#7 - Book Titles & Writer's Block
BOOK TITLES & WRITER'S BLOCK
Requested by : GreenishWriter
Lessons from : inklins- and shlykey
**
Naming your Story/Book Title
1. WEAPON of Choice.
Ano ang pangunahing paksa sa kwentong iyong sinusulat o nais isulat? Umiikot ba ang mga eksena sa isang nawawalang singsing? O sa makapangyarihang tungkod ng iyong Lolo? You can give titles based on the aforementioned topics like for example C.S. Lewis' Chronicles of Narnia: The Voyage of the Dawn Treader. So Dawn Treader is a ship from the story which will obviously embark on a voyage across the sea. If you're story's revolving around greek mythology then you can possibly say, "The Chains of Thanatos" , "The Bow or Artemis" o di kaya ay "Heir to the Broken Throne" . Pasensya na kung medyo 'nakakasuka' ang halimbawa pero sana nakuha ninyo ang ideya. Nais ko ring punahin ang iilang mga pamagat na masyadong mahaba o 'di kaya'y masyadong halata ang takbo ng kwento. Iwasan din ang paulit-ulit na title na 'The Long Lost Princess' kung ang estorya mo ay tungkol sa nawawalang prinsesa dahil nga masyadong halata at paulit-ulit.
2. NAME your Avatar.
Sino ang bida sa libro mo ? Isa ba siyang manunulat? Guro? CEO? Prinsesa? Prinsipe? Assassin? Henchman? Detective? Subukan mong gawing basehan sa paggawa ng pamagat ang pagkakakilanlan ng bida. Halimbawa, "The Assassin's Downfall" , "The Queen Who Vanished" , "Prince of Thorns" , "Curse of the Wicked" at kung anu-ano pa. Maaari mo ring gamitin ang pangalan ng bida o bayani sa iyong kwento, yun ay kung maganda at medyo may 'appeal' ang pangalan dahil hindi mo naman pwedeng gawing pamagat ang mga pangalang, "Totoy Bibo" , "Bong Go" , "Isko Moreno" at kung anu-ano pa. Maliban nalang kung katunog ng mga pangalang "Sherlock Holmes" , "Oliver Twist" , "Macbeth" , "Harry Potter" , "Aru Shah" o "Percy Jackson"
3. Make use of the METAPHORS.
This circles around the main theme of your story, is the theme or the main focus of you story about depression? Heart breaks? Blood bath? Try to find something that has meaning to you and to your story but doesn't declare or tell anything to the readers not until they read the story. Kagaya na lamang ng pamagat ng isang spoken word poetry na "Mga Basang Unan" , pwede ring "Smoke to Ceiling" , "Tequila Thoughts" at kung anu-ano pa.
4. From the LOGLINES.
Summarize your story or write a logline about the story then from there, try to derive a title. Like for example, is your story set in a city where two characters fall in love, then maybe "City of Lights" can work, or "A Thousand Paper Cranes for Zaya" for another logline of course , "A House of Blues" , "Our Million Splintered Pieces" , "Heart of Glass" at iba pa depende sa takbo ng storya.
5. Use SIMPLE yet DESCRIPTIVE words.
Maaaring inilalarawan ng pamagat ang pangunahin at kaaya-ayang katangian ng main character sa kwento. Gaya na lamang ng, "Unstoppable" , o "Valiant" , "Fearless" at iba pa.
[ I hope those ideas help! If you want to find out more about how to name stories try to search for The Art of Storytelling by Laura L. M. It's a website and surely, you'll learn many things from it. ]
-
• Ano ang Writer's Block?
¬ Ito ay isa sa mga kadalasang nangyayari na nararanasan ng isang manunulat. Nawawalan ito nang maisusulat na ideya o pangyayari para sa isang kabanata. Hindi nila alam kung ano ang isusunod nilang idudugtong na pangyayari. Para bang naligaw sila sa takbo ng isang istorya na kanilang isinusulat.
• Paano ito naiiwasan?
¬ Para saakin, sa totoo lang, hindi natin maiiwasan ito. May mga oras na hindi natin alam kung ano ang isusunod nating isusulat. Kaya nga duto lumalabas ang salitang 'on-going', sa ingles, na ang sabihin hindi pa ito kompleto o tapos at kasalukuyan pa itong isinusulat.
Hindi naman tayo sobrang kagaling na dirediretso tayong nagsulat dahil nawawalan din naman tayo ng ideya kung ano pa ang sunod na idudugtong. Ngunit may ibabahagi akong ilang mga paraan para malabanan natin ang Writer's Block.
1. Una, KILALANIN ang iyong gawa. Oo, may mga manunulat na nakakalimutan ang kanilang isinusulat at kadalasang hindi tugma sa susunod na kabanata. Kailangang alamin mo ang iyong sinusulat. Alamin mo ang takbo nito, mga tauhan at iba pa.
2. Ikalawa, BASAHIN ang HULING KABANATA na isinulat mo. Para alam mo kung ano ang pwedeng pangyayari na idudugtong mo dito.
3. Ikatlo, MAGSALIKSIK/RESEARCH. Pwede kang magbasa ng mga articles sa google o iba pa na pwede mong gawing inspiration.
4. Ikaapat, MAGBASA. Maari ka ring magbasa ng mga prompts na maari mong gawing base sa susunod mong isusulat na pangyayari.
5. Ikalima, do not PRESSURE yourself. Huwag mong madaliin ang pagsusulat (depende nalang kung may hinahabol kang oras).
6. Lastly, WRITE stories with your HEART and SOUL. Goodluck!
Sana may natutunan kayo!
Leave a comment or a small feedback will do!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro