Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#4 - What is Show don't tell?

WHAT IS SHOW DON'T TELL?
Requested by: graysibell
Lesson from : FTorture

-

I-narrate mo po ang nararamdaman ng taong iyon. Kung di mo alam kung paano idescribe. Isipin mong ikaw iyon, halimbawa, natatakot. Ano ang naramdaman mo o mararamdaman mo kapag ikaw ay natatakot? Di ka makagalaw? Para bang may kuryente na dumaloy sa likod mo? Nanindig ba ang balahibo? Put them into words.

Halimbawa :

Halos manindig ang aking balahibo ng makita ang isang multo. Di ako makagalaw sa aking kinatatayuan at para bang may kuryente na dumadaloy sa aking likuran. 

Di lang po sa damdamin ang show don't tell. Maaaring sa nakikita, naririnig o naamoy.

Halimbawa:

1. Instead of malamig..

Halos namanhid ang aking balat dahil sa malakarayom na lamig ng hangin.

2. Instead of umiiyak..

Halos napuno ng kalungkutan ang aking dibdib. Di ko na kayang pigilan pa. Bumitaw ako, at kasabay nun ay ang pag-uunahan ng mga luhang pumatak mula sa aking mga mata.

It is useful po kung mas pinapahaba iyan. Kasi unang una nakakaparami ng wordcount, at pangalawa naipaparamdam sa mambabasa ang nararamdaman ng karakter.

Sana may natutunan kayo!
Leave a comment or a small feedback will do!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro