Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

How to Write 101

Ikaw ba ay isang manunulat?
O nais mo pang matuto sa larangan ng pagsulat?

Kami ang bahala sa inyo! Titiyakin namin na sa paglipat ninyo ng kahuli-huling pahina ng librong ito ay may matututunan kayo kahit papaano. 

Ano nga ba ang How To Write 101?

Ito ay isang libro kung saan nakalathala ang mga tips o payo ng ating mga kapwa author na kung saan ay makakatulong sa inyo upang mapahusay pa ninyo ang inyong kasanayan sa pagsusulat.

Ang librong ito ay magsisilbing gabay ninyo sa inyong pagsusulat ng inyong sariling akda upang mas lalo itong maging kaakit-akit at maganda sa ating mga mambabasa.

Bakit namin ito ginawa?

Simple lang ang sagot dyan, ito ay upang matulungan kayo na maging mas maayos sa pagsusulat ng inyong sariling akda. Upang mas lalong gumanda ang inyong ilalathalang kwento dito sa Wattpad!

Ang layunin ng librong ito ay matugunan ang inyong pangagailangan at magkaroon kayo ng karagdagang impormasyon batay sa mga paksa o aral na nais niyong matutunan sa larangan ng pagsusulat. Ito ay isang libro tungo sa dagdag kaalaman ng mga kapwa nating writers!

Layunin namin na kayo'y matulungan upang kayo ay mas gumaling, mas humusay sa pagsusulat at mas maging confident sa inyong mga akda. 

***

Sana ay marami kayong matutunan mula sa amin at ibahagi nyo rin ito sa inyong mga kaibigan upang sila rin ay magkaroon ng kaalaman sa pag-susulat. 

PAALALA!
Hindi po kami perpekto. Nais lang naming magbahagi ng aming kaalaman na sa tingin namin ay makakatulong sa inyo. 

***

Ang susunod na pahina ay ang ating Request Box kung saan maaari kayong mag-comment ng mga topic na nais niyong matutunan pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro