- Love Interest
LOVE INTEREST
Tips by : LoveSuzaine
Romance is an extremely character-device genre. For a stable relationship, kailangan na maging idealistic and realistic ang dalawang taong nag-iibigan. Love Interest is someone who loves someone. Like, the heroine’s love interest is the hero. So, in this chapter I’ll be giving you three tips on constructing a love interest. Stay tune guys and don’t forget to subscribe for more writing tip videos, charr. I have an additional tip about building up characters so try to check that out first para mas madaling intindihin ang chapter na ito.
1. PERFECT HERO, SUCKS!
Alam kong hindi masamang mangarap, na kahit isang araw lamang ay may isang taong dadating sa buhay mo at ililigtas ka mula sa hirap. And that guy is so perfect with his well body built, handsome face, good personality and everything you can wish for. This perfect guy is flawless…and boring. Flaws make a person human, and flaws on a man are endearing and intriguing. Hindi makaka-relate ang mga readers kung walang sila nito, at mas lalong hindi kung perpekto ang isang tao.
Ano pang rason ni girl na ma-meet si perfect boy, kung wala naman made-develop sa personality niya. What’s the point of their relationship if they won’t learn and grow as a better person?
Kapag may pagkakamali o pagkukulang (flaw) ang characters mo sa kanilang relasyon. Paniguradong may conflict, gulo, away o up-and-down emotions. Actually, I have a friend who’s bored, at inaway niya ang boyfriend niya for an excitement in her life. Ang boring nga naman ng relationship nila dahil napakabait nilang dalawa. Conflict is the driving force of the story. It gives the tension. So, dapat ang mga bida natin ay mayroong ganito in order for something to overcome and change as a better person.
“If conflict is the lifeblood of a story, the protagonist goal is its compass.”
2. CHARACTERS MUST AFFECT EACH OTHER
Sa relasyon kailangan ng koneksyon. At para magkaroon nito kailangan nila mag-usap. By talking, makikilala natin ang personality ng tao, at kapag lumalim ang pag-uusap niyo ay magkakaalaman na ng backstory. Connection must feel earned. No instant romance.
A great romance explores the unknowns of human desire, its ups and downs. Yes, may mga extremely stable relationships pero hindi maiiwasan ang drama rito. And that’s how their love grew stronger. So, here are some ways to put some drama:
a. Physical Distance
Distance is one of the common ways to test the dedication of lovers to their relationship.
b. Competing Wants
May sari-sariling tayong paniniwala at opinyon sa buhay. Hindi lahat ng bagay ay magkakasundo ang dalawa. Minsan naman magkaiba ang goal nila sa buhay pero nandyan sila para sa isa’t isa at handang sumuporta.
c. Interfering third parties or rivals
Dito papasok iyong mga magulang na hindi gusto ang kasintahan nila, kaibigan, at karibal na manliligaw. Ang gusto ko sa mga third parties, mayroong bagay na maaring mawala o masira…may kailangan kang i-sacrifice para sa taong mahal mo. Dahil do’n mate-test kung hanggang saan ang pagmamahalan nila.
3. AVOID THIS KIND OF LOVE INTEREST
Sa pagbabasa ko may ilang story akong nababasa at hindi ko tinutuloy dahil sa hindi ko gusto ang mga character.
a. Abusive Partner
Ito ‘yong tipong love story na maaaring may isang babae na head-over-heels sa isang lalaki at sobrang mahal niya kahit na saktan pa siya nito. Love ba ‘yon? As far as I know, it’s all about the feeling of care, security and comfort. Pero kung pinagbubuhatan ka na ng kamay at pinagsasalitaan ng masama. Hindi na tama ‘yon.
Masakit lang isipin dahil madaming mga batang nagbabasa sa wattpad. Tapos mababasa nila ang ganitong klase ng love story. Anong iisipin nila?
Ah…okay lang pala na saktan ako ng taong mahal ko dahil iyon ang way niya para ipakita ang pagmamahal niya sa akin.
This kind of love interest will ruin the definition of love. Maaring hayaan na lamang ng mga batang nakabasa nito na saktan-saktan sila kase nga true love ang paga-abuse. Please, writers…iwasan natin ito. Ilagay niyo ang sarili niyo sa kinatatayuan ng bida at isipin niyo kung ano ang mararamdaman at gagawin niyo kapag sinaktan kayo.
b. Ownership and obsession
May part na maaring nakakakilig na ‘yong taong mahal mo ay ayaw kang nakikitang kasama ang ibang lalake o babae. Pero hindi ba parang nakakasakal? Like duh…asan ang trust niyo sa isa’t isa? Hindi porket binigay niya ang puso niya sa’yo ibig sabihin ay buong pagkatao na niya ang aangkinin mo. Tao siya’t may sariling desisyon at kalayaan. So, huwag lang natin ikulong ang isang character at maging passive or submissive ito sa ka-partner niya. Make sure na kaya niyang tumayo para sa sarili niya. Make them equal.
c. Assholes
Mostly nakikita ito sa action. Kung saan mayroon isang gangster na naghahari-harian sa isang school at may dadating na isang babae at babaguhin ang pag-uugali niya. Actually, it’s like you’re trying to change the guy.
“You can’t like only one side of your boyfriend, and force him to change the other side you don’t like. Tayong mga babae, minsan mayroon tayong ‘hero complex,’ na gusto nating maniwala na tayo ang babaeng magpapabago sa kanila. Na tayo ang ‘the one’ na mapapatino ang bad boy, o mapapabait ang pasaway. It doesn’t work that way. A man should want to ‘change’ for himself and not for you.” –by Bianca Gonzales.
Actually, nagmumukha ng tips sa pag-ibig ang sinusulat ko at hindi tips in writing. But I hope na makatulong ang mga ito. Since, writing romance naman ang focus ko.
“Just enjoy and keep on writing.” -LoveSuzaine
Sana may matutunan kayo! Leave a comment or a small feedback will do!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro