- 3 Simple Tips in Writing Romance
Three Simple Tips in Writing Romance
Tips by : LoveSuzaine
May isang taong nakapag sabi sa akin na 'Romance is the King of All Genres'. Parte ang romance ng iba't ibang genre. Why? It makes your readers emotionally invested in the characters, it up the stakes, gives "roller coaster" emotions and gives your readers another reason to root for your main characters.
1. SLOWLY BUT SURELY
When you met a stranger sa mall at sobrang guwapo niya, will you fall in love at first sight? And then pagsapit ng isang linggo ay bigla na lang kayong papasok sa isang relationship. Reality check...that's so creepy.
Isa sa mga bagay na ayaw ko kapag nagbabasa ay ang instant romance. Kasi hindi naman siya makatotohanan. Romance invest time na kailangang pag-ipunan. Why? Beacause it creates suspense in your story and in this genre we call it romantic tension.
Romantic tension is the suspense we feel as a result of characters' developing romantic involvement. Maaring nate-tense tayo dahil hindi natin alam kung magkakatuluyan ba sila, kung paano nila iha-handle ang kanilang magulong relationship o paano nila haharapin ang kanilang mga problema.
So, if you missed this part. Magiging dull and unrealistic ang story mo. Well it's actually up to you, kung paano mo isusulat at papakiligin ang mga readers mo. Some think that it's cliché kaya ibang paraan ng romance ang ginagawa nila. But romance must be universal in order for everyone to relate. It doesn't have to be unique.
In romance we have to build anticipation. Una, magmi-meet si boy and girl, so magkakakilala sila. And then, sa pangalawang pagkakataon magtatagpo sila dahil sa ilang rason. Hanggang sa magtiwala sila sa isa't isa. Tamang landian lang. Alam nilang meron pero ayaw mag-aminan. And then...BOOM! Paglayuin mo silang dalawa. In that way, ang mga readers mo magsimula nang magwala.
Bakit ang torpe-torpe mo?! Bakit ang tanga-tanga niyo?! Maghalikan na kayo!
Tapos magkikita sila and then maglalayo ulit. They move forward and back, thinking about their feelings. Actually, may mga ibang readers na ayaw ang ganito. But reality check...this is true. Ang mga lalake, para malaman nila kung totoong mahal nila ang isang babae, kailangan nila munang idistansya ang sarili nila. And girls, we also need some space to think.
By teasing them to each other and separate them, the readers will have something to root for.
2. WE ARE ALL EQUAL
Madaming akong nababasang stories na sa magkasintahan ay mayroong: mayaman at mahirap, prinsipe at katulong, campus heartthrob at scholar nerd, and billionaire CEO at lugmok sa utang na secretary. Yes, they don't have to be the same, but they must be in equal perfection.
For example, maaring si campus heartthrob ay mayaman pero bobo, at si scholar nerd ay matalino pero hindi marunong makisama sa tao. O kaya naman, si CEO ay matalino pero pinangunguna ang emosyon sa trabaho – not professional, at si secretary ay hindi ganoon katalino pero magaling makitungo sa tao.
Sa isang relationship, kapag magkasama silang dalawa kailangan na mas better sila. Mas masaya, malakas, matibay, may tiwala at matatag. That's love, it makes us stronger and better.
Kaya kahit na magkaiba ang mundo nilang dalawa, at magkaiba ang ugali nila. Kapag nagsama nila, there's a harmony. Nafi-fill in ni nerd ang pagkukulang ni heartthrob, and then they gain new experience in life. Maaring si heartthrob ay mag-aral nang mabuti, at si nerd ay magpaganda naman. There's a change.
So, kapag may nagtanong na: "Why do you love me, bebe?"
"Hindi ko alam...basta isang araw nagising ako at naramdaman kong mahal na mahal kita."
Pero ang totoong nasa isip niya.
'Hindi lang talaga ako sigurado kung bakit kita mahal.'
I really hate scenes like this. Bakit hindi niyo alam?! Everything has a reason. At hindi lang dapat na minahal kita dahil ikaw ang nandyan at matagal na kitang kasama. No, love has a reason. May rason kung bakit kayo pinagtagpo at pinagtadhana.
For example, may isang lalaki at malapit na siyang mamatay at ayaw niyang magpaopera kasi may chance na mamamatay lang din naman daw siya. And then, the guy lives normally. Tapos, nakatagpo niya ang isang babaeng magpapabago ng desisyon niya. Nagmahalan sila, and the guy finally have the reasons to live.
"Why do you love me, bebe?"
"It's because when I'm with you. I feel alive, at gusto kong makasama ka sa buong buhay ko. Dahil hindi ko kayang mabuhay kapag wala ka. I love you so much so please...don't leave me alone."
'Di ba? Mas dama mo ang pagmamahalan nila? Dahil may bagay na maaring magbago, mawala, o masira. At tayong mga readers, we're so cruel hooking up in this kind of dilemma. Dahil alam natin na ang relationship nila ay hindi basta-basta.
And then one day, naghiwalay sila. Pero buhay pa rin si girl.
3. I LOVE YOU, PARTNER
Sa romance, required na mayroong dalawang taong nagmamahalan. Not one, but two. In a relationship hindi lang dapat isang tao ang gumagawa at sinusubukang ayusin ang relasyon niyo! Ano ba! Gigil ako, ah. Grrrr.
But seriously, dapat silang dalawa. They must work as a team, and share the same goal. Sa action, maaaring partner-in-crime sila sa pagnanakaw. Sa fantasy, sila ay prinsipe at prinsesa na magliligtas ng magical world. Sa romance, gusto nilang magsama habang buhay at magkaroon ng happy ending.
Yes, kailangan happy ending sa romance. May ibang publishing house na hindi tumatanggap ng sad ending (o tragedy), kasi nga dapat happy ending.
Paano kung hindi talaga puwede na happy ending kasi ang boyfriend ko ay galing sa past at ako naman ay sa future. Paano kung mahal ko ang teacher ko! Paano kung child abuse na pala ako!
Instead of "happily ever after", why not make it "happy for now". Maaaring hindi sila nagkataluyang dalawa, pero natuto sila sa relasyon nila.
"Oo, experience ka lang. But I didn't regret loving you. Kasi... you show who I really am. At nang dahil sa'yo ay hindi ko makakamit ang lahat ng pangarap ko."
Hindi naging sila. But they learn and grow as a better person, and that's all you need. Dahil hindi naman talaga lahat ng pagmamahalan ay nagwo-workout.
"Just enjoy and keep on writing."
-LoveSuzaine
Sana may natutunan kayo!
Leave a comment or a small feedback will do!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro