CHAPTER 7
Chapter Seven
Phone Call
"Cassy? Anong nangyari diyan?" Madali kong nilapitan ang kapatid ko para lang tingnan ang pasa niyang malapit sa siko.
Gaya ko ay gulat rin siya nang makita ang sariling katawan.
"May nanakit sa 'yo? Cassy, huwag mong subukang magsinungaling sa akin ha!"
"Ate, wala. Baka nabunggo lang tapos hindi ko na namalayan. Wala namang gagalaw sa akin sa school," aniya habang sinusulyapan ang mga kapatid na lalaking patuloy lang sa pagkain ng agahan.
"Sigurado ka?"
Ngumiti siya at tumango-tango bilang sagot sa tanong ko.
Ito ang ayaw ko sa lahat. Alam kong kaya kong tiisin ang lahat ng pananakit at pang-aapi sa akin sa university, pero pagdating na sa mga kapatid ko ay handa akong makipagpatayan kahit kanino. Wala akong pakialam kung anak pa ng pinakamayamang tao sa buong mundo ang babanggain ko.
Hinaplos ko ang buhok niya.
"Ingatan mo naman 'yang sarili mo, okay? Kayo." Tinapunan ko ng tingin ang mga lalaki kaya natuon ang pansin nila sa akin. "Huwag makikipag-away at huwag mang-aaway. Zuben?"
"Oo naman, ate! Alam ko na 'yun."
Binalingan ko naman sina Ramiel at Rigel. "Kayo?"
"Blah blah. Sige na." Si Ramiel na agad kong binatukan.
Imbes na magreklamo ay tinawanan niya lang ako, mukhang sanay na sa kamay kong mapanakit.
Sa huling semester ng taon ay naging maayos ang lahat. Mayroong mga taong naging malapit sa akin, pero kahit na gano'n ay wala naman akong inasahan. Kung magiging kaibigan ko sila ay ayos lang. Kung hindi naman at gusto lang nilang maging mabait sa paningin ko ay ayos lang din.
Sa buhay na ito ay sanay naman na akong inaalisan ng mga tao, kaya hindi ko na masyadong ginagawang big deal kapag nagkaroon ako ng kaibigan.
Pati nga mga magulang ko iniwan na rin kami, 'di ba?
Ngumiti kaagad ako nang matanaw si Sue. Gaya na lang ng isang 'to. I've been close to her for the past three weeks at hanggang ngayon ay narito pa rin siya sa tabi ko. What an achievement, Sky! Parang gusto kong tapikin ang balikat ko para purihin.
"Hi, Sky! May surprise quiz daw mamaya sa calculus! Alam mo na?" Pinantayan niya ang lakad ko.
In all fairness, masaya akong kasama siya ngayon dahil kahit paano ay nawawala ang mga mata ng lahat sa akin.
"Hindi. Surprise nga, 'di ba? Teka, paano mo naman nalaman?"
Lumawak ang ngisi niya at siniko ako. "Ako pa ba? Ano? G ka? Review tayo?"
"N-ngayon na?"
Tumango-tango siya at bago pa man ako makatanggi ay nahila na niya ang kamay ko patungo sa kung saan.
We end up in the library.
Parang bumigat ang ulo ko nang matanaw ang grupo ng mga basketbolista. Kahit na hindi sila mga naka-jersey ay alam kong grupo nila iyon.
My heart pounds fast when I see Ylona seated beside Malfred. Siya lang ang nag-iisang babae sa grupo ng mga barakong naroon.
Mas lalo yatang nagwala ang puso ko nang makita si Kade Bustamante na nakikipagbulungan sa katabing kaibigan na si Yael.
"Uy! Dito..." Hinila ni Sue ang kamay ko kaya pasalampak akong napaupo sa tabi niya. "Now, you can ask me anything about the quiz," malawak ang pagkakangiti niyang pahayag.
Kumunot ang noo ko roon pero agad ding nawala nang tapikin niya ang braso ko habang natatawa.
"Ano ka ba! Wala akong kodigo! I just have accurate pointers on what we should study."
Madali niyang kinuha ang kanyang bag at agarang inilabas ang mga gamit doon. Halos malula ako nang makitang kompleto ang gamit niya para sa subject ngayong araw, samantalang ako ay tanging binder lang ang dala ko at isang libro.
Hindi rin naman kasi required ang bumili ng libro at alam kong wala rin naman akong pambili, kaya kapag time na ng klase at wala akong librong gagamitin ay nanghihiram na lang ako sa library.
"D-dala mo talaga 'yan lahat? O mayro'n kang locker?"
Nagsalubong ang kilay niya bago ako sagutin. "Dala ko at may locker din ako. Ikaw, wala?"
"Um..." Umiling ako bilang sagot.
"E ano bang mga dala mo? Patingin nga."
Kinuha ko ang bag ko at inilapag sa harapan niya. Siya naman ngayon ang namangha sa kaunti ng dala ko. "Ito lang?" she asks.
"Yeah. Pwede namang manghiram dito kaya hindi na ako bumili—"
"I mean, where's your makeup kit? Wala rin?"
Sa pangalawang tanong ay parehong sagot ang nagawa ko.
Kung tutuusin ay mayroon naman akong mga makeup, pero hindi naman iyon kailangan sa pag-aaral kaya hindi na ako nagdadala. Maliban sa strawberry chapstick ay iyon lang ang pampagandang dala ko. Napangiwi ako sa naisip. Do girls really need that?
bumuntong-hininga siya at inayos pabalik ang mga gamit ko. "Kung sabagay, maganda ka naman na kaya hindi mo na rin kailangan ng makeup! Anyway, eto..." Inilahad na niya sa harapan ko ang kailangan kong aralin.
Nabago na ang mga sinabi niya at tungkol na iyon sa pag-aaral kaya nawala na sa isip ko kung bakit nga ba wala akong makeup.
Kung papipiliin nga lang ako ay ayaw ko talaga n'on, pero dahil sa trabaho ay napipilitan akong maglagay, even the wigs. Noong una ay hindi ako gumagamit n'on pero nang ipinaliwanag ni Val at Nixon sa aming lahat kung para saan ang mga 'yon ay nagbago na rin ang isip ko.
Ayaw ko namang ma-harass sa daan kung sakaling makilala ako ng mga customer sa club na tinanggihan ko. Lahat pa naman ng naroon ay mga mayayaman at hindi mag-aalinlangan na gumawa ng dahas kung sakaling hindi masunod ang gusto.
Everything went well.
Simula prelims hanggang midterms ay naging maayos ang lahat, hanggang sa dumating ang final exam namin sa huling semester. Dahil sa raket sa club at computer shop ay nakaipon ako ng pang-gastos kaya akala ko'y makakaraos na ako ngayong school year.
Pero gaya ng nakasanayan kong buhay, hindi talaga palaging kalmado ang takbo ng lahat. Dahil kung kailan nakakahinga na ako nang maluwag sa pag-aaral ay roon naman kami nagkaroon ng problema.
Pakiramdam ko'y literal na tumigil ang pagtibok ng puso ko nang sagutin ko ang tawag galing kay Ramiel.
Papasok na sana ako sa unang exam ko ngayon nang tumawag siya.
"A-ano..." Ilang beses akong napalunok at kahit na malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi niya ay parang nabingi na ako.
Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mga bulungan at ang tila panliliit ng mundo ko.
"Si Cassy, ate. Nasa St. Mark Medical Hospital kami ngayon."
"Bakit?! Anong nangyari, Ram?!"
Bago pa ito makapagsalita ay narinig kong gumulo ang linya niya na tila may kumuha sa hawak niyang telepono. "Sky, pumunta ka na lang dito. Mas mabuting sabay-sabay na nating malaman galing sa doctor ang kalagayan ni Cassy." Si Valerie iyon.
Pinigilan kong mapapikit. Trumiple kasi ang kalabog ng puso ko dahil sa tono ng pananalita niya. She seems so worried and scared. Knowing Val, minsan lang ito matakot sa kung anong dahilan.
"Val, please tell me she's okay! Please?" Kinagat ko nang mariin ang pang-ibaba kong labi para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
My heart is hurting. Ramdam ko iyon dahil sa matinding kabang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman bukod sa takot at sobrang pag-aalala.
Sa pagbunggo sa akin ng kung sino ay nabitiwan ko ang hawak kong cellphone, kaya hindi ko na narinig ang mga sinasabi ni Valerie sa kabilang linya.
"Ano ba?! Paharang-harang ka sa daan!" sigaw ng babaeng may kulay blonde na buhok.
Kung sa ibang pagkakataong ay agad ko siyang susunggaban, pero dahil mas kailangan ako ng kapatid ko ngayon ay walang imik kong kinuha na lang ang cellphone kong de-keypad na naging tatlong piraso sa sahig ng hallway.
"Oh, I bumped into trash." Humalakhak siya maging ang mga kasamang babae.
Taas-noo akong tumayo at akmang tatalikuran na sila, pero hindi ko iyon nagawa nang bigla niyang hablutin ang kamay ko. "I'm not done with you yet! Alam mo ba kung gaano kamahal 'tong damit ko para lang masagi mo?! I can even buy you with this cloth that I'm wearing!"
Buong-lakas kong hinawi ang kamay niya. I even zip my mouth. Kailangan ako ni Cassy at wala akong panahon para makipag-away ngayong araw na ito. Humakbang ako palayo pero mabilis ang mga hakbang niya palapit ulit sa akin.
"Sinabi kong hindi pa tayo tapos!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla nang maramdaman ko na lang ang pagbaon ng matulis na bagay sa aking braso. Sa paglakad ng mga mata ko patungo roon ay kasabay ng pagdugo ng apat na mahahabang guhit na gawa ng kanyang kukong bumaon sa aking balat.
Agad kong naikuyom ang magkabila kong kamao. Ilang beses akong napabuntonghinga.
"Ano?! Duwag ka na?" halinghing niya bago ako itulak-tulak.
"Huwag ngayon," I mumble.
Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa aking palad. Parang kailangan kong tawagin ang lahat ng santo ngayon para lang huwag akong makapatay sa pagkakataong ito. For fuck's sake! Ngayon pa talaga?!
"What?! Ano?! Takot ka sa 'kin?" nakangisi niyang sabi.
Napapikit ako nang muntik na akong matumba sa huling malakas niyang pagtulak sa akin.
"Ilabas mo 'yang tapang mo ngayon!"
Nang iangat niya ang kamay niya ay wala sa sariling napapikit na lang ulit ako. Kung masasaktan ako ngayon ay tatanggapin ko kaysa ang makipagdiskusyon pa sa guidance office. Kailangan ako ng kapatid ko at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyaring masama sa kanya nang wala ako sa kanyang tabi.
Naghiyawan ang lahat sa hindi ko malamang dahilan. I'm preparing myself for her attack, pero sa tagal ng pagdapo ng kamay niya sa aking pisngi ay napadilat na lang ako.
"K-Kade?" nauutal niyang sambit na nagpatigagal sa akin.
Sa pagtama ng mga mata ko sa lalaking nakatiim-bagang habang hawak ang kamay ng babae ay nag-unahan ng tumulo ang mga luha ko.
Humawi ang mga kaibigan ng babaeng mariin niyang hawak sa palapulsuhan, tila natakot sa pagdating niya.
Hindi ako kailanman naiyak sa mga nasasangkutan kong gulo pero dahil sa pag-iisip kay Cassy ay hindi ko na mapigilan. Lutang na ang utak ko at habang nangyayari ang nasa harapan ko ay kusa namang lumalabas ang mga emosyon kong nagpapahina sa akin.
"K-Kade, bakit?" hindi pa rin makapaniwala niyang tanong rito.
Kade tilts his head and looks at her intently. "Hurt her and you'll regret it," matigas niyang pagbabanta.
Napayuko ako nang maramdaman ko ang panginginig ng katawan ko. Ilang beses ko mang gustuhing tumakbo palayo pero tila nauupos ang lakas ko sa tuwing naiisip si Cassy.
"K-Kade, masakit," nanginginig ang boses na reklamo niya.
"Talaga? Masakit pala pero nakakapanakit ka ng iba?"
"Kade, please...I'm sorry!"
"Kade, let her go." Ibang boses ng babae.
"Sorry? Bakit, ako ba yung sinaktan n'yo? You should say sorry to Sky."
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pangalan ko. Pasimple kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Kitang-kita ko ang pamumutla ng babaeng hawak niya sa palapulsuha, maging ang dalawang babaeng nasa tabi nito.
"No! Ah! Kade. Sorry, sorry—"
"Say her name!"
"Sky! Sorry! Sorry na, Sky!"
"Kade, it's okay," mahina kong sambit.
Doon lang siya tila nahimasmasan at agad na binitawan ang kamay ng babaeng hawak niya.
"Janice, tara na!" Halos magkandarapa silang tumakbo paalis sa pwesto namin ni Kade.
Ang mga chismosa naman ay mabilis ring naglaho nang sulyapan ng lalaking sa pangalawang pagkakataon ay naging tagapagtanggol ko.
Kumurap-kurap ako nang harapin niya ako nang tuluyan.
"Let's go," he says while glancing back at our room.
Imbes na sundin siya ay umiling lang ako. "Hindi na muna ako mag e-exam. S-salamat na lang, Kade."
Kumunot ang noo niya at tinitigan ako. "What do you mean? Do you know what you're risking here, Sky?"
Pinagdiin ko ang mga labi ko at tumango na lang. Parang hindi ako makapaniwalang nakakapag-usap kami nang ganito, na pati ang pangalan ko ay mababanggit niya. "Nasa hospital ang kapatid ko ngayon at kahit bumagsak ako ay iindahin ko mapuntahan ko lang siya ngayon."
Pinilit kong ngumiti nang makita ang pagbagal ng paghinga niya dahil sa sinabi ko. Kahit na nagsimula na namang lumuha ang mga mata ko ay nagawa ko pa ring mag-iwan ng tipid na ngiti sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Tumalikod na ako at nagmadaling umalis.
Hindi ko na rin alintana ang mga estudyanteng nananadya yatang harangan ang daraanan ko. Lahat ng pasensiyang naipon ko ay ngayon ko nailabas.
Hanggang sa sakayan ng jeep ay muli akong sinubukan. Kung kailan kasi ako nagmamadali ay wala naman akong jeep na masakyan. Kung hindi kasi puno ay madalang lang ang ruta patungo sa hospital kung nasaan si Cassy.
Tumatagaktak na ang pawis ko sa noo at maging ang likod ko ay gano'n din dahil sa init ng sikat ng araw na nakatutok sa akin. Madali kong kinapa ang bulsa ko. Napakumo ako nang makita ang iilang kulay kahel na pera doon. Ngayon, paano ako magta-taxi kung wala pa sa ilang kanto ang pambayad ko ng metro?
I guess...dating gawi?
Umabante ako nang makita ang paparating na taxi. Madali lang namang takasan ang taxi kung tutuusin, pero matagal ko na itong hindi nagagawa!
Humugot ako ng sapat na lakas ng loob bago itaas ang kamay ko at parahin ang parating, pero bago pa iyon makahinto sa harapan ko ay nasingitan na iyon ng isang itim na SUV.
Napapitlag ako nang sa mismong harapan ko pa iyon huminto. Sa pagbaba ng salamin ay bumungad kaagad sa akin ang nakangiting mukha ni Ylona na nasa likuran ng driver's seat. "Sky! Tara na! Ihahatid ka na namin!" magiliw niyang anyaya.
Kumaway sa loob sila Bryan na naroon rin.
"H-ha?"
"Halika na! Ang sabi ng driver natin ay kailangan ka ng kapatid mo, kaya tara na Sky!"
Gusto kong tumanggi, pero nang makita ko ang pagbaba ng salamin sa driver's side at ang pag-muwestra ni Kade sa tabi niya ay madali na akong gumalaw para makasakay.
Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ang malamig na ihip ng aircon sa aking harapan.
"Where is she?" he asks.
"Saint Mark," nahihiya kong sagot.
"Alright," aniya bago muling paandarin ang kanyang sasakyan.
Pasimple kong nilingon si Ylona at sila Yael na abala sa kung anong pinag-uusapan. Nang mapadpad naman ang mga mata ko kay Bryan na nagbabasa ay roon ko na naisip ang exam namin ngayong araw!
"Paano ang exam n'yo?"
"You mean natin?" nakangising tanong ni Ylona.
Ibinaba naman ni Bryan ang hawak at tinapik si Malfred. "Postponed daw e. Pero 'yong susunod mamaya tuloy," aniya habang nakangiti.
Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa narinig. Hindi natigil ang pagtatanong ko sa kanila hanggang sa makarating kami sa hospital.
"Think positive Sky! See you later!" pamamaalam ni Ylona sa akin nang makababa na ako ng sasakyan ni Kade.
Sinulyapan ko naman siya. "Salamat..."
He nods and replies, "No worries."
Sa muling pag-vibrate ng cellphone ko ay nilukob na ulit ako ng kaba. Isang kaway na lang ang iginawad ko bago sila tuluyang iwan.
"Ram? Andito na ako. Sorry! Anong room n'yo?"
"Twenty-seven, ate. Cassy is here and she's waiting for you."
"Okay lang ba siya?"
"Yeah, but they ran some tests..."
Napapikit ako nang mariin sa narinig.
Nang makarating ako sa kwarto niya ay agad ko siyang niyakap ng napakahigpit.
"Ate. Natakot ako sa karayom kanina pero okay naman, nakaya ko naman."
Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya.
Valerie looks at me. Iyong tingin na tila may importanteng sasabihin.
"Kayang-kaya mo 'yun Cassy! Hindi ba mana ka sa akin? Matapang ka, kaya makakaya mo lahat, okay?"
Tumango-tango siya.
"What the hell is that?" ani Ramiel na bahagya pang pinisil ang braso ko.
Damn it! I almost forgot about the nail scratch!
"Wala. Nasabit ako sa alambre."
Inayos ko ang kumot ni Cassy at pagkatapos ay niyakap naman si Rigel at Zuben.
"Talaga? May alambre na palang nangangalmot?"
"Ram, I told you it was just an accident. Wala ito." Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman hindi na siya nagpumilit.
Pasalampak akong naupo sa tabi ni Val. Hanggang ngayon ay kitang-kita ko sa mukha niya ang matinding pag-aalala.
"Skyrene..."
Muling kumabog ang dibdib ko nang hawakan niya ang kamay ko at marahang pisilin.
"Kanina pa tumatawag sa akin ang teacher ni Cassy kaso hindi ko naman nasagot kaagad. They were calling you too, pero wala rin." Pinisil niya ulit ang kamay ko bago magpatuloy, "Sinabi ni Ms. Bautista na matamlay raw si Cassy pagpasok pa lang, tapos ilang minuto lang ay dumugo na ang ilong at nawalan ng malay."
Natutop ko ang bibig ko dahil sa narinig.
"They rushed her here. Umalis lang si Ma'am Bautista nang dumating na ako. Sina Ramiel at Rigel naman ay hindi na inistorbo dahil nagte-take ng exam." bumuntong-hininga siya bago magpatuloy, "Sky, nakita mo bang hindi lang yung sa siko ang pasa ni Cassy? Marami pa sa likod at hita."
Wala sa sariling nilingon ko ang kapatid kong masayang nakikipagkulitan kay Zuben. Bago pa muling ipagpatuloy ni Valerie ang kanyang konklusyon ay dumating na ang nurse at sinabing handa na kaming kausapin ng doctor.
Walang minutong hindi ako nagdasal habang patungo sa kwarto kung saan kami iginigiya ng nurse. Ipinagdarasal ko na sana ay wala namang abnormalities sa mga tests ni Cassy, pero kahit na gano'n ay hindi nawala ang takot ko.
Parang nalaglag ang puso ko nang maupo sa harapang upuan ng lalaking doctor. He begins talking about the results of Cassiopeia's tests, pero kahit na Tagalog iyon ay tila wala naman na akong naintindihan.
Sa lahat ng sinabi ng doctor ay ang huling mga salita niya lang ang tumatak at gumising sa tuliro kong utak.
"Childhood acute lymphoblastic leukemia," he says.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro