Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

- 10 Fanfiction Writing Tips

Fanfiction Writing tips
Tips by: happyjendeukie

Magandang araw sa inyong lahat mga ka-wattpaders, nais mo bang gumawa at magpublish ng libro dito sa wattpad?

Pero hindi mo pa ito nauumpisahan? O di naman kaya ay na-stuck ka sa isang chapter?

Well, tama lang ang pagbisita mo dito!  Sa chapter na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang aking “10 Fan Fiction Writing tips” na nalaman ko during my first days in writing.

Paalala: Ang ilan sa mga ito ay nalaman ko sa aking english teacher na isang manunulat.

I. Seek Motivation/ Inspiration

Ako as a Fan Fiction writer, nakakapag-isip ako ng isang idea para sa story/scene kapag inspired ako dahil doon tayo nakakapag-isip ng magandang mga pangyayari na pwede nating i-add sa ating story.

Mas madaling makapag-isip ng scene kung inspired ka. Pwede kang makahanap ng inspiration kahit saan, pwede sa mga idols mo na characters ng story mo, sa ibang authors, sa crush mo at marami pang iba.

II. Tauhan

As a Fanfic writer, inuuna ko din ang paghahanap ng magiging characters sa storya dahil pwede tayo maging motivated pa lalo na ituloy ang story kasi ang paborito mong artists ang gumaganap doon.

Dahil narin Fanfic genre ang sinusulat natin kailangan talaga natin ng mga gaganap sa storya dahil kadalasan doon tayo humuhugot ng inspirasyon.

III. Pagpaplano ng mga Tauhan

Usually, ang ginagawa ko ay pinagpaplanuhan ko muna bago gumawa ng isang chapter. Kailangan nating pagplanuhan ang mga magiging names, attitudes at sitwasyon sa buhay ng mga characters na gagawin mo.

For me mas nakakatulong to para hindi tayo malito sa mga tauhan ng storya, lalo na kung maraming tauhan ang storya mo. Makakatulong ang pagtatake ng notes o kaya ay gumawa ka ng chapter na magiging drafts mo lang. Doon mo ilalagay ang mga profile ng characters mo.

IV. Pagpaplano ng Plot

Para sa akin ay nakakatulong din ang pagpaplano sa plot or plot twist na gagawin mo sa storya. Pwede ka din magtake ng notes o kaya ay gumawa ng chapter na magiging drafts lang.

Pwede mo dito ilagay kung ano ang mangyayari sa unang bahagi ng storya hanggang sa climax hanggang sa ending at pwede mong isingit ang magiging plot twist. Ganon ang aking ginagawa kapag magsusulat ako.

Pwede mong basahin ang chapter na iyon kung wala ka nang maisip na ilalagay sa susunod na chapter na iyon at makakatulong talaga iyon sa inyo.

V. Tagpuan ng kwento

Mahalaga na malaman mo kung saang lugar magaganap ang kwento, kunwari sa Korea, Japan or US. Para maimagine natin kung anong klaseng lugar ang pinupuntahan ng mga tauhan sa kwento. Pero mas madali kung sa pamilyar na lugar nyo ilagay ang settings ng story para mas maimagine nyo.

VI. Mga Detalye

Para sa akin maganda kung detalyado ang storya pero huwag naman ang masyadong detalyado na pati ang itsura ng bahay nung kapitbahay ay isama mo.

Maganda maging detalyado ang lugar na pupuntahan nila, damit ng bida at mga kasama nila, mga nagaganap sa bida at yung detalye ng ginagawa nila.

Para sa akin kasi kung detalyado ang storya mo mas madaling intindihin at unawain ang mga ginagawa nila or nagaganap sa story. Para narin maimagine nila ang ginagawa ng mga characters sa story mo, para mas feel nila.

VII. Iparamdam ang storya

Galing ang tip na ito sa aking guro sa agham, kailangan hindi lang basta sa pagkukwento ng mga nagaganap ang ilagay o isulat kailangan din natin itong iparamdam sa mga mambabasa.

Kunwari, isang malakas na sampal ang natanggap ng batang babae mula sa kanyang ina, mangiyak ngiyak ito at namumula ang pisngi nya. Mahapdi ito at kumikirot kirot ng paulit-ulit na para bang kinukurot ang kalamnan nito...sa ganitong paraan mas nagiging maganda at ramdam ang kwento mo.

VIII. Suspense

Itinuro din ito ng aking guro. Minsan ito ay para sa mga mystery/thriller stories o kaya naman ay horror pero idinadagdag ko ito sa stories ko in a Fanfic way. Para sa akin nakakadagdag ito ng ganda sa storya.

Kunwari, umalis lamang ako saglit para kumuha ng libro, naramdaman ko na may sumusunod sa akin lumingon ako ngunit walang tao na kahit na sino. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng makarinig ako ng yapak ng paa ay tumalikod ako, nakita ko si Jungkook na nakangiti..oh diba.

IX. Kilig or Sad parts

In fanfic writing may mga parts talaga na masasaya ang mga scene, nakakakilig o kaya naman ay nakakalungkot. Kailangan nyo to para hindi maging boring ang story nyo dahil kung wala nito walang kulay ang story nyo.

Pwede kayong maglagay ng kilig scene sa storya nyo o kaya naman ay mga nakakalungkot na scene, yung tipong madadama ng readers nyo.

X. Lessons

Last but not the least, hindi syempre mawawala ang mga lessons na makukuha sa story mo. Create a problem or an argument na pwedeng pagkuhaan ng lesson ng mga readers. Usually ibinabase ko ito sa mga nangyayaring problema in real life para makarelate sila.

That's all guys, sana marami kayong natutunan and nalaman mula sa akin. Just continue writing and wag na wag kayong susuko, okie?

“Let the world read your scintillating masterpiece.”
-happyjendeukie

Sana may natutunan kayo!
Leave a comment or a small feedback will do!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro