Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

04 THE NAVIGATOR AND THE VILLAINESS


"Lady Daneiris Sinclair, anong ginagawa mo rito?" Tanong nito.

I narrowed my eyes at him to have a better view. At tama nga ako ng nakikita, it's Viscount Naia Cavendish. Bumaba na ako sa railing at baka tuluyan pa akong mahulog dahil sa sobrang gulat.

"Pano mo nalaman yung titanic? Viscount Naia, taga Earth ka rin?" Tanong ko. His jaw dropped upon the mention of the world I came from.

"Oo, at na-reincarnate lang ako rito. Ganon din ba ang nangyari sayo, Lady Daneiris?"

Mas lalong nag-awang ang bibig ko ng marining ang sinabi niya. Like me, did he die and get reincarnated here? "Yes!" Halos mapiyok kong sagot at tumakbo papalapit sa kanya. Hindi naman sa feeling close ako no, but the overwhelming happiness made me want to hug him, so I did.

Agad din niya akong niyakap. I was so happy that I wasn't the only one trapped in this world. Pero sino siya? Wala namang Viscount Naia sa The Lady Amidst the Beasts. Pero hindi na importante yun, a
ng importante ay hindi ako nag-iisa sa mundong to. Sa sobrang saya ay niyakap ko ulit siya na may kasamang panggigigil, bago bumitaw at tumingin sa kanya. He must still be very shocked, his eyes and mouth are wide open. "Viscount?" Ikinaway ko ang palad sa mukha niya para makuha ang atensyon nito.

"Ang weird," He whispered.

"Weird? Ako?" Nag-init ang pisngi ko sa hiya. Maybe the hug was too much? "How rude." Kunot noo kong dugtong.

"H-Hindi, hindi ikaw, Lady Daneiris." He panicked and shook his head. "May nag-flash kasing babaeng nasagasaan ng truck noong hawakan kita. Hindi ko alam kung paano nangyari yun." Napahawak siya ng ulo at halatang naguguluhan.

Nanlamig ang mga palad ko sa sinabing iyon ni Viscount Naia. Napakagat labi ako habang iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Ang weird naman, pero wala namang ibang babaeng nasagasaan ng truck dito kundi ako. "Ah, ehh..." Jusko nakakahiya! "I-Iyon kasi ang dahilan ng kamatayan ko. Nasagasaan ako ng truck, at nang magising ay narito na sa mundong ito. Kilala mo ba si RC Astralia?" Tanong ko matapos magpaliwanag.

"Oo, sa totoo niyan ay ang Astaria Series number three: Augury of the Plague ang binabasa ko, at sa mismong kingdom setting din ako nareincarnate. Kaya sa totoo niyan, Lady Daneiris, I meant to die, and this Kingdom is meant to face a deadly plague. Here's another thing: I did not finish reading it, so I don't know how to solve this problem. All I know is to twist the fate of Naia and save this Kingdom from the plague."

"Nasa loob ka rin ng libro ni RC Astralia?" Halos pasigaw kong tanong, but when I realized how loud I was, napatakip ako ng bibig. Ikinalma ko muna ang sarili dahil umiinit nanaman ang ulo ko sa RC Astralia na yun. Huminga ako ng malalim bago ulit nag-angat ng tingin kay Viscount Naia. Kahit hindi ko binasa ang iba pang gawa ni RC Astralia ay pamilyar ako sa pamagat ng iba pa niyang libro, kaya alam kong nagsasabi siya ng totoo. "Sorry, hindi ako pamilyar sa libro niyang iyan. Ang tanging nabasa ko palang kasi ay ang book 1, iyong The Lady Amidst the Beasts. Iyon ang librong napasukan ko, at sa kasamaang palad ay mamamatay din ako sa librong ito. I'm trying my best to alter my fate, pero hindi pa kasi nag-uumpisa ang original timeline kaya eto, go with the flow muna ako sa mga kaganapan ngayon." Paliwanag ko naman sa sitwasyon ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin, na para bang parehong nalulungkot sa kasalukuyang sitwasyon ng isa't isa.

Pero napaisip ako sa mga sinabi niya. "Plague?" Mahina kong ulit. "Oh my gosh, don't tell me nagdala ka ng plague dito? Yuck, wala pa namang alcohol sa mundong to!" I panicked at bahagyang lumayo sa kanya.

"Lady Daneiris, wala pa. Mga ilang linggo pa sa araw na ito bago kumalat ang plague. At kung itatanong mo bakit hindi ko sinasabi ang alam ko sa mga nakakataas, hindi maaari, dilikado, nabasa ko sa diary ni Naia na marami sa mga Royalties ang iniimbistigahan niya para sa kasong pagtataksil sa sarili nilang kaharian," Seryoso nitong pagpapaliwanag. The story he's in sounds complicated, napatango tango nalang ako.

May lumapit kay Viscount Naia na isa pang lalaking nakauniporme at may ibinulong ito.

"My apologies, Lady Daneiris, but I need to leave to talk to another kingdom. I'll write to you as soon as I meet someone who has also reincarnated here. Thank you for allotting your precious time to me." Paalam nito sa akin.

Wow, mukhang nakapag-adjust na siya ng tuluyan sa mundong ito, at mukhang may plano na rin sa mga gagawin niya. "Please write to me as soon as you can, My Lord." I gave my curtsy to him and smiled, paano nasa tabi nya pa iyong lalaking bagong dating kahit pa ba gusto ko pa sanang makipagkwentuhan.

Pinagmasdan ko lamang ang Viscount hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

"Daneiris," Napalingon ako sa boses mula sa likuran ko. "Come now." He called.

Belvedere offered me his arm the moment I stood beside him, which I immediately took. Nakababa na pala ng barko ang magulang namin at hinihintay kami roon.

"Nagbigay ng pahintulot ang Itinakdang Prinsipe na maaari ng mamasyal at magliwaliw ang lahat. The ship will depart around eight in the evening, so we can enjoy until then." My brother explained as we walked down the gangway.

"And you're going to buy me everything I want." I reminded him.

"Yes, My dear sister!" He pulled out a pouch from the coat he lent me, and it seemed he had prepared a large sum of money. "All yours." Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ang pouch sa palad ko.

Agad ko namang sinilip ang loob at punong puno ito ng gold coins. "Akin lahat to?" Hindi makapaniwala kong tanong. Well, I do have my allowance, pero hindi ganito karami. I think this is three months' worth of my monthly budget.

"If that's not enough, I still have another pouch prepared." Bulong niya.

My jaw dropped. Gano ba kayaman ang isang to? Mas malaki ba ang monthly budget nya? Ah oo nga pala, isa nga palang Royal Knight si Belvedere sa Arexxo. Balita ko ay malaki ang sahod ng mga Royal Knights, tapos nabigyan pa ang pamilya namin ng war loots dahil sa pagtulong sa Vrivasea na masakop ang Arexxo ng walang kahirap hirap. Pagkatapos nagbigay pa ang Hari ng malaking pabuya ng makarating na kami rito sa Vrivasea.

Pagkababa ay agad na nagpaalam si Belvedere na hiwalay kaming mamamasyal. Ilang stalls and shops palang ang napuntahan namin ay marami na kaagad akong nagustuhan. Most of them are fabrics that I want to be tailored for me. Bumili rin ako ng ilang mga palamuti sa buhok, mga pabango, at mga panghimagas. Kahit nakakarami na ako ng pinamili ay marami pa ring natitira sa gold coins na binigay ni Belvedere.

"Lord Belvedere!" Sabay kaming lumingon sa tumawag na iyon. It's the Marquess' secretary, at mukhang hapong hapo ito.

"What's the matter?" Tanong ni Kuya ko rito.

"My Lord, the Marquess' signature is needed on the invoice, but we couldn't find him. Can you please come and check it out?" Saad nito.

"Can't you see I'm busy?" He crossed his arms.

"Bel!" Saway ko rito.

"But," Gusto pa sana nitong mangatwiran, but I crossed my arms at pinanlisikan siya ng mata. "Fine. Babalikan kita kapag natapos ko na to." Wala siyang nagawa kundi ang pumayag.

He left after that. Well, hindi naman ako naiwang mag-isa dahil may mga maids namang nakasunod sa akin.

Bumalik ako sa pamimili. This time mas gusto kong magfocus sa pamimili sa mga stalls kumpara sa mga stores kung saan mga mayayamang negosyante ang nagmamay-ari.

Habang nag-iikot ay may nadaanan ulit akong stall na nagbebenta ng mga palamuti sa buhok, agad na nakatawag ng pansin ko ang isang amethyst hairpin. I was about to pick it up, but someone grabbed it before I could.

Oh my god, ang malas ko naman! Napatingin ako sa taong unang nakakuha ng hairpin.

Pareho kaming nagulat ng makita ang isa't isa.

"Your Grace," I curtsy immediately.

"Lady Daneiris," Duke Hadeon also lowered his head and greeted back.

After the formalities ay nanatili lang kaming nakatayo roon, ang totoo ay gusto ko nang umalis, but at the same time I'm waiting for him to put the hairpin back.

"I'm sorry, here." Nasurpresa ako ng iabot niya sa akin ang hairpin na gusto ko.

"Oh no, Your Grace." Magalang kong pag-tanggi. "You picked it up first. At ito naman talaga yung kukunin ko." Sa taranta ay dinampot ko ang katabing hairpin na napapalamutian ng blue jade. Ang problema ay binilhan na ako ni Belvedere ng kaparehong disenyo kanina.

"I see." Nawalan na ako ng pag-asa dahil ibinigay na niya iyon sa nagtitinda at binili.

Para kanino kaya ang hairpin?

"Are you alone, Lady Daneiris?" He asked.

Iyong blue jade hairpin naman ngayon ang kasalukuyang binabalot ng tindera.

"I was with my brother a while ago, but he was needed somewhere." Sagot ko.

"I see." Nakatingin lang siya sa akin na para bang may gusto pang sabihin.

I should go. Hindi na dapat ako makipaghalubilo sa mga pangunahing karakter ng kwento, lalo pa at malapit na ang victory party.

"Would you like to stroll around together?" Bago pa man ako makapagpaalam na aalis ay nauna na itong magyaya.

I have to decline. You have to decline, Daneiris! Pero kahit ulit ulitin ko ang mga katagang iyon sa isipan ko ay hindi ko naman masabi, lalo pa at may mga kasamang Knights si Duke Hadeon at may mga maid naman sa likuran ko na narinig ang paanyaya nito.

What if rumors start spreading that a mere daughter from a family at the mercy of the King, declined the Head of the Kingdom's foremost Ducal family?

That won't be good for our family's reputation.

"It would be an honor, Your Grace." I have no choice but to agree.

Bago umalis ay pinabalik ko sa barko ang dalawa sa tatlong maids na kasama ko para dalhin na roon ang mga pinamili ko.

"Are you also doing some shopping right now, Your Grace?" Tanong ko dahil medyo awkward ang katahimikan.

"Yes, but not for me. It's presents for my sister." Sagot nito.

I see, so the hairpin is for Lady Francoise Darcy?

Lady Francoise is Daneiris' good friend. The female lead met her at the victory party and Lady Francoise was the one who formally introduced Hadeon to Daneiris. Since then the three became good friends until something deeper blossomed between the two leads.

"Did she ask you to buy her stationery?" Lady Francoise likes to use fancy papers when inviting tea parties. There is a chapter in the book where Daneiris complemented the papers Francoise used.

"How did you know?"

"Women like to use stationery when writing letters. I also bought some for myself." Kahit wala naman akong paggagamitan dahil for sure walang nobles na titira sa teritoryo namin, kaya wala akong maiimbitahan for tea party, at wala ring mang-iimbita sa akin.

"Ah, yes. She has quite a collection." Pareho kaming natawa pagkatapos.

I thought it would be an awkward experience walking alongside the Duke, lalo pa at siya ang magiging dahilan ng kamatayan ko. But for some reason, it was fun. I'm enjoying it. Is this what they call the male lead privilege? Kasi di ba siya ang bida, so lahat ng positibong bagay ay nasa kanya?

I ended up buying more stuff, at sinamahan ako ni Duke Hadeon kahit pa ba halos puntahan ko lahat ng stalls. Hadeon also ended up buying more for Lady Francoise.

Thanks to the tower clock, I was able to track the time and it's now two in the afternoon. Hindi pa din bumabalik si Belvedere kahit nakabalik na kami sa lugar kung san kami naghiwalay kanina.

"My Lady,"

"Yes?"

"If you're not busy, can I invite you to the opera?" Nagulat ako sa biglaang paanyaya.

"The opera?" I've never been to one.

I mean, I had a few memories that the real Daneiris had been to the opera many times, but those are her memories, her experiences and not mine. Gusto kong masubukang makapunta sa isang opera house.

"Sure." Puno ng excitement kong sabi na mukhang nagpagulat kay Hadeon.

He just brushed it off with a smile, and offered me his arm. Well would you look at that, the shy male lead earlier has become bold.

I obliged and he led the way. I didn't know that an opera was nearby. He purchased a seat on the loge, where you can see and admire the whole opulent atmosphere of the opera house.

The title of the show is The Comedy of House Fjoir. I didn't understand the title until I saw the ending. It's a story of two lovers, one of a higher noble house and the other of a fallen noble family. The female lead is once a sought after lady; but when their family falls from grace, the male lead's family, Fjoir a prominent household, broke off the engagement so their son could marry to a more suitable lady. The two fought for their love, but in the end, the male lead married someone else. Broken by the betrayal, the female lead married her fervent suitor, Duke Erkaik. Mean while, the male lead married a spoiled Lady who knows nothing but spend money, and doesn't do well in her duties as the lady of the manor. This would often result in them fighting, and eventually the over spending led to the Fjoir family's downfall. The male lead regrets everything but it was too late, as the female lead has already learned to love her husband and now living a happy life she deserves.

"I hope you enjoyed the show, Lady Daneiris." Pabalik na kami ngayon sa barko. Inabot na kami sa paglubog ng araw sa panonood.

"I did, Your Grace. Thank you very much." Sagot ko.

Well, it's not bad to atleast have one memorable moment with the male lead before we part ways for good. Hindi ko ipinapahalata na nakatingin ako sa gawi niya habang paakyat kami sa gangway.

I hope that you'll find a woman you could love, and love you freely, Duke Hadeon. I'm sorry if it's not Daneiris. But this body is no longer hers, but mine, and I want to live.

Pagkaakyat namin ay agad na may sumalubong na Knight. Mayroon itong sinabi kay Duke Hadeon at mukhang importante.

"My Lady, I wanted to escort you back inside, but I am needed somewhere."

"It's alright," Bahagya akong napalingon sa likuran para ipaalalang may kasama pa naman akong isang maid na tutulong sa akin. "I really had a great time, Your Grace." Ngumiti ako sa kanya.

"Here, as a token of gratitude. I had a wonderful time too." May inilabas siya sa bulsa ng coat at inilagay sa kamay ko. Bago ko pa man matingnan kung ano ay umalis na siya kasama ang Knight na sumalubong sa amin.

Binuksan ko iyon, and it was the amethyst hairpin earlier. Sa hindi malamang kadahilanan ay uminit ang mga pisngi ko.

Habang pinagmamasdan ang hairpin ay nakadama ako ng presensya sa likuran ko at agad na napalingon. "Viscount Naia!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Bigla-bigla ba namang sumulpot, nagmomoment pa yung tao e. Itinago ko ang hairpin sa bulsa ng damit, at sumenyas sa maid na mauna na.

"My apologies, Lady Daneiris," He apologized and lower his head, akala ata nya hindi ko nakita ang pigil niyang pagtawa.

"It's okay. I'm glad to see you again, Viscount." Akala ko ay hindi ko na siya makikita bago man lang kami umalis. Ngayon ay magkakaroon na ako ng pagkakataong makapag-paalam ng maayos. "By the way, what brought you here?" Tanong ko na may halong pagtataka. Paano ay kapansin-pansin ang kasiyahan sa mukha nito.

"Lady Daneiris, gusto sana kitang imbitahan sa SSVIP dinner kasama ng Crown Princess ng Querencia Kingdom na si Crown Princess Libitina. Nakita ko kase sa vision ko na katulad din natin siyang nag-reincarnate dito sa mundong ito. Hindi ko lang alam kung gaya natin ay napunta siya dito bilang isa rin sa characters ng mga libro ni R.C Astralia."

Napasinghap ako at napatakip ng bibig sa narinig. "May isa pa?" Hindi makapaniwala kong tanong. At hindi lang iyon, isa daw Crown Princess ang bago niyang nakilala na nareincarnate rin? "Viscount Naia, ang galing naman niyang kakayahan mo." Papuri ko.

He was blushing while rubbing the back of his neck. "So, let's meet the Crown Princess Libitina, Lady Daneiris?" Nakangiti nitong tanong.

"Of course," Kaagad kong pagpayag. "Pero maaari mo ba akong pahintulutang magpalit muna ng damit? Kanina ko pa ito suot at napagpawisan na rin. Nakakahiya naman sa ipapakilala mo sa akin." Nahihiya kong dugtong.

"Sure thing, Lady Daneiris. We'll be waiting at the tenth floor or the restaurant floor of this ship, take your time. Mauna na ako sayo." Pagkapaalam niya ay dali dali akong bumalik sa kwarto ko kung san nililigpit ng mga maid ang pinamili ko.

Naroon din si Belvedere at nangungulit na gustong sumama. Tinutukso pa ako tungkol kay Duke Hadeon. Bumalik pala siya kanina para samahan ako, but when he saw me with the Duke ay namasyal nalang siyang mag-isa para hindi kami maistorbo. I somewhat felt bad because we promised each other to enjoy the day together, pero ayun at ginabi na nga kasama si Hadeon, at ngayon ay may pupuntahan nanaman ako at hindi ko siya pwedeng isama.

Matapos magbihis ay agad akong pumunta sa lugar na sinabi ni Viscount Naia, hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil siya lang naman ang mayroong kulay pink na buhok sa mga kalalakihang nandito. "Viscount!" Pagtawag ko sabay kaway. Kumaway din ito ng makita ako. "Am I late?" Tanong ko agad. "Do I look okay?" Dagdag ko kahit hindi pa niya sasagot ang una at umikot sa harapan niya para ipakita ang kabuoan ng damit. Prinsesa pa naman ang kakatagpuin namin kaya pinili ko ang pinakamagandang damit na meron ako, para magmukhang presintable. A blue damask gown, with resplendent laces at the hem, over a silver petticoat. Adorn with gold and pearl girdle belt that flown down to knee lenth.

"You look not just okay, but beautiful as a Goddess of Beauty, Lady Daneiris," He gave me a thumbs up. "So, shall we, My Lady?"

Ngumiti ako at pagkatapos ay napabuntong hininga."Yes," Sagot ko. "Let's go." He offered me his hand after I calmed down, and we went to the SVVIP room he mentioned.

"Lord Naia, nasa loob na po si Crown Princess Libitina, at mukhang galit po siya kanina." Salubong agad ng guard sa amin.

"Papaano siyang nakapasok sa loob? Ang alam ko ako lang ang may access sa room na ito?" Tanong ni Viscount Naia.

"Pinatawag niya po kanina si Grand Duke Philip na meron din pong access sa SVVIP room." Sagot ng guard.

"Let's volt in, charot! Tara, pasok na tayo, Lady Daneiris." Pagyaya niya sa akin, na ikinatawa ko naman.

"Tara, at baka naiinip na yun kakahintay sa atin." Tapos mukhang kasalaman ko pa dahil nagbihis pa ako at natagalan.

The Viscount opened the door and we were greeted by a displeased looking lady with purple hair, and white-mirror-like eyes that are currently narrowing at us. "Oh, there you are," She rolled her eyes. "I thought I am gonna wait forever." She then clicked her tongue and crossed her arms.

Natawa ako ng problemadong napakamot ng ulo si Viscount Naia. "My apologies, Your Royal Highness. Anyhow, do you mind if we talk inside about the matter that I told you a while ago?" Tanong nito. She sighs, at sa wakas ay pinadaan na kami. Naia pulled me inside and closed the door behind us.

"Siya na ba yun? May high blood ata." Bulong ko kay Viscount Naia while following his lead.

"Don't worry, Lady Daneiris. High blood lang pero mabait yan," Sagot nito.

Well I hope so.

Sinuri ko ang magandang interior ng SVVIP room, it has a touch of modern sophistication alongside the furnitures.

We walked towards the fancy dining table, surrounded by four plush velvet chairs.

There's a giant window on one side that offers a majestic view and have smart curtains for light and privacy. Crystal chandeliers and candle sconces set the mood, making it feel like a fancy candlelit dinner. Modern art on the walls adds to the vibe. You've got top-notch dinnerware, glassware, and silverware. Lights and music can be controlled with your voice or a tap.

Viscount Naia clapped his hands, and the curtains opened up exposing the breathtaking view of the ocean.

"Are you satisfied with the interior and exterior ambiance, My Lady, Your Royal Highness?" He asked.

"Yes," Excited kong sagot sa tanong ni Viscount Naia. This room is splendid and relaxing, mas lalong gumanda ng bumukas ang bintana. Napatingin naman ako kay Crown Princess Libitina, at hinintay ang magiging sagot nito.

She snorted. "Perhaps, I got the chance to lighten my mood by meeting the Crown Prince of Vrivasea. And now ito na naman?" A whisper that caught my attention.

"You met with the Crown Prince?" I asked, making sure I heard her right. Though it's none of my business since wala naman sa libro ang eksenang nagkita sila. Maybe it's a Royal duty na hindi lang nabanggit sa kwento ni RC Astralia.

Tumingin siya sa akin. "So you knew Prince Dimitri? Nakasalubong ko lang siya papunta rito. So I took the chance to invite him to be one of the judging panels in my kingdom's annual entrance exam," Walang gana niyang sagot at tinaasan ako ng kilay. "Who are you again?"

"I am also from Vrivasea, Your Highness. So yes, I know the Crown Prince." Sagot ko sa una niyang tanong. "And I apologize for the late introduction, My name is Daneiris of House Sinclair. I am a friend of Viscount Naia." Pagpapakilala ko.

"The name is Libitina La Fayette, the Crown Princess of Querencia Kingdom." She introduced after a long pause

"It's a pleasure meeting you, Princess." Tumingin ako kay Viscount Naia, hinihintay na sabihin nito na kaparehas din nila ako ng sitwasyon. Na nareincarnate rin ako sa mundong ginawa ni RC Astralia. Nakatingin ito sa may bintana with anticipating eyes, kaya napatingin din ako doon.

My jaw dropped in astonishment as a huge ethereal ship passed by.

The ship has a huge hull made from a living coral reef, and its organic surface radiates an amazing variety of hues, as if it were taken from the most inaccessible regions of marine fantasies.

A beautiful note could be heard coming from the ship's body, which seems to pulsate with life. The ship's bow has a magnificent figure to it, with water flowing from its spread hands to create a transparent, floating fountain that dances in time with the ship's beautiful movements, the marble sculpture exudes a serene aura of tranquility. The deck of the ship changes into an ethereal paradise decorated with alluring kelp and brilliant seashells. The ship is accompanied by schools of brilliant fish that move in perfect unison with one another, creating an enthralling aquatic dance.

The ship's ambiance was magical and strange thanks to the ethereal lanterns dangling from the masts. Its sails, which are made of the glistening, translucent membranes of enormous jellyfish, billow and ripple as though they were propelled by the tides. The crew, made up of people with exotic features like gleaming scales and flowing hair, harmonizes in eerie sea shanties that seem to call the deep-sea creatures. Undoubtedly a sight to behold.

"This thing really is majestic and unrealistic. So ladies, while this unrealistic view is passing to our eyes, let's talk about our real agenda for tonight-the reincarnation of the three of us. Did we all reincarnate to the book of a renowned author using the penname, R.C Astralia?" Viscount Naia is holding a glass of wine, and drinks it.

Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Princess Libitina sa sinabing iyon ni Viscount Naia. "Let me introduce myself again, Crown Princess. My real name is Cordelia Rodrigo, and I got reincarnated in the body of Lady Daneiris Sinclair, if you have read the first book of the Astaria Series, you might be familiar with the story." Muli kong pagpapakilala ng mabanggit na ni Viscount Naia ang tungkol rito. "By the way, Viscount, I don't know your real name yet." Baling ko sa kanya.

"Oh! My bad, I forgot to tell you about that. My real name was Andrei Alvarez, and I was a Marine Lieutenant before a supernatural incident happened. My Marine Corps and I died because of the shocking attacks of a Kraken. That's really unusual right?" Nang marinig iyon ay naging thankful nalang ako na katangahan ang naging cause of death ko. Mukhang nakakatakot kasi yung kay Naia. " How about you, Crown Princess Libitina?" Napatingin ako sa prinsesa nang siya naman ang tanungin nito.

Katulad nito ay mukhang nagulat din siya sa sinabi ni Viscount Naia. "My name's Mara Mezzasalma." Matapos magpakilala ay tumingin siya sa akin. "To be reincarnated with the character that dies for the male lead? Damn." Komento niya at hindi ko alam kung nang-aasar ba.

I really hate that part of the book.

"Rest assured that nothing like that will happen again, Mara Mezzasalma." Ngumiti nalang ako. "So, how did you die?" Dugtong ko.

"Darling, do you really want to know?" Tumawa ito. "In my previous life, I am as wicked as Libitina, but bloody." She smirked.

"So you're a criminal, something like that? Ako kasi hater lang ni RC Astralia." Ganti kong sagot.

"I am, a mafia underboss to be exact," Wow, mafias exist? "And hate ba kamo kay RC Astralia? Honestly, I am on the verge of hating her because of what she did to my favorite character." She clicked her tongue

Girl, I feel you!

Naputol ang pag-uusap namin ng biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang isang lalaking mukhang may mataas na ranggo.

"Mea Culpa, My Lady and Your Royal Highness, but Viscount Naia and I must take our leave now as the king summons us to the palace for a private matter." Saad nito.

"My apologies, Lady, Your Royal Highness, I must take my leave now. Until we meet again. Please, Lady Daneiris, discuss the plan we created if we meet another same fate as ours. Thank you and farewell." Paalam nito at nagmamadaling sumunod sa lalaking pumutol sa pag-uusap namin.

Naiwan kaming dalawa sa loob dahil nagmamadaling umalis si Viscount Naia kasama ang Grand Duke. "By the way, Princess Libitina, napag-usapan namin ni Viscount Naia na ipapaalam sa isa't isa kapag mayroon pa kaming nakilalang katulad natin na nareincarnate rin sa librong ginawa ni RC Astralia." Tumango tango siya sa sinabi ko. "By the way, anong libro nga pala ang napuntahan mo, if you don't mind?" Hindi ko pa pala naitatanong.

"The second installment of Astaria Series, The Throne of Glass and Gold," ang aking sagot sa tanong niya.

"Ah, sa second book pala." Pabulong kong sagot. Paano ay wala naman akong alam sa ibang libro ni RC Astralia kasi nga nabadtrip na ako dito sa kwentong napasukan ko ngayon. "Are you busy, Princess?" Tanong ko nalang. Medyo awkward na kami nalang dalawa ngayon. Mukha pa namang wala siya sa mood.

"I am kinda tired because of everything that happened today." Tumayo na rin ako ng tumayo siya. "I'll take my leave now, Lady Daneiris. Those brats sucked all my fucking energy like leeches."

"Well then, Princess," Lumapit ako sa kanya, and I know she might get mad, pero, "It was nice meeting you today, Mara. Sana magkita pa tayo ulit." Saad ko sabay yakap sa kanya tulad sa ginawa ko ng makilala si Viscount Naia.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko ng yakapin din niya ako. So she's cold but also sweet huh?

We parted ways after that. Right now, medyo panatag na ang loob ko na hindi lang pala ako ang napunta sa mundong ito. Even though malayo kami sa isa't isa, it's still a relief knowing them.

A few minutes after that, the ship departed the coast of Sheodica and we headed back to the Kingdom of Vrivasea. Laking pasalamat ko na hindi ko na nakita ulit si Duke Hadeon at Crown Prince Dimitri sa buong biyahe pauwi. Mas naging maingat kasi ako kapag lumalabas ng silid.

This is it, all I have to do is focus on the preparations for the victory party, at sunod ko namang aasikasuhin ay ang pagsama sa Stormwatch.

____CHAPTER 4____

This chapter is a crossover between kyubi3 , RonRaViolet and yours truly. All dialogues of each respective character are made individually to showcase our unique writing styles.
The description of the SVVIP room and the ship are owned by mareng Kyubi3, which I edited a little bit to suit my character's point of view.

Read Crown Princess Libitina's story here: RonRaViolet

Read Viscount Naia's story here: kyubi3

Thanks for reading 🤍

VOTE. COMMENTS. RL
are highly appreciated.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro