Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

"Ayaw ko talaga munang umuwi..." I told him.

Nag-usap nga ulit kami kinabukasan. We just had our breakfast. He cooked garlic rice and fried some hotdogs and sunny side-up. Marunong siyang magluto. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil wala akong alam sa pagluluto. But cooking can be learned, right?

He nodded. "Okay,"

Nagkatinginan kami. Muli kaming magkaharap sa two-seater dining table niya.

"Puwede ka naman dito... pero..." he bit his lower lip.

So cute.

He pursed his lips. His dimple showed.

Bahagya niyang naipilig ang ulo. "Nakikita mo naman siguro," sandali niyang nailibot ang tingin sa kabuuan ng apartment niya. And then he focused his eyes on me again. "nagbabayad lang ako ng renta dito... Hindi rin kalakihan ang sinasahod ko sa studio..." umiling siya. He leaned against his seat. Mukha siyang problemado. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya ko bang bumuhay ng isa pa bukod sa sarili ko..."

Natahimik kaming dalawa pagkatapos ng sinabi niya.

Nakatingin lang kami sa isa't isa.

Bumaba na ang mga balikat ko nang muli siyang magsalita. Napaayos din siya ng upo. "H-Hindi, ano, uh..." agap niya. he was looking at me. And I was just also looking at him. "Ang ibig kong sabihin, ano..." he let out a sigh. Unti-unti niya akong nginitian. "Buong buhay ko na kasi, ako lang mag-isa. Sarili ko lang binubuhay ko kaya... Alam mo 'yun? 'Di lang ako sigurado. Pero welcome ka naman dito!" he repeatedly nodded like a kid.

Gusto ko nang mangiti sa reaksyon niya. Why does he have to be so cute?

I nodded. "Sorry, Vince, magiging pabigat pa ako sa 'yo-"

Maagap siyang umiling. "Hindi! Hindi naman," iling niya. "Ayos lang, Ria... Sige, dito ka muna habang ayaw mo pang bumalik sa inyo," he smiled kindly.

Sinuklian ko iyong ngiti niya. "Salamat, Vince."

"You're welcome." he smiled adorably.

Tumayo na kami and I promptly offered to wash the dishes. It was also my first time pero mayroon naman siguro sa YouTube?

I sighed. Hindi pa yata ako nakakapasok sa kusina namin sa bahay para kahit matingnan ang ginagawa ng mga maids doon. Hindi rin mahilig magluto si Mommy. Hanggang dining area lang ako para kumain at may nagsisilbi.

"Sigurado ka?"

"Yes." I assured him with a smile.

"Sige, kasi ma-l-late na rin ako sa trabaho..."

I nodded. "Sige na, ako na muna bahala dito sa apartment mo." I assured.

Napatango na rin siya. "Sige..."

Nag-toothbrush lang siya at nagpaalam nang aalis. I locked the door gaya ng bilin niya. He also told me kung anong oras siya makaka-uwi.

Hinarap ko na ang sink at mga hugasin nang makaalis na si Vince at maisara ko ang pinto.

"Okay,"

Una kong nilinis ang mesa. Nakita ko kagabi si Vince na ginagawa ito matapos naming kumain ng dinner. I wiped the table clean with a piece of cloth. Pagkatapos ay hinarap ko nang muli ang sink.

Naalala kong hindi ko nga pala nadala ang cellphone ko kaya hindi rin makakapanood ng videos sa internet.

May dishwashing liquid doon. I wasn't really sure of what I was doing but I started washing the used utensils with water and then I pour some liquid on the sponge na naroon din. 'Yun ang ginamit ko para masabunan ang mga plato. Praying that what I was doing was right. Pagkatapos ay isa-isa ko nang binanlawan para matanggal ang bula. Parang gaya lang sa pagligo?

Inamoy ko pa at mukhang hindi naman na amoy sabon. Nilagay ko na sa lagayan. At tingin ko tama naman ako.

I actually felt a bit proud of myself dahil nagawa ko iyon.

Napangiti ako and started trying doing other chores. Nagwalis-walis ako and tried arranging some of Vince's things.

When I was satisfied ay naligo na ako at nagsuot muli ng mga damit ni Vince. Habang nagsusuklay sa harap ng salamin ay napuna ko ang suot kong earrings. Bigla akong may naisip. Hinanap ko rin ang tinabing bracelet.

Gusto ko sanang lumabas but I wasn't yet familiar with the place. And medyo may trauma pa ako sa nangyari sa akin. Kaya I decided na hintayin ko nalang si Vince.

He arrived at around 6:30 PM. Nakangiti ko siyang sinalubong. May dala na siya dinner namin. Pares ulit. Bukod sa nasabi niyang favorite niya iyon ay sinabi ko rin sa kanya na kung puwedeng iyon ang dinner namin. Masarap naman kasi talaga. No wonder it's Vince's favorite.

"Naglinis ka?" he asked.

I smilingly nodded.

"Ria," he sighed. "hindi mo naman kailangang linisin ang tirahan ko. Ako rin ang nagsabi na puwede ka rito. Pero hindi mo kailangang..." bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko.

Nilapag niya sa mesa ang dalang pagkain. Pagkatapos kinuha niya ang mga kamay ko. "Tingnan mo, medyo hindi na 'sing lambot gaya nang una kong nahawakan 'to kagabi."

Mula sa mga kamay kong hawak niya ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagkatinginan kami. We fell silent for a while. Tapos ay binitawan niya ang mga kamay ko na para bang nakuryente siya o napaso sa balat ko.

Bahagya na naman siyang napakamot sa batok niya. "Kumain na nga tayo,"

Kumuha na siya ng mga pinggan. Maagap naman akong tumulong.

"Kinain mo ba 'yung iniwan kong tanghalian?" he asked.

I nodded. "Ikaw?" I can't help but asked. Baka kasi ako iniwanan niya ng pagkain tapos siya pala walang lunch.

Pero tumango siya. "Oo, mayro'n naman do'n sa trabaho."

Tumango na ako.

We ate and talked while having dinner. I enjoyed the pares once again. I asked him about his work. Nalaman kong isa pala siyang photographer at nagtatrabaho sa isang studio. Nakuwento pa niya sa akin ang kaibigan at boss niya. At isa pang kasamahan sa trabaho. I was smiling as I was listening to him talk.

Vince was comfortable to be with. He's harmless. Ang gaan niyang kasama. Parang wala siyang gagawin sa 'yong masama and I had this weird feeling na parang ako pa nga 'yung pwedeng manakit sa kanya. He just looked so cute and innocent in my eyes.

Tapos 'yung ngiti niya pa sobrang nakakagaan ng pakiramdam.

"Vince, ito, baka puwede nating ibenta?" I asked showing him my pair of gold earrings and bracelet.

Siya ang naglinis at naghugas ng pinagkainan namin pagkatapos naming kumain. Kahit pa sinubukan kung ipilit na ako na, he did not allow me. Siya talaga ang gumawa kaya hinayaan ko nalang. Hinintay ko nalang na matapos siya.

"Bakit?"

I shrugged. "Bayad ko sa pagpapatira mo sa 'kin dito?"

Pero umiling siya. "Hindi naman talaga kailangan, Ria. Inisip ko kanina, kaya naman pala ng sahod ko tayong dalawa." he said.

Umiling din ako. "Pambayad natin sa apartment? Sige na," pilit ko. "Wala naman itong sentimental value sa akin." Which was true kasi ilan lang naman 'yun sa mga alahas ko sa bahay.

Sa huli ay nagbuntong-hininga nalang siya na kinatuwa ko. Did I just defeat this cutie in our little argument?

Kaya kinabukasan ay dinala niya 'yung earrings ko. Sabi niya dito lang daw muna sa akin iyong bracelet kasi bagay daw sa wrist ko. Hinayaan ko na siya.

Pagkabalik niya galing sa trabaho ay may dala na siyang pera galing sa pagbenta niya ng earrings ko. Binigay niya lahat sa akin.

"Hindi, bayad 'to sa apartment mo-" sumunod ako sa kanya.

"Kakabayad ko lang no'ng isang araw. Bili nalang natin 'yan ng damit mo."

I pouted a bit. I was already comfortable with his big shirts.

Nagkatinginan kami.

"Ria,"

"Huh?"

"Ihi lang ako, labas ka muna?"

Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi ko namalayang sinundan ko na pala siya hanggang sa loob ng banyo.

"O-Oo! Sorry," mabilis akong umatras at tumalikod.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro