Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

He parked his motorcycle in front of an old looking three-story building. Napatingin ako sa paligid na medyo maingay at busy. May mga batang naglalaro at naghahabulan. Mga nanay na nagkukuwentuhan. Ang ilan nga ay napapatingin sa amin ng kasama ko. May nakita rin akong grupo ng mga teenagers.

"Vince!"

Napatingin din ako sa tumawag. Grupo naman iyon ng mga tatay na nakaupo palibot sa isang maliit na mesa at nag-iinuman. Tinatawag nila ang kasama ko. Iyong isa ay tinaas ang hawak niyang basong may lamang alak.

Umiling lang naman ang kasama ko at ngumiti sa mga ito.

Hinawakan na niya ako sa siko at giniya na paakyat sa hagdan. Tumigil kami sa isang pinto sa huling palapag. Kahit papaano ay tahimik na doon.

Naglabas siya ng susi. He was about to open the door when he halted and turned to me. Tumingin din ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit sinama rin kita dito..." he shook his head. And then he sighed a bit. "Ano'ng pangalan mo?" he asked.

Saglit pa na umawang ang labi ko. "Ria..." I said.

He nodded his head. Tumangu-tango siya at tuluyan nang binuksan ang pintuan to let us in.

Bumungad sa akin ang isang maliit na apartment. His place wasn't that neat but it looked clean. Wala rin masyadong gamit. Pagkapasok ay may luma at maliit na sofa kaharap ang maliit din na television. May nakasarang bintana na walang kurtina. Tapos may nakita akong pinto na siguro sa nag-iisang kuwarto doon at sa gilid mula sa kinatatayuan namin ay ang kusina. Almost close to the kitchen sink was a small dining table for two. The place was really small pero okay naman.

"Vincent," naglahad siya ng kamay sa gilid ko.

I turned to him ang gave him a small smile. "Puwedeng Vince nalang?" sabi ko, recalling what those men called him nang nasa baba pa kami.

Tumango naman siya.

Parang medyo mahaba kasi 'yung Vincent. Vincent... That's his name. Medyo lumaki ang ngiti ko at tinanggap na ang nakalahad niyang kamay.

"Ria," muli kong pagpapakilala.

Nagkatinginan kami.

He sighed visibly. Bumitaw na kami mula sa pakikipagkamay sa isa't isa.

"Okay... 'Yung kanina? Ano ba talaga nangyari? Medyo malayo pa ako pero nakasunod ako sa sinasakyan mong taxi. Doon din kasi daanan ko. Tapos tumigil kayo... tapos 'yun narinig kitang sumisigaw habang pilit kang pinapababa no'ng driver sa sasakyan..."

I nodded. "Thank y-you, Vince." I thanked him. Medyo nanginig ang labi ko sa pagkakaalala ng nangyari.

Tumango rin siya. Pero kita ko ang kaguluhan pa rin sa kanya.

"Naglayas kasi ako sa amin... Tapos 'yon ang nasakyan kong taxi," I explained.

He looked at me from head to toe. Medyo may kunot sa noo niya. "Hindi ka naman mukhang ganoon pa kabata para maglayas..."

I nodded. "Uh, yeah... Biglaan lang din. I did not really plan to leave our house... 'Yung Dad ko kasi, ipapakasal niya ako sa anak ng kasosyo niya sa negosyo..."

Hindi ko pa talaga kilala si Vince pero napakuwento na ako sa kanya. It was the truth anyway,

Tumangu-tango siya. "Dad..." he was almost staring at me. Medyo nakaramdam na ako ng pagkailang. "Mayaman ka? Kita naman." he commented, looking at what I was wearing and my accessories.

"Uh," lalo akong nailang sa tingin niya. But he doesn't looked dangerous at all. He's actually super cute in my eyes. May isang dimple kasi siya sa right cheek niya. And he's manly. Sa suot niyang shirt ay kita ko ang muscles. Sakto lang. Not bulky. Tama lang ang katawan sa mukha niya.

"Hmm?"

Napakurap-kurap ako. Hindi ko namalayang napapatitig na pala ako ng matagal sa kanya.

"S-Sorry! Uh, yes. I mean... oo, 'yon nga... Kaya ako umalis sa amin..." I bit my lower lip.

He nodded. "Wala ka na bang ibang mapupuntahan? Kamag-anak? Kaibigan?" he asked.

I shook my head. "Wala..."

Naisip ko si kuya. He's friends with Jared... And he's busy with his wife. Hindi rin ako palakaibigan talaga. May mga kilala namang kaedad pero dahil din sa negosyo iyon. Masyado ko rin tinuon ang sarili sa pag-aaral and Dad was really strict na halos school at bahay lang din ako. Mabuti nga at naging kaibigan ko na ang asawa ni kuya Alexander. Ayaw ko lang din maging problema pa sa kanila. Hindi pa ganoon ka-ayos ang relasyon nila ni Dad at Kuya. Baka lalo pang hindi bumuti kapag doon ako tumakbo sa kapatid ko.

Muli siyang tumangu-tango. Nilahad niya sa 'kin ang sofa doon sa maliit niyang living room. "Upo ka muna," bahagya siyang napakamot sa batok niya. "baba lang ako bili ng pagkain... Naghapunan ka na ba?"

Umiling ako at ngumiti. Hindi pa talaga ako nakakain sa dinner sa bahay.

"Okay, lock mo muna 'tong pinto. Babalik ako agad. Bili lang akong pagkain sa baba," paalam niya.

I nodded and followed him to the door. Lumabas na muna siya at sinunod ko ang sinabi niya na i-lock 'yung pinto.

Napangiti ako sa sarili ko nang makaalis na siya.

He's nice.

"Kumakain ka ba nyan?" he asked as we were both already seated.

In front of us was his small dining table and the food he just bought outside. Medyo late na para sa dinner at hindi na talaga ako kumakain pa ng heavy kapag ganitong mga oras na. Mommy taught me to just have fruits, instead. She's a health conscious. Kaya she maintained a nice body even in her late forties.

May biniling kanin si Vince para sa amin at,

"Pares 'yan. Paborito ko. Kumakain ka ba?" he asked again.

I looked at the food. Nag-angat ako ng tingin kay Vince at nakangiting tumango. Kahit na ang totoo ay ngayon palang din yata ako makakakain no'n.

We started eating. At sa unang subo palang ay nagustuhan ko na iyong pares na napa-thumbs up ako kay Vince habang ngumunguya. Napangiti siya na mukhang hinintay 'yung magiging reaction ko sa pagkain namin.

"Dito ka na matulog." Vince said as he was changing the sheets of his bed.

I was just standing there near the door of his room. Watching him do the work, without knowing what to do to help him at least...

"Sa labas na ako," he added.

Lumapit siya sa akin nang matapos sa ginagawa.

"Pasensya ka na, maliit lang-"

Maagap akong umiling. "No," iling ko. "I should really thank you for making me stay here in your place. Pinakain mo pa ako ng masarap na dinner. Kahit hindi mo naman talaga ako kilala... And you helped me escaped that bad taxi driver." I smiled at him.

Ngumiti rin siya pabalik. " May mga tanong pa talaga ako sa 'yo... Pero bukas nalang. Magpahinga ka na muna. Magpahinga na muna tayo. Pagod rin ako galing sa trabaho,"

Mabilis akong tumango at muling nagpasalamat sa kanya. Lumabas na siya ng kuwarto at naiwan na akong mag-isa doon.

Tiningnan ko ang suot ko. I was wearing one of Vince's comfortable shirt. Malaki iyon sa akin at halos above the knee ko na kahit pa matangkad din ako. But Vince was way taller. Pinahiram niya rin ako ng boxers niya.

Lumapit na ako sa kama. It wasn't as big as my queen-size bed at home, but it was okay. Malinis naman at mabango. Parang naaamoy ko pa nga ang pabango ni Vince doon na kanina ko pang naaamoy sa kanya. And his scent was actually nice. He smells fresh and clean. Parang iyon nga ang natural niyang amoy.

Humiga na ako doon at sa pagod siguro, it was a long day, ay agad na akong nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro