Prologue
Minsan ka na bang napatanong sa sarili mo kung bakit hindi ka maganda? Bakit ang pangit mo? Bakit ba hindi ka gwapo? Walang nagkakagusto sa'yo.
Ang totoo nyan, we have our own kind of beauty sabi nga sa google. Oo, pero hindi pa rin natin maiwasang manliit sa ating sarili. Lalo na kapag may gusto tayong tao. Pagkatapos ay sobrang ganda ng girlfriend o boyfriend nito. Masasabi mo nalang... How to be you po? Paano maging siya? Para makuha mo rin ang atensyon niya.
Ganyan ka ba? Kasi ako, ganyan ako. Kahit paulit-ulit nila akong sabihan ng tigilan ko na siya, lubayan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil masasaktan lang daw ako.
Madaling sabihin pero ang hirap gawin. Mabuti sana kung sa isang pitik lang ng kamay mawawala na agad ang nararamdaman mo para sa kaniya. Pero hindi eh, mahirap.
Kaya hanggang ngayon patuloy pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya patuloy pa rin akong nagtatanong sa girlfriend niya ng... HOW TO BE YOU PO?
(❀)
33-555-1010107
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro