CHAPTER 4
Chapter Four
West Side
"Sky!"
Napangiti ako nang makita si Ross na nagkukumahog na namang pantayan ang paglalakad ko.
Hinihingal siya nang matapatan ako pero hindi ako huminto.
"Bakit ba palagi mo na lang akong hinahabol?" natatawa kong tanong sa kanya.
Nagkibit siya ng balikat habang nagkakamot ng ulo.
"What is it?" I ask.
"Wala naman. I was just wondering if you could be my date to my sister's debut?"
Unti-unting bumagal ang paglalakad ko dahil sa narinig. Tinapunan ko siya ng tingin para makita kung nagbibiro ba siya o ano. His lips curve to a shy smile. Tila nagulat rin sa anyaya sa akin dahil sa pananahimik ko.
Imbes na seryosohin 'yon ay tumawa na lang ako.
"Bakit ako, Ross? Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan, tsaka isa pa, maiiskandalo ka lang 'pag ako ang niyaya mong maging date. The people here can't move on with me being a user, remember?" mahaba kong litanya.
bumuntong-hininga siya at umayos sa mabagal na paglalakad.
Napailing na lang ako lalo na nang makita ko na naman ang mga mapanuring mata na sinusundan ang bawat galaw ko sa tabi niya.
There they are. Wala na ba talagang katapusan ang issue tungkol kay Jaxel at sa iba pang lalaki na napapalapit sa akin? Rumolyo ang mga mata ko nang matapat iyon sa babaeng pinagtaasan ako ng kilay.
This bitch. Ano bang alam niya sa akin maliban sa maraming lalaki ang normal na nauulol sa ganda ko?
Kasalanan ko ba talaga lahat? O kasalanan lang ng pagiging mahirap ko kaya ayaw nila sa akin? Dahil kung mayaman ako, wala sanang issue ng pagiging user o gold digger.
If I were rich, I would have as many friends as I wanted. Kahit iyong mga kaibigan na gusto lang mabigyan ng mga libre ko.
If I were rich, the money would talk and work for me. Pero ang tanong, sino ang mga magiging totoo sa akin? Mayro'n bang matitira kapag naghirap ako?
Siguro nga isang biyaya din ang pagiging mahirap kahit paano. Dahil sa pagiging gano'n ay wala kang pwedeng i-offer sa mga taong gusto kang maging kaibigan kung hindi ang loyalty mo at pagmamahal sa kanila. You can love and be loved by people genuinely.
Siniko ako ni Ross nang mapansin niyang hindi nawala ang titig ko sa babaeng 'yon.
"Sky, I want you to be my date. Wala akong maisip na ibang babaeng pwede kong isama. I might as well go alone than ask somebody else."
"Mag-iisa ka nga Ross. I am not free and you know that. Marami akong kailangang unahin bago ang mga ganyang susyalan. I hope you understand."
Kahit na lumiko na ako patungo sa classroom ko ngayong araw ay hindi niya ako tinantanan. He nods twice.
"I understand. Nagbakasakali lang naman ako." Tipid siyang ngumiti matapos ang sinabi.
Sa ginawa niya tuloy ay para akong nakonsensiya, pero ano nga bang magagawa ko? Mas kailangan kong unahin ang makakain naming magkakapatid kaysa ang makipag-sosyalan sa mga mayayamang kagaya nila.
Madaling natapos ang ilang klase ko pero hindi naman nawala sa utak ko ang anyaya ni Ross.
Pang-ilang selebrasyon na ba iyon na tinanggihan ko? I lost count. Siguro ay halos lingo-linggo akong nakakatanggap ng mga gano;n pero isang beses lang akong pumayag.
The last one was with a bisexual blockmate. Iyong naging close ko noong first year college na kumukuha ng kursong engineering. He was rich and I needed some money for my siblings.
Hindi naman talaga ako papayag kahit na nag-offer siya noon ng pera para lang sumama ako at ipakilalang girlfriend. I could've accompanied him for free, but I had priorities. Maliban sa pag-aaral ay unang-una sa listahan ko ang makakain ang mga kapatid ko at maibigay ang kanilang mga pangangailangan.
Nagkataon naman na na-pull out ako bago ang event sa club kaya wala akong ibang natakbuhan kung hindi ang perang inoffer niya. It went well. Siguro ay dahil bago pa lang ako noon sa university at wala pang masyadong naiirita sa akin.
"Sayang naman iyon, Sky," untag ni Valerie sa akin habang pinupunasan ang mga basing baso sa bar area ng Las Deux.
Ngayong gabi ay isinama niya ako para maging bartender dahil may sakit ang isang regular na empleyado doon. Blessings!
Umiling ako at ipinagpatuloy ang pagkuha ng beer. Ibinigay ko muna iyon sa customer na nakaupo sa harapan ng bar bago ako bumalik sa tabi niya.
"Uunahin ko pa ba 'yon kaysa rito? Isa pa, wala akong panahon talaga sa mga gano'n," walang-amor kong sagot.
"Malay mo naman maging maayos ang takbo ng party. Tsaka wala ka na yatang social life. Puro na lang trabaho."
Kinuha ko ang iilang basong nasa harapan niya at tinulungan na siya sa ginagawa.
"Kailan ba hindi nawalan ng problema 'yong mga gano'ng party, Val? Parang palagi namang mayro'n kapag nandoon ako kaya hindi na. No thanks na lang!"
Natatawa niyang inilapag ang basong katatapos lang tuyuin, pagkatapos ay siya naman ang umiling-iling.
"Malay mo ngayon wala na. Mukhang gusto ka ng Ross na 'yon e. Ilang beses ko nang naririnig na kasama mo 'yon, ah? Tapos ngayon gusto kang maging date sa mismong debut ng kapatid! Siya na ba ang kapalit ni Jaxel?" nakangisi niyang tanong sa akin.
"Hindi 'no!" maagap ko namang depensa saka inabala ang sarili sa ginagawa.
She stares at me. Iyong titig na may malisya na naman.
"Hindi nga," pag-uulit ko.
"Okay, fine. Pero kung iyan ang ipapalit mo kay Jaxel, okay na ako."
Ako naman ang natawa. "Hindi mo pa nga nakikita 'yon! Isa pa, anong nangyari sa dapat mayaman at may-ari na ng kompanya?"
Humagikhik si Valerie at siniko ako. "Hindi ako mapakaling wala kang boyfriend kaya kahit sino ngayon ay ayos na sa akin basta may ibubuga. Pakiramdam ko kasi ay naiisip mo pa rin si Jaxel hanggang ngayon at siya pa rin."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Inayos ko ang sarili at diretsong tinitigan ang kanyang mga mata. "Hindi na, Val, okay? I am great without Jaxel. Isa pa, hindi ko na rin kailangan ng social life 'no! Tingnan mo nga, nasa bar tayo. Hindi pa ba social life ang ganito?"
"No. As long as you are here to work, then hindi." Sa pagtaas ng kilay niya ay napanguso na lang ako.
Binitiwan ko lang ang basong hawak ko nang tawagin ako ni Kristal dahil sa mga dumagsang customer sa bar area.
Valerie can say what she wants to say, but working here has become my social life. Maliban sa stress sa school, sa bahay at sa computer shop, ay mas nakahihinga ako kapag dito ang trabaho.
Maury can give me free drinks, too! Iyon na yata ang pinakamasayang parte ng gabi ko sa tuwing nagagawi ako dito sa club.
Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kay Valerie ang punto kong social life dahil kahit na nagtatrabaho ako ay nagagawa ko pa rin namang makipagsalamuha sa mga taong hindi ko kalebel.
Wala sa sariling umangat ang tingin ko sa itaas ng club nang makita ang pamilyar na mga mukha habang nagsisipanhik sa hagdan. Iyon ang mga mukha noon sa kwartong kinaroroonan ng mga kilalang 'most eligible bachelors in town', anang isang sikat na magazine.
Naroon kaya ngayon ang magpipinsan? Parang gusto kong kabahan nang pumasada sa utak ko ang maamo't gwapong mukha ng lalaking una pa lang ay kumuha na sa atensyon ko.
Naroon na naman kaya si Eros?
"Sky, help me here." Napapitlag ako sa pagtawag ni Valerie.
Isang grupo ng magkahalong babae at mga lalaki ang ngayo'y katapat niya. Nagmadali akong puntahan siya at tulungan.
Kinuha ko isa-isa ang mga order ng babae samantalang siya naman ay nasa mga lalaki. Tumulong na rin si Maury matapos gawan ng cocktail ang huling customer niya.
Ang dalawa pa naming kasama sa bar ay gumagawa naman ng cocktail na order ng mga nasa lamesa.
Habang tumatagal ang oras ay parami naman nang parami ang dumadagsa sa bar area. Kahit na ilang oras na akong nakatayo roon ay ni hindi ko nagawang indahin ang pagod simula sa maagang paggising para sa eskwela. I enjoy being here. Mabilis talaga ang oras kapag nage-enjoy ka, gaya na lang ngayon.
Sa tuwing narito kasi ako ay para akong nakatatakas ng ilang oras sa realidad. My heart continues to beat rapidly as my eyes lay on the rich and famous.
Pakiramdam ko'y sa tuwing napaliligiran ako ng mga ganitong klaseng tao ay isa ako sa kanila. Their lavish lifestyle makes me dream about being one of them someday. Kabaliwan iyon para sa sarili ko pero alam kong kapag narinig iyon ni Valerie sa akin ay baka siya na mismo ang gumawa ng paraan para maging regular na ako sa club.
"Pagod ka?" tanong niya matapos kong makalabas sa locker room at makapagbihis.
Alas dos ng madaling araw natapos ang duty ko. Siya naman ay sinabing sabay na kaming umuwi. Ang alam ko'y hanggang alas kuwatro palagi ang uwi niya, pero kapag ganitong alanganin ang uwi ko ay palagi siyang nagu-undertime para lang sa akin.
Marahan akong tumango. "Pero ayos naman ako. Papasok ako bukas."
"Good! Dapat lang Skyrene! Ikaw yata ang kauna-unahang magiging degree holder sa lugar natin 'no!" proud niyang sambit.
Napangiti ako dahil doon. Inayos niya ang kanyang bag bago isukbit ang kamay sa aking braso. Sabay na kaming nagpaalam sa mga kasamahan naming pauwi na rin.
Hindi ko maiwasang hindi isipin ang sinabi ni Valerie sa akin hanggang sa makauwi na kami sa bahay. She waves goodbye, at gano'n din ang ginawa ko. Nang makita kong nakapasok na siya ay wala sa sariling inilibot ko ang aking paningin sa mga bahay na nakapaligid sa akin.
We live in a pretty poor area of the city. Kung isa ka sa mga mayaman ay hindi mo aakalaing mayroong ganitong klase ng lugar sa likuran ng marangyang siyudad na pinanggalingan namin ni Valerie.
Scavengers. Iyan ang karaniwang tawag sa mga taga-West Side. Sa amin.
Sa mga karatig lugar ay ganoon na ang tawag sa amin kapag nalaman nila kung saan kami nanggaling. Ang tingin kaagad ay masamang tao o di kaya naman ay mga walang tamang asal. They're stereotyping us because of the place we live in.
Masisikip na kalye. Mga asong gala na ang iba ay may rabies pa. Mga maiingay at tsismosang kapitbahay. Mga magnanakaw. Mga basagulero at lasinggerong nagkalat sa kalsada kahit dis-oras ng gabi.
This part of the city is labeled as the most dangerous place in town. Iyong lugar na ang sabi ay kapag pinasok mo, hindi ka na makakalabas ng walang galos.
Oo nga at maliit lang naman ang lugar namin pero hindi ko maipagkakailang dito naman nangyayari ang lahat ng kaguluhan. Napapitlag ako nang marinig ang mabibilis na takbuhan sa aking likuran.
Damn it! Nagmamadali akong tumakbo papunta sa pintuan at agad na pumasok doon.
Sunod kong narinig ang alingawngaw ng wang wang ng alam ko'y mga pulis. Again? Kanina paggising ko ay iyon ang naging alarm ko at hanggang ngayong matutulog na lang ako ay mayroon pa rin.
Pagod akong napasandal sa aming lumang pintuan habang hinihintay na humupa ang ingay at takbuhan sa labas. Nang marinig ang pagtahimik ng lugar maging ang mga sasakyan ng pulis ay roon ko lang naisip ang mga kapatid ko.
Wala akong inaksayang segundo. Patakbo kong tinungo ang kwarto ng mga kapatid kong lalaki. Muntik pa akong mapamura nang matisod ako gawa ng mga maruruming damit na nagkalat sa sahig. Shit!
Marahas kong binuksan ang kwarto nila Ramiel at agad na binuksan ang ilaw roon. Hinihingal kong ipinasada ang mga mata sa kani-kanilang kama. Para akong binunutan ng malaking tinik sa dibdib nang makitang mahimbing silang natutulog doon.
Tumagal ang tingin ko sa kama ni Ramiel na napapikit nang mariin dahil sa liwanag ng ilaw na aking binuksan.
"Sky," ungot niya bago iharang ang mga braso sa mata.
Napalunok ako at muling pinatay ang ilaw. Dahan-dahan akong lumapit at naupo sa kama ni Ramiel.
Parang gusto kong maiyak dahil sa matinding kaba para dito. Napapailing na lang ako habang nakadungaw sa mukha niya sa tulong ng nakabukas na ilaw ng poste sa labas ng bintanang walang kurtina.
I am damn scared! Sa tuwing nakaririnig ako ng kaguluhan sa labas ay palagi kong naiisip si Ramiel—knowing him and my father. Siya talaga ang nakikita kong pupwedeng magmana sa kaangasan ng isang 'yon.
"Why are you here, Skyrene?" tamad niyang tanong gamit ang inaantok pang boses.
"W-wala. Kakauwi ko lang, Ram. Are you okay? The kids?"
Tinanggal niya ang kamay sa ulo at binuksan ang isang mata para titigan ako. "Kung tatanungin mo kung nakipag-away ako ngayong araw, ang sagot ay hindi, okay? We are fine, Sky."
Pinagdiin ko ang labi ko at hinawakan ang kamay niyang nasa aking gilid.
"Just be good Ramiel, nagkakaintindihan ba tayo? Please stay away from gang wars and shit. Masyado kang matalino para doon."
He chuckles. Kinurot ko naman ang kamay niya kaya madali siyang nahinto.
"Huwag mo nga akong isipin, Sky. You should think about yourself. Look at you, mukha ka na namang zombie."
"Ano?!" Inis kong hinampas ang dibdib niya.
"Shh!" Patuloy siyang tumatawa habang sinasaway at iniilagan ang mga kamay kong mapanakit.
Sa huling sapak kong tumama sa balikat niya ay tumigil na ako.
"Siguraduhin mo Ramiel na hindi mo ako bibigyan ng sakit sa ulo!" banta ko sa kanya.
Iminuwestra ko ang mga mata ko pagkatapos ay itinuro sa kanya. Umiiling naman si Ramiel habang patuloy akong pinagtatabuyan. Hindi ko na rin napigilan ang matawa.
Tumayo ako at lumapit naman kay Rigel para tingnan kung may pasa ba ito o galos sa katawan. Kung minsan kasi ay pati ang isang ito napapasa na rin sa mga away. I kiss his forehead before finally leaving their room.
Alas kuwatro na ako nakapagpahinga nang tuluyan. Naglinis pa ako nang kaunti sa labas at nag-load ng mga labahin sa may taning naming washing machine kaya naman 'pag gising ko para sa eskwela ay nakumpirma kong totoo nga ang sinabi ni Ramiel sa akin kagabi.
I definitely look like a zombie. Mabuti na lang at hindi ako nauubusan ng concealer para itago ang mga tanda ng pagiging responsable ko.
"That's it for today. Bukas ay kailangan ko na ng listahan ng mga kagrupo ninyo. At least five members per group," pinal na sambit ng aming professor bago ito dire-diretsong lumabas ng silid.
Natigilan ako at wala sa sariling napatingin sa mga classmate kong excited sa gagawing project. Parang gano'n lang kadali sa kanila ang magplano kung paano maipapasa ang subject na ito samantalang ako ay hirap makahanap ng mga kagrupo.
"Sky, sa amin ka na lang!" excited na hiyaw ni Louie nang makita ako.
"No way, Louie! We are full!" pigil ng babaeng tinitigan pa ako simula ulo hanggang paa.
Napangisi ako sa naging reaksiyon niya. Another day of hatred, of course.
"Kendall, matalino si Sky, tsaka kulang pa tayo," aniyang nililingon ang isa pang babae na katabi ng tinawag niyang Kendall.
Hindi ko na inintindi ang pagdidiskusyon nila. Hindi naman sa namimili ako o ayaw kong makisali sa grupo, kung hindi dahil gusto ko lang umiwas sa posibleng kumosyon na magaganap sa araw na ito.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at agad na isinukbit sa balikat ang dalang bag.
"Sky," habol at tawag sa akin ni Louie.
Paglingon ko ay naroon pa rin ang iritadong mukha ni Kendall dahil sa pamimilit ng kasama nilang isali ako.
Pinilit kong ngumiti bilang pasasalamat sa kanya bago nagsalita.
"Hindi na Louie. Kaya ko namang gawin yung project mag-isa."
"Good! Then go ahead—"
"Kendall!" Marahas na nilingon ng lalaki ang nagsalita kaya natigil ito.
Rumolyo naman ang mga mata ng babae dahil sa patuloy nitong pagtatanggol sa akin.
Inayos ko ang aking bag at taas-noo siyang tinitigan ng matalim. I can't wipe the smugness off my face. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa akong naiinis sa akin ang mga babaeng ni hindi ko naman kilala.
"Don't worry, hindi ko talaga balak sumali sa grupong hindi ko alam kung makapapasa ba." Binalingan ko si Louie na halatang nagulat sa naging pahayag ko. "I'm sorry Louie, pero maliban sa pagiging mapapel, wala naman yatang maitutulong sa project ang isang 'to. I don't like lifting something heavy," makahulugan kong sambit.
Mas lalo akong napangisi nang makita ang marahas na pagtayo ni Kendall dahil sa sinabi ko. "Anong sinabi mo?!"
"Kenny..." kinakabahang sambit ng babaeng nasa gilid niya.
Lahat kami ay nakatayo na. Ang ibang papalabas na ng classroom ay muling bumalik dahil sa kaguluhang sinimulan ni Kendall.
"Anong akala mo, matalino ka, Del Rio?! Akala mo kailangan ka namin? Pwes, ang kapal ng mukha mo!" malakas niyang hiyaw habang nagngingitngit na sa galit.
Kumawala ang matinis kong pagtawa na mas lalong nagpausok sa ilong niya.
Wow! I'm good at pissing people off, huh? Nakakatuwa na naiinis sila sa akin sa hindi ko malamang dahilan. They're just proving how insecure they are!
Well...kung hindi ko sila makakasundo, e 'di mas mabuti pang gatungan ang apoy ng inis nila. Sino bang matatalo? Ako ba?
I can hear clapping sounds at the back of my mind. Sa nakikita kong galit sa mga mata ni Kendall ay nagbubunyi ang mga demonyo sa utak ko.
Humakbang ako palapit para maharap siya nang mas maayos bago siya sagutin.
"Kung ikukumpara sa 'yo..." Ako naman ang tumitig sa kanya simula ulo hanggang paa. "Tingin mo?" nakataas ang gilid ng labi kong tanong.
Nakita ko ang pagkumo ng mga kamay niya at ang paghawak dito ng babaeng patuloy ang pag-awat.
"At oo Kendall, makapal ang mukha ko. Maging ang balat ko. Pero mas makapal ang utak ko kaysa diyan sa mga kolorete ng mukha mo."
"Fuck you ka!" malakas niyang sigaw na naging umpisa ng hiyawan ng mga taong nakakasaksi sa amin.
Akmang hahablutin na niya ang buhok ko pero hindi niya nagawa nang humarang sa pagitan namin si Louie.
"Letse kang Del Rio ka!" nanggigigil niyang sigaw sa akin.
Imbes na sagutin ang mga pagmumura niya ay umalis na lang ako. I don't even respond when she starts calling me names. Like fuck? Sa araw-araw kong naririnig 'yon ay sanay na sanay na ang magkabilang tainga ko.
Wala na bang bago maliban sa pokpok ako? Mahirap? Hampaslupa? Manggagamit? Ano pa? Ano pang gusto nilang itawag sa akin na masasaktan ako? As if masasaktan nila ako nang gano'n kadali!
Patuloy ang hiyawan ng mga lalaking sumunod sa akin palabas. Hindi naman nawala ang ngisi ko kahit na nakalayo na ako sa pinangyarihan ng eskandalo.
I can't help but smile devilishly at the thought that these bitches don't even know how pure and virgin I am than their pores.
Yes, they're right about me being poor, pero ang mga salitang sumunod doon ay hindi na angkop para sa akin. Kung tutuusin ay hindi ko na dapat isipin ang mga sinasabi nila, pero ang mga ganitong klaseng pagkakataon ay hindi ko rin naman kayang palagpasin.
Tama ang kapatid ko. Kung kayang patumbahin kaagad, bakit hindi?
Besides, I am a Del Rio. I am from the West Side and nobody dares to fuck with people from the west!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro