya."

"T-Talaga?" gulat kong tanong.

Tumango siya habang inaayos ang ginulo niyang buhok ko. Bigla tuloy akong napatigil sa paghinga at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang pinapanood siyang seryosong nakatingin sa buhok ko habang inaayos niya ito. Nakaramdam ako ng kiliti sa tuktok ng ulo ko at dumaloy ito hanggang sa batok ko pababa sa likuran ko na parang kuryente.

Ano'ng nangyayari sa 'kin?

"Ayan! Mukha ka nang tao."

Napabalik ako sa realidad nang magsalita si Eulcrist. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at tumingkayad para guluhin din ang buhok niya.

"Ayan. Mas nagmukha kang unggoy," pang-aasar ko.

Umakto siya na parang nasasaktan. "Oh, please. Huwag kang manalamin, Shi."

"Bwisit!" pikon kong singhal at iniwan siya sa kinatatayuan niya. Narinig ko ang halakhak niya habang nilalagay ko ang bag ko sa armchair ko.

"Ciela! Bakit ka absent kahapon?" tanong ni Venna nang makalapit siya sa akin.

"Sayang! Alam mo ba na wala kaming ginawa kahapon? Nagpameryenda rin si principal no'ng pumunta siya rito sa room! Ang saya kahapon!" pagkuwento ni Kendra.

Napanguso ako. Ano ba 'yan! Palagi na lang swerte ang araw tuwing aabsent ako!

"Talaga? Sayang nga."

"Bakit ba kasi wala ka kahapon?" tanong ni Venna.

Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring inaayos ko ang blouse ko kahit maayos naman ito. "Ano . . . Masakit kasi ang ulo ko kahapon."

"Naku! Ayos ka na ba ngayon?" tanong ni Kendra.

Tumingin ako sa kan'ya at tumango. Nakahinga naman siya nang maluwag. Lihim akong napangiti dahil bakas sa mukha nila ang pag-aalala sa 'kin. I'm happy to know that I have them who genuinely cares for me.

"Wala namang may birthday sa inyo. Kaya ano ang okasyon, Eul? Bakit bigla akong inimbita ni Tita Wends para mag-dinner sa inyo?" takang tanong ko kay Eulcrist habang naglalakad kami pauwi sa kanila.

"Miss ka nga raw niya," sagot niya.

Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi talaga ako kumbinsido diyan eh. Ano ba kasi?" pamimilit ko at niyugyug na ang braso niyang hawak ko.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Tumingin siya sa akin, agad ko ring sinalubong ang mga mata niya. Kitang-kita ko roon ang pagdadalawang isip niya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.

"Sabihin mo na," pamimilit ko.

Huminga siya nang malalim. "I can't."

"Gagi, eh papunta na tayo. Malalaman ko pa rin. Kaya sabihin mo na para naman alam ko kung paano ko babatiin sina Tita at Tito."

Humugot muli siya nang malalim na hininga at tinitigan lang ako sa mata. Tila tinitimbang niya ang sitwasyon at pinag-iisipang mabuti ang sasabihin niya. "Ano . . ." panimula niya.

"Ano?" atat kong tanong.

"A-Anniversary kasi nina Nanay at Tatay. At gusto nilang kasama ka namin kasi nga raw matagal ka na nilang hindi nakakamusta . . ." mabilis niyang sabi.

Bahagyang umawang ang labi ko at napatango. Kaya naman pala nagdadalawang isip siyang sabihin sa akin ang totoong dahilan. Kasi akala niya masasaktan ako. Bakit naman ako masasaktan? Tanggap ko nang wala na sina Mama at P apa. At saka bakit ko naman ikalulungkot ang celebration ng anniversary ng mga magulang niya? Natutuwa pa nga ako dahil hanggang ngayon patunay ito na matibay ang pagmamahalan nila.

Agad akong nakabawi at ngumiti sa kan'ya. "Gagi ka! Bakit hindi mo sinabi agad! E 'di sana nakabili manlang tayo ng regalo para sa kanila. Anniversary nila ngayon tapos pupunta lang ako para makikain! Nakakahiya!"

Nakahinga nang maluwag si Eulcrist at napangiti na rin. "Bilin din nila na huwag kitang pagagastusin dahil alam nilang bibili at bibili ka ng regalo. Presensya mo lang daw, sapat na."

Napangiti ako at para akong maiiyak sa narinig pero agad ko iyong pinigilan. "Sweet naman nila. Tara na! Gusto ko na silang mayakap nang bongga!" saad ko sabay kawit ng kamay ko sa braso niya at naglakad na muli kami.

Natatawa naman siyang nagpatianod sa akin.

"May graham ba?" tanong ko makalipas ang ilang minuto.

He chuckled. "'Yun pa ba ang mawawala? Syempre meron, darating ka eh."

Napangiti ako. "Mag-uuwi ako, ha?" pagbibiro ko.

"Sige lang. Nakakahiya namang pagbawalan ang nahihiyang bisita namin kasi makikikain lang daw," pang-aasar niya.

Pinisil ko ang braso niya. "Manahimik ka, nahihiya talaga ako."

Hindi niya napigilan ang paghalakhak. "Weh? Saan? Pakituro nga Shi."

Huminto ako sa paglalakad para iangat ang kanang paa ko. "Dito!" saad ko sabay turo ko sa talampakan ko at malakas na tumawa. Agad din siyang napahalakhak. Tuloy ay para kaming lasing na naglalakad dahil halos maupo na kami sa kalsada. Jusko, ang babaw talaga ng kaligayahan namin.

"Happy anniversary po!" bati ko kina Tito Dion at Tita Wendy nang makarating kami ni Eulcrist sa bahay nila. Halatang hindi pa tapos si Tita Wendy sa pagluluto dahil nakasuot pa rin siya ng apron at may hawak na sandok. Si Tito Dion naman ay halatang kauuwi lang dahil nakasuot pa rin siya ng polo at slacks. Mukhang galing siya sa simbahan.

I can feel the heaviness of my heart as I watch this nostalgic scenery in front of me. I smiled to hide the heaviness that was starting to drown me.

Nagmano ako sa kanilang dalawa. Sumunod din si Eulcrist sa akin. Nakangiti pa rin ako nang umayos ako ng tayo. Matamis din silang nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Mabuti naman at nakarating ka, hija," ani Tita Wendy.

Buti nga talaga dahil wala rin akong trabaho ngayon. Hindi ako makokonsensyang hindi ako pumasok. Masaya kong makakausap sila Tita.

"Kaya nga po! Sorry po at wala akong dalang regalo. Nasabi rin po ni Eul na ayaw niyo po? Sure na po talaga kayo? Bibili po kami ngayon kahit coke lang," saad ko dahil parang iba talaga kapag wala akong dalang pupunta rito.

Natawa si Tito. "Hindi na kailangan, hija. Masaya na kaming nandito ka ngayon."

Napangiti ako. "Na-miss ko po kayo," tanging nasabi ko.

"Na-miss ka rin namin, Ciela," ani Tita.

Ngayon ko lang natanto na ang tagal na nga naming hindi nakakapag-usap. Tuwing nasa simbahan kasi kami ay literal lang na nagkikita kami. Wala na kasi akong oras pang kausapin sila dahil agad kaming umuuwi nina Lola at ang mga bata para makapaghanda ako sa trabaho.

"Shi!"

Napatingin ako sa may kusina nang marinig ko ang pamilyar na boses na tinawag ang pangalan ko.

Agad akong napangiti nang makita ko si Kuya Jarrel na mukhang bagong bihis dahil katatapos lang niyang maligo base sa basa niyang buhok.

"Kuya!" masayang bati ko.

Agad siyang naglakad papalapit sa amin at nakipag-high five agad sa 'kin.

"Kumusta na? Tumangkad ka pa lalo ah."

Napangiti ako. "Ayos lang, Kuya. Ikaw, kumusta ka na? Kumusta ang Baguio? May girlfriend ka na ba?" tukso ko.

Natawa si Kuya Jarrel. "Unang tanong, ayos na ayos lang! Second, malamig pa rin. Huling tanong, girlfriend? Saka na 'yan!" sagot niya bago siya tumingin kay Eulcrist na nasa likuran ko. "Ang tanungin natin, ang baby boy natin! Ano na baby boy? Girlfriend na ba?" Tumaas baba ang kilay ni Kuya Jarrel halatang tinutukso ang kapatid.

Kumunot ang noo ko dahil parang mali ang paraan ng pagtanong ni Kuya.

"'Nay, oh!" pagsusumbong ni Eulcrist na parang bata sa ina.

Napahalakhak ako kasabay nina Kuya Jarrel at Tito Dion. Natawa rin si Tita Wendy ngunit umaktong nagagalit sa panganay.

"Huwag mo ngang tuksuhin 'yang baby boy natin. Baby pa 'yan kaya bawal muna ang girlfriend."

Napatingin ako kay Eulcrist. Tumango-tango naman ito sa sinabi ng ina bago tumingin sa kuya niya at binelatan niya ito. Napatingin ako kay Kuya Jarrel at natawa ako nang binelatan niya rin ito pabalik.

Para silang mga bata.

"Hay, sweetheart. Walang masama sa pag-g-girlfriend at boyfriend," ani Tito Dion. Napatingin ako sa kan'ya at napangiti ako nang masuyo niyang akbayan ang misis.

"Parte 'yan ng pagbibinata at pagdadalaga. Ang masama lang ay kung uunahin nila ito kesa sa pag-aaral," saad ni Tito Dion.

Napatango ako dahil tama naman siya. Gaya na lang ni Ate na inuna niya ito kesa sa pag-aaral kaya ngayon ay may Tate na naglalaro sa bahay. Pero buti na lang at nag-aaral na ulit siya.

"Kaya kayo mga bata, ayos lang 'yang love love na 'yan. Normal lang 'yan. Pero alamin niyo ang limitasyon niyo. Pag-aaral muna. At kung meron na kayong partner, lagi niyong ilagay sa gitna ang Panginoong Diyos para hindi kayo maligaw ng landas at maging successful ang relationship niyo. Naku, sigurado pang makakatapos kayo sa pag-aaral," bilin ni Tito Dion.

"Gaya na lang natin 'di ba, sweetheart?" malambing na tanong ni Tito kay Tita. Agad namang namula si Tita. Kaya natawa kaming nanonood sa kanila.

"Naku! Tama na ang harutan. Luto na 'yong adobo, 'Nay. Ako na ang tumapos kanina, kumain na tayo dahil gutom na tayong lahat," pambabasag ni Kuya Jarrel sa moment ng mga magulang.

Natawa lang naman sila at sumang-ayon na sa hinaing ng panganay.

Nang malagay na lahat ng pagkain sa hapag-kainan at nakapuwesto na kami, akmang tatayo na sana ako para sumandok ng kanin namin nang bigla silang yumuko at nanalangin si Tito Dion.

Ramdam ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Kinagat ko ang labi ko at yumuko na lang din. Pinagpapasalamat ko na hindi ako tuluyang tumayo.

Nang matapos si Tito sa pagdarasal ay hinayaan ko na lang si Eulcrist na sumandok ng pagkain ko. Nahihiya pa rin ako sa balak ko sanang gawin kanina. Buti na lang talaga at hindi nila ito nahalata. Baka umuwi na ako 'pag nangyari 'yon.

"Kumusta ang pag-aaral, Shi?" tanong ni Tita Wendy habang kumakain kami.

Agad kong nilunok ang nginunguya ko para makasagot kay Tita. "Ayos lang naman po."

Tumango siya. "Kung nahihirapan ka sa kahit anong subject, huwag kang magdalawang isip na magpaturo kay Euli, ha?"

Ngumiti ako. "Opo. Tinuturuan din naman po ako ni Eulcrist kapag hindi ko po naiintindihan ang lesson namin."

"Turuan mo rin mahalin ka, bunso," bulong ni Kuya Jarrel sa kapatid na hindi ko gaanong naintindihan kaya bahagyang kumunot ang noo ko nang bigla siyang sinubuan ni Eulcrist ng hita ng manok.

Napahalakhak si Tito Dion sa kabisera. Nasa kanan niya si Tita Wendy at katabi naman ako ni Tita. Sa kabila ay sina Eulcrist at Kuya Jarrel. Nasa harapan ko si Eulcrist.

"Kumusta ka naman?" marahang tanong ni Tita sa 'kin.

Parang piniga ang puso sa sobrang tuwa na sa puntong ang sakit nito. Para sa inang kagaya niya, iba ang tama ng tanong niya sa akin. Gusto kong maluha dahil ni minsan hindi ako tinanong ni Mama kung kumusta na ba ako. Ang palaging tanong niya sa akin, kumusta na ang mga kapatid mo?

Kaya ngayong si Tita Wendy ang nagtatanong parang gusto kong isagot na: Pagod na ako, Tita, pero kailangan ko pang lumaban. Kaya ko pa naman at kakayanin ko pa.

Pero imbes na sabihin ko iyon. Ngumiti ako sa kan'ya at sinabing, "Ayos lang ako, Tita."

Malambing ngumiti si Tita sa akin at hinawakan ang kamay ko. Bahagya pa akong nagulat. Tila may sariling mundo kami dahil kahit na nag-iingay ang mag-aama ay si Tita Wendy lang ang naririnig ko.

"Kung may problema ka, handa akong makinig, hija. Para mo na rin akong nanay kaya huwag kang mahihiyang magsabi sa akin, ha? Hindi ka nag-iisa."

Hindi ko mapigilang hindi maluha sa mga sinabi niya. Bakit ang dali lang para kay Tita Wendy na sabihin 'yan? Pero bakit parang ang hirap-hirap para kay Mama?

Tumango lang ako kay Tita kahit na gusto kong magpasalamat sa kan'ya. Hindi ko gustong magsalita dahil alam kong mababasag ang boses ko at iiyak ako kapag nagsalita ako.

Nakauwi na ako sa bahay pero nakatatak pa rin sa akin ang mga sinabi ni Tita. Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sana . . . sana si Mama ang nagsabi no'n sa 'kin.

Binati muli ako ng mga bata. Nginitian ko lang sila at matamlay na sinabing may graham sa lamesa bago ako dumiretso sa kuwarto ko at nagkulong. Sinigurado ko ring naka-lock ang pinto dahil gusto ko munang mapag-isa sa ngayon. Gusto ko munang umiyak.

Habang tulala akong nakaupo sa kama at nakasandal sa pader ay hindi ko maiwasang ikumpara ang bahay namin kila Eulcrist. Buhay na buhay sa kanila. Masaya at parang lahat ng problemang daraan sa kanila ay kayang-kaya nilang lampasan dahil magkakasama sila. Sobrang saya na maiiyak ako sa inggit dahil alam kong wala na kaming gano'n.

Nawalan na ng kulay ang minsang tahanan namin.

Hindi ko na kilala ang bahay na 'to.

Alam kong may nagmamahal sa akin. Alam kong maraming handang tumulong sa akin.

Pero pakiramdam ko . . . mag-isa lang ako.

Hindi ko na alam.

Ang dami kong nararamdaman ngayon na sa puntong naguguluhan na ako.

Gusto kong maka-uwi kahit na nakauwi naman na ako. Hindi ko alam pero may gusto akong uwian. I wanted to be home again. I wanted to feel that warmth again. I wanted to feel the joy that it brings once again. But I know that it's already in the past and it will always remain in the past.

It sucks.

It hurts.

Gusto kong umiyak.

Pero walang luhang lumalabas sa mata ko. Naiinis ako. Mas sumikip ang dibdib ko dahil gustong-gusto ko na talagang umiyak para mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko dahil sinasakal na ako nito. Sinasakal na ako nito na hindi na ako makahinga. Pero wala pa ring luha. Pumikit ako at bigla akong may naaalala.

Nang mangyari 'yon hindi ko maitatangging nakahinga ako nang maluwag doon.

Agad akong tumayo mula sa kama at hinanap ang bagong pantasa na nakatago sa drawer. Agad ko itong nakita at kinuha. Kinuha ko ang ruler at ginamit ang matulis na gilid nito para paikutin ang screw na nakakabit sa blade. Nang matanggal ko ang blade mula sa pantasa ay napaupo ako sa sahig at sumandal sa dulo ng kama.

Hawak-hawak ko pa rin ang blade habang pinagmamasdan ko ang kaliwang palapulsuhan ko. Nanlalamig at nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang maliit na blade. Patuloy pa rin akong sinasakal ng sakit. Hindi na ako makahinga. Para akong nalulunod sa malalim na dagat. Ang sikip-sikip ng dibdib ko.

Ngunit nang mariin na humiwa ang manipis at matalim na bakal sa palapulsuhan ko at nagsimulang lumabas ang dugo mula sa hiwa para akong nakaahon at nakahinga nang maluwag.

Nabitawan ko ang blade na hawak ko at pinanood ko kung paano lumabas at tumulo ang dugo pababa sa braso ko. Aksidente akong napatingin sa salamin na nasa gilid ko.

Lifeless.

That's the only word that can describe my eyes.

I lowered my gaze and I saw the reflection of my wrist that was full of blood. My eyes began to blur and, in a snap, I cried. Hard.

-vidacarryon-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro