CHAPTER 4
HTS ONE #UTS
"S'ya ata yung lalaking 'yon, no'ng mga bata pa kami ni Sakiya?" I asked myself in a whispered tone, and I tried to remember what happened when we were kids.
Habang tumatakbo kami ni Sakiya at hinahabol ang ice cream vendor, hindi ko mapigilang matawa dahil ang sipon n'ya ay kumakalat na sa kanyang mukha at hindi man lang n'ya naisipan pang punasan ito.
"Klaire, paunahan tayo kay kuya ice cream," sabi pa niya na akala mo'y walang uhog na kumakalat sa kanyang mukha.
"Sige ba," sinabi ko 'yon nang may paghahamon. "Kuya ice cream, pabili!" sigaw ko pa.
Pero mukhang sadyang bingi talaga ang tindero at hindi man lang ako narinig, at ito'y nag tutuloy-tuloy pa sa pag bi-bisikleta.
Naunahan na ako ni Sakiya sa pagtakbo dahil hinihingal na rin ako at nakakaramdam na rin ako ng pagod.
Tinawag ko si Sakiya dahil nahuhuli na ako at baka hindi ko na maabutan ang ice cream vendor. Ngunit hindi man lang ako nilingon o pinansin lang ni Sakiya at tuloy tuloy lang s'ya sa pagtakbo.
"Sakiya hintayin mo 'ko!" sigaw ko nang todo at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.
Ngunit sa isang maling hakbang ng paa ko, bigla akong natisod sa bato. At ang masaklap pa nito, may naka-usli rito.
"Aray ko! Sakiya, tulong!" sigaw kong muli kaso nang i-angat ko ang ulo ko, ang layo na ni Sakiya at naabutan na n'ya ang ice cream vendor at kinawayan pa ako.
"Bakit naman ang malas ko ngayon, Mama!" sigaw ko at hindi ko na napigilan pang umiyak sa sobrang hapdi ng sugat na tinamo ko.
Habang pinipilit kong tumayo, may lumapit sa 'kin na isang batang lalaki, akala ko'y tutulungan n'ya ako pero ang ginawa niya ay tinulak at tinukso pa ako.
"Ah, ble buti nga sa 'yo lampa! Lampa!" panunukso ng batang tumulak sa 'kin at pinagtawanan pa ako nito.
Mas lalo lamang lumakas ang iyak ko ng dahil sa ginawa ng bata. Patuloy pa rin ako nitong tinutukso ng bigla muling may sumulpot na isang lalaki sa tabi ko at tinulungan akong makatayo nito.
"Hey, let me help you," sabi n'ya, naiintindihan ko naman s'ya pero ang problema hindi ako marunong makipag-usap na gamit ang Ingles na lenggwahe.
Hinayaan ko na lang na tulungan n'ya ako dahil hindi ko na rin naman na kaya ang sarili ko.
Hinatid n'ya ako sa isang upuan na malapit sa 'min at sinenyasan n'ya akong ma-upo rito.
"Aray! Mama!" muling bulyaw ko dahil ang hapdi na ng sugat ko, kahit hindi pa ginagamot ito.
"Hey shh, don't worry, I'll treat your wound, shh t-tahan n-na," sabi pa n'ya sa akin at hindi ko mapigilang matawa dahil medyo bulol pa s'ya sa pagsasalita ng Tagalog.
"Hey why are you laughing?" tanong niya at nakikita kong namumula na ang kanyang tenga ng dahil sa hiya.
"Wala wala." At hindi ko mapigilang mapahagikgik.
Nakita kong nangunot ang kanyang noo, siguro dahil hindi n'ya naintindihan ang pagta-tagalog ko.
Sinimulan na n'ya ang pag-gagamot ng sugat ko, at hindi ko mapigilang mapahiyaw sa sakit.
"Aray! Teka naman, dahan dahan lang po kuya!" hiyaw ko dahil sobrang sakit ng ginagawa n'ya.
Paano ba naman nilagyan n'ya ito ng dala-dala n'yang maliit na alcohol at bigla n'ya lamang itong binuhos. Hindi man lang dinahan-dahan, at humingi ng permiso ko kung papayag ba akong lagyan n'ya ito.
"Shh m-malapit tapos," sabi n'ya nang kulang kulang. Muli akong napahagikgik ngunit mas lalo lamang humapdi ang ang sugat, kaya pinigilan ko na lamang na matawa.
Pagtapos n'yang ilagay ang alcohol may kinuha siyang panyo sa kanyang bulsa at pinulupot ito sa sugat ko.
"You better go to the clinical or to your doctor to check your wound," sabi niya at mukha s'yang nag-aalala.
Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa 'kin nang nakangiti.
Do'n ko lang s'ya napagmasdan nang maigi. Ang mga mata n'ya ay walang kabuhay-buhay kung tumingin, pero nagagawa n'yang ngumiti. Ang mga kilay n'ya ay makakapal at wala pa ito sa ayos. Samantalang ang kanyang ilong ay perpektong perpekto. Ang mga labi niya ay mamula-mula na akala mo'y nilagyan ng lipstick. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya, sa ganda ba naman ng kanyang mukha sino ang hindi mapapatulala?
"Hey lady, why are staring at me like that?" sabi niya na nakapagbalik sa wisyo ko.
"Ah—e-eh, ano maraming salamat sa tulong mo, ako nga pala si Klaire," saad ko nang nakangiti at inilahad sa kanya ang kamay ko.
"You're welcome, my name is Kiel." At ini-abot n'ya sa 'kin ang kanyang kamay.
'Wow naman naintindihan.'
Hindi ko maalis-alis ang pagkaka-hawak ko sa kamay n'ya dahil ang lambot nito, at aakalain mong isa itong isang mamahaling tela sa sobrang sarap hawakan.
Napa-ubo siya sa inasal ko. Dali dali ko namang binitawan ang pagkakahawak ko sa kamay n'ya at baka kung ano pa ang isipin niya kapag nagkaton.
Walang umimik sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na rin naman alam ang aking sasabihin, sapagkat ako'y nakapag pa-salamat na. Hindi ko alam kung aalis na lang ba ako bigla? Tatakbong muli? O kaya tanungin ko na lang kaya s'ya kung ba't n'ya ako tinulungan?
'Tama Klaire, tama.'
Nilingon ko s'ya at akmang magsasalita na ako ng bigla siyang nag salita, na ikinagulat ko nang bahagya.
"What will you do if someone waits for you?" tanong niya nang seryoso habang ang kanyang paningin ay nasa mga kamay n'ya.
Magsasalita na sana ako ng bigla n'yang dugtungan ang kanyang tanong kanina.
"But it is only, until the sunset?" At sa pagkakataong ito, tumingin na s'ya sa mga mata ko.
Nagulat ako sa tanong n'ya, ni hindi man lang ako makakilos sa kinauupuan ko. Hindi ko masiyadong maintindihan ang tanong niya, at wala akong ideya kung bakit niya ito tinatanong sa akin.
Ano nga ba ang gagawin ko kapag may naghintay sa akin, ngunit hanggang sa paglubog ng araw lamang?
Hindi ako nakasagot, dahil ako mismo ay hindi alam ang gagawin.
"Well, never mind just don't even think about it. It's nonsense anyway," sabi n'ya at muli na naman s'yang ngumiti nang pagkalapad-lapad sa akin.
Wala akong masabi sa ginagawa n'ya sa akin, para bang napipi na ako sa mga tanong n'ya lalong lalo na sa ngiti niya.
Maya-maya pa ay nakarinig na lang ako ng isang sigaw mula sa likuran namin.
"Kiel, let's go your dad is waiting for you!" pasigaw na sabi nang babae at siguro ito ang yaya ni Kiel base sa suot nito.
"Hey Klaire, nice meeting you. See you around good bye." Lumapit s'ya sa 'kin at hinawakan ang ibabaw nang ulo ko.
"Paalam." Halos pabulong ko na lamang itong sinabi.
Mga ilang minuto lamang ang nakalipas bigla ng dumating si Sakiya na may dalang ice cream na tunaw na tunaw sa kanyang kamay.
"Napa'no ka?" tanong niya habang dinidila-dilaan ang ice cream.
Hindi ako nakasagot dahil hanggang ngayon okyupado pa rin ng batang lalaki ang aking isipan.
"Ay bahala ka r'yan sumbong na lang kita kay tita." Tumalikod siya sa akin at naglakad papalayo.
Hanggang ngayon ang tanong niya ay nasa isip ko pa rin. Ano'ng ibig sabihin niya? Bakit ako ang tinanong niya?
Tinignan kong muli kung saan siya naglakad papalayo, at naramdaman ko na lang na may isang ngiti na nakaukit sa akin labi.
"Hanggang sa muli, kuya Kiel..."
"So s'ya pala yung lalaking 'yon? Kaya pala pamilyar ang kanyang pangalan at mukha," iiling-iling na sabi ko sa sarili ko.
'Pero bakit kilala s'ya ni Iyah?'
Iwinakli ko na lang sa aking isipan, ang mga alaalang naalala ko at ang mga nangyari kanina. Wala namang magandang dahilan para isipin ko pa iyon.
Sinarado ko na ang cabinet at inumpisahang ayusin ang aking hihigaan. Dahil kinabukasan ay susubukan kong maghanap ng part time job nang sa gayon, hindi mahirapan ang aking mga magulang. Para makatulog na rin sa gastusin sa bahay, kahit pa hindi naman nila ako pinapayagan na magtrabaho.
As I let drowsiness visit me, Kiel's question before, suddenly came up to my mind.
"What will you do if someone waits for you but, it is only until the sunset?"
Actually, hindi ko pa talaga alam, dahil hindi ko pa naman nararanasan. Pero kailang bang maranasan muna, bago malaman?
'Aish, ang gulo.'
"Ba't ba iniisip ko 'yon?" I whispered to myself, and I decided to close my eyes and pray.
Bunganga kaagad ni Sakiya ang narinig ko nang imulat ko ang aking mga mata. Pasiring ko siyang tinignan at hinilot ang sentido ko na bahagyang sumasakit, pero kalauna'y nawala rin agad.
"Hoy Klaire bangon na! Kailan ka pa tinuruan ni tita gumising ng late?" biglang bulyaw sa akin ni Sakiya at napansin kong s'ya ay nakabihis na.
'Sa'n na naman kaya gala nito?'
I checked my phone beside my bed and it's already 8:30 in the morning.
'Ano kayang late don?'
"'Eto na! Teka, sa'n ang punta mo? At naka-ayos ka ngayon?" tanong ko sa kanya, pinasadahan ng tingin ang kaniyang suot.
She was wearing a colored mustered-yellow strappy neck solid jumpsuit, she partneret it with her white rubber shoes. Ang mas fasionable sa aming dalawa ay si Iyah, kung ano ang mga bago sa ngayon, 'yon din ang susuitin niya. Kumabaga, sumasabay siya sa uso ganoon.
"Wala naman. I just want to tour here in Harmown Town," she replied confidently while fixing her hair. "Sama ka?" she asked me.
Gusto ko rin naman sana para maging pamilyar na ako sa lugar na 'to kaso, kailangan kong maghanap ng part time job online, at maya-maya rin naman ay aalis ako. Ayoko na munang ipaalam kay Iyah, dahil pamiguradong isusumbong niya ako sa mga magulang ko.
"Pass, next time na lang," saad ko at dumiretso na papasok sa loob ng banyo.
"Well, bye! I'll see you later!" she bid a good bye and she waved at me before leaving.
While fixing myself. I decided to call my Mom, since I hadn't called her last night. Hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya na may nakuha kaming dorm at wala namang naging problema.
["Hello sweetie, good morning. How are you? May nahananap na ba kayo?"] bungad niya sa akin, at hindi ko mapigilabg mahita dahil mukhang pinag-alala ko talaga ang aking nanay.
"Good morning po. Yes po, Ma. I'm sorry I didn't call you yesterday. I was very tired po kasi. Sorry po Ma," I said apologetically.
[It's okay sweetie. Ang importante okay na kayo r'yan. Anyway, how's your first day there?] she asked, excitedly.
"Good. The place is very cool, and Ma, did you still remember the boy I told you before?" I asked her. And this time, I'm the excited one.
["Sino do'n?"] she said sarcastically while laughing softly.
'Wow Ma, grabe naman po.'
"Si Mama naman," sabi ko na parang bang nagtatampo na.
["Okay, what's with him ba? Saka marami ka naman talagang nasabi na lalaki sa 'kin noon ah?"] she sounds defensive.
I pouted. "The one who asked me "What will you do if someone waits for you but, it is only, until sunset?" I said imitating what Kiel's said to me before.
Wala siyang naging imik sa kabilang linya pagkatapos kong sabihin iyon. Narinig ko pa siyang bahagyag napasighap.
"Ma?"
["O-oh, that boy is Kiel, right?"] she asked me, and it looks like she's still remembered what I told her before.
Hindi ako nakasagot dahil naalala ko naman ang nangyari kahapon. Kung paano n'ya ako tignan, na parang hindi kilala.
'Sabagay, isang beses lang naman kami nagkita.'
'At matagal na panahon na rin ang nakalilipas.'
'Siguro, hindi na n'ya talaga ako naaalala o nakikilala man lang.'
"Bakit ba pino-problema mo 'yon Klaire?" I whispered to myself, and I forgot that I was talking to my mother.
["Hello Klaire, anong pino-problema mo? Magsabi ka nga may nangyari ba?"] she asked me, worriedly.
'Bakit ba kasi ang hilig kong bumulong sa sarili ko.'
"Ah, Ma wala po, may nakita lang po ako sa news feed ko, post po n'ong isa kong friend." palusot ko.
["Well, if that's the case, I believe in you,"] she said, and I think she's smiling right now. ["But don't forget to open up on me whenever you're struggling with any problem, okay?"] she added.
"Yes po Ma. I promised," I said. I even raised my hands as if she was here in front of me.
Hindi ko na muling in-open up ang topic tungkol kay Kiel, ayokong maghinala sa'kin si Mama. At baka kung ano pa ang isipin niya. Ayoko rin naman na magbigay siya ng kung anu-anong pang-asar sa akin ng dahil lang sa nakita ko siya ngayon. Ni hindi na nga ako kilala n'ong lalaking iyon, kaya mas mabuti na rin siguro na 'wag ko na lang din siyang isipin.
["Okay, sweetie, good. Well, anyway, I have already transferred your allowance to your bank account. You can check it at any time.] Narinig kong bahagya siyang may kinuha sa kabilabg linya, pero pinagsawalang-bahala ko na lang.
'I guess kami lang ata 'yung may utang na may bank account?'
"Okay po, Ma. Thank you, I love you. I'll end the call na po." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, dahil mukhang naging busy na rin siya sa kabilang linya, kaya pinatay ko na rin ang tawag.
Ayoko na rin naman na tumutol pa. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na 'wag na nila akong padalhan ng pera. At mas lalong hindi ko rin pwedeng sabihin na magtatrabaho na lang ako at ako ng bahala sa gastusin ko. Paniguradong bubungaan nila ako, at bantay sarado ako sa kanila kapag nagkataon.
Actually, we're not rich, we are not poor. In short, we are the family that so-called-'may kayang-pamilya.
Pero ang kaibahan lang nito, marami kaming utang.
My mother is a teacher in a private school, but she does not receive wages in the right month or right time. And I don't know the reason why. Ayoko rin naman tanungin si mama, tungkol doon at baka hindi niya rin sabihin sa akin. I'm not that person who is always asking. I'm just observing.
While my father, I don't know what exactly his job is. But as far as I remember, it's connected to some sales agent selling some stuff like buhangin, grava, and many more. However, one thing I'm sure about is that it is not a stable job.
Kaya nahihirapan din si Mama, sa pag-handle ng mga utang namin. Dahil halos s'ya ang nagsu-suffer. At minsanan lamang kung magkapera ang aking tatay, minsan hindi pa sakto, pero minsan naman ay sobra kaya may naiipon din kami kahit papaano pero ilang araw din ay nagagastos namin ito.
For now my, decision is final. I'll just use their money when my allowance is really short or not enough for that day.
So today I'm going to find a job in order to live in this cruel world and survive my life without my parents' guide.
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro