Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Favorite




Hindi ko na lamang pinansin ang kakaibang ngiti niya sa akin. Kahit tuloy ang pagtingin sa repleksyon sa pintuan ng elevator ay hindi ko na din magawa. Mas matangkad siya sa akin, hindi ko tuloy malaman kung ilang taon na siya.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa tumunog ang elevator na nagsasabing nasa tamang palapag na kami. Tsaka lang ulit kami nagkatinginan dahil inilahad niya ang kamay niya indikasyon na mauna na akong lumabas.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad na lumabas ng elevator, bungad sa akin ang hallway na may glasswall. Kita mo mula doon ang madilim na rooftop. Wala mang liwanag ang buong lugar ay mas lalo ko namang na-appreciate 'yon dahil mas lalong nakita ang ilaw mula sa ibang building.

"Wow..." mahinang sambit ko.

Bumilis ang lakad ko papunta sa may dulo, hindi ko na inalintana pa ang presencya ng nasa likuran ko. Hindi ko na inisip pa kung nakasunod ba siya sa akin o umalis na lang din.

Mula sa aking kinatatayuan ay kita ang buong syudad. Nakahilera ang naglalakihang mga building, ang iba pa dito ay may ilaw ang kabuuan. Hindi ko tuloy lubos ma-isip kung gaano kalaki ang kuryenteng binabayaran nila.

"You like it here?"

Mabilis kong nilingon ang nagsalita sa aking tabi. Tumayo siya sa tabi ko at pansin kong medyo malapit 'yon. Kaya naman ng umihip ang malakas na hangin ay naamoy ko kaagad ang pabango niya.

"Uhm...sakto lang," sagot ko sa kanya at muling itinuon ang buong atensyon ko sa ganda ng tanawin.

Sandali pang naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang siya na mismo ang bumasag no'n.

"Rhiannon...what's your family name again?" tanong niya sa akin.

Nakakunot pa ang noo na para bang sinabi ko na 'yon sa kanya kanina kahit hindi pa naman.

"Atheena," pagtatama ko ng pangalan ko.

Iba sa pakiramdam na matawag sa aking totoong pangalan, pero paniguradong malalagot ako kay Don Joaquin pag narinig niyang tinawag akong Rhiannon.

Sabi pa niya, wala na akong karapatang gamitin ang pangalan na 'yon hangga't binabayaran niya ang pagpapanggap ko. Hindi ko din alam kung hanggang kailan ito. Pero naisip kong sa oras na matapos ang lahat ng 'to, kailangan may ipon ako. Hindi na ako pwedeng bumalik sa dati kong buhay.

"Ok. Atheena..." pilit na tanong niya sa apelyido ko.

Bayolente akong napalunok, may kung ano kasing nakabara sa aking lalamunan. Para bang nahihirapan akong huminga, mabigat ang aking dibdib. Ramdam mo talaga minsan na hindi ka pabor gawin ang isang bagay...napipilitan ka na lang.

"Atheena Escuel," pakilala ko.

Ang ngiti sa kanyang labi ay unti-unting napawi, napalitan 'yon ng gulat.

"You are Atheena Escuel?" tanong pa niya. Halos hindi pa makapaniwala.

Napaawang din ang labi ko. Pero nagawa kong tumango sa kanya ng dahan dahan.

"Ako nga," pag kumpirma ko pa.

Umayos siya ng tayo, mula sa akin ay inilipat niya ang kanyang tingin sa mga naglalakihang building sa harapan namin.

"Hindi kita nakilala kaagad," sabi niya kaya naman muli ko siyang nilingon pero ang buong atensyon niya ay nasa mga building na.

"Hindi naman ako lumalabas ng bahay," sabi ko.

Gusto kong malaman kung ano pa ang koneksyon niya sa totoong Atheena Escuel o sa mga Escuel mismo.

Narinig ko ang kanyang pag ngisi.

"Sabagay..."

Napabuntong hininga na lamang ako at muling inilibot ang tingin ko sa ganda ng tanawin. Napayakap na din ako sa aking sarili dahil sa lamig ng hangin.

Nilingon ko ang aking kasama nang mapansin ko ang kanyang pag galaw. Hinubad niya ang suot niyang coat at tumingin sa akin.

"You can use this," sabi niya sa akin.

Hindi na ako naka-imik pa ng siya na mismo ang nag lagay no'n sa likuran ko. Imbes na magtanong pa at tumanggi ay nag pasalamat na lamang ako sa kanya.

"Thank you."

Ngiti lang ang isinukli niya sa akin, hanggang sa halos magulat ako ng malaman kong alam niya ang pangalan ng bawat building na nasa harapan namin ngayon.

"Paano mo alam?" namamanghang tanong ko sa kanya.

"You need to. Lalo na kung nasa business world ka, you need to know everything about it," sagot niya sa akin.

Nakinig ako ng mariin sa kanya. Business din dapat ang kukuhanin kong course sa college, pero sinabi ni Don Joaquin na gusto ng totoong Atheena Escuel na maging Engineer. Hindi naman ako kumontra pa.

Mas ayos na 'yon kesa naman hindi ako makapag-college.

"Engineer Atheena Escuel..." nakangising tawag niya sa akin kaya naman napanguso ako.

Hindi ko alam kung ano ang mundong kakaharapin ko sa mga susunod pang araw. Alam ko din naman kasi sa sarili ko na hindi 'to ang mundo para sa akin. Kumbaga, pilit ko lang na sinisiksik ang sarili ko. Nakikibagay lang din ako. Kailangan kong maki-bagay. 

Marami siyang sinabi sa akin tungkol sa mga malalaking tao na malalapit sa mga Escuel. Halata na halos kabisado nga talaga niya ang lahat tungkol doon. Mukha siyang intimidating tingnan. Hindi naman masungit, pero siya yung klase ng tao na para bang hindi mo malalapitan basta-basta.

Halata kasi sa aura niya at itsura na hindi siya galing sa basta lang na pamilya. Alam mong may sinabi sa buhay, alam mong kaya kang apakan. Ganoon naman kasi ang ibang may sinabi sa buhay.

"Same tayo ng university," sabi niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Para bang naibsan ang nararamdaman kong takot sa pagpasok doon nang malaman kong nandoon din siya.

"Talaga?"

Mas lalong lumaki ang ngiti niya habang tumatango. Maging siya ata ay ramdam ang relief sa boses ko. Talaga namang nakakagaan ng loob 'yon para sa akin.

"You don't need to worry, may kaibigan ka na kaagad," sabi pa niya sa akin.

Bahagyang tumulis ang nguso ko dahil sa kanyang sinabi. Nakita ko din naman kung paano bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"Hindi tayo magkaibigan," paalala ko sa kanya.

Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay ay natutunan kong hindi magtiwala sa iba. Na ayos lang kung ako na lang mag-isa, hindi na kailangan pa ng mga kaibigan. Paano naman kasi ako magtitiwala sa ibang tao, kung mismong mga kadugo ko nga ay hindi ko mapagkatiwalaan.

Imbes na ma-offend ay tipid siyang ngumiti sa akin.

"Hindi pa sa ngayon. Magiging magkaibigan din tayo," paninigurado niya sa akin.

Sa paraan ng pagkakasabi niya no'n ay para bang siguradong sigurado na talaga siya.

Hindi na lang ako umimik pa. Mukha naman siyang mabait na tao, pero hindi pa din pwede, hindi ako pwedeng ma-attatch sa kahit na sino sa kanila dahil hindi naman permanente ang pananatili ko dito.

Ang lahat ng 'to ay iiwan ko din pagtapos na ang trabaho ko. 

Nag-iisip pa ako ng magulat ako dahil sa paglalahad niya ng kamay sa akin.

"Tara na. Bumalik na tayo sa party," yaya niya sa akin.

Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay. Wala akong balak na hawakan 'yon, pero hindi ko na lang din namalayan na ibinigay ko din ang kamay ko sa kanya at hinayaan siyang hilahin ako paalis doon.

Hindi ko mapagkakaila na magaan kaagad ang loob ko sa kanya. Kumportable kaagad ako sa kanya. Para bang kaya kong gumalaw ng walang pag-aalinlangan.

Kaya kong maging ako. Walang pagpapanggap. 

Tahimik lang kaming dalawa ni West sa loob ng elevator. Mabilis ang takbo no'n kanina, mabilis kaming nakarating sa rooftop. Ngayon, ramdam ko ang pinakamabagal na pagbaba ng elevator.

"Anong nakakatawa?" tanong ko, pagbasag sa katahimikan.

Diretso ang tingin niya sa repleksyon niya sa pintuan ng elevator. Mula kanina pagkapasok namin ay nakangiti na siya.

"Nakangiti ako, hindi ako natatawa. Magka-iba 'yon," paliwanag niya sa akin.

Bahagyang tumalim ang tingin ko sa kanya, inirapan ko pa siya bago ko sinubukang bawiin na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko 'yon nabawi kaagad dahil hindi naman niya 'yon binitawan.

"Pareho lang 'yon," giit ko. Sinabi ko na lang para naman hindi masyadong halata yung pagkapahiya ko dahil hindi ko nabawi ang kamay ko.

Muli siyang ngumisi. "Magka-iba 'yon," giit din niya kaya naman mas lalo akong napa-irap.

Buong akala ko ay hindi na siya magsasalita pa, hanggang sa napansin kong tuluyan na niya akong nilingon.

"Life is not always about black and white," paliwanag niya sa akin.

Halos malukot ang mukha ko dahil sa narinig.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Sa buhay dalawa lang 'yan. Masaya ka o miserable. Swerte o malas," paliwanag ko sa kanya.

"What about the in betweens?" tanong niya sa akin.

Sandali pang nagtagal ang tingin ko sa kanya na para bang hindi ko talaga siya ma-intindihan. Hindi na lang ako sumagot at nagsalita pa, lalo na at akita kong ilang palapag na lang ay bababa na kami.

"Bitaw na," sabi ko sa kanya muli kong sinubukang bawiin ang kamay ko.

Na-tauhan din naman siya. Walang pagdadalawang isip niya ding binitawan ang kamay ko.

"I'm sorry that I made you feel uncomfortable."

Imbes na sagutin pa ang sinabi niya ay tipid na lamang akong umiling sa kanya. Alam naman na niya ang ibig sabihin no'n.

Muling sumalubong sa akin ang ingay ng party kahit kalalabas pa lang namin ng elevator. Kahit kasi sa labas ng function hall ay may mga tao na din, inilibot ko ang paningin ko, nakita kong ni isa sa kanila ay alam kong hindi ko ka-level, ganito pala kadami ang mayayaman sa Pilipinas, saan nanggaling ang mga pera nila?

"Atheena, Hija..." salubong ni Mommy sa akin.

Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ramdam kong totoo 'yon. Bagay na hindi ko kailanman nakita o naramdama kay Mama.

Wala pa man akong sinasabi ay kaagad na siyang yumakap sa akin. I feel the relief in her voice while hugging me tightly.

"Nag-alala ako sa 'yo. Please, don't do that again...magsabi ka," marahang pangaral niya sa akin.

Ginantihan ko ang yakap niya sa akin. Nakalimutan kong may ibang tao sa lugar, nakalimutan kong nasa tabi lang din namin halos si West.

"Atheena," madiing tawag nang papalapit na si Don Joaquin sa amin.

Para 'yon isang putok ng baril. Ramdam ko kaagad ang galit sa boses niya. Na para bang hindi man niya ako masampal dahil maraming tao ay yung mga salita na niya ang gumawa no'n.

"Where have you been? Pinag-alala mo ang Mommy mo," madiing sabi niya. Halos panlisikan din niya ako ng mga mata, pigil na pigil lang.

Alam kong this time ay kasalanan ko kaya naman tinanggap ko 'yon.

"I'm sorry to interupt, Tito...Tita Metis."

Napunta ang atensyon nilang dalawa sa nagsalitang si West.

"Ako po ang kasama ni Atheena," sabi niya sa mga ito na para bang akala niya ay gagaan ang loob ng mga ito kung siya ang kasama.

Bakit, sino ba siya?

"Thank goodness, West. Hijo, ikaw pala ang kasama nitong dalaga namin," sabi ni Mommy sa kanya. May laman pang pang-aasar.

Habang abala si Mommy sa pakikipag-usap kay West ay ramdam ko na kung paano ako tusukin ng mga matatalim na tingin ni Don Joaquin sa akin, ang tingin na 'yon ay nagsasaad na kailangan kong humanda sa magiging parusa ko.

Mula sa kanya ay lumagpas ang tingin ko sa kanyang likuran nang may makita akong pamilyar na mukha. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa nakita. Napansin ata 'yon ni Don Joaquin kaya naman sinundan niya ang tinitingnan ko.

Kita ko din ang labis na gulat sa kanyang mukha dahil sa nakita.

Anong ginagawa ni Mama dito?

Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko kay Mommy na abala pa din sa pakikipag-kwentuhan kay West.

 Ang gulat sa mukha ni Don Joaquin ay kaagad na napalitan ng galit. Buong akala ko ay susugurin na niya si Mama, pero pumihit siya papunta sa akin.

"Umuwi na kayo," bulong niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko, hindi ko alam kung paano ko magagawa 'yon.

"P-paano po?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Mas lalo siyang na-inis.

"Use your brain," inis na sambit niya na may kasama pang pag-irap.

Nagpaalam siya kay Mommy at iniwan ako doon na hindi alam ang gagawin. Hanggang sa umarte na lamang ako na hindi maayos ang pakiramdam ko kaya naman walang pagdadalawang isip na nagpaalam si Mommy sa mga tao sa party na 'yon para lang maka-uwi kaming dalawa.

Napuno ang tenga ko kinaumagahan dahil sa mga sermon na natanggap ko kay Don Joaquin. Pati ang galit niya kay Mama dahil sa pagpunta nito sa party ay sa akin din niya ibinuhos. 

"Do you find West Vergara a potential friend?" tanong ni Mommy sa akin isang hapon habang nasa may garden kaming dalawa.

Mula sa binasa kong libro ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Matamis ang ngiti sa kanyang mga labi, alam ko na kaagad na iba ang pakay niya doon.

Tipid akong umiling. Baka kasi kung magsalita pa ako ay kung ano pa ang masabi ko.

Nakita ko kung paano naging malungkot ang kanyang mukha dahil sa ginawa kong pag-iling.

"Nagpaalam siya kung pwede ka daw ba niyang ipasyal sa labas before the school year starts."

Literal na nalaglag ang panga ko. Pero bago pa man kami muling makapagsalita ni Mommy ay naputol na 'yon dahil sa pag dating ni Don Joaquin. May kasama siyang lalaki na halos kasing edad ko lang din.

Nakita ko kung paano lumibot ang mga tingin niya sa kabuuan ng bahay hanggang sa garden. Hanggang sa lumipat ang tingin niya sa akin, iba ang naramdaman ko sa tingin niyang 'yon. Hindi ko din mapaliwanag.

"This is one of our scholars," pagpapakilala ni Don Joaquin.

Matamis na ngumiti si Mommy.

"Your favorite," pang-aasar niya dito.

Ngumisi si Don Joaquin like he's proud to claim it.

"I want you to meet...Arnaldo Salvador," pakilala niya sa amin dito.




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro