Chapter 6
Actions
Naging magaan ang buhay ko sa university dahil sa presencya ni Arnaldo. Hindi man ako sanay na may kasama o kinakailangan ng tulong ng kahit na sino ay tama nga sila, iba pa din talaga pag may kasama ka.
"Ibang-iba ka na talaga ngayon ah. Hindi na kita halos makilala," sabi ni Mama sa akin. Kanina pa siya pa-ikot-ikot sa harapan ko. Tinitingnan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
Lahat ng suot ko, gamit, at ultimo bagong ayos ng buhok ko ay pinuna na niya. Ni wala siyang pinalagpas.
Tahimik ko siyang pinanuod. Nanatili akong nakatayo doon, parang mannequin na hinihintay na sabihan niya akong gumalaw na.
"Magkano ang bag na 'to? Orig ba 'to?" tanong niya sa akin habang marahang hinahaplos ang designers bag na ibinigay ni Mommy sa akin.
Sikat ang brand ng bag na 'yon dito, mahal siya pero parang normal na lamang sa mga estudynate dito.
Bumaba ang tingin ko sa bag, alam ko naman ang halaga no'n, pero wala naman talagang kaso sa akin. Kahit ano namang bag ay gagamitin ko.
"Siguro? Galing 'to kay Mommy," sagot ko sa kanya.
Muli ko nanamang nakita kung paano siya nagtaas ng kilay sa akin. Alam ko na kaagad na may hindi siya nagustuhan sa mga sinabi ko.
Imbes na magsungit ay tumawa siya ng pagak.
"Mommy, ha. Feel na feel mo na talaga, e no..." mapanuyang sabi niya sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako. Paulit-ulit ko na 'tong sagot sa kanya sa tuwing pinupuna niya ang pagiging close ko kay Mommy.
"Hindi po ba't kasama ito sa plano? Paano ako magiging si Atheena Escuel kung ilalayo ko ang loob ko kay Ma'm Metis Escuel?" paliwanag ko sa kanya na paulit-ulit ko namang sinasabi pero halatang hindi naman niya iniintindi.
"Kaya nga," giit niya na akala mo iniintindi niya talaga ang sitwasyon.
Bago pa man ako makapagsalita ay muli na siyang humabol para lang hindi siya magmukhang hindi umiintindi.
"Pero wag kang masasanay. Aba wag kang mawili Rhiannon," paalala niya sa akin.
Marahan akong tumango. Pagmumukain kong sumasang-ayon ako sa kanya para matapos na. Kung magpapaliwanag pa kasi ako ay siguradong tatagal lang at hahaba ang magiging pag-uusap namin.
"Hindi po ako masasanay, alam ko 'yon," pagsuko ko.
Kagaya ng inaasahan ay alam kong hindi lamang 'yon ang pakay niya. Dahil matapos niya akong irapan ng ilan pang beses ay naglahad na kaagad siya ng kamay sa aking harapan. Alam ko na kaagad ang gusto niya.
"Kakabigay ko lang po sa inyo last week..."
Dahil sa aking sinabi ay nag-umpisa ng manlisik ang kanyang mga mata.
"Nagbibilang ka na ngayon, Rhiannon? Kailan ka pa natutong magbilang?" mapanuyang tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga ako, halos gusto kong magkamot ng ulo para idiin sa kanya ang paliwanag ko.
"Hindi po sa ganon," giit ko.
Dahil alam kong kahit anong giit ko ay hindi niya papaniwalaan 'yon. Hindi niya tatanggapin. Sa huli ay ako pa din ang magmumukhang masama.
"Nagbibilang ka na ngayon, porket ba nakatikim ka na ng ginhawa ay ganyan ka na? Aba'y mabilis ka pa lang nababago ng perang bata ka..." akusa niya sa akin.
"Hindi po ako ganon, Mama."
Tatanggapin ko ang kahit anong pwede niyang sabihin laban sa akin, pero ang sabihing isa akong klase ng tao na nababago ng pera ay hindi ko na kayang tanggapin.
"Kayo naman po ang may gusto na gawin ko ito, di po ba?" tanong ko sa kanya.
Pilit ko pa ding nilalagyan ng respeto ang klase ng pagsasalita ko hangga't maaari.
Gusto man niyang magsalita, manlaban ay hindi na natuloy pa. Alam kasi niya sa sarili niya na hindi naman mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa kanya. Siya ang may gusto na makipagsabwatan kay Don Joaquin.
Iniwan din kaagad ako ni Mama matapos niyang makuha ang kailangan niya sa akin. Hindi ko nauubos ang allowance ko, na-uubos 'yon dahil sa pagkuha ni Mama. Sa kanya napupunta ang mga allowance na ibinibigay ni Mommy sa akin.
"Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap," bungad ni Arnaldo sa akin.
Kaagad ko siyang nakasalubong sa may hallway. Didiretso na sana ako sa classroom namin para sa susunod naming klase. Wala sa sarili tuloy akong napalingon, kahit alam kong wala na don si Mama ay nandoon pa din yung takot na makita siya ni Arnaldo.
Hindi man niya kilala si Mama ay para bang parte na 'yon ng pagpapanggap ko. Ramdam kong natututo na talaga ako.
"Sinong..." hindi natuloy ang tanon ni Arnaldo.
Nakita kong nakatingin din siya sa parte ng pinanggalingan ko na para bang tinitingnan din niya kung anong hinahanap ko doon.
"Tara na..." yaya ko kaagad sa kanya.
Hindi na ako nakuntento pa. Ako na mismo ang humila sa kanya paalis doon. Hindi naman na siya nangulit pa at nagtanong sa ikinilos ko.
"Para saan 'yan?" tanong ko kay Arnaldo ng makita kong inilalagay niya sa sobre ang ilang nakatuping pera.
"Ibinigay na ni Don Joaquin ang allowance ko para sa buwan na 'to. Ipapadala ko kila Nanay sa Sta. Maria," sagot niya sa akin.
Sandaling nagtagal ang tingin ko doon. Mukhang halos lahat ng allowance niya ay ipapadala niya sa kanyang pamilya.
"P-paano ka dito?"
Tipid siyang ngumiti sa akin. Napanguso pa ako ng makita ko kung paano niya dinilaan ang sobre para dumikit yon at hindi na mabuksan pa.
"Madali na lang 'yon. Pwede naman akong kumuha ng part time kung sakaling may gastos," sagot niya sa akin.
Naging maganda ang performance ko sa school sa unang semester. Dahil doon ay nagawa akong purihin ni Don Joaquin na hindi ko inaasahan.
"Pagbutihan mo pa sa susunod..." pinal na sabi niya sa akin matapos niyang sabihin ang salitang magaling at matalino.
Ramdam ko pa ngang hirap na hirap siyang sabihin 'yon. Maging sa salita ay halos ayaw niyang matuwa ako. Hindi talaga siya gagawa ng kahit anong bagay na pwedeng magpasaya sa akin, hindi niya hahayaan na magkaroon ako ng katiting na pag-asa na magiging Tatay siya sa akin.
"Salamat po...Don Joaquin."
Hindi ko pa sana gustong umalis sa harapan niya pero ang tingin niya sa akin ay nagsasabing umalis na ako dahil ayaw niya na akong makita sa harapan niya.
Kahit pa sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin ay hindi pa din maalis ang ngiti sa aking labi. Masaya na ako sa simpleng compliment na ibinibigay niya sa akin. Ganoon pa lang 'yon, paano na kaya kung umayos na ang pakikitungo niya sa akin.
"You looked so happy today. Anong meron sa school?" tanong ni Mommy sa akin.
Hindi ko alam kung saan 'yon nanggaling. Siguro ay kanina pa niya napapansin ang pag ngiti-ngiti ko. Iba sa pakiramdam na malama mong proud sayo ang mga magulang mo, hindi man 'yon direktang sinabi ni Don Joaquin ay parang ganoon na din 'yon.
I'm not a people pleaser, pero pakiramdam ko ngayon...'yon na palagi ang goal ko. Ang gawing proud si Don Joaquin sa lahat ng gagawin ko.
"Matataas lang po yung mga grades ko, Mommy."
Malaki pa din ang ngiti niya habang pinapakinggan ang sagot ko. Pero iba pa din ang tingin niya sa akin, para bang may gusto pa siyang malaman. May iba pa siyang iniisip.
"Do you have a crush? May nagpaparamdam ba?" tanong niya sa akin. Tunog nang-aasar pa din.
Halos mabitin sa ere ang ngiti ko dahil sa naging tanong niya sa akin. Malayo 'yon sa tunay na dahilan kung bakit ako masaya ngayon.
"W-wala pa po, Mommy..." sagot ko sa kanya.
"Pwede na. You can entertain guys your age anak."
Ngumiti ako sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa hawak kong libro.
"W-wala pa po 'yon sa isip ko, Mommy. I want to focus on my studies po," sagot ko.
'Yon naman talaga ang totoo. Mas importante sa akin ngayon ang makapag-aral. Mas importante sa akin na maging maganda ang records ko sa school. Knowledge is something that i can used in the future, kahit matapos ang pagpapanggap na 'to. 'Yon ang bagay na hinding-hindi mawawala sa akin.
And above all of that...I want to make Don Joaquin so proud of me. Na ma-relalize niyang deserve ko ang attention niya. Ma-realize niyang achiever ang anak niyang pilit niyang tinatakwil.
Nagkibit balikat si Mommy, hindi pa din siya naniniwala na hindi tungkol doon ang dahilan kung bakit ako halos nakangiti buong araw.
Tinigilan din naman ako ni Mommy tungkol sa topic na 'yon ng maging busy siya sa ibang bagay. Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon, pero aaminin kong hindi na 'yon maalis sa aking isip.
Hindi ko pa kasi nakikita ang sarili ko na magkakaroon ako ng karelasyon. Sa tingin ko kasi ay napaka-komplikado ng pag-ibig, komplikado ang pakikipag-relasyon.
Handa na sana akong magkulong sa kwarto buong araw ding 'yon nang magulat ako dahil sa pagdating ni West Vergara. Si Mommy ang sumalubong sa kanya pagkapasok pa lang niya sa bahay. Hindi naman nakakapagtaka dahil family friend ng mga Escuel ang mga Vergara, pero nakakapagtaka pa din na nandito siya.
"West, Hijo..." salubong ni Don Joaquin sa kanya.
Kagaya kay Arnaldo ay malaki din ang ngiti nito kay West. Gusto ko na lang din talagang maging ibang tao, pakiramdam ko ay baka mas itrato pa niya ako ng tama.
Dahil sa naging pag-uusap nila ay doon ko nalaman ang tunay niyang pakay dito. Sa maagang edad ay nagpakita na daw kaagad si West Vergara ng interest sa kanilang companya. Tinitingala niya si Don Joaquin sa larangan ng business kaya naman kasabay ni Kuya David ay tinuturuan din siya nito.
May inabot siyang folder kay Don Joaquin na mabilis naman nitong tinanggap. Pinasadahan niya lang ng tingin 'yon bago siya tumango na para bang ayos na. May tiwala siya sa gawa nito kaya naman hindi na kailangang suriin pa ng maayos.
"I'll check this later..." sabi pa ni Don Joaquin.
Napanguso na lamang ako at nag-iwas ng tingin sa kanila.
"May ibang lakad ka pa ba?" tanong ni Don Joaquin sa kanya.
"May bibilhin lang pong librong at ibang school requirements," sagot ni West sa kanya.
Napatango si Don Joaquin. Hanggang sa magulat ako dahil sabay silang napalingon ni Mommy sa akin.
"Tamang tama, aalis din si Atheen to buy some school stuff. Bakit hindi na lang kayo magsabay?" suwestyon ni Mommy sa kanya na ikinagulat ko.
"'Yon ay kung ayos lang kay West," si Don Joaquin.
Inaasahan ko na hindi siya papayag. Ayoko din naman na pumayag siya. Kaya ko naman umalis mag-isa.
Mula kay Don Joaquin ay nilingon ako ni West. Hindi naman kami ganoon ka-close pero nagawa ko siyang pandilatan ng mata. Gusto kong sabihin sa kanya na wag siyang pumayag.
"Oo naman po," nakangiting sagot niya sa mga ito kaya naman napa-awang ang bibig ko.
Napapalakpak pa si Mommy, para bang mas natuwa pa siy kesa sa amin. Hindi ko talaga alam kung anong tunay niyang pakay.
Pero ang lahat ng 'yon ay nawala nang magtama ang tingin naming dalawa ni Don Joaquin. Para bang may gusto siyang iparating sa klase ng tingin niya sa akin.
"You behave. I'm sure na magkakasundo kayo nitong si West Vergara," sabi pa niya.
"Surely!" giit ni Mommy.
Dahil sila na ang nagdesisyon para sa akin ay wala na akong karapatan pang tumanggi. Umakyat lang ako sandali sa aking kwarto para magbihis at kuhanin ang gamit ko.
May sariling sasakyan si West at siya na ang nagd-rive nito. Hindi naman na ako dapat pa magtaka. Sa postura kasi niya ay halatang maaga siyang naging independent.
"May lisensya ka? Hindi 'yan peke?" tanong ko.
Ngumisi siya. Mula sa likod na bulsa ng suot na pantalon ay kinuha niya ang leather wallet niya. Binuksan niya 'yon at ipinakita sa akin ang kanyang lisensya.
"Hindi 'to peke..." pagbibida niya sa akin.
Ako na mismo ang nagkabit ng seatbelt sa aking sarili. Mahigpit pa nga ang hawak ko doon.
Nakita ko ang pagsulyap ni West sa mahigpit kong pagkakahawak sa seatbelt kahit pa nakakabit na 'yon sa akin. Imbes na punahin niya 'yon ay tipid na lamang siyang ngumiti at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Habang tumatagal ang pag-andar ng sasakyan ay nawawala din yung kaba na nararamdaman ko. Ma-ingat siya magmaneho.
"Anong mga kailangan mo?" tanong niya sa akin pagdating namin sa mall.
Imbes na sumagot sa kanya ay ipinakita ko ang papel ko na may listahan ng mga kailangan kong bilhin. Muli siyang napangisi, hindi naman masama ang dating no'n sa akin, pero naging kuryoso ako sa kung anong dahilan ng pagngiti niya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na napigilan.
"Parang grocery list nila Manang," puna niya sa listahan ko.
"Anong sabi mo?" tanong ko pinanlakihan ko pa siya ng mata.
Imbes na sumagot ay umiling na lamang ulit siya at ngumiti.
"Let's go..." yaya niya sa akin.
Inilahad niya ang kanyang kamay para sabihing mauna na akong maglakad.
Isang padyak ang ginawa ko bago ako nagumpisang lumakad. Napansin ko kay West na hindi siya ganoong palasalita. Pero ramdam mo siya, alam mo kung ano yung gusto niyang mangyari sa paraan ng galaw niya.
"Ikaw ano bang kailangan mo?" tanong ko pagpasok namin sa bookstore.
"Books..." tipid na sagot niya sa akin.
"May bayad ba magsalita?" tanong ko sa kanya.
Muli siyang napangiti.
"Action speaks louer than words," pagpapa-intindi niya sa akin.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Anong kailangan mo ulit?"
Imbes na magsalita at itinaas na niya ang kamay niya, itinuro niya kaagad sa akin ang aisle na kung nasaan ang mga libro.
"Sige na, doon ka na. Dito ako..." pagtataboy ko sa kanya.
"I'll go with you," pagtataboy ko.
"Wag na...ako na," pigil ko sa kanya.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, tumalikod na ako para pumunta sa aisle kung nasaan ang kailangan ko.
Pero ganoon na lamang ang gulat ko ng mapansin ko ang paglakad niya sa aking likuran.
"I'll go with you," pinal na sabi niya sa akin.
Huminto ako, hinarap ko talaga siya.
"Bakit?"
"Dahil magkasama tayo. Pagkasama mo ako hindi ko hahayaan na hindi mo ko maramdaman..." sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.
Hindi ko inaasahan na manggagaling ang ganoong klaseng mga salita kay West. Korni.
"Pag kasama mo ako...ipaparamdam ko sayong kasama mo ko," giit pa niya. Ayaw pa tumigil.
"Dami mong sinabi," puna ko. Gusto kong matawa pinigilan ko lang.
Nagulat pa ako ng irapan niya ako.
"That's why actions is better..." paliwanag niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro