Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

Chapter Four

The next day, Vince brought me to a tiangge. Iyon daw ang tawag sa pinuntahan namin kung saan ako nakapamili ng mga damit ko. He also bought me slippers and a pair of nice sandals.

"Kasya," he said habang nasa paanan ko siya at sinusukat sa 'kin 'yung sandals.

Nanatili naman akong nakatayo at nakagat nalang ang pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung nakikiliti ba ako dahil hinahawakan ang paa ko o nakikiliti ako sa loob-loob ko.

Tumayo na si Vince at binalik sa tindera 'yung pares ng sandals para mabalot.

"Ito, Vince," inabot ko sa kanya 'yung pera pambayad pero naunahan na niya ako gamit ang sarili niyang pera.

"Ayos lang." he assured me with a smile.

Hinayaan ko nalang.

"Ayos lang ba mga 'yan sa 'yo?" he asked as we were walking to where we left and parked his motorcycle.

Tapos na kaming mamili.

"Siguradong hindi ka nagsusuot ng mga damit na nabibili lang dito. Siguradong sa mall ka namimili at puro mamahalin mga gamit mo."

Bumaling ako sa kanya at inilingan siya. Tumingin din siya sa akin.

Dapat talaga sa mall niya ako dadalhin but I was afraid na baka may makakita sa akin, makita ako nila Dad. Mahilig pa namang mag-shopping si Mommy.

"Okay ito sa 'kin! Nagustuhan ko nga mga pinamili namin." I assured him.

Totoo naman. Mukhang magaganda rin ang klase ng telang ginamit sa paggawa ng mga damit.

"And, thank you sa sandals. Sobrang nagustuhan ko." I gave him a smile.

He smiled back.

Kumain kami sa isang fast food na ni minsan ay hindi ko pa nakainan. Okay naman ang mga pagkain na sini-serve nila. It was not as bad as how Mommy described it.

"Hindi ka pa talaga nakakakain dito?" Vince asked when I told him. "Kahit noong bata ka pa?"

I shook my head.

It was his off from work kaya nakalabas kami at naipasyal niya ako.

He nodded. "Sabagay, noong bata din ako 'di rin ako nakakapunta dito. Nasa bahay ampunan lang kami." he said na parang wala lang. Muli siyang kumagat sa burger niya.

Natigilan naman ako. "You grew up in an orphanage?" I can't help but ask.

I did not expect that. I was a bit shock knowing it.

Binilisan niya ang pagnguya sa kinakain. Inabutan ko naman siya ng soda. Uminom siya at tumango sa tanong ko.

"Oo, hindi ko na nga nakilala ang totoong mga magulang ko. Sa ampunan na ako halos lumaki."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot para kay Vince.

I was still lucky kasi lumaki ako kasama ang parents ko. Despite Dad being so strict, I cannot deny that he's given me everything that I needed. Growing up I was treated like a princess. Hindi ako nahirapan financially unlike Vince na pinagkakasya ang sahod niya para may pambayad sa apartment niya at water and electricity bills. And other things he needs.

I suddenly missed my parents.

We cannot really choose our parents. But we can always choose to follow them and be the child they deserve. Kasi naniniwala din ako na binigay sa atin 'yung mga magulang na tama para sa atin. Parents na deserve din natin.

It's just sometimes we do not understand them. At ganoon din naman siguro sila sa atin.

"Ria," Vince called me.

Napabaling ako sa kanya. I stared at his face.

Hindi ko pa lang talaga matanggap na ipapakasal nalang ako nila Mom at Dad sa anak ng business partners nila like I was also just some part of their business.

"Okay ka lang?" he asked.

I blinked once.

I nodded. "Yeah," I smiled.

"Pagkatapos, paano ka nakaalis sa orphanage?"

"May umampon sa 'kin no'ng seven ako. Mabait naman 'yung mag-asawa. Noong una. Pero no'ng nasa high school na ako nahuli ni Mama si Papa na may babae. 'Yon, nagsimulang masira ang pagsasama nila. Si Mama kasi hindi siya magkaanak. Kaya nga inampon nila ako. Madalas na akong nadadamay sa mga away nila no'n. Nasasaktan na rin ako ni Papa, nasusuntok 'di kaya nasisipa kapag umaawat ako sa kanila."

Habang nagkukuwento si Vince ay parang dinudurog na ang puso ko just by imagining what he'd been through. Pero parang wala nalang sa kanya habang kinukuwento niya.

"Iniwan kami ni Papa. Palaging naglalasing si Mama no'n. Madalas ako napagbubuntunan niya sa galit niya kay Papa. Nasasampal niya ako. Minsan nababato ng bote ng alak na iniinom niya." he sighed a bit. Nasa labas na ang tingin niya. "Pero tiniis ko. Minahal ko rin sila bilang tinuring ko nang mga magulang ko. Nagpapasalamat din ako sa kanila kasi ako ang napili nilang ampunin sa dami ng mga bata doon sa ampunan. Binihisan nila ako, pinakain ng masarap na pagkain, at pinag-aral. Hindi ko iniwan si Mama kahit naging ganoon na siya. Inaalala ko nalang lagi na hindi naman siya magiging gano'n sa 'kin kung hindi lang kami iniwan ni Papa. Masaya naman kaming tatlo noong una..."

"Isang araw, umuwi ako galing sa graduation ko. Hindi pumunta no'n si Mama o si Papa. Mukhang nawalan na nga talaga sila ng pakialam sa 'kin. Tapos... si Mama... Nadatnan ko nalang siya sa bahay na wala nang buhay... Nagpakamatay siya... Iniwan niya na rin ako kahit 'di ko siya sinukuan. Siguro hindi lang talaga ako sapat."

Nang bumaling siya sa 'kin ay natigilan siya. I was already crying.

"Hala, Ria," tiningnan niya ang mga tao na naroon din sa fast food. "Bakit ka umiiyak?"

Umiling ako at nagpunas ng mga luha.

Vince was looking apologetic as he tried to smile to people who had noticed me crying. Ngumiti nalang din ako sa mga ito.

Vince heaved a sigh nang makalabas at makaalis na kami sa kinainang fast food.

"Sorry, Vince,"

Bumaling siya sa akin. "Ayos lang," medyo nangunot ang noo niya. "Bakit ka ba kasi umiyak doon kanina?"

"Nakakaiyak kasi 'yung... pinagdaanan mo..."

Nagkatinginan kami. And then slowly a smile formed on his soft looking lips. "Matagal na 'yun. Okay na ako ngayon."

Simula nang mawala ang Mama ni Vince ay doon na rin siya nagsimulang mabuhay ng mag-isa. May naiwan sana ito pero kinuha lahat ng Papa niya na asawa nito.

"I am proud of you, Vince," I said as we were already inside his apartment.

Natigilan siya sa pagbaba sa sofa ng mga pinamili namin. He looked at me. I smiled at him.

I was really proud of him. Looking at him now and knowing what he had been through, I know he's a good person. He's a Photographer at nakakaya niyang mabuhay gamit ang perang pinaghihirapan niya sa trabaho. Pati nga ako ay binubuhay na rin niya.

"Thank you," halos patanong niyang nasabi.

It made me chuckle a bit.

He's really always cute.

I considered that day as our first date. Iyong pamimili namin sa tiangge at pagkain sa fast food.

Maybe some might say that nothing's really special about going to tiangge and eating at a fast food. But it gave me the chance to know Vince a bit more.

Alam kong marami pa rin akong hindi alam kay Vince. And I was willing to learn more about him.

I thought I was already having a crush on Vincent Gonzales.

Author's Note: Hello, readers! For copyright reasons I cannot anymore post this story complete here in Wattpad. Please continue reading this story on the Dreame app, or pledge to my Patreon creator page or join my Facebook VIP group for 150/month membership. To join VIP group kindly send a message to my Facebook account Rej Martinez or my Facebook page Rej Martinez's Stories. Thank you so much for your love and support!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro